Tumunog ang bell hudyat na break time na, kaya naman lahat ng kaklase ko ay naghiyawan. Kanya-kanya silang punta sa mga kaibigan nila at yung iba naman ay pagkatapos mailigpit ang gamit ay lumabas na sa aming classroom.
“RAAAAAD!!! tol pare brad mabro, ano? tara na! wala kabang balak kumain?” tuloy-tuloy na sabi sakin ni Callen.Grabe talaga ‘tong lalaki na’to. Wala man lang hinto yung kaingayan ng bibig niya, kalalaking tao dinaig pa yung babae sa ingay nya e tss. Sinimangutan ko siya at inakbayan naman ako ng loko habang pangisi-ngisi."Ikaw ang aga-aga nakabusangot agad 'yang mukha mo. Dinaig mo pa yung babaeng may PMS." tumatawang sabi sakin ni Callen.“Where’s Xen?” Tanong ko agad sa kaniya at hindi na pinansin pa yung pang-aasar niya sa akin.“Nauna na sa canteen, baka daw kasi mapuno na at wala na tayong maupuan.”Tumango ako sa kaniya at naglakad na kami papuntang canteen. Kinabit ko sa aking tenga ang airbuds ko dahil nakakainis yung ingay ng paligid. Inilagay ko ang aking kamay sa aking mga bulsa at naglakad na para sundan si Callen.“Pwede bang bilisan mo maglakad? Napakatagal mo, 30 mins lang to hoy!” Singhal sakin ni Cal sabay balik ng airbuds ko sa aking tenga.Tinitigan ko siya ng masama at tinawanan lang ako ng loko. Nagmadali syang naglakad papunta sa bakanteng pwesto na akala mo’y may kaagaw sya roon, kaya naman binilisan ko nalang din yung lakad ko at baka umiyak pa ‘tong mokong na ‘to. Para pa naman syang isip bata minsan.“WHAT THE F-! " napasinghal ako dahil sa lamig at lagkit na nararamdaman ko ngayon. May natapon lang naman na juice sa polo ko.Napatingin yung mga tao na malapit sa pwesto namin. Cal tried to pull me, but I removed his hand on mine. Nakaramdam siguro ‘tong siraulong ‘to na anytime sasabog na ako na parang bulkan sa sobrang inis. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang nadudumihan ang mga damit ko!Nakakabwisit ano ba yan! Bakit ba kasi hindi tumitingin ‘tong babaeng 'to sa dinaraanan niya?“Can you atleast look where you we're going, miss?” Inis kong sabi sakanya. Natapon tuloy yung juice na dala niya at ang lagkit sa pakiramdam. Nakakainis.“Im Sorry” Bulong niya sabay yuko ng kanyang ulo.Tinignan ko siya at napansing may kasama pala siyang dalawang babae na nasa likod niya.“Anong magagawa ng sorry mo sa mantsa ng polo ko? Mamaya pa maguuwian oh, malagkit.” Pagsusungit ko sakanya.Magsasalita na sana yung isang babae sa likod niya na masama na ang tingin sa’kin ngunit biglang inangat ng babaeng nakabunggo sakin yung ulo niya at sinamaan ako ng tingin bago umalis. Sumunod naman yung dalawang babae na kasama nya at tinarayan pa ako nung isa.“Pre ang cute nung isa ‘no?” Tatawa-tawang tanong sa’kin ni Callen.“Eh kung ipahubad ko kaya ‘yang polo mo at ipalit ko ‘tong sa’kin?” Sinamaan ko siya ng tingin.Pagdating namin sa lamesa, tinawanan ako ni Xen at sumabay narin ng tawa si Callen. Inis ko silang tinignan pareho. Nakakainis talaga!Mabuti na lang, pinagana ni Xen yung utak niya at umorder na siya ng pagkain namin dahil hindi ko na kayang pumila pa sa sobrang inis ko.Pagkatapos naming kumain, dumeretso na ako sa Cr at sumunod naman sa akin yung dalawang mokong dahil naiihi ‘raw sila. Hindi ko sila pinansin pareho dahil alam kong tawang-tawa pa rin sila sa nangyari. Grabe yung kababawan ng kaligayahan nila, nakakatawa ba yon??Dahan-dahan kong pinunas yung basa kong panyo na may sabon sa polo ko. Mabuti na lang at sa may bandang baba natapon dahil kung hindi, inis akong uuwi.“Ano bro, tapos kana? Hehehe.” Tanong sakin ni Xen.Tinanguan ko lang siya at naglakad na’ko palabas para bumalik sa aming classroom. Sumunod lang din sakin yung dalawa. Mabuti na lang wala pa si Ma'am Ramos, lagot kaming tatlo panigurado. Masungit pa naman iyon.Napahikab ako sa sobrang boring ng subject na ‘to. Grabe antagal pa naman matapos nito. Ilang oras pa bago tuluyang maguwian kaya’t natulog na lang ako.Nagising ako dahil may umaalog sa balikat ko, si Callen. Maagang nagdismiss si Ma'am kaya pwede na raw kaming umuwi. Mabuti naman, kanina pa ako nanlalagkit dito. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pumasok sa last subject kung pwede naman akong umuwi na.Sabay-sabay kaming umuwing tatlo, nagcommute lang kami dahil hindi pa pwedeng magmaneho ang isang 17yrs old. Matalik kong kaibigan si Callen at Jalxen, magkababata kaming tatlo at ang aming mga magulang ay business partners, kaya ganito na lang kami kaclose sa isa’t isa. Kwento pa ni mommy, yung mom ni Cal at Xen ay matalik nya raw na kaibigan noong sila ay teenagers pa lang.“Sinong aattend sa moving up mo Rad?” Tanong sa ‘kin ni Xen.“I don’t know. If they are at work, maybe my nana? What about the both of you? Kung makatanong ka sa akin akala mo naman hindi pare-pareho ng trabaho yung magulang natin.” Tumawa ako at tumawa rin yung dalawa.“Sabagay, tama nga naman si Rad, Jalxen. Tanong ka pa kasi ng tanong eh masyadong busy pare-pareho yung parents na ‘tin.” Sagot ni Cal.“Malay nyo naman, magawan nila ng paraan. Graduation natin ‘yon no! College na pala tayo after, san nyo balak mag-aral mga pare?” Tanong ni Xen.“Hindi ko pa alam. Atsaka, bakit ka ba nagtatanong eh for sure pagsama-samahin pa rin tayo ng mga ina natin sa iisang school.” Bumusangot si Callen.“Bakit parang labag sa loob mo? Parang sising sisi ka na kasama mo kami ah?” pabirong umamba ng suntok si Xen.Tinignan ko lang sila habang naglalakad kami papuntang terminal. Para talagang mga bata 'tong mga to, hindi na nahiya. Malayo-layo rin aming nilakad, di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa paradahan ng taxi dahil sa daldal ng dalawang kasama ko.“Kuya sa Golden Hills Village nga po.” Sabi ko kay manong driver.Halos kalahating minuto kaming nasa biyahe. Mabuti na lang at wala gaanong traffic kundi matatagalan kami bago makauwi sa aming bahay. Nagbayad na kaming tatlo kay manong driver dahil at nagpasalamat bago naglakad papasok sa gate ng aming subdivision. Malapit lang naman sa gate yung bahay naming tatlo kaya mabilis lang kaming nakarating sa kanya-kanya naming bahay.Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng aking lola, my dad’s mom. Nagmano ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi.“nana, where’s tata?” Tanong ko sa kaniya.“Nandoon ang iyong lolo sa hardin Rad, tawagin mo na siya at kakain na tayo. Ihahanda ko lang yung mga pagkain, alas-siete na pasado baka tayo ay malipasan.” Nginitian niya ako.“nana naman, ang aga-aga pa kaya, paanong malilipasan. I’ll take a shower po muna, galing ako sa labas eh.” Tinawanan ko siya bago ako nagpaalam at dumeretso sa kwarto ko para maglinis ng katawan ko.Pagkatapos kong magshower at magbihis, dumeretso na ako sa garden upang puntahan ang lolo ko. Sila lang ang kasama ko sa bahay namin dahil nag-iisang anak lang ako ng aking magulang. Actually, pangalawang anak dapat ako dahil bago ako, mayroon akong kuya. Hindi siya nabuhay dahil premature siya noong siya ay nilabas. Nabuntis ulit si mom 6yrs old ako non’ pero hindi kinaya dahil bukod sa may problema daw ang ovary ni mama, palagi pa siyang pagod sa trabaho. Sinabihan kami ng doctor na hindi na raw pwede pang magbuntis si mom dahil hindi rin mabubuhay ang baby sa loob ng t'yan nya.Nakita ko ang aking lolo na nakaupo sa bench ng aming garden, kakatapos niya lang sigurong mag-ayos ng mga halaman.“tata, kakain na ‘raw po sabi ni nana at baka raw malipasan tayo ng gutom.” Pabiro akong tumawa sa kaniya.“Ang lola mo talaga Rad hindi na nagbago. Simula noong kami ay nagsama niyan, palagi siyang ganiyan. Maasikaso, maalalahanin at maalaga, kaya talagang mahal na mahal ko ang lolanay mo.” Pagku-kuwento niya sa’kin. Ngumiti ako dahil nakita ko sa mata ng aking lolo na talagang mahal na mahal niya ang aking lola.“Alam mo ba, noong ako’y nagtatrabaho pa sa kumpanya na ngayon ay tatay mo na ang pumalit sakin,” huminto sya at ngumisi bago dugtungan ang kanyang kinikwento.“Hindi pumapayag ang lola mo na umalis ako papuntang trabaho ng hindi ko dinadala yung hinanda niyang baunan” Natawa ang lolo ko habang nagkukwento at nakikita kong talagang masaya siya habang kinikwento nya yung istorya nila ni lola.“Pinaramdam ko sa nana mo na mahal na mahal ko siya Rad. Hindi naman ako nanghingi ng kapalit o kabayaran dahil ngiti palang niya tuwing umaga, buo na ang araw ko. " Hinawakan nya aking ulo at tumingin sa mga mata ko.“Kaya ikaw apo, kapag nakatagpo ka ng babae, mahalin mo siya ng sobra. Nagbibinata ka na, wala ka pa bang natitipuhan?" Pagtatanong na may halong pang-aasar sa akin ni lolo."Gayahin mo ang pogi mong lolo, never kaming nag-away ng lola mo dahil sa babae at kung ano-ano pa dahil kapag may lumalapit sa’kin na babae, tinataas ko lang ito.” Tumawa siya at pinakita sa akin ang wedding ring nila ni lola na nasa kamay nya sabay kindat sa’kin.“Habaan mo ang pasensiya mo at ang pag-unawa mo, wala kang magiging problema. Ang hirap man niyan gawin apo, pero pag mahal mo, madali nalang ‘yon para sayo. Hindi mo namamalayan dahil yung puso mo ang kusang nag-uutos sa’yo na gawin iyon.” Pagdugtong niya pa.“Ikaw naman tata, hindi ko pa iyan naiisip. Masyado ka namang advance, gusto mo na ba magkaroon ng apo sa tuhod?” Pagbibiro ko. Nginitian ko siya sabay kinindatan pero binatukan niya ako.“Ouch lo! Masakit yon ha? Joke nga lang di ka naman mabiro, ang seryoso mo naman masyado!” Sabay kaming tumawa ni lolo dahil sa pagbibiruan naming ganon.Pagkarating namin sa kusina, nakahanda na yung mga pagkain na niluto ni lola. Ang bango at nakakatakam tignan. Umupo ako at nang akmang magsasandok na ako, tinapik ni lola ang kamay ko. Nilakihan niya ako ng mata at sumenyas na magdasal muna.Sabay-sabay kaming kumain tatlo. Kahit kami-kami lang ang nandito ngayon sa bahay, hindi sumagi sa isip ko ang maburyo dahil masayang kasama ang aking lolo’t lola. Palagi silang nagtatalo na parang bata lang, naglalambingan at nagsusuyuan.Pagkatapos naming kumain, sinabihan ako ni lola na umakyat na raw ako at magpahinga na, sila na lang daw ni lolo ang mag-aasikaso sa baba. Tumango ako sa kanila at nagpaalam bago ako umakyat sa kwarto ko at humiga na sa kama.Kailan ko nga ba matatagpuan yung babae na para sa’kin?. Simula no'ng sinabi ni lolo ang mga kwento niya, sumagi na sa isip ko ang mga katanungan nayon. Never pa akong nagkakagirlfriend dahil hindi ko naman nakita ang sarili kong nagkagusto sa babae. Hindi ako bading at mas lalong hindi ako panget no! maraming nagkakagusto sa akin sa aming school pero hindi ko sila pinapansin dahil wala akong pakialam.Pinikit ko nalang ang mga mata ko para antukin ako kaysa mag-isip pa ako ng kung ano-ano. Tinanggal ko nalang sa isip ko yung mga sinabi sakin ng lolo ko dahil hindi naman ako nagmamadali. Naniniwala akong darating din ‘yong para sa akin at the right time.Bago pa man tumunog ang ang aking alarm ay gumising na ako. Naligo at naghanda muna ako ng aking sarili bago lumabas sa kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si nana na nanonood ng t.v. “nana, papasok na po ako.” Pagpapaalam ko sakaniya at humalik sa pisngi nya "Magiingat ka Rad, may ulam akong inihanda jan para sayo, dinamihan ko yan para mabigyan mo si Callen at Jalxen." Pagkalabas ko, nakita ko agad yung dalawang mokong na nakaupo sa court. Harap lang ng court yung bahay namin habang yung sa dalawa naman ay kalikod lang ng bahay namin kaya magkakalapit lang talaga kami. “Nakakatamad pumasok, what if gumala nalang tayo sa Manila?” ngiti ngiting aya ni Callen samin. “Tumigil ka! malapit na mag final exam. Dun ibabase kung dapat kabang ipasa sa grade 12 o hindi. Mag aral ka nga ng maayos nandedemonyo kapa sa mga mababait na tulad namin.” Sagot sa kaniya ni Xen. “Hoy baka nakakalimutan mong ugok ka? Ikaw yung madalas na mag-aya ng cutting. Sikuhin ko kaya ‘yang pagmumukha mo?”
Kinabukasan nagchat ako sa gc naming tatlo na mauuna na muna akong pumasok sa kanila, inasar pa ako ng dalawa kung bakit daw ako mauuna may kikitain daw ba ako or pumapa-pagibig na raw ba ako. Minura ko sila pareho at sinabing may kailangan lang akong gawin. Pagkarating ko sa campus, dumeretso agad ako sa classroom namin at may nakita akong nakasulat sa board. Walang papasok na teacher samin sa buong araw na ‘yon. Gumawa na lang daw kami ng mga dapat naming gawin at mag handa para sa final exam. Regular class pa rin naman yung araw na iyon kaya nga lang masyadong busy yung mga teachers namin para pasukan pa yung subject namin, gustuhin ko man umuwi pero yung guard namin e hindi nagpapalabas hanggat di pa natatapos yung school hours. Ayoko rin namang magcutting dahil ayokong maging perwisyo at bigyan pa ng problema sila nana at tata. Sinukbit ko nalang ulit yung aking bag at nilabas ang aking cellphone para sana imessage yung dalawa kung saan ako tatambay ngayon sa loob ng aming camp
"You will study abroad Thrai, pagkagraduate mo ng shs sasama ka na sakin." seryosong saad ni mommy sakin. "Pero ma, gusto ko po dito kay tita. I want to study here in Manila, bakit kailangan ko pa sumama sainyo sa Canada?" pagtutol ko sa sinabi ng mommy ko. Grabe naman kasi, ang hirap kayang makisalamuha sa mga tao. Atleast dito meron na akong mga kaibigan na malalapitan. "Gusto ng daddy mo na doon ka mag-aral ng business sa isang University sa Canada, maganda ang opportunity na yon Thrai." seryoso siyang tumingin sakin. Nginitian ko si mommy at nagpaalam na pupunta na ako sa kwarto ko para maghanda kasi may pasok pa ako. Nakatulala ako ngayon sa vanity mirror ng kwarto ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung paguusap namin ni mommy kanina. Gustuhin ko man na pahabain pa ang usapan naming dalawa para pakiusapan sila ni daddy sa gusto nilang mangyari, hindi ko na ginawa dahil alam ko rin naman na hindi ko talaga sila macoconvince. Ano pa nga ba ang aasahan ko, ako lang naman ang
Bago pa tumunog ang alarm ko ay nagising na ako, dumilat muna ako ng mga 5mins at nagmuni-muni bago ko kinuha yung phone ko sa small table na katabi ng bed ko para ioff yung alarms and to check my messages. Actually masyado pa talagang maaga right now, it's still 7am and my class will start at 9am. Sinadya ko talaga na magising ng maaga dahil mabagal akong kumilos and ayoko malate kasi hindi ko gusto yung nasspecial mention sa gitna ng klase. Inayos ko muna yung kama ko before ako bumaba para magluto ng Breakfast. Pagbaba ko, nakita ko si tita na naghahanda na ng pagkain namin."Tita, ang aga nyo po ata gumising at maghanda ng breakfast tulungan ko na po kayo." Alok ko kay tita habang sinasalin nya yung sinangag sa malalim na lagayan. "Kasi nakikita kita madalas kanang pumapasok ng hindi nagaalmusal, minsan pa pati dinner kinakaligtaan mo. Tungkol ba 'to sa mommy Mara mo?" paguusisa sakin ni tita. Hindi ako sumagot kay tita at nginitian ko lang siya. Hinawakan nya yung mga braso ko
"Teya! wait lang ano ba hoy!!" hinatak ako ni Av sa braso kaya napahinto ako sa pagtakbo. Umupo ako sa malapit na bench habang naghahabol ng hininga. Grabe nakakapagod pala talaga. "Girl ano yun? grabe tatakbo talaga?? hello ang haba ng tinakbo natin oh para tayong nasa marathon ano ba kasi yon?" tanong sakin ni Jaz habang nagpupunas ng pawis nya sa noo. Napangiti ako sakanilang dalawa kasi natatawa ako sa mukha nila ngayon, grabe haggard na haggard. Sinamaan ako ng tingin ng dalawa kaya humugot ako ng malalim na hininga para mag explain sakanila."Yung lalake kanina, siya yung nabunggo ko sa canteen tapos for the secomd time around today muntikan na naman ulit, nakakahiya kasi kaya tumakbo ako malay ko ba na susunod kayo." paliwanag ko sakanila habang pinupunasan yung pawis ko sa noo."Ay gagang to?! anong akala mo samin titignan ka sa malayo habang tumatakbo ka na akala mo si Cinderella ka? Disney princess ka girl??" pagtataray sakin ni Av.Natawa kami ni Jaz sa sinabi ni Av kaya p