Share

Tres

Kinabukasan nagchat ako sa gc naming tatlo na mauuna na muna akong pumasok sa kanila, inasar pa ako ng dalawa kung bakit daw ako mauuna may kikitain daw ba ako or pumapa-pagibig na raw ba ako. Minura ko sila pareho at sinabing may kailangan lang akong gawin.

Pagkarating ko sa campus, dumeretso agad ako sa classroom namin at may nakita akong nakasulat sa board. Walang papasok na teacher samin sa buong araw na ‘yon. Gumawa na lang daw kami ng mga dapat naming gawin at mag handa para sa final exam. Regular class pa rin naman yung araw na iyon kaya nga lang masyadong busy yung mga teachers namin para pasukan pa yung subject namin, gustuhin ko man umuwi pero yung guard namin e hindi nagpapalabas hanggat di pa natatapos yung school hours. Ayoko rin namang magcutting dahil ayokong maging perwisyo at bigyan pa ng problema sila nana at tata.

Sinukbit ko nalang ulit yung aking bag at nilabas ang aking cellphone para sana imessage yung dalawa kung saan ako tatambay ngayon sa loob ng aming campus, pero bago ko pa iyon magawa binatukan na nila ako pareho.

“Aray, siraulo ba kayo pareho?” Inis kong sabi sakanila.

Nagtawanan yung dalawang siraulo kaya nakitawa na rin ako sakanila. Nakakahawa kasi yung tawa ni Callen, akala mo kinikiliting unggoy eh.

Ganito kami magkulitan ng mga kaibigan ko na para ko na ring kapatid. Mukha lang akong walang paki minsan pero concern pa rin naman ako sa kanila no. Simula pagkabata ba naman eh kami-kami na yung magkakasamang tatlo, lumaki kaming sabay-sabay dahil magkakaibigan yung magulang namin at pare-parehong taon lang din silang nagbuntis. Ako yung pinakamatanda sa kanila, pero buwan lang naman. Sumunod si Xen tapos si Callen ang huli kaya isip bata siya.

Saming tatlo, ako talaga yung may pinaka-maikling pasensya. Hindi ko nga alam kung paano ako napagtitiyagaan ng dalawang yan at paano nila ako napapakisamahan kahit minsan ganon ako, sabagay aayaw pa ba sila na magkaroon ng gwapong kaibigan tulad ko? Hahaha. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa likod ng building namin. Doon ulit kami sa ilalim ng puno tumambay at nakasapin pa rin hanggang ngayon yung karton doon, buti naman.

Pagkaupo naming tatlo, sabay-sabay kaming nagbuklat ng notes para aralin yung mga nalesson namin dahil next week na yung finals. May time pa naman kami na mag-aral dahil bukas wala namang pasok kasi Saturday na.

Hindi ganoon kaobvious na nagaaral kami, pero ang totoo nyan, nag-aaral talaga kami ng mabuti. Ayaw kasi naming bigyan yung parents namin ng dagdag problema kasi masyado na silang abala sa pamamalakad ng kani-kanilang business.

Habang nagbabasa, lumingon ako sa kabilang banda namin dahil may maiingay doon, apat silang nandon at nakatalikod sila samin kaya hindi siguro kami nakikita ng mga ‘to. Wala gaanong tao rito dahil siguro yung iba, sa ibang parte ng campus namin gustong tumambay.

“Xen, diba gentleman ka naman? Ikaw na ang lumapit sa mga babae na ‘yon tas sabihin mong tumahimik sila kasi hindi lang sila yung tao dito” Utos ko kay Xen.

Knowing Xen na always mabait, sumunod siya. Tumayo nga siya at nilapitan yung mga babae at sinabihan. Nakikita ko mula sa pwesto namin si Xen, titig na titig pa yung isang babae kay Xen at mukha pa siyang kinikilig. Hindi ko na sila pinansin pa dahil tinuloy ko na lang ang pagbabasa ng notes ko. Pagkabalik ni Xen, humina na yung boses nung mga babae. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming pinagkakaabalahan, kinuha ko yung cellphone at buds ko sa bag para mag soundtrip feeling ko kasi mas nakakafocus akong mag review kapag nakikinig ako ng music mas nakakarelax kasi.

Maaga kaming pinalabas ng guard dahil inutusan na raw syang payagan kami lumabas kesa naman tumambay kami rito at wala rin naman kaming gagawin pa.

“Mga tol hindi ba tayo gagala ngayon? Magliwaliw naman tayo oh bago mag sakuna haha.” Suwestiyon ni Callen.

"Sige pero saan tayo pupunta?" Sang ayon ko sa kanya.

"Kahit saan, gusto niyo gumala tayo pa Manila eh, para naman makahanap na rin tayo ng univ hehe." Sagot naman ni Callen sakin.

"May point si Callen tol, tinatanong na rin kasi ako nila mommy kung saan daw ako mag-aaral e. Tinanong niya rin ako kung nakahanap na raw ba kayo." Segunda naman ni Xen.

"Eh ano ba naman kasi yung kukunin nyong course?" Pagtatanong ko sa kanila

"Gusto ko mag aviation." Sabi ni Xen

"Lul, sure kana nyan?? Hahaha." Pang aasar ni Callen kay Xen.

"Gusto ko mag architecture, ikaw ba rad?" tanong ni Callen

"Prosecutor." maikling sagot ko.

"Bakit kayo naguusap ng college? sure ba kayo na papasa kayo ngayong senior high school?" patawa-tawang asar ni Callen.

Di na namin sya pinansin ni Xen kaya at nagisip na kung saan kami pupunta. Napagdesisyunan namin na gumala na lang sa Mall of Asia. Doon na lang kami magmemeryendang tatlo, mabuti nalang at may sobra sa baon kong pera atsaka may ipon din ako.

Habang nag-aantay kami ng bus papunta roon, nagchat ako kay nana at nagpaalam na may lakad kaming tatlo, baka kasi magalala siya bigla eh hahaha.

Naalala ko noong bata pa ako, nawala lang ako nang ilang minuto nag panic na siya. Bigla ba namang tumawag sa police station? Grabe medyo nakakahiya sa mga kapit-bahay ‘yon kasi akala nila kung ano na ang nangyari. Pero okay lang din yon dahil ramdam ko talagang love na love ako ni nana.

Matapos kong isend yung message, nagreply naman siya agad. Nanonood na naman siguro to si nana ng koreanovela, masyado ng naadik doon ang gwapo ‘raw kasi nung mga actors. Si tata tuloy nagtatantrums paminsan minsan pero pabiro lang, kala mo bata e seloso masyado.

Itinago ko na yung cellphone sa bulsa ko dahil sakto namang dumating yung bus na sasakyan namin. Nagbayad kaming tatlo nang lumapit samin yung konduktor, tinanong pa kami kung nagcutting daw ba kami at sinabi naman namin na tapos na ang school hours namin.

Habang nasa biyahe, abala yung dalawa sa pagcecellphone kaya nilabas ko rin yung aking airpod at nagpatugtog na lang. Ang relaxing talaga makinig ng music. Hindi naman ganon kalayo yung MOA sa lugar namin. Isang bus lang naman ang sasakyan namin, yung traffic lang talaga yung nakakatagal.

Pagkarating namin doon, dumeretso na kami agad sa loob dahil nagugutom na ‘raw tong mga kasama ko. Nagdesisyon sila na sa Mang Inasal na lang kumain kaya sumunod na lang ako, sabagay ako lang pala yung kumain doon sa campus kaya hindi pa ako ganon kagutom katulad nila ang aga ko ba naman kasing pumasok.

Pagkarating namin sa Mang Inasal, kaming dalawa ni Callen ang naghanap ng mauupuan, mabuti na lang at hindi gaanong puno sa loob. Pagkatapos namin humanap ng mauupuan lumapit ako kay Xen na nakapila para sabihin yung order naming dalawa, inabot ko naman agad yung bayad namin pareho.

Pagdating ni Xen sa table namin, dala-dala niya na agad yung order namin. Nagtaas ng kamay tong si Callen para humingi ng sabaw at magpadagdag ng chicken oil.

Pagkatapos namin kumain, naglakad lakad muna kami paikot dahil gusto raw ni Xen ng Dairy Queen, kakakain pa nga lang eh gusto na agad lumamon, sabagay dessert naman yon. Dahil malawak yung MOA, nakarating kami sa stall ng dairy queen at lahat ng kinain namin sa Mang Inasal ay bumaba na kaya pare-pareho kaming tatlo na bumili ng ice cream dito. Umupo kami sa bench na malapit sa stall ng dairy queen at doon namin kinain yung ice cream. Ansakit sa paa magikot ikot dito napakalawak masyado.

Pagkatapos namin kumaing tatlo, dumeretso naman kami sa arcade para maglaro ng basketball at iba pang laro doon. Nakarami kami ng tickets kaya nakakuha kami ng maraming candies kapalit nito. Nakaramdam na naman ng gutom yung dalawa kaya bumili kami ng fries sa isang food stall na nadaanan namin sa loob ng mall. Kaiikot namin sa loob ng mall, hindi namin namalayan na 5pm na pala kaya naman nagdesisyon kami na lumabas at magpunta sa seaside.

Nakita namin yung ferris wheel doon sa amusement park ng MOA kaya pumila kami para sumakay. Habang pausad ng pausad yung pila, nakakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura hindi ko ata kakayanin yung taas nito eh. Hindi na ako makaback-out kasi nga malapit na kami atsaka baka asarin pa ako ng dalawa na'to.

Sumakay na kami sa ferris wheel at ramdam na ramdam ko yung mabilis na tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Hindi ko pinahalata sa dalawa na kinakabahan ako kaya prente parin akong umupo sa upuan. Habang mahina itong umiikot nararamdaman ‘kong nasa bandang itaas na kami, sumilip ako sa labas at unti-unting nawala yung kaba ko, aaminin ‘kong nakakakaba talaga sa una pero sa sobrang ganda ng view dito, nawawala yung kaba ko.

Ang ganda ng city lights dito sa itaas na bahagi ng ferris wheel, tinignan ko ang aking relos upang tignan kung anong oras na, 6:30pm na pala kaya medyo madilim dilim na. Napagusapan naming tatlo na tumambay sa seaside pagkatapos namin sa Ferris wheel. Bumili kami ng pagkain at nakuha agad namin yung order namin na pagkain dahil wala gaanong nakapila sa stall na 'yon. Habang papunta kami roon sa bench na may table muntik ng matapon yung dala-dala kong pagkain dahil may babaeng nabunggo sa balikat ko.

“Look on where you we're going, miss. Muntik ng tumapon yung dala-dala ko.” Sabi ko sa babae.

Bulag ba siya? Hindi niya ba nakikita na may tao siyang masasalubong? Baket ba kasi nakayuko to.

“Natapon ba? Hindi naman diba, andami mo pang sinasabe.” Tumingin siya sa akin at nakita kong namumula yung mata niya. Bigla siyang tumakbo at nakita ko naman na may sumunod sa kaniya na dalawang babae, hinahabol siya.

Teka, familiar yun ah? Yun din yung babaeng nakabungguan ko sa canteen, sila rin yung nakatama sakin ng empty plastic bottle tapos ngayon sila na naman ulit? Nananadya ba ‘tong mga to, bakit palaging ako. Nakakainis ha!

Tinignan ko yung dalawa at nakita ‘kong nakatingin din sila sakin kaya inaya kona sila na maupo at kumain na. Hindi ko na lang pinansin yung kanina dahil mukhang may problema yung babae kaya hinayaan ko nalang.

Umupo kaming tatlo at kumain. Tinignan ko kung anong oras na magaalas-otso na pala kaya pagkatapos namin kumain nagpahinga lang kami ng konti atsaka nagpasyang umuwi.

Nakauwi kami exact 9:00pm nagpaalam ako sa dalawa bago ako pumasok ng bahay. Nakita ko sila nana na kumakain na kaya naman sinabi kong tapos na ako kumain at aakyat na ako sa taas para matulog.

Nakakapagod ang araw na ito, kaya pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako. Nagchat ako sa gc naming tatlo na magkita-kita kami sa court bukas ng umaga para magbasketball. Nagusap pa yung dalawa sa gc pero hindi ko na sila pinansin pa. Ibinaba ko na yung cellphone ko at ipinikit ang aking mata para matulog na. Napagod din ako sa gala naming ito, mabuti na lang hindi ako pinagalitan nila nana at tara dahil masyado nakong late nakauwi, sabagay pag kasama ko si Xen at Cal kampante sila kaya di nila ako pinagalitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status