Share

CHAPTER 4

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha nito. Bakas sa mukha ni Kiara ang labis na pagkagulat. Sino ang mag-aakala na sa dinami-rami ng tao sa mundo, sa taong ito pa nagkaroon ng atraso ang mga magulang niya. Sa taong unang kilala pa lamang niya ay puno na ng kayabangan sa katawan. At heto ito ngayon sa harapan niya na nakatayo, habang nakapamulsa at nakangisi na tila ba sinasabing 'ano ka ngayon?'

Napalunok si Kiara at taas noong pumihit paharap rito. Balewala sa kanya ang sinabi ng mga magulang na ibibigay s'ya sa taong ito.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga kalokohan n'yo? Kung ginagawa mo ito, dahil lamang sa mga sinabi ko sa 'yo kahapon, nagkakamali ka. Hindi n'yo ako basta maloloko. Ano'ng ginawa mo sa mga magulang ko para matakot sila sa 'yo? Ginamitan mo rin ba sila ng dahas para gan'on-gan'on na lang na sundin ka nila? Tinakot mo rin sila kagaya ng ginagawa mo sa iba? Pwes, ibahin mo ako sa kanila. Hindi mo ako basta mapapasunod sa kung ano'ng gusto mo. At lalong-lalo na, hindi ako papayag na manatili sa poder mo!" Taasnoong sabi ni Kiara.

Nagkibitbalikat si Tristan, "Okay! It's up to you. Hindi naman kita pinipilit, since ang mga magulang mo lang naman ang kusang nagbigay sa 'yo sa 'kin para pambayad nila. At saka, ano bang espesyal sa 'yo?" Sabay hagod nito ng tingin sa kabuuan niya. "Mukhang wala naman ako'ng mapapala sa 'yo," seryosong sabi nito. 

"Kung gan'on bakit pumayag ka pa sa gusto nila? Pwede mo ako'ng paalisin dito. Pangako na hahanap ako ng ibang paraan para mabayaran ka namin sa naging pagkakautang nila sa 'yo."

"Matagal ko na silang pinagbigyan nang pagkakataon, Ms. Sebastian. Businessman ako at pinangangalagaan ko lang ang capital ko, not to mention my interes. Sa tagal ng panahon na iyon, 'ni kahit sentimo walang maibigay ang mga magulang mo. At hindi ko rin kasalanan kung ikaw man ang gawin nilang pambayad. Actually, hindi ko naman gusto ang idea nila, kaya lang mapilit sila. Ano naman ang mahihita ko sa 'yo? Kaya lang mas mabuti na may pinaghahawakan ako kaysa pagtaguan na naman nila ako. Hindi ba mas maganda naman 'yon?" nakangising sabi nito.

"Alam ko nabigla lang sila, sooner or later, malalaman nila na nagkamali sila. Kukunin din nila ako rito."

"At naniniwala ka pa talaga na gagawin nila 'yon sa 'yo? Tsk .. tsk… poor lady. Hindi mo pala talaga kilala ang mga magulang mo kung gan'on. Ano ba ang alam mo sa kanila, gayung mas pinili mo naman na malayo sa kanila? Alam mo ba kung ano ang buhay nila rito? Ang mga ginagawa nila? Hindi mo ba naisip na kung matino silang magulang, hahayaan ka pa ba nilang ipamigay? Obviously, walang halaga sa kanila ang existence mo," tila nag-aasar na sabi ni Tristan.

"No, I hate you! Hindi ganyan ang mga magulang ko! Malamang na kaya ganyan ang sinasabi mo, siguro ginawa sa 'yo ng mga magulang mo 'yan. Pwes magkaiba tayo, dahil alam ko na  mahal ako ng mga magulang ko!" ngitngit na sagot ni Kiara. 

"Are you sure?"

Naningkit ang mga mata ni Kiara. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, malamang na kanina pa ito bumulagta sa harapan niya. 

"Anyway, sila na ang bahalang mag-asikaso sa 'yo." Sabay turo sa dalawang ginang na nasa hindi kalayuan at tila naghihintay ng utos. "I'm sure na pagod ka pa at kailangan mo na ng pahinga. Welcome to my house and enjoy staying here," At tumalikod na si Tristan dito.

"No, palabasin mo ako rito! Kailangan ako ng mga magulang ko," matigas na tanggi ni Kiara.

Sandali itong huminto at hindi lumilingon na nagsalita, "Kung gusto mo na makalabas dito, matuto kang sumunod at makinig sa mga sinasabi ko sa 'yo. But one thing, na sinisigurado ko sa 'yo? Masaya na ang mga magulang mo sa oras na ito, kasi alam nila na naisalba mo na sila sa pagkakautang nila. Mas mabuti kung magiging masunurin ka na lamang para hindi ka na masaktan at mapahirapan ang sarili mo."

"Hindi mo ako tauhan o robot na kailangan sumunod sa kahit ano'ng gusto mo! Palabasin mo ako rito!" sigaw ni Kiara rito.

Kuyom ang kamao na muling humarap kay Kiara si Tristan, "Talagang makikipagmatigasan ka pa ba? Well, okay lang naman sa akin 'yon. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong itagal. Remember, narito ka sa pamamahay ko. At ako ang batas ng lahat ng narito. Ako ang masusunod, whether you like it or not!" At tuluyan na siyang iniwan nito.

"I hate you! Kahit ano'ng gawin mo, hindi mo ako  magiging tau-tauhan kagaya nang iba na kaya mong pasunurin ano mang oras mo gustuhin. Isinusumpa ko, hinding-hindi mo makukuha sa 'kin ang kahit ano'ng gusto mo! I hate you!" Bulyaw ni Kiara na napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.

Tila walang narinig na nagpatuloy sa pag-akyat sa kwarto nito si Tristan. 

"Ma'am, mabuti pa po sumunod na lang po kayo sa amin para makapagpahinga na rin po kayo," sabi ng isang maid na lumapit kay Kiara.

"Ihahatid po namin kayo sa magiging silid n'yo," sabi naman ng isa pa. 

"Ayoko, hindi ako aalis dito hangga't hindi pumapayag ang amo mo na palabasin ako sa bahay na 'to!" 

"Pero iyon po ang utos ni sir," pangungumbinsi ng isa.

"Mga wala ba kayong sariling utak para mag-isip? Hindi ako robot at tauhan niya para sumunod! Palabasin n'yo ako rito!" 

"I'm sorry, ma'am. Pero sumusunod lang naman po kami sa utos ng amo namin. Mas mabuting sumunod na lang po kayo, kaysa masaktan pa kayo," 

"Ha, so ayun, eh, 'di parang sinabi n'yo rin na demonyo nga talaga ang amo n'yo!" 

"Naku hindi po, ma'am! Mabait naman po talaga si sir. Baka may hindi lang po kayo napagkaintindihan" sagot kaagad ng isa.

"Kahit ano pang sabihin n'yo, masama talaga ang ugali ng lalaking 'yan! Makikita n'ya oras na makalabas ako rito!" gigil na gigil na sabi muli ni Kiara. 

"Mabuti pa po, ma'am, pumasok na lang po kayo sa magiging silid n'yo,"

"No, I won't, kailangan kong makaalis dito. Gusto ko pang makausap ang mga magulang ko. Please, tulungan n'yo po ako'ng makalabas dito. Masama talaga ang ugali ng amo n'yong 'yan."

"I'm sorry, ma'am. Pero hindi po namin mapagbibigyan ang hiling n'yo. Kami naman po ang mananagot kay sir kapag nagkataon."

"Please po, pakiusap! Sisiguraduhin ko na hindi na niya ako makikita 'pag labas ko rito."

"Sorry po talaga, ma'am. Trabaho po ang kailangan namin. May mga pamilya rin po kaming nangangailangan. Kapag sinuway namin si sir, higit pa sa trabaho ang pwedeng mawala sa amin. Mas mabuting sumunod ka na lang sa mga sinasabi n'ya, kung gusto mong maging maayos ka rito. Mabait naman si sir sa amin. Iyon nga lang, hindi mo talaga gugustuhing magalit s'ya."

"Malaki ang saltik sa ulo ng amo n'yong iyan. Kaya kailangan kong makalabas dito,"

"I'm sorry po, sumunod na lang po kayo sa amin para makapagpahinga na rin po kayo. Gabi na rin po at masyadong malamig dito kung mananatili kayo rito," 

Walang nagawa ang pangungumbinsi ni Kiara sa mga ito. Sa huli, laglag balikat na sumunod siya sa dalawang kasambahay.

'Makikita mo bukas lalaki ka. Hinding-hindi mo ako maikukulong dito, ano'ng akala mo sa 'kin, robot?' piping bulong ni Kiara sa sarili. 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status