Share

Kabanata 8

Author: GreenRian22
last update Last Updated: 2024-11-30 10:30:20

Dasha's Point Of View.

"Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak.

"I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.

Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"

Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 9

    Dasha's Point Of View. Pagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng aking katawan, tinignan ko kung nasa tabi ko pa ba si Samuel ngunit wala na siya. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit ng aking katawan. Pakiramdam ko ay sa katawan ko binuhos ni Samuel ang kaniyang galit, kahit ilang beses kong sabihing bagalan niya ang kaniyang kilos, para bang bingi siya at hindi ako marinig. Hindi niya rin ako tinigilan kahit pa pagod na pagod na ako, ang sabi niya ay kailangan niyang makasiguro na mabubuntis na ako. Mukhang sinabi sa kaniya ni Tita Selena na hindi niya matatanggap ang kaniyang mana kung hindi pa namin sila mabibigyan ng apo. Maingat akong tumayo at nagbihis, makalat pa rin ang buong kwarto at nandoon pa rin ang basag na bahagi ng salamin. Napatingin ako sa aking kamay na may sugat, napalakas ang pagtulak niya sa akin kaya iyon nangyari. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako kay Dawn, mukhang may maid na nagpalit sa kaniyang d

    Last Updated : 2024-11-30
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 10

    Dasha's Point Of View.Nasunod nga ang sinabi ni Samuel na pagbalik namin sa Pilipinas, nag-iimpake na ako ngayon dahil bukas na ang aming flight. Simula noong sinabi ko sa kaniyang buntis ako, nagbago na ang kaniyang pagtrato sa akin. Para bang bumalik siya sa dating siya noong nakilala ko siya, palagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako at kung anong gusto kong kainin.Pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kaniya na anytime pakiramdam ko sasaktan niya ulit ako kapag ginalit ko siya... pakiramdam ko ay na trauma na ako dahil sa pananakit niya sa akin."Dasha, are you done packing your things?" narinig kong tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. "May hinanda akong meryenda sa baba."Peke akong ngumiti bago umilang. "Hindi pa, susunod na lang ako pagkatapos," sagot ko at tumango naman siya."Okay, I'll wait for you downstairs," tugon niya bago umalis.Malakas naman akong napabuntong hininga ng mawala siya sa paningin ko, hindi mawala ang kaba sa puso ko sa tuwing

    Last Updated : 2024-11-30
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 11

    Dasha's Point Of View."Manang Nina?" wika ko ng makita siya, mabilis siyang napangiti at kaagad akong niyakap.Yumakap naman ako pabalik, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inakalang magkikita pa kaming dalawa, isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong nasa mansyon pa ako ni Elias. Nakakatuwang makita siya ulit ngayon."Kamusta ka na, Ma'am Dasha?" tanong niya at bumitaw sa pagkakayap, kita ko ang ngiti ko sa kaniyang labi."M-Maayos na po ang buhay ko ngayon kasama ang anak ko," tugon ko at pinakita si Dawn na nasa stroller, nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat."Siya na ba ang anak niyo ni Sir Elias?" hindi makapaniwalang tanong niya, para namamg tumalon ang aking puso noong marinig ang pangalan niya."Opo, siya po si Dawn," pakilala ko at napangiti naman siya."Ka'y gandang bata naman niya, pati ang mga mata ni Sir ay nakuha niya," komento ng ginang at tumango ako bilang pagsang-ayon. "Kayo po? Kamusta na po kayo?" tanong ko at tumingin naman siya sa aki

    Last Updated : 2024-12-01
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 12

    Dasha's Point Of View."We have been looking for you for a long time, Dasha," saad noong matandang nagpakilala sa aking Valencia. "You can call me Lola Valencia and you can call him Dad."Napakunot ang aking noo. "Pero ang sabi po ni Mama, iniwan kami ni Papa dahil hindi pa siya handang bumuo ng pamilya," seryosong saad ko at tumingin sa lalaking sinabi niyang ang Papa ko. Matangkad siyang lakaki at may itsura, alam kong may edad na siya ngunit hindi iyon halata sa kaniya. Alam kong ngayon ko lang silang dalawa nakilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na sila at nakasama noon, pakiramdam ko ay pamilyar sila sa akin."Hindi totoo iyon, nilayo ka niya sa akin," sagot niya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya, hindi ko naman siya papakasalan kung hindi para doon."Nanlaki ang aking mga mata. "I-Ikaw nga po talaga ang Papa ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at noong tumango siya ay mabilis akong lumapit upang yakapin siya, ito ang unang beses

    Last Updated : 2024-12-01
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 13

    TRIGGER WARNING: VIOLENCE Dasha's Point Of View."S-Samuel. . . H-hindi ako makahinga," umiiyak kong saad ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg, pinipilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masyado siyang malakas kaysa sa akin."Sinungaling ka, Dasha! Kaya pala hindi tayo magka-anak anak ay dahil sa putanginang pills na 'to!" galit niyang sigaw sa akin, mas lalo namang lumakas ang pag-iyak ko. "B-Bitawan mo ako, p-parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakakapit sa akin."No! I wll fucking kill you, bitvh!" sigaw niya sa mukha ko na mas lalong nakapagbigay sa akin ng takot, kinakapos na rin ako ng hininga.Alam kong galit na galit siya sa akin at malaki ang tiyansyang patayin niya ako ngayon ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga ay binitawan ko ang isang kamay na nakahawak sa kaniyang kamay at naghanap ako ng bagay na matigas

    Last Updated : 2024-12-02
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 14

    Dasha's Point Of View.Lalapitan ko na sana siya noong napatigil ako dahil may kutsilyong nahulog sa aking tabi, nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin doon.Puno ng dugo ang kutsilyong iyon. . . hawak ko ba 'yon? Ako ba ang pumatay sa kaniya?Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata, muli akong napatingin sa katawan ni Samuel."S-Samuel," pagtawag ko sa kaniya, ngunit kahit ilang ulit ko pa siyang tawagin ay hindi siya gumagalaw at mas lalong hindi siya humihinga.Hindi maalis ang tingin ko sa kaniyang katawan, nagkalat na ang dugo sa sahig at umabot na rin iyon sa akin. Hindi ko masyadong matandaan ang nangyari pagkatapos kong mahimatay. Pero ako ba ang may gawa niya?Napatakip ako sa aking bibig dahil sa labis na pag-iyak, kailangan kong humingi ng tulong, pinilit kong kunin ang cellphone sa aking bulsa. Nakahiga pa rin ako sa sahig dahil pakiramdam ko hindi ko na magalaw ang mga binti ko, nang makuha ko ang aking cellphone ay mabilis kong tinawagan ang num

    Last Updated : 2024-12-02
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 15

    Dasha's Point Of View. Tuluyan na akong nawalan ng boses para makapagsalita, gusto kong sabihin sa kanilang huwag si Elias ang kuhain nilang Lawyer. Gusto kong sabihin na siya ang Tatay ni Dawn, pero hindi ko alam kung paano ko maipapaliwang sa kanilang dati kaming mag-asawa. At saka isa pa . . . alam kong hindi tatanggapin ni Elias ang kasong 'to, galit na galit siya sa akin. Sigurado akong mas lamang ang galit niya para sa akin kaysa sa awa niya, mas gugustuhin niya pang makita ako sa kulungan kaysa ang iligtas ako ngayon. Nang iwan kami ng pulis sa loob ay mabilis kong narinig ang malakas na pagbuntong hininga ni Lola Valencia. "Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso noong sinabi sa akin ng Papa mo ang nangyari," saad niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Pero alam kong inosente ka, hindi mo naman magagawa iyon, diba?" Tumango ako. "K-Kahit hindi ko pa maalala ang nangyari, alam kong hinding-hindi ko magagawa iyon kay Samuel," paliwanag ko, nanlalamig pa rin ang mga k

    Last Updated : 2024-12-03
  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 16

    Dasha's Point Of View. Nakatingin lang ako sa kaniya pagkatapos ng lahat ng kaniyang sinabi, hindi niya naman inaalis ang kaniyang tingin sa akin na para bang hinihintay niya akong magsalita. Sinubukan kong ibuka ang aking labi para magsalita ngunit nabigo ako, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari sa akin. Ayokong magsalita. . . ayokong ikwento ang pinagdaan ko sa kahit kanino, lalong-lalo na sa kaniya. "What happened, Mrs Valdez?" muling tanong niya, malakas akong napabuntong hininga dahil sa tinawag niya sa akin. Sandali akong napapikit noong naalala ko na naman ang itsura ni Samuel noong wala na siyang buhay. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli kong kinalma ang aking sarili at tinignan siya, pakiramdam ko matutunaw ako sa malamig na titig niya sa akin, "Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magkuwento," wika ko. Ilang sandali siyang napatitig sa akin, akala ko hindi niya narinig ang sinabi ko ngunit muli siyang nagsalita. "Okay, then let's start fr

    Last Updated : 2024-12-03

Latest chapter

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 154

    Dasha's Point Of View.Pagkasabi ni Jamela no'n ay narinig ko ang pagtakbo ng mga tao galing sa loob ng kusina, sunod kong nakita sina Marilyn, Teresa at Angela."Ma'amDasha?!" sigaw ni Marilyn habang nagmamadaling lumapit sa akin."Bumalik na si Ma'am Dasha!" tuwang-tuwa ani ni Teresa habang si Angela ay nakangiti lamang na nakatingin sa akin."Namiss ko kayo... At saka, Dasha lang kasi. Napag-usapan na natin 'yan, hindi ba?" saad ko habang nakangiti, isa-isa ko silang niyakap at mahigpit na yakap din ang natanggap ko sa kanila pabalik."Salamat naman sa Diyos at ligtas ka, Dasha," si Jamela, alam kong alam na nila ang nangyari."Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa'yo," wika ni Teresa sa aking tabi. "Kasi possible pala iyong makalimot ka ng mga bagay-bagay? Akala ko sa mga palabas lang iyon nangyayari."Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pero sa totoo lang, kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala na possible pa lang mangyari ang ganoong bagay. Pero g

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 153

    Dasha's Point Of View.Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Elias habang nakatingin sa akin, alam kong gusto niyang magtanong kung sinong tumawag ngunit nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin."T-Tito Simon," saad ko at tumikhim, napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Elias. "Bakit po kayo napatawag?"Noong hearing ni Selena, hindi ko siya nakita, tanging ang mga anak niya lang ang nakita ko. Hindi na rin nakakapagtaka iyon dahil isa siyang Mayor, at paniguradong madadamay ang posisyon niyang iyon dahil sa nangyari sa asawa niya."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong pag-usapan ang nangyari kay Selena."Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga, sandaling kumunot ang noo ko."A-Ano po bang pag-uusapan sa kaniya?" tanong ko, hindi ko masabi kung anong nararamdaman niya ngayon."I... I was actually okay with what happened."Mas lalong kumunot ang noo ko, si Elias naman ay nakatingin lang sa akin at hindi na ginagalaw ang laptop niya."Ano pong ibig mong sabihin?" na

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 152

    Dasha's Point Of View."Me too... Parang ilang araw din pala tayong hindi nagkaroon nang maayos na pag-uusap," narinig kong sabi niya. "Noong natapos ang hearing, saglit mo lang akong kinausap.""Busy ka, diba?""But I still want you to talk to me... Para ganahan naman akong magtrabaho."Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya. "Hindi kita kinakausap dahil siyempre, ang sabi mo sa akin ay pag-aaralan mong mabuti ang kaso, hindi ba? Alam ko kasi kung gaano ka ka-hands on sa trabaho mo," paliwanag ko at pinagmasdan ang kamay kong pinaglalaruan niya."Pero hindi mo man lang ako tinawagan kahit na tapos na ang kaso nila," nakita ko ang pagnguso niya kaya mas lalo akong natawa."Siyempre... Alam kong ilang taon kayong hindi nagkasama ni Tita Elysa, gusto kong magkaroon kayo ng oras bilang isang pamilya, lalo na ngayong nandiyan na si Jazz," sabi ko. "Kaya sorry na, nagegets mo naman ako, hindi ba?"Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin sa akin. "No need to say sorry, j

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 151

    Dasha's Point Of View.Pagdating namin ni Jazz sa loob ng kaniyang sasakyan, bumalik siya sa pagiging siya. Iyong makulit at palabiro."Takot na takot ako talaga ako noong pormal akong pinakilala ni Celaida kay Tita Cyla," pagkuwento niya, kahit sa pagkuwento niya ay hindi ko maiwasang matawa dahil bakas pa rin sa boses ang kaba."Bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Tita ah?" tanong ko sa kaniya."Mabait naman siya... Pero alam mo, normal lang sa aming mga lalaki na kabahan kapag pinapakilala kami sa magulang ng taong mahal namin," aniya, nakangiti na ngayon kaya kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala ko sa kaniya. "Malay mo hindi niya pala ako gusto para kay Celaida? Tapos hindi niya na ako hayaang magkita pa kaming dalawa? Paano na si Ethan? Paano na ang anak namin?"Napalakas ang pagtawa ko dahil sa mga sinasabi niya. "Bakit ka naman hindi magugustuhan ni Tita para kay Celaida? Mabuti ka namang tao kahit papaano kaya sigurado akong tanggap ka naman ni Tita kahit na ma

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 150

    Dasha's Point Of View.Lumabas ako ng visitation room ng mabigat ang dibdib, mukhang wala nga talagang pinagsisihan si Selena sa mga ginawa niya... pero ang maganda ay mukhang handa naman siyang pagbayaran ang mga ito. Saktong paglabas ko ng kwartong iyon ay nakarinig ako ng pamilyar na sigaw ng isang babae."Can you please stop holding me?! Hindi ako baldado! Bitawan mo ako, fvck you! Kaya kong maglakad!"Sunod kong nakita si Bianca na hawak-hawak ng dalawang pulis, mukhang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagpupumiglas sa mga pulis na nakahawak sa kaniya. Dinala siya sa katabing visiting room na pinasukan ko, sandali akong sumilip sa loob at nakita kong nandoon si Jazz.Sumunod akong pumasok nang matapos siyang mailagay ng mga pulis sa loob, nasa upuan lang siya at nakaposas ang mga kamay niya sa likod ng inuupuan niya."Masyadong agresibo, Ma'am. Kailangan pang iganyan," sabi sa akin ng isang pulis ng makita ako. Napailang din ang kasama niya."Dagdag sakit sa ulo na nam

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 149

    Dasha's Point Of View.Parang sinagot kaagad ng Panginoon ang kahilingan kong iyon dahil sa mga araw na nagdaan, naging abala kaming lahat sa hearin, lalong-lalo na si Elias... Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya, sa mga gabing nagpupuyat siya dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, kahit na malakas ang defense namin, dapat pa rin niyang pag-aralang mabuti ang kaso.Kaya sa huling araw ng hearing... Noong mapatunayang guilty silang dalawa ni Bianca, maging si Reyes... Napasigaw kaming lahat sa saya.Niyakap ko si Celaida na ngayon ay nakangiti ngunit sunod-sunod ang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. "S-Sa wakas... Nakakulong na rin sila," umiiyak niyang ani sa akin.Ngumiti ako at bumitaw sa pagkakayakap. Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa amin sina Jazz at Tita Cyla, bakas sa kanilang mukha ang saya. Hinayaan ko muna silang magsaya at dumiretso ako kila Mama.Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako. "Nakakulong na ang mag-ninang," pagbibiro ko at nakita ko naman ang mah

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 148

    Dasha's Point Of View.Napakunot ang noo ko sa narinig, ilang segundo kong tinignan si Elias habang iniisip nang mabuti ang sinabi niya. Teka... Nabanggit niya sa akin noon ang pangalan ni—"Mama!"Sabay-sabay kaming napalingon kay Celaida ng bigla siyang napasigaw, nakita kong nakatayo na siya sa kaniyang upuan at nakatingin sa entrance ng dining hall. Lumingon ako roon at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata sa gulat ng makita si Tita Cyla."Tita Cyla?" hindi makapaniwalang saad ko."Cyla? Ikaw ba 'yan, Cy?" Nakita ko ang pagtayo ni Mama, maging siya ay nakaawang ang labi habang gulat na nakatingin sa bagong pumasok ng dining hall.Tumayo si Elias mula sa aking tabi at nagsalita. "Tita Cyla, have a seat," aniya at tinuro ang bakanteng upuan, tumango naman kaagad ang ginang at naupo. "Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit nandito siya, pero ipapaliwanag ko naman."Bumalik sa pagkakaupo si Elias, ganoon din sina Mama at Celaida na ngayon ay halatang-halata na gustong mala

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 147

    Dasha's Point Of View."I-Ikaw... I-Ikaw siya? Ang kakambal ni Elias?" halos pabulong na saad ni Tita Elysa, mabigat ang bawat paghinga niya.Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Jazz habang dahan-dahan siyang tumatango. Sunod kong nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Tita Elysa."Buhay ka...? Buhay ang anak ko!" saad ng ginang."Mom, may kakambal ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Elias. "Ang akala ko ay only child lang ako?"Umilang si Tita Elysa. "Mayroong kang kakambal... Pero namatay siya pagkapanganak ko pa lang, pero kung buhay nga ang kakambal mo, Elias. Sinong sanggol ang nilibing namin noon?""Bakit hindi mo sinabi sa aking may kakambal ako, Mom?" tanong ni Elias."Pasensya na... Ngayon ko lang nasabi dahil ayoko kasing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.""Sino naman pong may dahilan kung bakit nawala ako?" tanong ni Jazz. "May nag-alaga po sa akin, dinala po ako sa New York. Pero isang beses ay narinig kong may kausap siya, nabanggit niya pong hinding-hindi

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 146

    Dasha's Point Of View.Parang isang panaginip pa rin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang muli kong mayayakap si Mama, noon... Palagi ko lang itong panalangin, pinagdadasal ko na muli ko siyang mahagkan kahit na alam ko namang impossible... Pero possible pala iyon? Dahil buhay pa pala siya!"M-Mama..." Malakas na hagulgol kong saad habang nasa bisig niya. Sobrang tagal kong pinangarap 'to, ilang taon ko ring gustong maramdaman muli ang pagmamahal ng isang anak. "H-Huwag mo na akong iwan ulit... M-Mama... Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang mag-isa, Mama. Hindi ko kayang wala ka. Huwag ka na ng umalis."Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "Hindi ka na iiwan ni Mama, Dasha... Nandito na ako, hindi kita iiwan."Napuno ng iyakan ang umagang iyon, ni-hindi na namin magawa pang kumain ng almusal dahil mas gusto naming alamin kung ano bang nangyari."Ano bang nangyari sa inyo, Diane?" tanong ni Lola, nakaupo na kami sa mahabang sofa, katabi ko sina Mama at Papa. Sa harapang sof

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status