Nika "TAO PO! Kuya Pierre!" Kinatok ko ang maliit na gate at sumilip silip sa loob. May naririnig akong ingay. Lumabas ang asong si Bruno na kumakawag kawag ang buntot at nakalabas ang dila. Lumapit ito sa gate at sumampa sa harapan ko. Nilusot ko ang kamay sa siwang at hinimas ang ulo nito. Mukhang nakilala ako nito pero di gaya ng una kong punta dito, maamo ito ngayon sa akin. "Hi Bruno! Nasaan ang poging amo mo?" Nangingiting kausap ko dito na tila ba ay sasagot ito. Umalis ito at tumungo sa gilid ng bahay at tumahol sa itaas. May nakita akong manhole ladder na nakatayo sa gilid ng bahay. Tumingala ako, napangiti ako ng makita ang bulto ng katawan ni kuya Pierre. Hubad baro sya. Mukhang abala sya sa ginagawa sa bubong at di napansin ang pagtawag ko. Binuksan ko ang maliit na gate na di naman naka lock. Pumasok ako at dumiretso sa gilid ng bahay, lumapit naman sa akin si Bruno. "Kuya Pierre!". Tumingala ako at tinawag sya na sinabayan pa ng tahol ni Bruno. Dumungaw naman sya
Pierre DI KO ALAM kung ano ang pumasok sa isip ko at humantong kami sa sitwasyong ito. Ang alam ko lang ay parang may naguudyok sa akin na gawin ang matagal ko ng gustong gawin. Kay hirap pigilin ng sarili, parang habang nagpipigil ako lalo namang tumitindi ang nararamdaman ko. Nakadaragdag pa na malapit lang sya at naamoy ko, nararamdaman ang init ng katawan nya. Kaya para akong lasing na nawala sa huwisyo at ginawa ang matagal ng ninanais. Ang lambot ng labi nya. Ito na yata ang pinaka malambot na labing natikman ko. Sa kabilang bahagi ng isip ko ay nag aalala ako na baka matakot sya sa ginagawa ko. Pero mas lalo pa akong nahibang ng gumanti sya ng halik, tila tinangay na ng hangin ang natitira ko pang pagtitimpi kaya hinapit ko ang manipis at malambot nyang katawan sa akin. Mas naging mapusok pa ang halik ko sa kanya at naging pangahas ang dila sa paggalugad sa loob ng bibig nya. Batid kong wala pa syang karanasan sa paghalik, kaya may nagdidiwang sa loob ko at mas nimannam ang t
Nika TINANGGAL ko ang airpods na nakapasak sa tenga ko ng makitang alas diyes na pala ng umaga. Sinuksok ko sa bulsa ng shorts ang cellphone ko. Binalik ko ang mga notes sa bag at lumabas ng kwarto para makapag saing na para ulam na lang ang lulutuin ni tiyang pag uwi galing palengke. Ala una y media pa naman ng hapon ang klase ko. Di pa man ako makababa ng hagdan ay parang narinig ko ang boses ni tiyang sa labas. Nakauwi na pala sya. Tinungo ko ang malaking bintanang bukas at dumungaw sa baba sa labas. Nakita ko si tiyang na may hawak na asul na galon na wala ng laman at pinukpok sa ulo ang pobreng si Mang Gabo. "Grabe ka naman Sabel! Di pa nga tayo ina-under mo na ako. Aray ko!" Tatawa tawang hinimas ni Mang Gabo ang ulo. "Anong tayo? Walang tayo! Hindi magiging tayo damuho ka!" Hahampasin pa sana ni tiyang si Mang Gabo ng galon pero mabilis itong nakailag. Natatawa na lang ang boy na kasama ni Mang Gabo pati na rin ang ilang miron na naroon at nanonood sa kanila. "Paano magigi
Nika NARIRINIG ko ng bumabanat na si tiyang ng paborito nyang makabagbag damdamin na kanta. Marami rami na ring bisita sa labas, mga kapitbahay namin at ilang kaibigan ni tiyang. Dumating din ang tito at tita ko pati na ang dalawa kong pinsan. Mag a-alas syete na ng gabi, katatapos lang mag blow ni tiyang ng cake na dala ng mga pinsan ko. Nag kainan na ang mga bisita, yung iba naman pagkatapos kumain ay nag inuman at nagkantahan. Nag chat si Pierre na male-late sya ng dating dahil may tatapusin sa talyer. Naiintindihan ko naman dahil trabaho yun. Kaya ginugol ko ang oras sa harap ng salamin sa pag re-retouch at pag aayos ng buhok. Dati naman wala akong pakialam sa itsura sa harap ng ibang tao. Pero syempre, iba na ngayon. May nobyo na ako at kailangan lagi akong maganda sa paningin nya. Ngingiti ngiting inayos ko ang ilang takas na buhok sa tuktok ko. Messy bun lang ang ginawa ko sa buhok ko at manipis na make up. Isang white floral dress na may slit ang suot ko. Bumukas ang pinto
Nika NAG INIT ang buong mukha ko sa sinagot ni Pierre. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Parang nanuyo ang lalamunan ko, kaya binasa ko ang labi at kinalma ang pusong tila nagwawala na sa loob. Nakatitig lang sya sa mukha ko at may munting ngisi sa labi. Tinulak ko sya at lumayo sa kanya. Narinig ko naman syang bumuntong hininga at umupo sa hinilang upuan."Anong ako? Hindi ako pagkain no! Gutom lang yan kaya umupo ka na ipaghahain kita." Kumuha ako ng malinis na pinggan at sinandukan sya ng kanin. Marami ang nilagay ko, dahil malaking tao sya kaya malamang malakas syang kumain. Sinandukan ko rin sya ng dalawang putaheng ulam at nilabas sa ref ang isang llanerang leche plan at malamig na juice. "Wow, parang misis na misis na kita ah! Ang swerte ko naman, asikasong asikaso ako ng baby ko." Nangingiting sabi nya na sinusundan lang tingin ang bawat galaw ko. "Kumain ka na nga!" Kunwari'y inirapan ko sya. Inilapag ko ang kutsara't tinidor sa placemat. Akmang tatalikuran ko na sya para it
NikaSINARADO nya ang pinto at nilock. Lumakad sya sa kama ko at nilapag ako. Tinitigan nya muna ako ng ilang sandali bago tumayo ulit at pinatay ang switch ng ilaw. Binuksan ko naman ang lampshade sa gilid ng kama ko na nakadikit sa ding ding. Lumapit sya sa kama ko at hinubad ang pang itaas na damit. Napakagat labi ako ng masilayang muli ang nakakasindak na malaki niyang katawan, idagdag pa ang mga tattoo niya sa mga braso at tagiliran. Halatang batak sya sa work out at sa uri ng trabaho nya. Ngumisi sya ng makita kung paano ko sya hagurin ng tingin. Kinuha nya ang kamay ko at hinila ako patayo sa kama ko. Nakatingala sya sa akin at hinapit ng bewang ko, kinabig ang batok ko at masuyong hinalikan akong muli. Humiwalay sya sa akin at tuluyan nang binaba ang dress ko, naiwan na lang ang maliit na saplot sa ibaba na tinatakpan ang kaselanan ko. Napapalunok na hinagod nya ng tingin at sinusundan ng kamay ang kabuuan ko. Pumisil pisil ang malaki nyang kamay sa dibdib ko at humaplos pa
Pierre BUMANGON ako mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Nika ng maramdaman ko ang malalim nyang paghinga. Pinagmasdan ko ang magandang mukha nya. Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Nakatulog na sya at nakaawang ang mga labi. Bakas ang pagod sa kanyang mukha, pawisan ang noo at kanyang leeg. Sinuot ko na ang brief at pantalon, pinulot ko naman ang bestida at panty nya at nilagay sa isang basket sa gilid. Tinungo ko ang aparador nya at naghanap ng damit at pamunas. Kinuha ko ang bestida na nakahanger at isang bimpo sa may drawer sa ibaba ng apador. Pinunasan ko ang pawis sa noo at leeg nya, pati na rin ang katas kong nakadikit sa malulusog nyang dibdib. Kagat labi kong maingat na pinupunasan ang katawan nya. Napalunok pa ako ng dumako ang kamay ko sa pagkababae nya. Naalala ko ang pakiramdam na nakakabaliw sa sarap ng maglabas masok ako sa masikip na lagusan nya. Wala akong suot na condom, kaya damang dama ko ang init ng kalooban nya. Ngayon lang ako nakipagtalik ng hin
Nika KUNOT noong binalingan ko ang lalaking syang dahilan kung bakit masakit ang pepe ko. Nakataas ang kilay nya na pinagmamasdan ako at ang kislap ng mga mata nya ay tila naaaliw sa reaskyon ng mukha ko. "Bakit may ganito?" Tinaas ko ang maliit na box para ipakita sa kanya. Alam ko naman kung para saan yun. Nakakabigla lang dahil bumili sya nun. "Para hindi ka mabuntis kapag ginawa ulit natin yun." Parang wala lang na sabi nya, hinalik halikan pa ang pisngi ko. Ang hilig manghalik ng mama! Kumagat labi ako at iniisip ang sinabi nya. Binilhan nya ako ng pills dahil ayaw nyang mabuntis ako, at ang panigurado mag sesex ulit kami. Siguradong pulang pula na ngayon ang mukha ko. At sa isiping mauulit ulit yun ay parang nakaramdam ako ng kasabikan. Hoy Nika! Wag kang malibog, masakit pa ang pepe mo! Kastigo ng utak ko. Ipinilig pilig ko ang ulo. "Bakit? Ayaw mo?" "Ha?" "Ayaw mong magpills? Ayaw mong ulitin natin yun?" Paos ang boses na sunod sunod na tanong nya. Nakakunot pa ang no
5 years later... Pierre "Toby anak!" Tawag ko sa tatlong taong gulang kong anak na lalaki. Agad ko syang binuhat mula sa lupa at pinagpag ang maruruming kamay. "Daddy gawa ato sand castle." Sabi nya sa inosenteng mukha. "Hindi naman sand yan anak, lupa yan. Dirty yan eh." Nilapag ko sya sa upuang kahoy at pinunasan ang kanyang kamay ng bitbit kong puting bimpo. Napapalatak pa ako ng makitang may nakasiksik pang lupa sa mga kuko nya. "Anak ka talaga ng.." "Puta?" Napaawang ang labi ko sa salitang namutawi sa labi ng bunso kong anak na tila ba ito ang unang salitang binigkas nya. "Toby bad word yan, don't say that again. Lalo na sa harap ni mommy okay? Kundi magagalit si mommy." Pangaral ko sa kanya. "Gagalit po ti mommy tayo?" "Hindi, sa ating dalawa." "Hindi po gagalit shakin ti mommy kate baby pa ato eh.""Oo na, sakin magagalit si mommy kaya good boy ka na ha?" Kakamot kamot sa ulong sabi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at may inosenteng ngiti sa labi. Binuhat ko n
Nika At dumating na nga ang araw ng pinaka hinihintay ng lahat. Ang kasal namin ni Pierre. Kumpleto ang buong pamilya ko kasama na ang ilang kaibigan at kaklase sa school. Nagulat pa nga sila ng makatanggap ng invitation galing sa akin. Present din ang pamilya ni Pierre at mga kaibigan na panay ang kantyaw sa kanya na sinusuklian lang nya ng dirty finger. Sa malaking simbahan ng bayan ng San Jose ginanap ang aming kasal. Suot ang aking puting gown ay hinatid ako ni tatay sa harap ng altar kung saan naghihintay si Pierre na makisig sa suot nyang barong tagalog. Maluha luha pa sya ng ibigay ni tatay ang kamay ko sa kanya. "Ang ganda mo.." Bulong nya sa akin habang inalalayan nya ako. Matamis na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hanggang sa magsimula ang seremonya at magpalitan ng vows at singsing ay kapwa kami naluluha sa labis na kaligayang nadarama. Parang kailan lang nung mahulog ako sa puno ng makopa sa loob ng bakuran nya. Hanggang sa naging magkaibigan sa maiksing panahon at
Nika Para akong naglalaway sa isang pagkain habang nakatingin kay Pierre na hubad barong nagpupukpok. Gumagawa kasi sya ng kuna para sa baby namin. Excited lang? Eh hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko eh. Hinayaan ko na lang sya at ine-enjoy na lang ang mata sa panonood sa kanya. Ang sarap kasing panoorin ang mga masel nyang naggagalawan at nangingintab pa sa pawis. Ganitong ganito ko sya nakita sa talyer nya nung dinalhan ko sya ng pagkain. Pero mas nakakaakit sya ngayon dahil wala syang damit pang itaas kaya malaya ko ring nabibistahan ang malapad nyang dibdib at mga umbok na masel sa tiyan na nangingintab din sa pawis. May ilang butil pa nga na dumadaloy. Parang ang sarap paraanan ng dila. Ay! Ano ba yan self ang halay mo! Ipinilig pilig ko ang ulo. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko maiwasang halayin sa isip si Pierre. Lalo na kapag magkadikit kaming dalawa at naamoy ko sya. Halos isang buwan na rin na walang nangyayari sa amin. Hinihintay ko nga lang sya ang unang kumil
Nika Pagkatapos ng pag uusap namin ni tatay ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sya nagalit at hindi rin sya natuwa sa balitang natanggap pero tanggap naman nya ang baby na nasa sinapupunan ko. Nagkausap na rin sila ni Pierre at napagpasyahan ngang ikasal kami sa lalong madaling panahon. Hindi na ako kumontra dahil kapakanan ko lang naman ang iniisip nila. Uuwi si tatay sa araw ng kasal namin para maihatid ako sa altar. Sabik na rin akong makita syang muli. Napag usapan din ang tungkol sa aking pag aaral. Nasa akin na daw yun kung gusto kong pagsabayin ang pag aaral at pag bubuntis. Ang sabi naman ni Pierre ay susuportahan naman nya ako sa kung ano ang gusto ko. Ang sabi ko naman ay pag iisipan ko muna. May ilang linggo pa naman bago ang bakasyon. Ayoko munang magdesisyon ng pabigla bigla. Pero sa ngayon ang baby ko muna sa tiyan ko ang pagtutuunan ko ng pansin. Dumating man ang kinatatakutan ko ay nagpapasalamat pa rin ako sa biyayang dumating sa akin, sa amin ni Pierre. Nagpa
Pierre Hanggang ngayon ay para pa rin akong nasa alapaap. Nawala ang kalasingan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doctor kanina. Buntis si Nika! Magkaka baby na kami! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Samu't sari ang nararamdaman ko pero mas lamang ang saya. Natupad ang piping kahilingan ko nung gabing inangkin ko sya sa likod ng bahay nila. Kung tutuusin ilang araw pa lang ang nakakaraan ng hilingin ko yon, ibig sabihin buntis na sya nun."Congratulations anak. Magiging daddy ka na." Dun lang ako napukaw sa pag iisip ng magsalita si Papa at tapikin ako sa balikat. Bakas din sa mukha nya ang katuwaan at pagkasabik."Thanks Pa." Sagot ko at ngumiti. Umupo ako sa upuan habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Nika. Nawalan sya ng malay kanina sa kalagitnaan ng pagsasalita ng doctor. Ang sabi naman ng doctor ay pagod lang sya at hayaan munang magpahinga. Hinalik halikan ko ang palad nya habang nakatingin sa magandang mukha nyang payapang natutulog. Hinaplos ko ang pisng
NikaHindi ko magawang ihakbang ang mga paa palabas sa komedor. Humigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag. Tumahip din ang dibdib ko. "Grace, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko pero ayaw na talaga sayo ni Pierre at wala na akong magagawa dun." "So, hahayaan nyo na lang sya sa batang hampas lupa na yun. Tita naman." "Desisyon na ni Pierre yun. You know naman Pierre, hindi mo sya madidiktahan, kahit ako pa na ina nya. Kaya wag na nating ipilit ang gusto mo. At saka mabait na bata naman si Nika at nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ang gusto ko lang ay ang kaligayahan ng anak ko, at kung yung babaeng yun ang magbibigay ng kaligayahan nya, sino ba ako para hadlangan yun." Litanya ni tita. Napakagat labi naman ako sa sinabi nya at may tuwang umusbong sa aking dibdib. "Eh di mas gusto nyo na nga ang batang yun kesa saken." Mataas na ang boses na saad ng ex ni Pierre. "Grace -- " "Kung hindi nyo ko matutulungan, puwes ako na lang ang gagawa ng paraan." Pinal na sab
Nika Eksaktong alas sais ng gabi ay nasa tapat na ng malaking bahay ng mama ni Pierre ang lulan naming kotse na minamaneho nya. Pinatay na ni Pierre ang makina ng kotse at lumabas, umikot sya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangangang bumaba ako ng kotse habang namamanghang nakatingin sa malaking bahay. Sa tv at sa internet ko lang nakikita ang ganitong klaseng bahay ngayon sa totoong buhay na. "Ayos ka lang?" Tanong ni Pierre at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ko ng hindi inaalis ang tingin sa bahay. "Ang laki pala ng bahay ng mama mo." "Regalo to sa kanya ni Papa. Ipapakilala kita sa kanya mamaya. Pasok na tayo sa loob." Aniya at inakay na ako papasok ng malaking gate. Sinalakay naman ako ng kaba ng sabihin nyang ipapakilala nya ako sa papa nya. Sana gaya ng mama nya ay matanggap din ako ng papa nya. May mangilan ngilan na ring dumadating na sasakyan at pumarada din sa tapat ng malaking bahay na malamang ay mga bisita din. Pagpasok namin sa loob ay mas lalo pa a
Nika Ang gaan lang ng pakiramdam ko kinaumagahan. Parang may natanggal na malaking batong nakadagan sa dibdib ko pagkatapos ng pag uusap namin ng mama ni Pierre. Mabait naman pala sya kahit mukhang kontrabida sa palabas. Kailangan lang sigurong pakisamahan ko sya ng mabuti bilang sya ang ina ng nobyo ko.Pagkatapos ng ginawa namin sa likod bahay ni Pierre kagabi ay nagkwentuhan pa kami. Nalaman kong anak sya sa una ng papa nya at hindi ito sa kasal sa kanyang mama. Tinanong ko rin kung sino yung kasamang babae ng mama nya. Nag alangang pa syang sabihin nung una na ex nya ang babae. Sabi na eh! Kaya ganun kung makatingin sa kanya. Hindi na nya hinabaan ang kwento tungkol dun sa babae ng makitang nakasimangot na ako.. Pawisan ako ng matapos kong isampay ang huling kurtina na binanlawan ko. Sabado ngayon kaya araw ng laba. Maaga akong natapos dahil maaga akong nag umpisa. Balak ko kasing puntahan si Pierre sa talyer pagkatapos ng gawain ko. Ewan ko ba, pero biglang gusto ko syang makit
Nika "Ma, anong ginagawa nyo dito?" Nilingon ko si Pierre na naka kunot ang noong nakatingin sa dalawang babae. Ito ang mama nya? "Dinadalaw ka namin ni Grace anak. Aren't you happy?" Tumayo ang ginang at ang kasama nyang babae. Lumapit sila sa amin at hinalikan ng ginang si Pierre sa pisngi. Tila may kumurot naman sa puso ko ng ang babaeng kasama naman ang humalik sa pisngi ni Pierre at malagkit pa kung makatingin ito. "Pero hindi ito ang bahay ko Ma." Ani Pierre na kumamot pa sa ulo."Ako ang nagpapapunta dito sa sa kanila Pierre. Nakasalubong ko kasi sila kanina at nag tatanong tanong kung saan ang bahay mo. Wala pa naman tao sa bahay mo kaya dito ko na muna sila pinapasok." Nakangiting singit ni tiyang. "Ganun ho ba, maraming salamat ho Aling Sabel." "Mabuti na lang may mabait kang kapitbahay anak." Sabi ng mama nyang nakakapit na sa braso nya. Ang babaeng kasama naman ng ginang ay nakataas ang kilay na nakatingin sa magkahawak naming kamay. Nang makitang nakatingin ako s