Share

Quatro

"You will study abroad Thrai, pagkagraduate mo ng shs sasama ka na sakin." seryosong saad ni mommy sakin.

"Pero ma, gusto ko po dito kay tita. I want to study here in Manila, bakit kailangan ko pa sumama sainyo sa Canada?" pagtutol ko sa sinabi ng mommy ko. Grabe naman kasi, ang hirap kayang makisalamuha sa mga tao. Atleast dito meron na akong mga kaibigan na malalapitan.

"Gusto ng daddy mo na doon ka mag-aral ng business sa isang University sa Canada, maganda ang opportunity na yon Thrai." seryoso siyang tumingin sakin.

Nginitian ko si mommy at nagpaalam na pupunta na ako sa kwarto ko para maghanda kasi may pasok pa ako.

Nakatulala ako ngayon sa vanity mirror ng kwarto ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung paguusap namin ni mommy kanina. Gustuhin ko man na pahabain pa ang usapan naming dalawa para pakiusapan sila ni daddy sa gusto nilang mangyari, hindi ko na ginawa dahil alam ko rin naman na hindi ko talaga sila macoconvince. Ano pa nga ba ang aasahan ko, ako lang naman ang anak nila.

Tumayo na ako sa pagkakaupo para gumayak dahil isang oras na lang, magsisimula na ang unang klase ko. Hindi naman kalayuan ang school ko sa bahay namin, isang tricycle lang naman ang sasakyan 15mins lang yon kaya meron pa rin akong extra time para mag-ayos ng mukha ko.

Pagkatapos kong maligo, blinower ko na yung buhok ko at sinuklay bago ko isuot ang uniform ko. Naglagay ako ng simpleng make up at inayos ang aking gamit bago ako bumaba sa aming sala. Nagpaalam ako kay tita at kay mommy na aalis na ako para pumasok. Binilinan lang nila ako pareho na mag-ingat dahil abala sila sa paguusap habang may inaayos na papel.

Pagdating ko sa school, sinalubong agad ako ni Avey at Jaz. Ganto ang laging ganap samin everyday, yung room kasi namin every first subject ay medyo malapit sa gate ng aming school kaya naman kung sino man ang nauuna samin ay tumatambay na lang sa puno na katabi ng building ng room namin para roon mag-antayan at magkitaan. Malaki ang school namin hindi lang kasi senior highschool ang meron dito, meron ding highschool pero nakahiwalay sa buldings namin.

"Teya! bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Jaz sakin.

"Eh bakit ba, hindi pa naman tayo late ah! may 15mins pa nga tayo e." sagot ko naman sakanila

"Hoy teya! you know what we mean. Sa tagal nating nagsama, alam na namin yung iba't ibang itsura ng mukha mo no, atsaka hello? Teya malalate?? " pagkausap sakin ni Avey na talagang alam niya na kung ano ang meron ngayon. Sabagay, antagal ko na rin silang kaibigan. Sa haba ba naman ng panahon na magkakasama kami palagi imposibleng di nila ako makilala ng husto.

Huminga ako ng malalim at magsasalita na sana nang biglang nagring na yung bell. Phew! buti na lang, save by the bell! tinignan ko sila at nginitian ng malaking ngisi na akala mo nanalo ako sa pustahan. Tinitigan nila akong dalawa ng "mamaya ka sa amin" look kaya binilisan ko na ang lakad ko para makapasok na kaming lahat sa room.

Pagdating namin sa room, sakto lang din na kakapasok lang ng teacher namin. Matagal pa yung oras ng uwian namin pero gusto ko ng umuwi hays. Habang nagtuturo yung teacher namin, nakaramdam ako ng antok dahil siguro hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa sinabi sa akin ni mommy. Yumuko ako sa aking desk dahil hindi rin naman ganon kaimportante yung dinidiscuss ng teacher namin. About lang sa mga requirements ang buong oras ng klase namin para dun sa iba kong classmate na hindi pa kumpleto sa pagcompile ng school paper works para sa grade computation.

Nagising na lang ako ng may tumatapik sa balikat ko. "Hoy te ano? nasa school ka ha pinapaalala ko lang sayo. Hindi porket pangalawang bahay natin ang school eh ka-careerin mo na ang pagiging feel at home mo! Kung di kita ginising, mukhang balak mo pa atang matulog hanggang mamaya." pagbibiro sakin ni Av.

"Ano ka ba Av, ineeme lang tayo nyan ni Teya. May atraso yan sa'tin diba kanina." Sabay kindat ni Jaz kay Av.

Tinarayan ko na lang yung dalawa at nag-ayos ng gamit para sa susunod naming subject. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, sakto rin naman na dumating yung teacher namin for the next class.

Ganon lang din ulit ang naging ganap ng buong oras na klase namin, nagkukumpleto para sa mga may kulang na school works. Sinasabi na rin ng aming mga guro ang mga dapat namin na maging project for their subjects. Gusto raw kasi nila na before mag exam eh nakafinalize na yung grades para exam nalang talaga ang iintayin.

"Dahil natapos na natin ang ating mga lektura at tapos na rin tayo sa ating consultation, magkakaroon kayo ng final project para sa aking subject. Igrupo nyo ang inyong sarili sa tatlo at gagawa kayo ng pagsasaliksik patungkol sa isyung panlipunan. Ipasa nyo bukas sakin ang mga pangalan ng magkakagrupo. Yun lamang at tapos na ang inyong klase sa akin." Pagtatapos na sabi ni Maam bago sya tuluyang lumabas ng klase.

Hindi na ako nag-abala pa na maghanap ng kagrupo dahil pagtingin ko sa dalawa ay nakatingin din sila sa'kin habang nagtatanungan kung anong isyung panlipunan ang aming gagawan ng research. Lagi naman kapag nagkakaroon ng groupings at kami ang magdedecide ng aming mga kagrupo, palaging magkakasama kaming tatlo.

"Mamaya na natin yan pag-usapan, nagugutom na ako." suhestiyon ni Av dahil mukhang seseryosohin pa ata ni Jaz yung gagawin namin to the point na hindi na sya magla-lunch. Jusko na babae talaga to!

"Kaya nga Jaz, di ka ba nagugutom? akala mo naman bukas na agad yung pasahan nyan hmp!" sang-ayon ko naman kay Av.

Tumingin sakin si Jaz at tinarayan ako, "Girl wag ka na makijoin kay Av, ikaw naman mamaya ang gigisahin namin sa tanong akala mo ha" ngingisi ngising sabi sakin ni Jaz.

"Tara na nga kayong dalawa! mauubusan tayo ng upuan sa canteen ano ba. Ikaw naman teya, spill the tea!! Mukhang bet 'yang story mo for today. " Sabat samin ni Av kaya pareho na sila ngayon ni Jaz na nakangisi sakin.

Hayy! oo nga pala no? akala ko talaga nakalimutan na nila nakakainis hmp 'tong dalawang to talaga kapag talaga chika hinding hindi ka nila papalampasin!

Lumakad na kami papalabas ng room para pumunta ng canteen para kumain. Habang naglalakad naisip ko na naman ulit yung sinabi sakin ni mommy. Kilala ko' tong dalawa, talagang hindi nila ako titigilan hangga't diko sakanila yon nasasabi, thankful din naman ako sa kanila kasi di ko talaga alam kung ano rin yung gagawin ko kaya nga ayaw ko sumama kay mommy kasi comfortable na ako sa mga kaibigan ko at ayaw ko ng kumilala pa ng bago kasi baka hindi naman kasing genuine nila Av at Jaz. Sa tagal naming magkakasama, since elementary ba naman kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Sa aming tatlo ang studious when it comes sa acads ay si Jaz, actually lahat naman kami pero iba talaga yan si Jaz. Si Av naman, siya yung parang Knight in Shining Armour namin, napaka prangka kasi ng babaeng yan at talagang palaban sa sobrang competitive nyan at ayaw magpatalo, nanalo sya sa debate competition nung gradeschool namin.

Napahinto ako sa pag-iisip at tumingala nang may mabunggo akong matangkad na lalake, napasigaw sya at tinignan nya ako ng nakakainis na tingin

"Can you atleast look where you we're going, Miss?"

Infairness kahit nakakairita yung tono ng pananalita nya, medyo respectful pa rin ha.

Yumuko ako at humingi sakanya ng pasensya dahil kung hindi lang din dahil sa kagagahan ko kakaisip ng kung ano-ano, hindi matatapon juice na dala nya sa mismong polo niya.

“Anong magagawa ng sorry mo sa mantsa ng polo ko? Mamaya pa maguuwian oh, malagkit.” inis nyang sabi sa'kin habang pinapagpag yung polo nya na akala mo naman matatanggal yung mantsa. Ang sungit naman netong asungot na'to nakakarindi. Iniangat ko yung ulo ko at tinignan sya ng masama bago umalis sa kinapepwestuhan namin dahil mukhang andami naring nakikisilip samin.

"Yung lalakeng yun akala mo kung sino, aba kung makaarte sya akala mo hinagisan sya ng putik eh!" inis na sabi ni Av habang naglalakad kami.

"Eh pano ba naman kasi tong shushunga shunga mong friend, kung saan-saan tumitingin ayan nakabunggo tuloy ng pogi." paninisi sakin ni Jaz at ngiti ngiting tumimgin sakin.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sakanya ng masama. "Wow ha! kung makatanggol ka ron sa asungot na yon, frenny mo?? close kayo? hmp!" Sabagay kung iisipin ko nga naman, ako naman talaga yung may kasalanan pero bakit ba! alam nya palang mabubunggo sya sa'kin dipa sya umiwas che!

Binilisan na lang namin yung pag kain namin kasi 15mins na lang ang naiiwang oras para sa susunod na klase namin. Hindi tuloy ako nakakain ng paborito kong carbonara sa canteen! ansarap pa naman magluto ni Ate Carrie non, yung masungit na tindera sa canteen na laging havey yung kilay.

Sa buong oras ng aming klase hanggang sa huling subject, puro ganon lang yung naging ganap. Hindi ko na nga namalayan yung oras na maguuwian na pala kami. Since malapit na yung finals, busy ang mga teacher namin kaya naman yung iba mas pinili na lang na hindi muna pumasok sa klase namin pero nagbilin ng mga ipapagawa. Wala naman akong naging kulang sa bawat subject at mas lalong wala akong need na gawin kasi hindi naman ako umaabsent kahit nga masama na yung pakiramdam ko, pumapasok pa rin ako kaya ang ginawa ko nalang sa buong oras ng pasok namin ay mag cellphone, makipagusap sa dalawa at magbasa-basa ng mga notes para sa finals namin.

Finally! Nagring na yung bell uwian na namin kanina ko pa kasi talaga gusto umuwi at magpahinga parang nakakapagod 'tong araw na 'to. Agad-agad kong sinukbit yung bag ko dahil wala naman ako gaanong liligpitin at nilapitan yung dalawa. Nagpaalam ako na mauuna na ako sakanila dahil mukhang mamaya pa ata sila uuwi at may dadaanan daw silang newly open na shop. Hindi na ako sumama sakanila at sabi ko next time na lang dahil gusto ko na talagang umuwi at magpahinga.

Pagdating ko sa bahay, dumeretso na ako sa kwarto ko at nagsabi kila mom na busog ma ako at magpapahinga na ako sa kwarto ko. Hinayaan nila ako dahil kilala naman nila ako na hindi ko talaga kayang tiisin ang gutom ko. Haayy grabe! nakakapagod 'tong araw na 'to, nakakainis pa at nakakahiya doon sa asungot na 'yon dahil sa nangyari kanina sa canteen. Shs na rin kaya sya? Hays ewan makatulog na nga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status