ANB-38Napansin ni Kiara ang ilang pasa sa mukha ni Gabby. May bakas rin ito ng sugat sa gawi ng kilay nito. Hindi niya tuloy maiwasan na isipin kung pinahirapan rin ba ito nang mga hangal na taong iyon. Tipid na ngiti ang gumuhit sa labi ni Gabby habang nakatitig sa kanya. Pilit itong itinutulak ng lalaking nasa likuran nito para sumunod sa kanya sa itaas ng entablado. "Ano ba! Bilis-bilisan mo nga!" Inis na utos ng lalaki at sabay palo sa binti ni Gabby kaya napaangal ito sa sakit at paiklay na sumunod sa utos nito, hanggang sa tuluyan itong makalapit sa tabi ni Kiara. Muling umingay ang paligid sa pingkian ng mga baso at hiyawan ng mga taong nakapaligid sa kanila. "Kiara, okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila kanina?" Tanong ni Gabby na halos pabulong na lang. Sa halip na sumagot ay iling lang ang naitugon ni Kiara. Nakita niya ang relief na bumalatay sa mukha nito. At sumilay ang isang tipid na ngiti."Mabuti naman! Akala ko kasi pinahirapan ka nila. Pasensya ka na. Akala ko
ANB-39Nagkamalay ang dalaga na nakabalik na sa silid na kung saan siya ikinukulong nang mga taong dumukot sa kanila. Kasunod niyon ay muling bumalik siya sa alaala kung saan huli niyang natatandaan. Napabaling tuloy ang kanyang tingin sa paligid at nakita ang lalaking nakatalikod habang nakaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nakahubad baro ito habang nakayuko at sapo ang ulo. "S-Sino ka?" nabiglang tanong ni Kiara. Napahigpit ang hawak niya sa kumot na nakatakip sa katawan niya. Saka lang niya natuunan ng pansin na salatin ang sarili sa ilalim ng kumot matapos na maramdaman ang pagkiskis ng tela sa kanyang katawan. Noon niya napansin na wala siyang ibang saplot sa katawan maliban sa kanyang underwear. "S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito? A-Anong nangyari?" halos tumindig ang balahibo niyang tanong dito. Tila hindi n'ya matanggap sa isip ang posibilidad na iyon. Aya. Mas lalong napasuksok ang kanyang katawan sa malaki at matigas na pader. Unti-unti nag angat ng ulo ang lalak
ANB-40Masusing pinagmasdan ni Kiara ang buong paligid ng bahay habang papasok pa lamang sila dito ni Gabby. Hindi siya sigurado kung subdivisyon ba iyon o isang private na lugar lamang. Ang tanging alam niya ay pumasok sila sa isang malaking gate na wala rin naman guard, at halos matataas at malalaking puno na ang sumalubong sa kanila habang binabaybay ang kalsada papasok. Wala rin naman siyang makitang bahay sa bungad na dinaraanan nila papasok. May nakapalibot din na mataas na pader na yari sa semento ang paligid. May ilang minuto pa at bumungad sa kanila ang isang may kalakihang bahay bagama't halatang hindi na iyon naaasikaso at nagmukha na ngang hunted house. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kilabot. Hindi man niya gustong takutin ang kanyang sarili, ngunit hindi niya maiwasan lalo na at nakikita niya ang itsura ng lugar. Huminto sila sa harap ng bahay. Pansamantalang lumanghap ng hangin si Gabby paglabas nito sa sasakyan, bago siya nito pinagbuksan ng pinto. Maayos naman
ANB-41Nang maramdaman ni Kiara na umalis na ang kotse, mabilis siyang nagtungo sa bintana upang silipin ito. Nang masigurong malayo na ito ay mabilis na tinakbo niya ang harapang pintuan para buksan. Ngunit gan'on na lang ang pagka- dismaya niya nang hindi niya ito mabuksan. "Shit! He locked it outside." Nasapo niya ang kanyang ulo sa sobrang inis at desperasyon na makaalis sa lugar na iyon. Kaagad na tiningnan pa niya ang palibot ng bahay sa pag-ba-baka sakali na may makita siyang maaring daanan palabas. Ngunit sa malas ay close lahat ng bintana at pinto ng bahay. Nakaramdam na ng pagod si Kiara sa kaka-ikot lahat sa paligid ng bahay kaya napasalampak siya ng upo sa sopa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ini- relax ang isip para makapag isip ng maayos. Tinungo niya ang kusina at naghanap nang kahit na anong bagay na maaring makatulong sa kanya para makalabas doon. May nakita naman siyang lubid sa ilalim ng lababo. Mabilis na umakyat siya sa ikalawang palapag at sinubukang
ANB-42TRISTAN"Get all these things in here!" Inis at halos pabulyaw na utos ni Tristan pagpasok pa lamang niya sa loob ng kanyang opisina.Halos ilang araw na rin siyang hindi pinapatulog sa sobrang pag iisip at pag aalala. Hindi pa ito nangyari sa kanya kaya talagang aburido siya. At ang isa sa ikina- iinis niya ay ang dahilan nito, si Kiara. Magmula nang tumakas ito sa hospital ay hindi na rin siya natahimik sa pag iisip kung nasaan na ito. Kung maayos at ligtas ba ito sa ngayon. Ewan ba kung bakit masyado naman yata siya ngayong concern sa babae, gayong para rito isa siyang kasuklam suklam na tao. Pabagsak na naupo siya sa harapan ng kanyang working table at napayukong sapo ng mga palad ang mukha. Habang nakatukod ang magkabilang siko sa mesa. Natatarantang napapasok tuloy sa loob ang kanyang assistant. "S-Sir!" Lumapit ito sa mesa at mabilis na sininop ang mga folder na kalalapag lang nito kaninang umaga. "May iba pa po ba kayong kailangan-"Isinenyas ni Tristan ang palad pa
Kumakain sa isang restaurant ang magkasintahang sina Gabby at Kiara nang biglang dumating ang kanyang best friend na si Diane. "Hello there!" "Hi! Hindi ka nagpasabi kanina na susunod ka? Sinundo ka na lang sana namin sa inyo," ani Kiara."I've change my mind. Sayang naman kung hindi ako makakasama sa araw na ito." Kinawayan nito ang waiter para um-order. "Hindi ba ngayon ka magpo-propose kay Kiara?" Baling nito kay Gabby sabay kindat dito."Ha? Sinabi ko ba 'yon?" "Hey! Nakalimutan mo na ba? Tsk… tsk…" Bumaling kay Kiara, "Ano ba naman klase 'tong boyfriend mo, Kiara? Kung ako sa 'yo baka nabatukan ko na 'to, eh! Ang hina!" tatawa-tawang sabi nito. "Anyway, gutom na ako kaya kumain na tayo."Nagsalubong ang tingin nila ni Gabby. Ngumiti at nag-kibitbalikat na lamang si Kiara para mawala ang pagiging un-easy nito. Napansin kasi niya ang paminsan-minsan na pagsulyap nito kay Diane. Marahil ay napahiya sa sinabi nito."Okay lang, hindi naman kami nag-aapura. Saka marami pa kaming aas
"Block all the exit," mariin at malamig na utos ng pinaka-kinatatakutang lider na si Tristan Mondragon. Isang mafia leader, CEO ng sarili niyang mining company, nagmamay-ari ng malalaki at prestihiyosong hotels, restaurants and bars, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi maging sa labas ng bansa. Matapang at walang kinatatakutan, may matigas na puso at sa edad na beinte ay naulila na sa magulang, matapos mamatay sa liver cancer ang ama at depression naman ang ina. "Yes, boss!" sagot ng kanyang kanang kamay, "Narinig n'yo? Bantayan maigi ang labasan, baka mamaya matakasan na naman tayo ni Sebastian."Nasa gitna sila ng syudad sa kalagitnaan ng gabi para i-raid ang isang hideout doon, matapos i-tip sa kanya ang nangyayaring pot session sa lugar. Hindi sila pulis para sa trabahong iyon, ngunit isa sa mga taong may malaking pagkaka-utang sa kanya ang mismong pakay niya. Ang taong iyon ang pinuno ng aktibidad na iyon. Matagal nang hindi nagpaparamdam sa kanya at madalas nagtatago."Boss, ka
MATAMANG nagmamasid ang grupo ni Tristan sa labas ng airport. May ilan sa loob na nagbibigay ng tip sa kanila sa taong target nila. Kuntentong nasa loob ng kanyang kotse si Tristan. Isang pigura ng babaeng kalalabas mula sa paliparan ang umagaw sa atensyon niya. Nakuha nito ang interes niya kaya pinagmasdan niya ito. Hindi siya sigurado kung dayuhan o balikbayan ito. Tila may lahing dayuhan ang hugis ng mukha nito. Maputi, matangkad, at mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng black shade. Pero tila nag-iisa ito at may hinahanap. Hindi nagtagal at may lumapit dito na dalawang babae at kinausap ito. Napansin kaagad ni Tristan ang paglapit ng isa pang lalaki na kulay blonde ang buhok sa gawing likuran ng balikbayang babae. Sandali itong nagmasid sa paligid, bago nito dinampot ang isang traveling bag ng babae na katamtaman ang laki."Hey, give me my bag!" habol ng may-ari na napansin ang ginawang pagtangay ng lalaki.Tila bingi na nagpatuloy sa mabilis na paghakbang ang lalaki na patungo sa d