Share

Chapter 24

Pierre

Napalingon ako sa labas ng gate mula sa pagpapalit ng langis sa big bike ko ng makarinig ng sunod sunod na busina. Nag ingay na rin si Bruno at tumakbo sa gate. Tumayo na rin ako para silipin.

Dalawang pamilyar na sasakyan ang nasa tapat ng gate ko na nakaparada. Bumuntong hininga ako at nagpunas ng kamay bago lumakad papuntang gate. Lumabas naman ang apat kong mga kaibigan at kumaway pa sa akin.

Anong ginagawa ng mga to dito?

Kunot noong binuksan ko ang maliit na gate at isa isang nagpasukan ang mga ito. Tumigil naman sa pagkahol si Bruno at kumawag ang buntot na lumapit kay Dan. Lapitin kasi ng hayop to.

"Nice place bro." Puna ni Lex habang nililibot ang paningin sa bakuran ko. Bungalow type ang bahay at old style. Ganito rin ang style ng bahay namin sa Laguna. Kaya nung naisipan kong bumili ng bahay dito para may matuluyan ay sakto namang binebenta to kaya binili ko.

"Yeah, thanks."

"And nice friendly neighborhood you have pare. Muntik na kaming iligaw kung di lang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status