"You will study abroad Thrai, pagkagraduate mo ng shs sasama ka na sakin." seryosong saad ni mommy sakin. "Pero ma, gusto ko po dito kay tita. I want to study here in Manila, bakit kailangan ko pa sumama sainyo sa Canada?" pagtutol ko sa sinabi ng mommy ko. Grabe naman kasi, ang hirap kayang makisalamuha sa mga tao. Atleast dito meron na akong mga kaibigan na malalapitan. "Gusto ng daddy mo na doon ka mag-aral ng business sa isang University sa Canada, maganda ang opportunity na yon Thrai." seryoso siyang tumingin sakin. Nginitian ko si mommy at nagpaalam na pupunta na ako sa kwarto ko para maghanda kasi may pasok pa ako. Nakatulala ako ngayon sa vanity mirror ng kwarto ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung paguusap namin ni mommy kanina. Gustuhin ko man na pahabain pa ang usapan naming dalawa para pakiusapan sila ni daddy sa gusto nilang mangyari, hindi ko na ginawa dahil alam ko rin naman na hindi ko talaga sila macoconvince. Ano pa nga ba ang aasahan ko, ako lang naman ang
Last Updated : 2023-12-02 Read more