NikaSarap na sarap ako sa kinakaing bananacue habang nanonood ng mga naglalaro ng basketball. "Go Ethan! Woooohhh! Galingan mo baby!" Parang iniipit sa tinggil na tili ni Jelly. Lumayo ako sa kanya ng kaunti dahil baka matalsikan ng laway nya ang pagkain ko. "Yess! Shoot that ball baby! Shoot that ball! Yesss!" Tumayo pa sya at pumalakpak ng tagumpay na ipasok ng lalaki ang bola sa basket. Pinaulanan pa nya ito ng flying kiss na ginantihan naman ng lalaki kaya para na syang bulateng inasinan na kumikiwal kiwal sa kilig. Natatawa na lang ang ilang kapwa namin estudyante na nanonood pero may mga ilan na tinataasan sya ng kilay at iniirapan lalo na ang mga babae. "Shet! Ang gwapo talaga ni Ethan. Nakakabasa." Walang hiyang sambit nya. Ngumiwi na lang ako sa tinuran nya. "Kung kiligin parang walang jowa ah." Pasaring ko sa kanya habang ngumunguya. Umupo muli sya at umusod patabi sa akin. "Porke't may jowa bawal ng kiligin?" Nakataas ang kilay bwelta nya. Inirapan ko lang sya."Kul
Nika "Geoff!" Parang nagliwanag ang kapaligiran ko ng makita ko sya. Patakbo akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kumapit sa braso nya. "Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nya at kunot noong hinagod ng tingin ang madungis kong kabuuan. Napatiim bagang sya ng magtagal ang paningin nya sa mukha ko partikular sa gilid ng labi ko na may sugat."Y-Yung mga kaibigan mo kikidnapin nila ako." Mangiyak ngiyak at walang patumpik tumpik na sumbong ko sa kanya sabay turo sa mga kaibigan nya na nagsisiatrasan na. Nilingon naman nya ang tinuro ko. "Jun? Mayla? Anong ibig sabihin nito?" Tila naguguluhan na tanong nya sa mga kaibigan. "I-Iniimbitahan lang naman namin sya Geoff." Sabi ng lalaking tinawag na Jun na may nerbyos na ngiti sa labi. Sumegunda naman ang mga kasama nya. "Pero kung ayaw nya hindi na naman sya pipilitin." Dugtong pa nya na may sinusupil na ngisi sa labi at humakbang paatras. Naalarma naman ako. Niyugyog ko ang braso ni Geoff. "P-P
Nika Mahimbing ang tulog ko kagabi dahil na rin nasa tabi ko si Pierre at binantayan ako hanggang sa makatulog. Nagising ako bandang alas otso na ng umaga at naabutan sya sa ibaba na nagluluto ng almusal. Hindi muna daw sya papasok sa talyer para maalagaan ako. Si tiyang naman ay pumunta ng presinto kasama si tiyong Gabo para pormal na magsampa ng kaso. Pinasabihan din ako ni tiyang na wag munang pumasok at magpahinga muna. Yun din naman ang balak ko, ang hindi muna pumasok. Makiki text na lang ako mamaya kay Pierre. Malamang balita na rin sa school ang nangyari. Parang hindi ko pa kayang lumabas, may takot pa rin akong nararamdaman.Hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganoong karahasan na sa mga balita ko lang napapanood. At sa mga tao pang araw araw mo nakikita at nakakasama sa loob ng eskwelahan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa nangyari sa akin kahapon. Parang isang masamang panaginip lang ang lahat, kundi lang sa sugat ko sa ulo na syang patunay na totoo ang
Nika Matulin na lumilipas ang mga araw. Pagaling na rin ang mga sugat ko. Sinamahan pa ako ni Pierre sa hospital para tanggalin ang tahi. Tinotoo nya talaga ang sinabing sya ang mag aalaga sakin hanggang sa pag galing ng sugat ko. Biniro pa ako ni tiyang na 2 in 1 si Pierre, jowa na tatay ko pa. Balik eskwela na rin ako at hatid sundo nya ulit. Mas inaagahan na rin nya ang pagsudo para daw hindi na ko pumupunta pa kung saan saan kapag wala sya. Napanguso na lang ako sa sinabi nya na yon. Umuusad na ang kaso laban sa anim na kaibigan ni Geoff. Sigurado na ang pagkakakulong nila. Sinubukan pa ng kampo nila na makipag areglo sa amin at magbayad. Pero buo ang loob ng mga kamag anak ko lalo na si Pierre na ikulong sila para magtanda at di na maulit pa..Nakasimangot na tinitingnan ko sa salamin ang likod ng ulo ko ang humihilom ng sugat. Siguradong poknat ang labas nito. Narinig ko namang tumawa si Pierre sa likod ko. Inirapan ko lang sya. "Maganda ka pa rin naman kahit may piso ka sa
Nika "Ma, anong ginagawa nyo dito?" Nilingon ko si Pierre na naka kunot ang noong nakatingin sa dalawang babae. Ito ang mama nya? "Dinadalaw ka namin ni Grace anak. Aren't you happy?" Tumayo ang ginang at ang kasama nyang babae. Lumapit sila sa amin at hinalikan ng ginang si Pierre sa pisngi. Tila may kumurot naman sa puso ko ng ang babaeng kasama naman ang humalik sa pisngi ni Pierre at malagkit pa kung makatingin ito. "Pero hindi ito ang bahay ko Ma." Ani Pierre na kumamot pa sa ulo."Ako ang nagpapapunta dito sa sa kanila Pierre. Nakasalubong ko kasi sila kanina at nag tatanong tanong kung saan ang bahay mo. Wala pa naman tao sa bahay mo kaya dito ko na muna sila pinapasok." Nakangiting singit ni tiyang. "Ganun ho ba, maraming salamat ho Aling Sabel." "Mabuti na lang may mabait kang kapitbahay anak." Sabi ng mama nyang nakakapit na sa braso nya. Ang babaeng kasama naman ng ginang ay nakataas ang kilay na nakatingin sa magkahawak naming kamay. Nang makitang nakatingin ako s
Nika Ang gaan lang ng pakiramdam ko kinaumagahan. Parang may natanggal na malaking batong nakadagan sa dibdib ko pagkatapos ng pag uusap namin ng mama ni Pierre. Mabait naman pala sya kahit mukhang kontrabida sa palabas. Kailangan lang sigurong pakisamahan ko sya ng mabuti bilang sya ang ina ng nobyo ko.Pagkatapos ng ginawa namin sa likod bahay ni Pierre kagabi ay nagkwentuhan pa kami. Nalaman kong anak sya sa una ng papa nya at hindi ito sa kasal sa kanyang mama. Tinanong ko rin kung sino yung kasamang babae ng mama nya. Nag alangang pa syang sabihin nung una na ex nya ang babae. Sabi na eh! Kaya ganun kung makatingin sa kanya. Hindi na nya hinabaan ang kwento tungkol dun sa babae ng makitang nakasimangot na ako.. Pawisan ako ng matapos kong isampay ang huling kurtina na binanlawan ko. Sabado ngayon kaya araw ng laba. Maaga akong natapos dahil maaga akong nag umpisa. Balak ko kasing puntahan si Pierre sa talyer pagkatapos ng gawain ko. Ewan ko ba, pero biglang gusto ko syang makit
Nika Eksaktong alas sais ng gabi ay nasa tapat na ng malaking bahay ng mama ni Pierre ang lulan naming kotse na minamaneho nya. Pinatay na ni Pierre ang makina ng kotse at lumabas, umikot sya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangangang bumaba ako ng kotse habang namamanghang nakatingin sa malaking bahay. Sa tv at sa internet ko lang nakikita ang ganitong klaseng bahay ngayon sa totoong buhay na. "Ayos ka lang?" Tanong ni Pierre at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ko ng hindi inaalis ang tingin sa bahay. "Ang laki pala ng bahay ng mama mo." "Regalo to sa kanya ni Papa. Ipapakilala kita sa kanya mamaya. Pasok na tayo sa loob." Aniya at inakay na ako papasok ng malaking gate. Sinalakay naman ako ng kaba ng sabihin nyang ipapakilala nya ako sa papa nya. Sana gaya ng mama nya ay matanggap din ako ng papa nya. May mangilan ngilan na ring dumadating na sasakyan at pumarada din sa tapat ng malaking bahay na malamang ay mga bisita din. Pagpasok namin sa loob ay mas lalo pa a
NikaHindi ko magawang ihakbang ang mga paa palabas sa komedor. Humigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag. Tumahip din ang dibdib ko. "Grace, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko pero ayaw na talaga sayo ni Pierre at wala na akong magagawa dun." "So, hahayaan nyo na lang sya sa batang hampas lupa na yun. Tita naman." "Desisyon na ni Pierre yun. You know naman Pierre, hindi mo sya madidiktahan, kahit ako pa na ina nya. Kaya wag na nating ipilit ang gusto mo. At saka mabait na bata naman si Nika at nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ang gusto ko lang ay ang kaligayahan ng anak ko, at kung yung babaeng yun ang magbibigay ng kaligayahan nya, sino ba ako para hadlangan yun." Litanya ni tita. Napakagat labi naman ako sa sinabi nya at may tuwang umusbong sa aking dibdib. "Eh di mas gusto nyo na nga ang batang yun kesa saken." Mataas na ang boses na saad ng ex ni Pierre. "Grace -- " "Kung hindi nyo ko matutulungan, puwes ako na lang ang gagawa ng paraan." Pinal na sab