NIKA
"Bruno!"Sigaw ng malaking boses ng isang lalaki. Tumigil naman sa pagkahol ang malaking aso. Nakarinig ako ng munting kaluskos."Ayos ka lang miss?"Dahan dahan akong dumilat, una kong namulatan ang dalawang pares ng safety shoes. Tumingala ako unti- unti pataas, pantalong maong na kupas na may butas sa tuhod at muscle shirts na itim ang damit nito. Malalaki ang mga braso nito na may ilang mga minimalist tattoo sa magkabilaan. Umakyat ang mata ko sa malalapad nyang balikat at sa mukha nya. Maninipis na labi na mamulamula, matangos na ilong at pangahan na may ilang tubo ng balbas sa paligid at malalim na mapupungay na mata. Shet! Ang tangkad ni kuya at ang gwapo pa!Kumunot ang noo nya habang nakatitig sa akin. Umuklo sya sa harap ko."Miss, ayos ka lang?". Pinitik pa nya ang daliri sa mukha ko.Napakurap ako at tumango habang di inaalis ang paningin sa mukha nya na ilang dangkal lang ang lapit sa mukha ko.Bumaba ang tingin nya sa mga tuhod kong may sugat at napakamot sa kilay."Kaya mo bang tumayo?" Tanong nya.Sinubukan kong tumayo ng dahan dahan at napaupo ulit sa lupa, ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod at napaigik na lang ako ng sumigid ang kirot ng sugat sa tuhod ko.Napabuntong hininga na lang ang lalaki.Napasinghap ako ng inilagay nya ang braso sa ilalim ng tuhod ko at isa naman sa bewang ko. Binuhat nya ako ng walang ka abog abog, napakapit na lang ako sa leeg nya sa takot na baka mahulog.Ang tigas ng mga braso nyang nakakapit sa akin at amoy ko rin ang mabango nyang hininga na tumatama sa mukha ko."S-saan mo ko dadalhin kuya?" Kinakabahan kong tanong nang maglakad na sya.Syempre mahirap na, kahit na gwapo sya di ko naman sya kilala baka mamaya rapist pala. Nag palinga linga ako baka may mga taong nakakakita sa amin para mahingian ko ng tulong kung sakaling gawan nya ako ng masama."Sa loob, gagamutin natin yang sugat mo." Sabi niya.Napakagat labi na lang ako at di na sumagot. Mukha naman syang mabait. At ewan ko ba, di naman ako nakaramdam ng takot sa kanya kahit na malaking tao sya at kayang kaya akong ihagis palabas ng bakuran nya.Habang pinagmamasdam ko ang gwapo nyang mukha ay may kung ano akong nararamdaman sa loob ko. Paghanga.. Marami na akong nakitang gwapo gaya ni Geoff, pero hindi ako nakaramdam ng ganito. May pagka brusko ang itsura nya at mas lalo lang nakadagdag sa kakikisigan nya. Bruskong gwapo. Sa tantya ko mga nasa trenta na ang edad nya at halatang marami nang karanasan sa buhay.Pagpasok namin sa loob ay maingat nya akong inilapag paupo sa mahabang itim na sofa."Stay here, kukunin ko lang ang first aid kit." Tumango na lang ako at tumalikod na sya.Inilibot ko ang paningin sa loob ng sala, kulay puti ang pintura at kaunti lang ang gamit. May malaking flat screen tv at mahabang sofa at dalawang single na sofa, may lamesitang salamin at sa ibabaw nito ay isang maliit na ornament plant sa ilalim naman ay ilang mga magazine. May stand fan sa gilid na di nakabukas. Hindi naman mainit sa loob dahil nakabukas ang mga bintana at pumapasok ang hangin.Nakita ko ang asong prenteng nakahilata sa gitna ng pinto. Inismiran ko na lang ang asong syang dahilan ng sugat ko sa tuhod."Uminom ka muna."Lumingon ako at inabot ang isang basong tubig na dala ng lalaki, may dala na rin syang first aid kit. Uminom ako habang sinusundan sya ng tingin. Inilapag nya ang kit sa ibabaw ng lamesa. Binuksan ang stand fan at umupo sa lapag sa harap ko."Akin na ang binti mo." Utos nya.Inilapag ko ang baso sa lamesita at dahan dahan itinaas ang mga binti. Hinawakan nya ito at ipinatong ang paa sa hita nya. Kumuha sya ng bulak at nilagyan ng betadine. Hinigit ko ang aking hininga ng dahan dahan nya itong idinampi sa tuhod ko. Napapangiwi ako ng bahagya.Seryoso sya sa ginagawa at kumukunot ang noo. Pansin ko ang pawis na namumuo sa noo nya. Mukha syang init na init pero bukas naman ang fan. Biglang naalala ko si tiyang. Oo nga pala yung tahi naiwan ko sa labas!Napatikhim ako para kunin ang atensyon nito. Tumingala sya sa akin na nakakunot pa rin ang noo."Ahm, sorry po sa abala kuya-""Sa susunod kung gusto mo kumuha ng bunga magpapaalam ka at wag ka basta bastang aakyat ng bakod. Mabuti at itong sugat sa tuhod lang ang nakuha mo. Pa'no kung nabagok ka?" Himig panernermon nya sa akin habang yung isang tuhod ko naman ang ginamot.Natameme ako at nakaramdam ng konting hiya. Kasalanan ko naman."K-kaya nga sorry po.. kanina pa kasi ako tumatawag kung may tao eh wala namang sumasagot." Napanguso na lang ako.Tiningnan lang ako nya at inilapag sa sahig ang paa ko. May gasa na ang magkabilang tuhod ko."Pamangkin po ko ni Sabel yung mananahi po dyan sa kabilang kalsada. Pinahatid lang po nya sa akin yung mga patahi nyo, naiwan ko po sa labas." Nahihiya kong ngiti sa kanya."Oh I see.." Tumango tango sya at tumayo habang nililigpit ang mga bulak pabalik sa lalagyan.Tumayo ako sa harap nya, nagmukha akong maliit na nakatingala sa kanya. Hindi man lang umabot sa baba nya ang ulo ko."Kaya mo na bang maglakad? Wala na bang masakit sayo?" Nakataas ang kilay nyang tanong sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang papa na ikinapula ng aking mukha.Nakita ko pa ang pag taas ng gilid ng labi nya bago sya nag iwas ng tingin."Opo, kaya ko na. Di naman na gaanong masakit. Kukunin ko lang po yung patahi nyo sa labas."Di pa naman ako nakakalampas sa kanya ng hawakan nya ang palapulsuhuhan ko. Tiningnan ko ang malaki nyang kamay na nakahawak sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula rito at nagbibigay ng estrangherong damdamin sa akin. Napalunok ako tiningnan syang nakatunghay sa akin. May kakaibang kislap akong nakita sa mga mata nya."Ako na ang kukuha pagkahatid ko sa'yo sa inyo.""P-po? Naku wag na po! Kaya ko naman na pong maglakad." Tanggi ko habang bumibilis naman ang tibok ng puso ko."No. I insist. Mahirap na baka bigla kang mabuwal sa kalsada." Pinal na sabi nya at nauna nang lumabas.Wala na kong nagawa kundi sundan ito.Papalubog na ang araw at siguradong nag aalala na si tiyang. Di ko naman magawang humakbang ng mabilis dahil sa sugat ko at panghihina pa ng tuhod ko.Hinintay nya ako sa labas ng gate. Nakita ko ang plastik bag na nakasabit na sa rehas. Sinarado nya ang malilit na gate at hinawakan nya ako sa braso para alalayang makatawid. Tiningnan ko sya sa gilid ko at sakto namang lumingon din sya. Nginitian ko na lamang sya sabay iwas ng tingin.Maraming bumabati sa kanya sa mga nadadaanan namin. Mukhang kilala na sya dito lalo na ng mga tambay at boss pa ang tawag sa kanya. May mga nagtatanong din kung ano ang nangyari sa tuhod ko. Nginitian ko na lamang sila hanggang sa matanaw ko na si tiyang sa labas ng maliit namin na gate na nakapamewang."Santisima kang bata ka! Kanina pa kita hinihintay. Saan ka ba nag susuot? At bakit kasama mo si Pierre? Siguro may ginawa ka na namang kalokohan no?" Litanya ni tiyang na salubong ang kilay.So, Pierre pala ang pangalan nya. Sa loob loob ko at di na binigyang pansin ang sinasabi ni tiyang."Ah Aling Sabel, pagpahingahin muna natin si.. ang pamangkin nyo po, nahulog kase sya sa bakod kaya ginamot ko muna." Tiningnan nya muna ako at bumaling kay tiyang."Ano?? At bakit ka nahulog? Anong ginagawa mo sa bakod?" Taranta nang tanong ni tiyang habang tinitingnan ang mga tuhod kong may benda at kinapa kapa pa ang mga braso ko. "May bali ka ba? Anong masakit sayo? Dadalhin kita sa hospital." Bakas sa mukha nya ang pag alala na syang ikinangiti ko."Wala po tiyang. Itong mga tuhod ko lang. Saka ginamot naman na po ni Kuya Pierre."Ang sarap banggitin ng pangalan nya. Masarap din siguro sya.Ay erase! erase! Bad ka Nika. Nahahawa ka na sa kahalayan ni Jelly.Tumikhim ang katabi ko."Wag po kayong mag alala Aling Sabel nalinis ko naman ng maayos yung sugat nya." Paninigurado ni kuya Pierre."Ay ganoon ba. Salamat Pierre sa pag asikaso sa pamangkin at pasensya ka na. May pagka malikot kasi itong pamangkin ko."Napasimangot na lang ako sa itinuran ni tiyang.Napatawa na lang si kuya Pierre."Oh Nika, magpasalamat ka kay kuya Pierre mo." Untag ni tiyang sa akin.Tiningnan ko si kuya Pierre at matamis na ngumiti. "Salamat kuya Pierre. Ang bait mo po. At saka sorry sa abala.""Wala yun, saka wag mo nang uulitin yon. Kung gusto mong kumuha ng bunga pwede kang pumasok sa loob pero dapat andun ako para di ka malapa ni Bruno." Ngumiti sya ng matamis pabalik at masuyong hinimas ang buhok ko.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko na para bang may nagkakarerahang mga daga.Shemay! Anong nangyayari sayo heart?*****NIKA HANGGANG SA magpaalam na sa amin si kuya Pierre ay di pa rin maawat sa pagwawala ang puso ko. Tinatanaw ko sya ng tingin palayo ng may pinipigil na ngiti sa labi. Crush ko na sya! Wala sa loob na napahagikgik na lang ako sa kilig at napakagat labi. "Hoy anong nangyayari sa'yo Nika? Para kang naloloka jan?" Hirit pa ni tiyang kaya umayos ako ng tayo at napakamot sa pisngi. "Pumasok ka na sa loob at magpahinga, ako na lang ang maghahatid ng mga tahi sa bayan, saglit lang ako." "Eh kaya nyo ba tiyang? Marami rami yan." Nag aalala ako sa kanya. May katandaan na si tiyang at baka rayumahin na naman sya sa paglalakad. "Kaya ko na, tinext ko naman si Efren at magpapahatid ako sa kanya sa bayan." Tukoy nya sa inaanak na namamasada ng traysikel. "Kayo pong bahala tiyang. Magluluto na lang po ko." "Wag na, marami akong nilutong ulam kaninang tanghalian iinitin na lang yon. Nakapagsaing naman na ako. Magpahinga ka na lang sa loob." Pinal na sabi ni tiyang. Dumating na rin ang tra
NIKA NAGISING AKO pasado alas nuebe na. Mataas na ang araw sa labas, pumapasok na ang sinag sa loob ng kwarto ko. Wala akong pasok ngayon dahil holiday kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising. Pagkatapos ng video call namin ni tatay kagabi ay tinapos ko pang panoorin sa youtube ang limang episode ng turkish drama. Ewan ko ba kung bakit hook na hook ako sa panonood ng turkish drama gaya ng pagkahook ko sa korean drama. Magaganda naman kasi at unpredictable ang susunod na mangyayari. Hindi ko kasi masyadon bet ang pinoy drama dahil bukod sa madalas magpapapareho ng storyline, at puro kabitan pa ay madalad predictable ang susunod na mangyayari kaya wala ng thrill. Niligpit ko ang kumot at pinagpagan ang kutson at unan. Baka makurot ako ni tiyang kapag iniwan kong magulo ang higaan ko. Kinuha ko ang nakahanger na puting tuwalya at pumanaog na. Pagkatapos kong maghilamos sa banyo tumungo akong kusina at nag timpla ng milo na may gatas. Mayroon namang tasty bread at peanut butter sa
Pierre Beep! Beep! Pinagulong ko paatras ang creeper trolley mula sa ilalim ng 4x4 pick up truck. Tumambad sa akin ang gulong ng isang pamilyar na sasakyan. Bumaba ang front door glass nito at dumungaw ang nakangisi kong kaibigan na nakasuot ng aviator shades. "Pa change oil pare!". Sabi niya na may malaking ngisi sa mukha. Tinawag ko ang isa kong tauhan para i-assist si Lex. Minaniobra na nya ang sasakyan at bumusina pa ng isang beses bago isinakay sa lift. Tumayo ako at tinanggal ang knitted gloves. Nasa loob na ng customer service shop si Lex, prenteng nakaupo sa monoblock habang kinakalikot ang hawak na cellphone. Pinunasan ko ang mga kamay ng malinis na bimpo. Binuksan ko ang ang bottle cooler at kumuha ng dalawang in can. Binigay ko sa kanya ang isa. Hinila ko ang isang monoblock at umupo. Nakaharap ang shop sa highway kaya kita namin ang dumaraan na mga sasakyan. "May mas malapit naman akong talyer sa condo mo pero dito mo pa talaga naisipan mag pa change oil." Napapailin
NikaPUMIKIT AKO ng mariin habang humahagibis ang big bike na sinasakyan namin. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa bewang ni Kuya Pierre sa takot na baka mahulog. First time kong umangkas sa motor kaya ganito na lang aking kaba. "Open your eyes Nika." "Ayoko!" Tanggi ko. Di ko pa rin kayang imulat ang mga mata sa takot. Nakadagdag pa sa takot na nararamdaman ko ang malamig na hanging humahampas sa balat ko. "Come on! Paano mo maeenjoy ang unang ride ng buhay mo kung nakapikit ka!" Tumawa sya at mas binilisan pa ang pagpatakbo. "Kyahhh!". Tili ko at mas humigpit pa ang yakap sa kanya. Di ko na alintana kung halos mapiga na ang dibdib ko sa likod nya. Napamura sya at humagalpak ng tawa."Wag mo akong masyadong panggigilan Nika baka di na ako makahinga!" Aniya. Di ko sya pinansin at tahimik na lang na umusal ng nagdasal. Diyos ko po! Sana buhay akong makauwi! Kahit crush ko tong mamang to, sya una kong mumultuhin pag namatay ako! "Sige na Nika, dilat mo mga mata mo. Di ka magsis
Nika ARAW NG Sabado ngayon at nagkakagulo sa loob ng bahay pagdating ng dalawa kong pinsan. Natapos ako sa paglalaba bago mag tanghalian. Nakaluto na rin si tiyang at dito na rin manananghalian ang dalawa. May dala silang pasalubong na galing pang Maynila na halos puro pagkain kaya naman tuwang tuwa si tiyang. Kinamusta din nila ako at panay ang kulit sa akin kung may boyfriend na daw ba ako at ipakilala sa kanila para makilatis. Bigla naman sumagi sa isip ko si kuya Pierre at ang paghalik nya sa pisngi ko noong nakaraang gabi. Wala sa sariling nangingiti ako na napansin naman ng mga pinsan kong luko luko at kinulit pa ako ng husto. Natatawa na lang ako sa kakulitan ng dalawa. Halatang miss na miss na nila ang unica hija ng pamilya. Miss ko rin naman sila. Nasa hapag kainan na kami at di pa rin humuhupa ang kwentuhan. "Siya nga pala, sa susunod na linggo na ang birthday ko. Gusto ko nandito kayong dalawa kahit wag nyo na akong regaluhan. Magluluto ako ng paborito nyo." Masayang sa
Nika "TAO PO! Kuya Pierre!" Kinatok ko ang maliit na gate at sumilip silip sa loob. May naririnig akong ingay. Lumabas ang asong si Bruno na kumakawag kawag ang buntot at nakalabas ang dila. Lumapit ito sa gate at sumampa sa harapan ko. Nilusot ko ang kamay sa siwang at hinimas ang ulo nito. Mukhang nakilala ako nito pero di gaya ng una kong punta dito, maamo ito ngayon sa akin. "Hi Bruno! Nasaan ang poging amo mo?" Nangingiting kausap ko dito na tila ba ay sasagot ito. Umalis ito at tumungo sa gilid ng bahay at tumahol sa itaas. May nakita akong manhole ladder na nakatayo sa gilid ng bahay. Tumingala ako, napangiti ako ng makita ang bulto ng katawan ni kuya Pierre. Hubad baro sya. Mukhang abala sya sa ginagawa sa bubong at di napansin ang pagtawag ko. Binuksan ko ang maliit na gate na di naman naka lock. Pumasok ako at dumiretso sa gilid ng bahay, lumapit naman sa akin si Bruno. "Kuya Pierre!". Tumingala ako at tinawag sya na sinabayan pa ng tahol ni Bruno. Dumungaw naman sya
Pierre DI KO ALAM kung ano ang pumasok sa isip ko at humantong kami sa sitwasyong ito. Ang alam ko lang ay parang may naguudyok sa akin na gawin ang matagal ko ng gustong gawin. Kay hirap pigilin ng sarili, parang habang nagpipigil ako lalo namang tumitindi ang nararamdaman ko. Nakadaragdag pa na malapit lang sya at naamoy ko, nararamdaman ang init ng katawan nya. Kaya para akong lasing na nawala sa huwisyo at ginawa ang matagal ng ninanais. Ang lambot ng labi nya. Ito na yata ang pinaka malambot na labing natikman ko. Sa kabilang bahagi ng isip ko ay nag aalala ako na baka matakot sya sa ginagawa ko. Pero mas lalo pa akong nahibang ng gumanti sya ng halik, tila tinangay na ng hangin ang natitira ko pang pagtitimpi kaya hinapit ko ang manipis at malambot nyang katawan sa akin. Mas naging mapusok pa ang halik ko sa kanya at naging pangahas ang dila sa paggalugad sa loob ng bibig nya. Batid kong wala pa syang karanasan sa paghalik, kaya may nagdidiwang sa loob ko at mas nimannam ang t
Nika TINANGGAL ko ang airpods na nakapasak sa tenga ko ng makitang alas diyes na pala ng umaga. Sinuksok ko sa bulsa ng shorts ang cellphone ko. Binalik ko ang mga notes sa bag at lumabas ng kwarto para makapag saing na para ulam na lang ang lulutuin ni tiyang pag uwi galing palengke. Ala una y media pa naman ng hapon ang klase ko. Di pa man ako makababa ng hagdan ay parang narinig ko ang boses ni tiyang sa labas. Nakauwi na pala sya. Tinungo ko ang malaking bintanang bukas at dumungaw sa baba sa labas. Nakita ko si tiyang na may hawak na asul na galon na wala ng laman at pinukpok sa ulo ang pobreng si Mang Gabo. "Grabe ka naman Sabel! Di pa nga tayo ina-under mo na ako. Aray ko!" Tatawa tawang hinimas ni Mang Gabo ang ulo. "Anong tayo? Walang tayo! Hindi magiging tayo damuho ka!" Hahampasin pa sana ni tiyang si Mang Gabo ng galon pero mabilis itong nakailag. Natatawa na lang ang boy na kasama ni Mang Gabo pati na rin ang ilang miron na naroon at nanonood sa kanila. "Paano magigi