Share

Dos

Bago pa man tumunog ang ang aking alarm ay gumising na ako. Naligo at naghanda muna ako ng aking sarili bago lumabas sa kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si nana na nanonood ng t.v.

“nana, papasok na po ako.” Pagpapaalam ko sakaniya at humalik sa pisngi nya

"Magiingat ka Rad, may ulam akong inihanda jan para sayo, dinamihan ko yan para mabigyan mo si Callen at Jalxen."

Pagkalabas ko, nakita ko agad yung dalawang mokong na nakaupo sa court. Harap lang ng court yung bahay namin habang yung sa dalawa naman ay kalikod lang ng bahay namin kaya magkakalapit lang talaga kami.

“Nakakatamad pumasok, what if gumala nalang tayo sa Manila?” ngiti ngiting aya ni Callen samin.

“Tumigil ka! malapit na mag final exam. Dun ibabase kung dapat kabang ipasa sa grade 12 o hindi. Mag aral ka nga ng maayos nandedemonyo kapa sa mga mababait na tulad namin.” Sagot sa kaniya ni Xen.

“Hoy baka nakakalimutan mong ugok ka? Ikaw yung madalas na mag-aya ng cutting. Sikuhin ko kaya ‘yang pagmumukha mo?” Pang-aasar ni Cal kay Xen.

Nagsimula na naman silang magharutan kaya iniwan ko na sila doon dahil baka malate pa ako. Paghinto ng taxi sa harap ko, mas nauna pang sumakay sakin yung dalawa, akala ko maghaharutan nalang sila roon eh.

Saktong pagdating namin sa harap ng school, nag-ring na yung bell hudyat na kami at magsisipasukan na sa kanya-kanya naming classroom. Binilisan ko ang paglakad ko dahil masyadong masungit yung unang guro namin ngayon, sumunod din naman sa likod ko yung dalawa.

Pagka-upo namin sa kanya-kanya naming upuan, sakto namang dumating yung guro namin sa T.L.E. Nakakaburyo talaga ang subject na ito, inaantok ako kahit hindi naman ako kulang sa tulog. Tulala lang akong nakatingin sa bintana namin dahil harap lang ng classroom namin ang court kitang-kita ko yung mga estudyante na may p.e ngayon doon.

Pahikab na sana ako ng may namukhaan akong babae roon sa court. Ayun ata ‘yong nakabunggo sakin eh. Kung titignan ko siya rito ngayon, hindi naman siya mukhang maligalig pero lagi siyang nakayuko at kala mo bata na kung saan-saan tumitingin. Kaya nakakabunggo eh, di kasi tumingin ng diretso. Bakit ba parang iwas na iwas siya sa mga tao? Teka ano bang pakialam ko sa babaeng ‘yon tss. Pagtingin ko pabalik sa aking guro, saktong nagliligpit nasya ng mga gamit nya. Antagal ko palang nakatunganga rito sa bintana. Mabuti na lang at nasa bandang likod ako, hindi niya ako napapansin kundi lagot ako sa dragonang ‘to.

“Bukas magdala kayo ng kagamitan sa pagtatahi, magtatahi kayo ng pants at yun ang final project nyo sakin. Bye class, see you tomorrow” Saad ng aming guro bago siya lumabas ng klase.

Habang nagaantay sa aming susunod na guro, yumuko muna ako sa lamesa ko dahil buryong-buryo ako, gusto ko na agad umuwi.

Narinig kong papalapit sakin yung dalawang siraulo, alam kong sila yon dahil ang ingay nila pareho. Sigurado akong may balak na naman 'tong mga' to at kung aayain man nila ako, syempre sasama nalang ako bago pa ako makatulog dito. Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko nga yung dalawa sa harapan ko mismo. Tinignan ko sila pareho ng blangkonb tingin.

“Ano kaya ‘yon?? Hindi nga ako nagtatahi sa bahay tapos dito pagtatahiin ako??” Pagrereklamo ni Callen.

“Edi wag kang gumawa siraulo. Tignan natin kung sino ang hindi makakapag college.” Patawa tawang pangaasar ni Xen kay Callen.

“Marami kayang chix sa lilipatan nating school? Gusto niyo gumala tayo ngayon at maghanap ng univ para sa college?” ngiti ngiting aya ni Callen.

“Alam mo kanina kapa nagiging bad influence, gusto mo isumbong kita kila tita at tito?” Pagbabanta ni Xen kay Callen.

“Panget mong kabonding pre sana pinahid ka nalang sa pader.” Banat ni Cal kay Xen.

Nagtawanan kaming tatlo buong minuto na wala pa ang aming susunod na guro. Nahinto lang ang aming paguusap nang dumating na ang pangalawang guro namin, siya rin pala yung adviser namin. Tumingi ako sa relo ko para tignan kung ilang oras pa bago ang break time namin medyo nagugutom na rin kasi ako. Mabuti na lang late na si Ma’am nakapasok for 20mins, medyo nabawasan yung oras ng klase namin.

“Okay class, wala muna tayong klase ngayon dahil marami akong aasikasuhin” Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ma’am naghiyawan na ang mga kaklase ko.

“Hindi pa ako tapos, baka gusto niyong iwanan ko kayo ng gagawin?” Pagsusungit ni Ma’am

“Ma’am joke lang po sige po tatahimik na kami hehe.” Sagot naman nung kaklase ko na nasa harapan.

“Okay so ayun nga, wala muna tayong klase ngayon dahil marami akong dapat asikasuhin, gamitin nyo nalang ang oras ko upang gumawa ng mga dapat nyong gawin sa ibang subject, kung meron man. Kung sakali mang maglalabasan kayo, siguraduhin nyong hindi kayo magkakalat at magiingay sa hallway, maliwanag ba?” Pagpapaliwanag ng aming guro.

“YES MA’AM” sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.

“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Kapag nakarinig ako ng reklamo from other teachers at binaggit ang seksyon niyo, pare-pareho kayong lagot sakin. Dismissed, bye.” Tinignan nya kaming lahat ng bagbabantang tingin bago umalis.

Nagsilabasan halos lahat ng kaklase ko at kaming tatlo lang naiwan kasama yung magkakaibigan na andun sa unahan.

“Seryosong tanong, saan niyo ba balak mag-aral? Gusto niyo ba malayo or malapit?” tanong ni Cal.

“Depende, gusto ko sakto lang e. Hindi malayo, hindi rin malapit” Sagot naman ni Xen.

“Ikaw Rad? Parang di kana tropa ah, kanina kapa tahimik. Inlove ka naba?” Pagbibiro sakin ni Cal.

“Tigilan mo ako baka sapakin kita bigla jan.” Pagbibiro ko bago ko siya tignan ng masama at batukan.

Nagkayayaan kami na lumabas at doon nalang tumambay sa canteen dahil dalawang oras pa naman ang vacant namin, ang susunod kasi ni Ma’am ay break time kaya doon nalang kami nagpalipas ng oras.

Bumili ng pagkain yung dalawa at nagpasabat ako para may maiiwan sa lamesa namin. Habang inaantay ko sila, sinalpak ko nalang yung buds ko sa aking tenga at nagbasa-basa ng topic namin para sa susunod na subject.

Nakakatatlong kanta na ang nagdaan, tapos na rin akong magbasa bago nakabalik yung dalawa. Pinatay ko yung music ko at inilagay sa bulsa ang aking cellphone kasama ang earphone.

"Bakit natagalan kayo? wala naman gaanong estudyante ah dahil tayo ang pinaka naunang mag break time?" Tanong ko sa dalawa.

"Eh pano ba naman kasi tong siraulong to, pinauna yung mga babaeng nasa likod namin kasi daw kawawa sila at gentledog daw sya este gentleman." Sagot ni Callen.

"Tatlo lang naman 'yon kung makapagreklamo naman kayo pareho, paguntugin ko kaya kayo?" Sagot naman ni Xen samin.

Si Xen talaga kahit kailan laging ganyan. Sa aming tatlo, si Xen ang pinaka magalang at mabait sa mga babae. Ang rason nya kung bakit niya iyon ginagawa ay simple lang, bukod sa may mga kapatid siyang babae ay wala naman daw mali na rumespeto at maging mabuti sa babae. Tama nga naman siya kaya napaisip na naman ako roon sa babaeng nasigawan ko sa canteen noong nakaraan. Paano ba naman kasi? ayoko sa lahat ng nadudumihan ang polo ko o kahit ano mang nasa katawan ko, antagal kong nag-aayos sa kwarto bago ako pumasok tapos ganon?? Alam ko naman na baka nga hindi niya 'yon sinasadya pero ewan ko ba, mabilis akong mairita sa mga maliliit na bagay.

Pagkatapos naming kumain dumeretso kami sa mini park ng aming eskuwelahan, nasa likod lang ito ng building namin. Pumunta kami sa may malaking puno at doon tumambay. Pare-pareho kami ngayon na nakaupo sa isang karton na nakalatag sa damuhan dahil baka kami ay marumihan at mangati sa damo.

"Gisingin ninyo na lang ako kapag matatapos na yung break time" bilin ko sa dalawa bago isuot ang aking earphone.

Akma na akong hihiga ng biglang may tumama sa'kin na empty water bottle. Kinuha ko 'yon at hinanap kung saan 'yon nanggaling. Lumingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko yung tatlong babae, teka, familar sila. Eto rin yung mga babae na nandon sa canteen ah? sila-sila yung magkakasama at 'yong nasa pinaka likod, siya yung bumunggo sakin. Akala niya ba hindi ko malalaman porket nakayuko siya ng bahagya ngayon? Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa at talagang pinakita ko na naiinis ako sa nangyari. Binato ko yung water bottle sa kabilang banda malayo sa kanila. Buti nga! pulutin nyo 'yan.

Hindi ko alam kung nananadya ba o pare-pareho lang silang bulag, di ba nila alam na may tao rito? tatlo kaming nandito ako pa yung napili nilang tamaan tss.

Tinignan ko yung dalawa sa tabi ko at abala sila sa paglalaro ng kanilang cellphone, mukha namang alam nila yung nangyari pero di nalang nila pinansin dahil abala sila pareho. Pinagpatuloy ko nalang yung naudlot kong gagawin kanina, tinabunan ko ng panyo ang aking mukha at ginawa ko namang unan yung braso ko.

Nang magising ako, tinignan ko agad kung anong oras na. Mag-aalas singko na pala, isang subject nalang maguuwian na kami.

"Sabi ko, gisingin ninyo ako diba? wala akong paki kung di kayo papasok." Binatukan ko sila pareho. Mga siraulong 'to, dinamay pa ako sa kabalastugan nila pareho.

"Eh eto kasi si Callen, sabi niya hayaan ka nalang daw matulog dahil mukha ka raw pagod" sagot ni Xen sakin habang hinahawakan yung batok niya.

"Ikaw pa tuloy ngayon ang galit? buti nga concern lang ako, gagong to." sagot sakin ni Callen.

Di ko nalang siya pinansin dahil mukhang tinatamad narin naman akong pumasok.

Tumayo ako at sumunod naman sa'kin yung dalawa baka andoon narin kasi yung last teacher namin para sa araw na 'to, kaya bumalik na kami sa aming classroom.

Pagdating namin doon, sakto naman ang pasok nung last subject teacher namin, nakinig ako dahil Mathematics ang subject niya, hindi ko nga alam kung bakit nagkakainteres ako sa math kahit ansakit naman nitong intindihin minsan.

Pagkatapos mag klase ni sir, binilinan niya kami na mag-review dahil malapit na raw yung finals namin. Kaya pala karamihan sa subject teacher namin ngayon pati na rin yung adviser namin ay busy, maraming ginagawa siguro para sa graduation namin.

Ako lang muna ang bumyahe mag-isa, yung dalawa kasi eh may kanya-kanyang lakad. Hindi na ako nag abala pang tanungin sila kung saan sila pupunta at kung sakali rin namang ayain nila ako, hindi ako sasama dahil gusto ko na rin umuwi, sinabi ko nalang na mag-iingat sila pareho.

Pagkarating ko sa bahay namin, naghahanda na si nana ng hapunan namin at tinutulungan siya roon ni tata. Lumapit ako sakanila para magmano at umakyat na sa kwarto para magbihis at maglinis ng katawan bago bumaba.

Sabay-sabay lang ulit kami kumain at pagkatapos ko silang tulungan magligpit, nag insist ako na ako na ang maghuhugas mg mga plato pero sabi ni nana sya na raw kaya nagpaalam na ako sakanila na aakyat na ako para magpahinga at matulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status