ANB-13KIARAMASAYANG mukha niya ang bumangon kinabukasan. Magaan ang kanyang pakiramdam. Binuksan niya ang bintana na may kaliitan sa kanyang silid at padipang tumingala habang nakapikit. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng oras kahapon para ayusin ang silid niya at ilipat ang ilang gamit na nakatambak doon sa likuran ng bahay. Ngayon nakakahinga na siya ng maluwag. Malayang tumatama ang malamig na ihip ng hangin sa kanyang balat. Dumukwang siya sa bintana at nakita niya ang driver ni Tristan na abala sa paglilinis ng kotse. Mayamaya ay napansin niya ang pagbukas ng gate at pagpasok pa ng isa pang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya. 'Hmm, sino na naman kaya ang bisita niya na ganito kaaga?' piping tanong niya sa sarili at nangalumbaba doon upang pagmasdan kung sino ang sakay nito. Isang lalaki ang lumabas mula roon at hindi naman niya makita ang mukha, dahil nakatalikod ito sa kanya. Sa kilos nito ay tila sanay na ito sa bahay at kampanteng pumasok. Kibitbalikat na tinungo niy
ANB-14"WHAT are you doing here?" matigas at malamig na tanong ni Kiara. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa muling pagkakita rito. Nilingon niya ang kanyang paligid at napansin na may kalayuan siya sa karamihan. "Hi! It's nice to see you again after so many years," nakangiting sabi nito habang titig na titig sa kanya. "Kung alam mo lang ang hirap kong naranasan para lang makausap ka sana muli ng personal." "Get out of my sight! Hindi ko kailangan ang kausap na kagaya mo. Huwag mo na ulit akong lalapitan," mahina at halos pabulong na sabi ni Kiara bagama't malaya na naririnig nito. "Kiara, I'm sorry, okay? I didn't want to hurt you before. Kung alam mo lang kung gaano akong nagsisisi, after you left me. I know na nasaktan kita nang husto. Pero kahit anong gusto ko na kausapin ka noon, hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Umalis ka at lumayo na hindi man lang tayo nagkaroon ng maayos na pag-uusap." malumanay na sabi nito."Wala akong panahon para makinig sa mga sentimyen
ANB-15TRISTAN: KASALUKUYANG nasa gitna siya ng meeting ng may tumawag sa kanya. Ang taong kanyang in-assign para magbantay kay Kiara."Yes?" ["She's with another woman at the bar, sir,"] tinig sa kabilang linya. "Bar? Where?" Mabilis na sinabi nito ang lugar. "Sige, don't let her get away in your sight, okay? I will just finish my meeting for today. If after an hour and she's still there, inform me as soon as possible, understand?" ["Yes, sir,"]Pinutol niya ang linya at muling hinarap ang mga deligado nila. Mayroon silang annual liquidation sa kumpanya at mas gusto niya na siya mismo ang naroon kapag usaping pera ng kumpanya ang pinag-uusapan.Matapos lang ang kulang isang oras at natapos din ang pagpupulong. Muli niyang dinayal ang numero ng taong nakasubaybay kay Kiara at nalaman na nasa bar pa rin ito. Nagpasya na lamang siya na puntahan ang nasabing bar. Maaga pa naman at dadaanan na lamang niya ito bago dumiretso pauwi."Girly, paki-ayos na lamang ang mga papeles na kaila
ANB-16TRISTAN"How did you let that happen? Kaya nga ibinigay ko sa 'yo ang trabahong 'yan dahil alam kong magagampanan mo nang husto! Bakit umabot pa 'yon sa gan'on?" Galit na galit na sabi niya sa kanyang kaharap na si Gabby na nanatiling nakatungo lamang. "I'm sorry, boss!" tila maamong tupa na sabi nito na nanatiling nakatungo. "Sorry? Sa tingin mo ba gan'on-ganon na lang 'yon? Paano kung hindi pala ako pumunta roon? Kung hindi ko sila inabutan, sa tingin mo ba walang ibang mangyayari? Just tell me if you don't want to do that job. Pwede kong ibigay sa iba! For the first time you disappointed me! Ang taas pa naman ng expectations ko sa 'yo. Ikaw ang inilagay ko sa mataas na posisyon bilang pinagkakatiwalaan kong tao kaya sa 'yo ko ibinigay ang trabahong 'yan, pero una pa lang pumalpak ka na kaagad? Do you really want to cut your head?" "Patawad, boss! Hindi na po mauulit. Hindi ko naman po inasahan na mangyayari 'yon. Lumabas lang naman ako sandali dahil may kinausap ako, pero
ANB-17PAKIRAMDAM ni Kiara ay naumid s'ya. Ang bilis at lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa harapan nito. "Ah, about nga pala kahapon, pasensya ka na! Hindi ko naman sinasadya na mag-inom," hindi magkandatutong sabi ni Kiara. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa mukha ni Tristan. "Make sure to be careful next time. Hindi mo alam ang ugali ng mga tao sa paligid mo," malamig at seryosong sagot ni Tristan. Dumiretso ito sa harapan ng ref at naglabas ng beer in can. Naiwan sa malapit sa pintuan si Kiara na nakasunod ang tingin kay Tristan."Eh, okay ka lang ba?" nahihiyang tanong ni Kiara rito. Pakiramdam niya ay may bikig sa kanyang lalamunan.Blangko ang ekspresyon na lumingon sa kanya si Tristan, "Okay lang naman!" Kibitbalikat na tugon nito at tinungga ang laman ng hawak. "S-Sige, mauna na ako," ani Kiara na hindi na nagawang magsalita ulit sa harapan ni Tristan. Pa-simpleng sinipat niya ang tagiliran nito at napansin na tila wala naman problema rito.
ANB-18KIARAMALAKAS ang tibok ng kanyang dibdib sa biglaan at hindi inaasahang pagsulpot ni Gabby sa bahay ni Tristan. Nag-iisa s'ya sa bahay at hindi pa umuuwi si Tristan mula sa trabaho. Ngunit nanatili siyang kalmado. "So, kung gan'on bakit naririto ka? Hindi ka na dapat nagpunta rito," walang emosyong sabi niya.Bahagya itong natawa, "Obligasyon ko ang bantayan ka habang wala s'ya rito kaya narito ako. Please, hayaan mo na ako. Pangako, hindi naman ako manggugulo.""Hindi ko naman kailangan ng bantay. Kaya ko ang sarili ko kaya makakaalis ka na. Bumalik ka na lang kapag narito na si Tristan," At akmang tatalikuran niya ito."Kiara," tawag nito sa kanya ngunit hindi ito pinakinggan ni Kiara at ipinagpatuloy ang paghakbang. "May relasyon ba kayo ni Tristan?" biglang tanong ni Gabby na nakapagpahinto sa kanya. Matagal muna siyang nanatili sa pagkakatayo na hindi ito nililingon. "Pasensya na kung masyado yatang mausisa ako." "Bakit ako ang tinatanong mo? Akala ko ba nagta-trabaho
ANB-19DAHIL sa pagkaramdam ng pagkainip matapos ang halos mahigit isang linggong pananatili sa loob ng bahay. Minabuti ni Kiara na lumabas muna. Dalawang araw na ngayon at hindi pa rin umuuwi ng bahay si Tristan sa hindi niya malamang dahilan. Marahil ay may importanteng lakad ito. Mabuti na rin naman 'yon, dahil kahit paano ay walang gugulo sa kanya kahit pansamantala lang.Naghanda siya para maligo. At dahil wala naman sariling banyo sa kanyang masikip na silid ay kailangan pa niyang gamitin ang banyo na nasa malapit sa kusina. Kampante siya na nag-iisa naman sa bahay kaya nakatapis lang siya ng twalya ng lumabas mula roon. Wala sa hinagap niya na may isang tao pala na nagmamasid sa kanya mula sa pintuan ng komedor paglabas pa lamang niya ng banyo. "Beautiful! Hindi ka pa rin nagbabago, Kiara!" sabi ng tila paos na tinig mula sa kanyang likuran. Gulat na napalingon si Kiara sa may-ari ng tinig at mahigpit na hinawakan ang buhol ng twalya sa kanyang dibdib, habang ang isang kamay
ANB-20KIARAMASAKIT ang katawan niya kinabukasan nang magising. Idagdag pa ang pagkirot ng kanyang ulo. Nang maalala kung ano ang nangyari kagabi, bigla siyang napabalikwas nang bangon at mabilis na pinakiramdaman ang sarili bago inikot ang tingin sa kanyang paligid. Nangunot ang kanyang noo ng makitang wala siya sa kanyang silid, kundi sa silid na una nang ipinagamit ni Tristan sa kanya. Tsinek niya ang katawan sa ilalim ng kumot at nakitang maayos naman siya at walang ibang nararamdam maliban sa masasakit na katawan at bahagyang sakit ng ulo. 'What happened? Paanong narito ako? Sinong nagdala sa 'kin dito?' nanlaki ang mga mata niya nang maalala na tila may ipinaamoy pa sa kanya ang mapangahas na estrangherong lalaki kagabi. Nakaupo siya sa malaking kama habang nakasubsob ang mukha sa sariling palad at pilit na ina-alala ang nangyari kagabi. 'Sino ang taong 'yon? Paano akong nakarating sa silid na ito?' Habang nasa malalim na pag-iisip, biglang bumukas ang dahon ng pinto at in