NikaHindi ko magawang ihakbang ang mga paa palabas sa komedor. Humigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag. Tumahip din ang dibdib ko. "Grace, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko pero ayaw na talaga sayo ni Pierre at wala na akong magagawa dun." "So, hahayaan nyo na lang sya sa batang hampas lupa na yun. Tita naman." "Desisyon na ni Pierre yun. You know naman Pierre, hindi mo sya madidiktahan, kahit ako pa na ina nya. Kaya wag na nating ipilit ang gusto mo. At saka mabait na bata naman si Nika at nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ang gusto ko lang ay ang kaligayahan ng anak ko, at kung yung babaeng yun ang magbibigay ng kaligayahan nya, sino ba ako para hadlangan yun." Litanya ni tita. Napakagat labi naman ako sa sinabi nya at may tuwang umusbong sa aking dibdib. "Eh di mas gusto nyo na nga ang batang yun kesa saken." Mataas na ang boses na saad ng ex ni Pierre. "Grace -- " "Kung hindi nyo ko matutulungan, puwes ako na lang ang gagawa ng paraan." Pinal na sab
Pierre Hanggang ngayon ay para pa rin akong nasa alapaap. Nawala ang kalasingan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doctor kanina. Buntis si Nika! Magkaka baby na kami! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Samu't sari ang nararamdaman ko pero mas lamang ang saya. Natupad ang piping kahilingan ko nung gabing inangkin ko sya sa likod ng bahay nila. Kung tutuusin ilang araw pa lang ang nakakaraan ng hilingin ko yon, ibig sabihin buntis na sya nun."Congratulations anak. Magiging daddy ka na." Dun lang ako napukaw sa pag iisip ng magsalita si Papa at tapikin ako sa balikat. Bakas din sa mukha nya ang katuwaan at pagkasabik."Thanks Pa." Sagot ko at ngumiti. Umupo ako sa upuan habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Nika. Nawalan sya ng malay kanina sa kalagitnaan ng pagsasalita ng doctor. Ang sabi naman ng doctor ay pagod lang sya at hayaan munang magpahinga. Hinalik halikan ko ang palad nya habang nakatingin sa magandang mukha nyang payapang natutulog. Hinaplos ko ang pisng
Nika Pagkatapos ng pag uusap namin ni tatay ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sya nagalit at hindi rin sya natuwa sa balitang natanggap pero tanggap naman nya ang baby na nasa sinapupunan ko. Nagkausap na rin sila ni Pierre at napagpasyahan ngang ikasal kami sa lalong madaling panahon. Hindi na ako kumontra dahil kapakanan ko lang naman ang iniisip nila. Uuwi si tatay sa araw ng kasal namin para maihatid ako sa altar. Sabik na rin akong makita syang muli. Napag usapan din ang tungkol sa aking pag aaral. Nasa akin na daw yun kung gusto kong pagsabayin ang pag aaral at pag bubuntis. Ang sabi naman ni Pierre ay susuportahan naman nya ako sa kung ano ang gusto ko. Ang sabi ko naman ay pag iisipan ko muna. May ilang linggo pa naman bago ang bakasyon. Ayoko munang magdesisyon ng pabigla bigla. Pero sa ngayon ang baby ko muna sa tiyan ko ang pagtutuunan ko ng pansin. Dumating man ang kinatatakutan ko ay nagpapasalamat pa rin ako sa biyayang dumating sa akin, sa amin ni Pierre. Nagpa
Nika Para akong naglalaway sa isang pagkain habang nakatingin kay Pierre na hubad barong nagpupukpok. Gumagawa kasi sya ng kuna para sa baby namin. Excited lang? Eh hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko eh. Hinayaan ko na lang sya at ine-enjoy na lang ang mata sa panonood sa kanya. Ang sarap kasing panoorin ang mga masel nyang naggagalawan at nangingintab pa sa pawis. Ganitong ganito ko sya nakita sa talyer nya nung dinalhan ko sya ng pagkain. Pero mas nakakaakit sya ngayon dahil wala syang damit pang itaas kaya malaya ko ring nabibistahan ang malapad nyang dibdib at mga umbok na masel sa tiyan na nangingintab din sa pawis. May ilang butil pa nga na dumadaloy. Parang ang sarap paraanan ng dila. Ay! Ano ba yan self ang halay mo! Ipinilig pilig ko ang ulo. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko maiwasang halayin sa isip si Pierre. Lalo na kapag magkadikit kaming dalawa at naamoy ko sya. Halos isang buwan na rin na walang nangyayari sa amin. Hinihintay ko nga lang sya ang unang kumil
Nika At dumating na nga ang araw ng pinaka hinihintay ng lahat. Ang kasal namin ni Pierre. Kumpleto ang buong pamilya ko kasama na ang ilang kaibigan at kaklase sa school. Nagulat pa nga sila ng makatanggap ng invitation galing sa akin. Present din ang pamilya ni Pierre at mga kaibigan na panay ang kantyaw sa kanya na sinusuklian lang nya ng dirty finger. Sa malaking simbahan ng bayan ng San Jose ginanap ang aming kasal. Suot ang aking puting gown ay hinatid ako ni tatay sa harap ng altar kung saan naghihintay si Pierre na makisig sa suot nyang barong tagalog. Maluha luha pa sya ng ibigay ni tatay ang kamay ko sa kanya. "Ang ganda mo.." Bulong nya sa akin habang inalalayan nya ako. Matamis na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hanggang sa magsimula ang seremonya at magpalitan ng vows at singsing ay kapwa kami naluluha sa labis na kaligayang nadarama. Parang kailan lang nung mahulog ako sa puno ng makopa sa loob ng bakuran nya. Hanggang sa naging magkaibigan sa maiksing panahon at
5 years later... Pierre "Toby anak!" Tawag ko sa tatlong taong gulang kong anak na lalaki. Agad ko syang binuhat mula sa lupa at pinagpag ang maruruming kamay. "Daddy gawa ato sand castle." Sabi nya sa inosenteng mukha. "Hindi naman sand yan anak, lupa yan. Dirty yan eh." Nilapag ko sya sa upuang kahoy at pinunasan ang kanyang kamay ng bitbit kong puting bimpo. Napapalatak pa ako ng makitang may nakasiksik pang lupa sa mga kuko nya. "Anak ka talaga ng.." "Puta?" Napaawang ang labi ko sa salitang namutawi sa labi ng bunso kong anak na tila ba ito ang unang salitang binigkas nya. "Toby bad word yan, don't say that again. Lalo na sa harap ni mommy okay? Kundi magagalit si mommy." Pangaral ko sa kanya. "Gagalit po ti mommy tayo?" "Hindi, sa ating dalawa." "Hindi po gagalit shakin ti mommy kate baby pa ato eh.""Oo na, sakin magagalit si mommy kaya good boy ka na ha?" Kakamot kamot sa ulong sabi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at may inosenteng ngiti sa labi. Binuhat ko n
NIKA"NIKA GISING na! Anong oras na nakahilata ka pa!" Sigaw ni Tiyang Sabel sa labas ng pinto ng kwarto ko. Naiinis kong tinakpan ng unan ang ulo at pumikit. Ano ba naman tong si tiyang parang others! Kitang natutulog pa eh! "Nika, bumangon ka na jan at tanghali na! Kuh ka talagang bata ka napakahirap mong gisingin sa umaga!" Litanya pa rin ni tiyang Sabel habang kinakalampag na ang pinto. Alam kong hindi sya aalis dyan hangga't hindi ako bumabangon. Napakamot sa ulong bumangon na ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang nakasimangot at nakapamaywang kong tiyahin. "Tiyang naman ang aga aga pa eh, tsaka sabado kaya ngayon.." Antok na antok akong sumandal sa hamba ng pinto."Yun na nga! Sabado ngayon araw ng gawaing bahay. Bawal Ang tatamad tamad. Tambak ang labahin yung hugasin di pa nahuhugasan dahil tinulugan mo kagabe. Hala, kumilos ka na at mataas na ang araw, at ako'y tatapusin pa ang nakabinbin na tahiin!" "Ano ba yan tiyang ang dami namang gagawin. Sabado naman ngayo
NIKAKATATAPOS KO lang kopyahin ang ilang lesson sa white board. Sinamsam ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Saktong alas kwatro y media ang labas ko sa university. Lumabas na ang prof at ang ilang kong mga kaklase ay nagsilabasan na rin. Sinukbit ko ang shoulder bag sa balikat ko at lumabas na ng silid. Mag isa ako ngayon na uuwi dahil si Jelly ay nauna na at may gala daw sila ngayon ng mga pinsan nya na galing sa probinsya. Paglabas ko ng gate ay dumiretso muna ako sa hilera ng mga nagtitinda ng meryenda. Bumili ako ng itlog pugo at kikiam. Kinain ko muna ito. Nakakahiya naman kasi kung sa jeep ko pa kakainin. Pagkaubos ay nagbayad na ako. "Nika!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Geoff kasama niya ang mga barkada nya. Patakbo syang lumapit sa akin na may malawak na ngiti sa labi. Di ko sya napansin kanina. Nginitian ko sya. "Uy Geoff". "Pauwi ka na ba?" Tanong nya. "Oo bakit?" "Yayayain sana kita eh, birthday kase ng mama ko may kaunting salo-salo." Aniya