Nika Para akong naglalaway sa isang pagkain habang nakatingin kay Pierre na hubad barong nagpupukpok. Gumagawa kasi sya ng kuna para sa baby namin. Excited lang? Eh hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko eh. Hinayaan ko na lang sya at ine-enjoy na lang ang mata sa panonood sa kanya. Ang sarap kasing panoorin ang mga masel nyang naggagalawan at nangingintab pa sa pawis. Ganitong ganito ko sya nakita sa talyer nya nung dinalhan ko sya ng pagkain. Pero mas nakakaakit sya ngayon dahil wala syang damit pang itaas kaya malaya ko ring nabibistahan ang malapad nyang dibdib at mga umbok na masel sa tiyan na nangingintab din sa pawis. May ilang butil pa nga na dumadaloy. Parang ang sarap paraanan ng dila. Ay! Ano ba yan self ang halay mo! Ipinilig pilig ko ang ulo. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko maiwasang halayin sa isip si Pierre. Lalo na kapag magkadikit kaming dalawa at naamoy ko sya. Halos isang buwan na rin na walang nangyayari sa amin. Hinihintay ko nga lang sya ang unang kumil
Nika At dumating na nga ang araw ng pinaka hinihintay ng lahat. Ang kasal namin ni Pierre. Kumpleto ang buong pamilya ko kasama na ang ilang kaibigan at kaklase sa school. Nagulat pa nga sila ng makatanggap ng invitation galing sa akin. Present din ang pamilya ni Pierre at mga kaibigan na panay ang kantyaw sa kanya na sinusuklian lang nya ng dirty finger. Sa malaking simbahan ng bayan ng San Jose ginanap ang aming kasal. Suot ang aking puting gown ay hinatid ako ni tatay sa harap ng altar kung saan naghihintay si Pierre na makisig sa suot nyang barong tagalog. Maluha luha pa sya ng ibigay ni tatay ang kamay ko sa kanya. "Ang ganda mo.." Bulong nya sa akin habang inalalayan nya ako. Matamis na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hanggang sa magsimula ang seremonya at magpalitan ng vows at singsing ay kapwa kami naluluha sa labis na kaligayang nadarama. Parang kailan lang nung mahulog ako sa puno ng makopa sa loob ng bakuran nya. Hanggang sa naging magkaibigan sa maiksing panahon at
5 years later... Pierre "Toby anak!" Tawag ko sa tatlong taong gulang kong anak na lalaki. Agad ko syang binuhat mula sa lupa at pinagpag ang maruruming kamay. "Daddy gawa ato sand castle." Sabi nya sa inosenteng mukha. "Hindi naman sand yan anak, lupa yan. Dirty yan eh." Nilapag ko sya sa upuang kahoy at pinunasan ang kanyang kamay ng bitbit kong puting bimpo. Napapalatak pa ako ng makitang may nakasiksik pang lupa sa mga kuko nya. "Anak ka talaga ng.." "Puta?" Napaawang ang labi ko sa salitang namutawi sa labi ng bunso kong anak na tila ba ito ang unang salitang binigkas nya. "Toby bad word yan, don't say that again. Lalo na sa harap ni mommy okay? Kundi magagalit si mommy." Pangaral ko sa kanya. "Gagalit po ti mommy tayo?" "Hindi, sa ating dalawa." "Hindi po gagalit shakin ti mommy kate baby pa ato eh.""Oo na, sakin magagalit si mommy kaya good boy ka na ha?" Kakamot kamot sa ulong sabi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at may inosenteng ngiti sa labi. Binuhat ko n
NIKA"NIKA GISING na! Anong oras na nakahilata ka pa!" Sigaw ni Tiyang Sabel sa labas ng pinto ng kwarto ko. Naiinis kong tinakpan ng unan ang ulo at pumikit. Ano ba naman tong si tiyang parang others! Kitang natutulog pa eh! "Nika, bumangon ka na jan at tanghali na! Kuh ka talagang bata ka napakahirap mong gisingin sa umaga!" Litanya pa rin ni tiyang Sabel habang kinakalampag na ang pinto. Alam kong hindi sya aalis dyan hangga't hindi ako bumabangon. Napakamot sa ulong bumangon na ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang nakasimangot at nakapamaywang kong tiyahin. "Tiyang naman ang aga aga pa eh, tsaka sabado kaya ngayon.." Antok na antok akong sumandal sa hamba ng pinto."Yun na nga! Sabado ngayon araw ng gawaing bahay. Bawal Ang tatamad tamad. Tambak ang labahin yung hugasin di pa nahuhugasan dahil tinulugan mo kagabe. Hala, kumilos ka na at mataas na ang araw, at ako'y tatapusin pa ang nakabinbin na tahiin!" "Ano ba yan tiyang ang dami namang gagawin. Sabado naman ngayo
NIKAKATATAPOS KO lang kopyahin ang ilang lesson sa white board. Sinamsam ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Saktong alas kwatro y media ang labas ko sa university. Lumabas na ang prof at ang ilang kong mga kaklase ay nagsilabasan na rin. Sinukbit ko ang shoulder bag sa balikat ko at lumabas na ng silid. Mag isa ako ngayon na uuwi dahil si Jelly ay nauna na at may gala daw sila ngayon ng mga pinsan nya na galing sa probinsya. Paglabas ko ng gate ay dumiretso muna ako sa hilera ng mga nagtitinda ng meryenda. Bumili ako ng itlog pugo at kikiam. Kinain ko muna ito. Nakakahiya naman kasi kung sa jeep ko pa kakainin. Pagkaubos ay nagbayad na ako. "Nika!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Geoff kasama niya ang mga barkada nya. Patakbo syang lumapit sa akin na may malawak na ngiti sa labi. Di ko sya napansin kanina. Nginitian ko sya. "Uy Geoff". "Pauwi ka na ba?" Tanong nya. "Oo bakit?" "Yayayain sana kita eh, birthday kase ng mama ko may kaunting salo-salo." Aniya
NIKA "Bruno!" Sigaw ng malaking boses ng isang lalaki. Tumigil naman sa pagkahol ang malaking aso. Nakarinig ako ng munting kaluskos."Ayos ka lang miss?" Dahan dahan akong dumilat, una kong namulatan ang dalawang pares ng safety shoes. Tumingala ako unti- unti pataas, pantalong maong na kupas na may butas sa tuhod at muscle shirts na itim ang damit nito. Malalaki ang mga braso nito na may ilang mga minimalist tattoo sa magkabilaan. Umakyat ang mata ko sa malalapad nyang balikat at sa mukha nya. Maninipis na labi na mamulamula, matangos na ilong at pangahan na may ilang tubo ng balbas sa paligid at malalim na mapupungay na mata. Shet! Ang tangkad ni kuya at ang gwapo pa! Kumunot ang noo nya habang nakatitig sa akin. Umuklo sya sa harap ko. "Miss, ayos ka lang?". Pinitik pa nya ang daliri sa mukha ko. Napakurap ako at tumango habang di inaalis ang paningin sa mukha nya na ilang dangkal lang ang lapit sa mukha ko. Bumaba ang tingin nya sa mga tuhod kong may sugat at napakamot s
NIKA HANGGANG SA magpaalam na sa amin si kuya Pierre ay di pa rin maawat sa pagwawala ang puso ko. Tinatanaw ko sya ng tingin palayo ng may pinipigil na ngiti sa labi. Crush ko na sya! Wala sa loob na napahagikgik na lang ako sa kilig at napakagat labi. "Hoy anong nangyayari sa'yo Nika? Para kang naloloka jan?" Hirit pa ni tiyang kaya umayos ako ng tayo at napakamot sa pisngi. "Pumasok ka na sa loob at magpahinga, ako na lang ang maghahatid ng mga tahi sa bayan, saglit lang ako." "Eh kaya nyo ba tiyang? Marami rami yan." Nag aalala ako sa kanya. May katandaan na si tiyang at baka rayumahin na naman sya sa paglalakad. "Kaya ko na, tinext ko naman si Efren at magpapahatid ako sa kanya sa bayan." Tukoy nya sa inaanak na namamasada ng traysikel. "Kayo pong bahala tiyang. Magluluto na lang po ko." "Wag na, marami akong nilutong ulam kaninang tanghalian iinitin na lang yon. Nakapagsaing naman na ako. Magpahinga ka na lang sa loob." Pinal na sabi ni tiyang. Dumating na rin ang tra
NIKA NAGISING AKO pasado alas nuebe na. Mataas na ang araw sa labas, pumapasok na ang sinag sa loob ng kwarto ko. Wala akong pasok ngayon dahil holiday kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising. Pagkatapos ng video call namin ni tatay kagabi ay tinapos ko pang panoorin sa youtube ang limang episode ng turkish drama. Ewan ko ba kung bakit hook na hook ako sa panonood ng turkish drama gaya ng pagkahook ko sa korean drama. Magaganda naman kasi at unpredictable ang susunod na mangyayari. Hindi ko kasi masyadon bet ang pinoy drama dahil bukod sa madalas magpapapareho ng storyline, at puro kabitan pa ay madalad predictable ang susunod na mangyayari kaya wala ng thrill. Niligpit ko ang kumot at pinagpagan ang kutson at unan. Baka makurot ako ni tiyang kapag iniwan kong magulo ang higaan ko. Kinuha ko ang nakahanger na puting tuwalya at pumanaog na. Pagkatapos kong maghilamos sa banyo tumungo akong kusina at nag timpla ng milo na may gatas. Mayroon namang tasty bread at peanut butter sa