Share

Chapter 28

Nika

"Geoff!"

Parang nagliwanag ang kapaligiran ko ng makita ko sya. Patakbo akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kumapit sa braso nya.

"Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nya at kunot noong hinagod ng tingin ang madungis kong kabuuan. Napatiim bagang sya ng magtagal ang paningin nya sa mukha ko partikular sa gilid ng labi ko na may sugat.

"Y-Yung mga kaibigan mo kikidnapin nila ako." Mangiyak ngiyak at walang patumpik tumpik na sumbong ko sa kanya sabay turo sa mga kaibigan nya na nagsisiatrasan na. Nilingon naman nya ang tinuro ko.

"Jun? Mayla? Anong ibig sabihin nito?" Tila naguguluhan na tanong nya sa mga kaibigan.

"I-Iniimbitahan lang naman namin sya Geoff." Sabi ng lalaking tinawag na Jun na may nerbyos na ngiti sa labi. Sumegunda naman ang mga kasama nya. "Pero kung ayaw nya hindi na naman sya pipilitin." Dugtong pa nya na may sinusupil na ngisi sa labi at humakbang paatras.

Naalarma naman ako. Niyugyog ko ang braso ni Geoff.

"P-P
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eliza Samia
update????
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status