ANB-5
Hindi dalawin ng antok si Kiara ng gabing iyon. Marami pa ring katanungan sa kanyang isip ang gusto niyang masagot. Sa ilang taon na pamamalagi niya sa America, hindi niya alam ang totoong naging kalalagayan ng kanyang mga magulang. Mas madalas na sabihin ng mga ito na 'ayos lang' at 'ni minsan ay hindi nagsabi sa kanya kung kinakapos man sila sa pera. Negosyante ang papa niya at ang alam niya ay maayos ang pagpapatakbo nito sa kabuhayan nila. Walang problema, ngunit paanong lumaki nang gan'on ang utang ng mga ito sa lalaking iyon? Hindi biro ang twenty million, pero saan naman nila nagamit ang gan'on kalaking halaga? Pati ang bahay nila na naibenta nang hindi niya nalalaman. Isa pa ang pagpapauwi sa kanya ng mga magulang na idinaan pa sa malaking kasinungalingan. Isinakripisyo niya na mag-resign sa trabaho, sa paniniwalang may sakit nga ang mga ito. Ngunit gagawin lang pala siyang iwan sa poder ng lalaking hindi niya kilala at 'ni sa panaginip ay hindi niya hinangad na makasama. Gusto niyang maiyak, ngunit pinilit niyang maging matatag. Kailangan niyang maging manhid. Alam niya na kaya niyang malampasan ito kagaya ng mga unos na dumaan sa kanya. Hindi niya hahayaan na ilugmok siya ng kahinaan. Ilang taon na namuhay siya sa sarili niya at walang ibang nasandalan, ngunit kinaya niya at ngayon, panibagong pagsubok na naman ito na daranasin niya. Taimtim siyang umusal ng panalangin at pinilit na ipinikit ang mga mata, hanggang sa hindi niya namalayan na iginupo siya ng pagod at nakaidlip.Mataas na ang sikat ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina, nang magising si Kiara kinabukasan. Ramdam niya ang pananakit ng katawan, marahil ay may jetlag pa siya. Hindi nagtagal at nakarinig siya ng katok sa pinto."Magandang umaga, ma'am. Nakahanda na po ang pagkain ninyo. Maari na po kayong bumaba." Nakangiting sabi ng kasambahay na nag-asikaso sa kanya kagabi. "Salamat po, pero hindi na po sana kayo nag-abala pa." walang emosyong sagot ni Kiara."Ibinilin po kayo sa amin ni sir bago siya umalis kanina. Kaya kung may kailangan pa po kayo, huwag po kayong mahiya na magsabi.""Wala ako'ng ibang kailangan. Ang gusto ko ay makaalis sa bahay na ito.""Pero napaka-imposible po yata ng gusto n'yo, ma'am. Lalo na at napakarami ng bantay ni sir sa paligid. Mas mainam kung sundin n'yo na lang po ang gusto niya. Alam ko po na magkakasundo rin kayo kapag nakilala n'yo nang husto si sir." pangungumbinsi nito."Wala po ako'ng balak na makilala pa s'ya, dahil aalis at aalis pa rin ako rito.""Ang mabuti pa, bumaba ka na para malamanan iyang sikmura mo. Hindi ka pa kumain kagabi, 'di ba? Mahirap na nalilipasan ng gutom. Mauuna na ako sa 'yo sa baba, sumunod ka na lang," At tumalikod na ito.Walang imik na nasundan na lamang ito ng tingin ni Kiara. Gustuhin man niya na maawa sa sarili ngayon, dahil pakiramdam niya ay wala siyang magawa, ngunit hindi maari. Nilapitan niya ang kanyang mga bagahe na nasa isang tabi at binuksan. Naghanap siya nang pwedeng maisuot na kumportableng damit. Jogger at t-shirt ang napili niya para mas maayos siyang makakilos. Ayon sa ginang kanina, wala ngayon ang amo nito at malaki ang chance niya na makahanap nang madaraanan para makalabas sa bahay na 'yon.Napangiti at tila muling nabuhayan ng pag-asa si Kiara na tinungo ang banyo para maglinis ng sarili. Wala siyang napansin na tao sa sala ng lumabas siya. Sandali siyang nagmasid, at may napansin siya na ilang bantay sa labas ng bahay. Tahimik na pumasok siya sa kusina at nakita na abala ang dalawang kasambahay sa paghahanda ng pagkain."Nariyan ka na pala," puna sa kanya ng isa na napansin siya, "Halika na at nang makakain ka na rin. Kung may iba ka pang gusto na wala rito, sabihin ko lang para maihanda namin,"Sandali niyang sinulyapan ang mga pagkain sa harapan niya. Bigla siyang natakam at nakaramdam ng gutom. Kagabi pa siya walang kain, at ramdam niya ang pangangalam ng kanyang sikmura. "Maupo ka na," alok ng ginang. Nahihiya man ngunit isina-isantabi iyon ni Kiara at mabilis na naupo. Kailangan niyang kumain para gumana ng maayos ang kanyang utak at makapag-isip ng matino. "Baka hindi pa po kayo kumakain, sabayan n'yo na po ako rito," nakangiting alok niya sa dalawang kasambahay. Nakangiti na nagkatinginan ang mga ito, "Sige lang, iha, mukhang mas kailangan mo iyan. Kahapon pa kasi walang laman ang tiyan mo. Huwag mo kaming alalahanin at ayos lang kami," sagot ng isang ginang.Hindi napilit ni Kiara ang dalawang ginang kaya kumain siyang walang kasalo. Hindi tuloy niya namalayan na naparami pala ang kain niya."Salamat po sa pagkain. Maari po ba akong maglibit-libot muna sa labas ng bahay?"Nagkatinginan ang dalawang ginang."Magpapahangin lang po ako. Hindi naman po ako gagawa nang hindi maganda. Saka isa pa, marami naman pong bantay sa labas kaya wala po kayong dapat na ipag-alala," kumbinsi niya sa mga ito. "Pasensya na, ma'am. Mahigpit po kasing ipinagbawal ni sir na palabasin kayo rito sa bahay.""Hindi naman po ako tatakas kung iyon ang iniisip n'yo, eh! Please, sige na po, sa garden lang naman po ako," giit ni Kiara."Mas mabuti po na kay sir na lang kayo magpaalam kapag dumating s'ya. Hindi po kasi namin kayo pwedeng pagbigyan, alam n'yo naman po kung bakit," "Haist, may magagawa pa ba ako?" Laglag balikat na tinungo ni Kiara ang sala at naupo roon. Hinintay niya na mas maging abala pa ang mga tao sa bahay. Mayamaya ay nagpaalam ang isang kasambahay na lalabas para mamalengke. Naiwan ang isa na abala sa kusina. Nang medyo malingat ito ay maingat at walang ingay na tinungo niya ang isang pasilyo. Marahil ay daan iyon palabas ng bahay. 'Bahala na!' bulong niya sa sarili.May kahabaan iyon at may tatlong silid lang siyang nadaanan. Ngunit hindi siya nagtangka na buksan alinman sa mga pintong iyon. Pagdating sa pinakadulo, maswerteng hindi naka-lock iyon. Akmang palabas na sana siya ng may dalawang bantay na nagmamasid sa bakuran. Maingat na nagtago muna siya at hinintay na makaalis ang mga ito. Hindi nagtagal at nakalabas siya. May kataasan ang pader ng bahay kaya alam niya na wala siyang pag-asa na makadaan doon. Umisip siya ng ibang paraan para tuluyang makalabas ng bahay na iyon. May dalawang bantay na malapit sa gate. Hindi rin siya pwedeng lumantad mula sa pinagkukublihang halaman, dahil sigurado na makikita siya ng dalawang bantay na rumoronda.Sa hindi kalayuan, napansin ni Kiara ang paglabas ng isang maid na may bitbit na garbage bag. Palapit ito sa gate na marahil ay magtatapon ng basura.Nilingon niya ang bantay na palaging umiikot, tama naman na pumasok ang mga ito sa loob ng bahay. Sinamantala niya ang pagkakataon at mabils na tumakbo palabas sa gate. Nakatalikod ang babaeng naglalagay ng garbage plastic sa drum, kaya mabilis siyang nakasuksok sa malagong halaman sa gilid para magtago. Abala naman ang guard sa pagkain nito, habang ang isa pa ay may kausap sa phone nito. Mabilis na tumakbo siya palayo sa mga ito. Hindi pa man s'ya nakakalayo ng biglang maputol ang dahon ng suot niyang tsinelas, kaya napilitan siyang iwan iyon sa daan. Mainit ang panahon at nahahapo na siya. Pakiramdam din niya ay uhaw na uhaw, kaya sandali siyang huminto sa gilid ng kalsada para magpahinga.Isang pulang kotse ang huminto sa tapat niya, "Miss, mukhang pagod na pagod ka yata? Baka kailangan mo ng tulong? Medyo malayo pa ang main gate nitong subdivision," sabi ng isang babaeng nagmamaneho nito."Ah, no! Okay lang ako. Salamat na lang," tanggi niya sa takot na baka sindikato ito. Pero maamo at mukhang mabait naman ito. "It's okay! Pwede kitang ihatid hanggang sa labasan para hindi ka na mapagod, saka mukhang may sugat na yata ang paa mo?" "Okay lang talaga ako," aniya. Ngunit mayamaya ay naisip na baka maabutan pa siya roon ng mga tauhan ni Tristan kapag nilakad pa niya hanggang sa labasan. Hindi magsasayang ng oras ang mga ito na hanapin siya kapag nalaman ng mga ito na lumabas siya. "Are you sure, hindi mo kailangan ng tulong?" paniniyak ng driver. "Pwede kitang ihatid sa labasan nitong subdivision.""Sige," mabilis na sagot ni Kiara. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sumakay kaagad sa kotse nito. "That's good! Anyway, bakit ka ba narito sa daan?" "Ah, wala naman, medyo naligaw yata ako. Saka nalagot kasi 'yung tsinelas ko kanina," dahilan niya. "Naku, mabuti na lang pala at hindi ka nakita ng mga loko rito. Kung minsan kasi, gala ang mga iyon at bibiktimahin kung sino ang matipuhan nila. Anyway, ligtas naman dito sa subdivision. Kaya lang dapat pa rin talaga nag-iingat, lalo na sa panahon ngayon." "Oo alam ko naman 'yon. Salamat nga pala sa tulong mo," sagot pa ni Kiara."Wala 'yon! Sa kanya ka magpasalamat," anito sabay nguso sa taong nakaupo sa likuran ng sasakyan. Napalingon si Kiara sa taong tinutukoy nito para magpasalamat, ngunit bigla siyang nagulat at natigilan nang mapagsino kung sino ang taong iyon. Nakatitig ito sa kanya habang nakangisi."Ikaw?" nagulat na bulalas niya."Nasorpresa ba kita?" nakangising tanong nito kay Kiara.ANB-6"Magkakilala pala kayo?" sabi ng babaeng driver."Pababain mo ako rito, please?" Samo na baling ni Kiara sa babaeng nagmamaneho ng kotse."Oh, may problema ba?" "Basta, pababain mo na ako rito. Ako na lang ang-" "Magmaneho ka lang," utos ni Tristan sa babae. "Idiretso mo sa bahay,""No! Pababain mo ako rito!" matigas na sabi ni Kiara."Tristan, you didn't say na medyo may katigasan pala ang ulo ng girlfriend mo?" "Girlfriend? Ano'ng pinagsasasabi n'yo? Hindi n'ya ako girlfriend!" angal ni Kiara na sinamaan ng tingin si Tristan."Well, it didn't matter whatever it is," Kibitbalikat na tugon nito. "Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin 'yon? Well, ngayon pa lang sasabihin ko na sa 'yo na hinding-hindi ako papatol sa kagaya mo! Isinusumpa ko! I don't care kung mayaman ka man. Hindi ko kailangan ang pera mo, dahil kaya ko 'yon hanapin para sa sarili ko," sabi ni Kiara."Yeah, you're right, maybe you don't need my money. But your loved ones need it, right?" kalmanteng sagot n
ANB-7Matapos ang mahabang kwentuhan nila ni Celina, nagpasya si Kiara na lumabas sa hardin. Napansin niya na tila may mga nadagdag sa mga taong nagbabantay sa mansyon. Hindi niya pinansin ang mga ito at lumapit sa mga halamang namumulaklak doon. May lungkot sa mga mata na nilapitan niya ang rosas na namumulaklak at inamoy iyon. Naalala tuloy niya ang nakaraan kung saan iyon ang bulaklak na madalas ibigay sa kanya ng kanyang ex-boyfriend. Tila napasong nabitawan niya iyon muli at lumayo. "Ma'am, kung may kailangan po kayo, magpasabi lang po kayo," sabi jg isang bantay kay Kiara na kanina pa niya napansin na sumusunod sa kanya."Katahimikan at kalayaan ang gusto, hindi ang bantayan ako palagi na para akong kriminal. Pwede bang iwan n'yo muna ako?" walang buhay na sagot niya rito."Pasensya na po, pero sumusunod lang po ako sa utos ni boss," sagot nito "To hell with your boss!" matamlay na sagot ni Kiara. Naupo siya sa isang swing na malapit sa pool area at hindi na pinansin ang bant
ANB-8Hindi makakilos si Kiara sa mahigpit na pagkakahawak ni Tristan sa kanyang braso at batok. Tila wala itong pakialam kahit masaktan siya. Patuloy si Kiara sa panlalaban dito, sinuntok niya ito sa dibdib ngunit tila hindi naman nito ininda iyon. Halos hindi rin siya makasagap ng hangin at tila pinangangapusan na ng hininga. Mariin at mapagparusa ang halik na iginawad nito sa kanya. Ang lahat ng galit na gustong sabihin niya rito ay na-stock sa kanyang lalamunan. Halos ipitin nito ang kanyang buong katawan, dahil sa laki nito.Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang labi at nalasahan ang maalat na marahil ay dugo mula sa labi niyang nasugat, dahil sa diin ng halik nito. Nanlambot siya dahil sa kakapusan ng hangin at napahikbi na lang kasabay ang patuloy na pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Bumalik siya sa Pilipinas, ngunit hindi niya inasahan na masasadlak siya sa kamay ng taong ito. Pinatunayan lang nito kung gaano katotoo ang hinala niya rito. May ilang minuto rin bago nilubay
ANB-9Mabilis na inayos ni Kiara ang sarili. Hindi siya maaring abutan ng lalaking iyon sa gan'ong ayos. Hindi dapat nito makita ang kahinaan niya. Lumabas siya sa silid, at kung ano man ang iutos nito sa kanya, wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod, dahil siya na lamang ang naroon. Medyo nakakaramdam na rin siya ng gutom kaya naghalungkat siya sa ref ng pwede niyang kainin. Kumuha siya ng bread at pinalamanan ng butter. Saka nagtimpla ng tea. Kumakain siya ng makarinig siya ng pumasok na tao sa bahay. Mayamaya pa ay ang matinis na halakhak ng isang babae. Napakunotnoo si Kiara, dahil alam naman niya na wala na roon si Celina. "Hey, stop it!" maarteng sabi pa nito na hindi niya alam kung sino ang kausap. Anyway, ano bang pakialam niya sa mga ito? Balewalang ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Kaagad niyang nilinis ang pinagkainan bago bumalik sa silid. Hindi sinasadya na napalingon siya sa gawi ng sala ng lumipas siya sa tapat ng pinto at napansin ang babaeng nakayuko, ha
ANB-10"Ara?" Napakunotnoo si Kiara matapos marinig ang pangalang tinatawag ni Tristan. Wala naman siyang kilalang Ara dito sa loob ng bahay at tanging siya na lang ang naiwan matapos magbakasyon ang mga ito sa kagustuhan na rin ng amo nila. 'Hindi kaya Ara ang pangalan n'ung babaeng kasama niya kanina?' tanong niya sa sarili. 'Ano bang pakialam ko kung sino s'ya? Bahala ka sa buhay mong magsisigaw d'yan,' bulong niya sa sarili.Tinungo niya ang kusina at naghanap nang pwedeng iluto para sa pagkain n'ya. Kahit pa sinabi ng mayordoma na siya na muna ang mag-aasikaso sa amo nito, binalewala pa rin niya. Ang mahalaga maka-survive s'ya habang narito. Makakahanap rin siya ng tamang tyempo para makalabas sa bahay na ito. Hinalungkat niya ang laman ng ref nang biglang may humaklit sa braso niya."Ano ba? It hurts," Singhal niya rito sabay sulyap. Nakatunghay sa kanya ang malamig na mga mata ni Tristan. Halos mag-isang linya ang pagkakalapat ng mga labi nito. Naramdaman niya nang mas lalo
ANB-11TRISTANMAINGAY sa bar na pinuntahan ni Tristan. Tinawagan din n'ya ang kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Ivan. Ito ang madalas na kasama niya sa mga night out niya. Parang kapatid na ang turingan nila sa isa't-isa mula nang mawala ang kanyang mga magulang. Madalas silang magkaramay kung may mga problema. Nauna na siyang tinungo ang counter at um-order ng alak habang hinihintay ang kasama. Marami na ang mga costumer at halos lahat ay sumasabay sa maharot na musika. Nagsimula siyang magsalin sa kanyang kopita ng may isang babae ang kaagad na lumapit at tumabi sa kanya. "Alone?" Malanding sabi nito na sadyang binasa pa ang mga labi gamit ang dila nito at nagpapungay ng mga mata. "No, I'm waiting for a friend," Sinulyapan niya ito at napansin na may itsura ito at maganda ang hubog ng katawan. Nakaramdam na naman siya ng kakaiba sa kanyang alaga."Then I can be your company for the meantime," Inilapat nito ang palad sa malaki at mamasel na braso ni Tristan. "Sure," a
ANB-12KIARANARAMDAMAN niya na may humaplos sa kanyang pisngi kaya mabilis siyang nagmulat ng mga mata. "Sino ka?" Napabalikwas na tanong niya rito, dahil hindi niya ito kaagad nakilala dahil may kadiliman ang paligid at tanging liwanag mula sa may puno ng hagdanan ang tumatanglaw sa kanila. "Hey, relax! It's just me!" sagot ni Tristan."Anong ginagawa mo rito? Huwag mo nga akong hawakan!" Angil ni Kiara sabay waksi sa kamay nito. "Amoy alak ka pa!" Napangisi si Tristan, "Nagkatuwaan lang naman kami sa labas. Anyway, wala naman ibang ibig sabihin kung hinawakan man kita. Gusto ko lang naman sanang gisingin ka, dahil malamig rito. Umakyat ka na d'on sa kwarto mo!" utos nito."Ipapaalala ko lang sa 'yo. Nangako ka na hindi mo ako pakikialaman sa kahit anong gawin ko."Hindi umimik si Tristan at tinitigan lang siya sa mga mata."Okay!" Kibitbalikat na tugon nito at tumalikod, "Bakit pa nga ba ako nag-aaksaya ng oras na kausapin ka, eh, alam ko naman na hindi ka rin naman makikinig? H
ANB-13KIARAMASAYANG mukha niya ang bumangon kinabukasan. Magaan ang kanyang pakiramdam. Binuksan niya ang bintana na may kaliitan sa kanyang silid at padipang tumingala habang nakapikit. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng oras kahapon para ayusin ang silid niya at ilipat ang ilang gamit na nakatambak doon sa likuran ng bahay. Ngayon nakakahinga na siya ng maluwag. Malayang tumatama ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat. Dumukwang siya sa bintana at nakita niya ang driver ni Tristan na abala sa paglilinis ng kotse. Mayamaya ay napansin niya ang pagbukas ng gate at pagpasok pa ng isa pang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya. 'Hmm, sino na naman kaya ang bisita niya na ganito kaaga?' piping tanong niya sa sarili at nangalumbaba doon upang pagmasdan kung sino ang sakay nito. Isang lalaki ang lumabas mula roon at hindi naman niya makita ang mukha, dahil nakatalikod ito sa kanya. Sa kilos nito ay tila sanay na ito sa bahay at kampanteng pumasok. Kibitbalikat na tinungo niy