Share

Chapter 6

Pierre

Beep! Beep!

Pinagulong ko paatras ang creeper trolley mula sa ilalim ng 4x4 pick up truck. Tumambad sa akin ang gulong ng isang pamilyar na sasakyan. Bumaba ang front door glass nito at dumungaw ang nakangisi kong kaibigan na nakasuot ng aviator shades.

"Pa change oil pare!". Sabi niya na may malaking ngisi sa mukha.

Tinawag ko ang isa kong tauhan para i-assist si Lex.

Minaniobra na nya ang sasakyan at bumusina pa ng isang beses bago isinakay sa lift. Tumayo ako at tinanggal ang knitted gloves. Nasa loob na ng customer service shop si Lex, prenteng nakaupo sa monoblock habang kinakalikot ang hawak na cellphone.

Pinunasan ko ang mga kamay ng malinis na bimpo. Binuksan ko ang ang bottle cooler at kumuha ng dalawang in can. Binigay ko sa kanya ang isa. Hinila ko ang isang monoblock at umupo. Nakaharap ang shop sa highway kaya kita namin ang dumaraan na mga sasakyan.

"May mas malapit naman akong talyer sa condo mo pero dito mo pa talaga naisipan mag pa change oil." Napapailing na tinungga ko ang malamig na incan.

Tumawa sya sabay tungga na rin ng binigay kong incan.

"Syempre namiss kita eh."

"Ang sabihin mo nangangati na naman ang mga paa mo." Mahilig kase lumakwatsa ang kaibigan ko. Kung saan saan nakakarating at kung sino sinong babae ang kasama. Sa bawat destinasyon ay iba't iba ang babae.

Nagkibit balikat sya at nag dekwatro.

"Wala eh, mayaman ako kaya palakwa-lakwatsa na lang." Sabay ngisi nya ng nakakaloko.

"Tss, mauubos din ang pera mo gago." Nginisihan ko din sya pabalik at inubos ang laman ng incan.

Kahit naman lumakwatsa sya ng buong taon di naman sya maghihirap. Tumutulong sya sa pagpapatakbo ng kumpanya ng pamilya nila at may mataas na position. Bukod doon may sarili na rin syanh pinagkakakitaan. Stable na rin sya sa buhay at kung gugustuhin pwede na syang lumagay sa tahimik, ang magkapamilya. Pero gaya ko mukhang wala pa syang balak na lumagay sa tahimik.

"Mukhang maganda ang takbo ng talyer mo ah." Sinuyod nya ng paningin ang kabuuan ng talyer. May kalakihan ito at may anim na lifter na may iba't ibang klase ng sasakyan ang naka angat, mayroon pang ibang sasakyan ang nakapila at naghihintay ng serbisyo nila.

"Pag maganda ang serbisyo babalikbalikan ka ng customer." Sabi ko.

"Tama, parang babae lang. Pag maganda ang performance babalikbalikan ka." Tumawa kaming pareho sa tinuran nya.

"Pero di ka ba talaga nanghinayang na pinakawalan si Kesca? Halos tatlong taon din kayong nagkasama." Hirit pa nya.

"Magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan na nagkakangkangan." Dugtong nya sabay tawa.

"Gago." Binato ko sya ng basyo ng incan. Nakailag sya.

"Pero seryoso pare, hindi ka ba talaga nanghihinayang? Akala nga ng mga kaibigan natin kayo magkakatuluyan eh."

Sumandal ako at pinagsalikop ang mga palad sa batok ko.

"Kesca is a fine woman. She deserve to be happy. Kahit pa sa piling ng siraulo nyang ex, kung doon sya liligaya sino ba naman ako para hadlangan sya."

"Wow, selfless yan?" Pang aasar pa nya sabay ngisi.

Di naman ako nagsisisi na pinakawalan si Kesca dahil wala talagang kami. Kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya ay di yun ganoon kalalim. Kaya wala akong makapang pagsisisi sa sarili. Wala pang babaeng nakakapukaw ng interes sa puso ko. Ang babaing magpapatino sa maligalig kong puso. Puro libog lang kasi ang nararamdaman ko sa bawat babaeng matitipuhan ko at ang ending sa kama ang bagsak namin. Kung minsan nagsasawa na rin ako. Di na ako bumabata. Sa susunod na taon ay trenta y dos na ko.

Pero may isang babaeng nakakapagpangiti sa akin sumagi lang sya sa isipin ko. Nag iiba din ang reaksyon ng katawan ko maiisip ko lamang sya. May mga gabi pa na sya ang laman ng panaginip ko at pinagsasaluhan namin ang makamundong pagnanasa.

Mahigit isang linggo na rin ng mangyari ang aksidente sa bakuran ko. Pumupunta ako minsan sa bahay nila at dinadalhan sya ng makopa. Magiliw nila akong kinakausap ng tiya niya. Nabubuo na ang araw ko makita ko lang ang maganda nyang mukha na nakangiti sa akin. Meron nga lang parte sa loob ko ang nagproprotesta pag tinatawag nya akong kuya. Ayaw kong tinuturing nya akong parang kuya habang ako ay iba ang turing sa kanya ng mahalay kong utak.

Hanggat maaari ay pipigilan ko ang nararamdaman ko. Masyado syang bata sa akin. Ayaw ko namang mabansagang cradle snatcher.

***

Pauwi na ako galing resto bar na pinuntahan namin ni Lex. Kumain kami at uminom ng kaunti. Pasado alas nuebe na ng gabi, binabaybay ko ang kahabaan ng highway sakay ng aking bigbike.

May mangilan ngilan pang bukas na establishimento at may ilan pang naglalakad pauwi galing sa eskwela o trabaho. Pagtapat ko sa isang fast food chain ay may nakita akong pamilyar na pigura. Nakasuot ito ng puting blouse na nakatuck in sa hapit na pantalon nito. May sukbit itong maliit na bagpack sa likod habang busy sa cellphone nito. Nika!

Napangiti ako at huminto sa tapat nya. Nag angat sya ng tingin at salubong ang kilay na tiningnan ang mukha kong natatakpan ng helmet.

Bakit gabing gabi na nasa lansangan pa sya.

Tinanggal ko ang helmet na suot. Nagliwanag naman ang maganda nyang mukha at ngumiti ng matamis.

"Kuya Pierre, ikaw pala! Akala ko kung sino na." Nakangiting wika nya.

Ayan na naman yung kuya nya.

"Bakit? May iba ka bang inaasahan?" May himig kong tukso na tanong sa kanya. Baka mamaya may iba syang inaasahan na makita sa harap nya. Boyfriend kaya nya?Parang gusto kong mairita sa isiping makikitagpo sya sa boyfriend nya.

Maisumbong nga Kay Aling Sabel. Gabing gabi na nakikipagkita pa tsk!

"Wala kuya, nagulat lang ako sumulpot ka sa harap ko." Ngumuso pa sya. Pinatay na nya ang cellphone at nilagay sa loob ng bag.

Tumango ako.

"Puwi ka na ba? Bakit mag isa ka lang?" tanong ko.

"Oo eh, iniwan na nila ako at nag siuwian na, magkaiba kase ang way na daraanan namin pauwi." Depensa nya.

"Ganun ba. Sige sumabay ka na sa akin pauwi na rin ako." Sabi ko. Mahirap na at baka may luluko lukong gawan pa to na masama. Takaw pansin pa naman ang itsura nito.

"Naku, wag na kuya! Mamasahe na lang ako." Tanggi nya.

"Hindi na, sumabay ka na sakin. Mahirap na at gabi. Baka mamaya wala ka ng makasabay sa jeep." Pinal kong sabi. Sa tonong di sya pwedeng tumanggi.

"Eh.. di ako marunong umangkas ng motor kuya at saka natatakot ako baka mahulog ako.." Katwiran niya at napakamot pa ng pisngi habang pinapasadahan ng tingin ang bigbike ko.

Tinitigan ko sya ng ilang sandali at napangisi. Pwede pala yun, yung maganda ang isang babae at the same time nagiging cute din. Kagaya nitong nasa harap ko.

"Akong bahala sayo, tara na!" Hinila ko ang braso nya palapit at inalalayang makaupo sa likuran ko. Nalalanghap ko mabangong amoy nya nanunuot sa ilong ko. Napamura ako ng nang mag react ang nasa pagitan ng hita ko. Ganito ang epekto sa akin ng babaeng to, amoy pa lang nya tinitigasan na ako.

"Humawak ka sa akin."

Nilagay naman nya ang mga kamay sa balikat ko at kumapit ng mahigpit.

Napabuntong hininga ako at inalis ang mga kamay nya sa balikat ko at ipinulupot ang mga braso nya sa baywang ko. Lihim akong napasinghap ng maramdaman ang malambot nyang dibdib na nakadikit sa likod ko.

"Kumapit kang mabuti. Ayos ka lang dyan?". Paninigurado ko pa sa kanya.

"Oo kuya, basta wag masyadong mabilis ah!". Habilin nya sa akin.

Sinilip ko sya sa likod. Mukhang takot na takot nga. Nakapikit pa sya at mas hinigpitan pa ang yakap sa bewang ko.

"Opo!" Natatawang sabi ko. Sinuot kong muli ang helmet. Pinaalalahan ko ang sarili na bumili ng isa pang helmet para sa kanya. Dahil sisiguraduhin kong di ito ang huling beses na aangkas sya sa big bike ko.

Tumawa ako ng tumili sya ng pinaharurot ko na ang motor ko.

Mukhang maganda ang magiging tulog ko mamaya.

******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status