Dasha's Point Of View.Napapikit ako habang inaalala lahat ng ginawa niya sa akin. Isang taon ko siyang nakasama, pero sa maikling panahon na iyon ang daming nangyari sa buhay ko, matinding trauma ang binigay niya sa akin."Noong unang beses niya akong sinaktan, sinabi ko sa sarili kong hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng anak dahil ako nga nagagawa niyang saktan, paano pa kaya iyong magiging anak namin?" pagkuwento ko kasabay ng pagpunas ko sa aking luha, siya naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Doon ako nag-umpisang uminom ng pills, hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon.""Did he hurt. . . Dawn too?"Alam kong wala siyang pakialam kaya bakit niya tinatanong? At mukhang nahalata niya ang pagtataka ko kaya muli siyang nagsalita."Dahil kung oo, maari nating idagdag iyon laban sa kaniya," dagdag niya.Lumunok naman ako bago umilang. "Hindi niya sinaktan si Dawn, kailangan niya muna akong mapatay bago magawa iyon.""Okay, continue with your story.""Sa tuwing na
Dasha's Point Of View. Napakatanga ko, alam ko naman iyon. Pero ano bang magagawa ko? Nangyari na ang dapat mangyari. Kaya kong lumaban kahit na alam kong mas malakas siya sa akin, pero hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin. "Okay, continue with what happened that night." "Noong bumagsak siya sa sahig, nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko para kuhain si Dawn dahil aalis na kami pero binubuksan ko pa lang ang pintuan noong hatakin ni Samuel ang buhok ko, pagkatapos noon ay malakas niya akong sinampal," pagpapatuloy ko. "Sinigawan niya ulit ako, sumasagot naman ako sa kaniya, nagalit siya lalo kaya hinampas niya ang ulo ko sa pintuan." "Did you go to the hospital?" tanong niya at napatingin sa bendang nasa ulo ko. "Hindi, ginamot lang 'to ng medical team kanina. Ang sabi nila hindi naman daw seryoso pero hanggang ngayon nahihilo pa rin ako." "Okay, we will have the Doctor check it. Continue your story." "Pag
Dasha's Point Of View.Wala kaming ginawa ni Angela kundi ang mag-iyakan, wala akong pakialam kung may nakakarinig man sa amin ngayon, gustong-gusto ko ng ilabas ang bigat ng nararamdaman ko ngayon."P-Pakiramdam ko... hindi ko na kaya, tapos si Elias pa ang Lawyer ko," naiiyak kong saad."Narinig ko 'yan kay Mr. Victor, nagulat pa ako noong sinabi niyang anak ka niya. Kakauwi ko lang talaga ngayon ng Pilipinas, noong nalaman ko ang nangyari sa'yo, wala na akong pakialam pa sa trabaho ko sa abroad."Saan mo nalaman?" "Sa TV. . . alam mo naman kung ang pamilya ni Samuel, impossibleng hindi umabot sa media ang pagkamatay niya," sagot niya na mas lalong nagpahina sa akin. "Pero ano ba talagang nangyari? Alam ko namang hinding-hindi mo iyon magagawa sa kaniya."Kinuwento ko lahat ng naalala ko sa kaniya, nang matapos ako ay kahit siya ay hindi makapagsalita ngunit tuloy-tuloy ang paglabas ng luha sa mga mata niya."B-Bakit.... bakit ganoon siya? Bakit trinatrato ka niyang parang hayop?!"
Dasha's Point Of View.Sobrang bilis ng mga sumunod na araw, nasa detention cell pa rin ako. Araw-araw naman bumibisita sina Papa, Lola at Angela, pero kahit ganoon, kapag umalis na sila, tahimik lang akong umiiyak dahil sa sitwasyon ko.Miss na miss ko na si Dawn. . . gusto ko na siyang alagain ulit at makita pero hindi pwede lalo na't ayokong makita niya akong nakakulong. Paulit-ulit ko pa ring tinanong sa sarili ko kung bakit nangyari 'to.Bukod kina Papa ay araw-araw ding bumibisita si Elias, hindi pa rin ako komportable sa presensya, lalo na sa tuwing nag-uusap kami. Alam kong nararamdaman niya iyon pero hindi siya nagsalita tungkol sa bagay na 'yon. Araw-araw din may tumitingin na medical team sa mga sugat ko sa katawan, masakit pa rin ang katawan ko, at may suot pa rin akong benda sa ulo.Hanggang ngayon ay himala pa rin sa akin kung paano ako nabuhay noong gabing iyon, sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung ako ang mamatay sa aming dalawa dahil ako naman ang napuruhan. Na
Dasha's Point Of View.Wala ako sa sarili ko habang nakaupo, pinipilit namang sabihin sa akin ni Elias na kumalma lang ako para makapagfocus sa mangyayari. Pinapaalala niya rin na huwag akong matakot kay Prosecutor Hernandez, kung tanungin niya man ako, deretso ko lang daw itong sagutin. Huwag ko raw hayaan na siya ang gumawa ng kwento na ako ang lalabas na mali.Ako ang biktima... Palagi niyang sinasabi sa akin. Pinapaalala niyang inosente ako, huwag ko raw hayaan na baguhin nila iyon.Tinanong ko rin sa kaniya kung kailangan ko rin bang kausapin ang pamilya ni Samuel at ipinagpasalamat ko naman dahil hindi naman iyon kailangan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanila, alam kong galit na galit sila sa akin. At sa tingin ko, kahit ilang beses ko pang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila, hindi nila iyon paniniwalaan."State your name," saad ng Judge.Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at sumagot, ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Lalo na ang mga nanlilisik na m
Dasha's Point Of View. Halos mahulog ko ang cellphone na aking hawak ng marinig ko iyon. Si Angela nasa hospital?! "B-Bakit. . . P-paanong nangyari iyon? Maayos palagi magmaneho si Angela," mabilis kong saad. Hindi siya pabayang driver kaya bakit mangyayari iyon? Maliban na lang kung may sumadyang bumangga sa kaniya. "That's what I'm going to investigate, I think it was planned," sagot niya sa kabilang linya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Sino naman ang gagawa noon?" tanong ko at biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ni Samuel. "P-Possible bang sina Tita Selena?" Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga na para bang problemado siya. "According to the police, Angela went to the mall, her car was still in good shape when she went. But when she was on her way home, someone broke her brake and she didn't notice it, she crashed into a tree. She got bruises and a serious head injury." Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng marinig iyon, gusto kong puntah
Dasha's Point Of View. Nakita kong natigilan siya sa tanong ko at natahimik kaya muli akong nagsalita. "Nakakatanggap ka ba?" Malakas siyang bumuntong hininga. "How did you know?" Napakagat ako ng aking labi ng marinig iyon, so totoo nga... Bumisita sina Papa kahapaon at sinabi nila ang tungkol sa death threats na natatanggap nila. Wala pa ngang balak sabihin si Papa dahil ayaw niyang mag-alala ako pero pinilit ko sila. Nakakainis... Bakit kailangang madamay pa sila? Kasalanan kong lahat ng ito at para namang nabasa niya ang utak ko dahil muli siyang nagsalita. "Don't think it's your fault why I get so many death threats, I'm used to it because this is my chosen job," seryosong sabi niya ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. "Paano kapag may nangyaring masama sa'yo? Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkawala mo lalo na't may... pamilya ka," tugon ko at umiwas ng tingin. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Bianca kapag nawala siya? Malamang sa malamang ay mas la
Dasha's Point Of View."Do you swear that the evidence you are about to give, is the truth, the whole truth, and nothing but the truth so help you God?" saad ng Judge habang ang kamay ko ay nasa bibliya."I do," sagot ko habang hindi inaalis ang aking mga mata kay Prosecutor Hernandez. Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kasama sa pagbaliktad ng kuwento. Alam kong ginagawa niya lamang ang kaniyang trabaho, pero. . . naiinis ako dahil bakit kailangang maging ganto?Alam kong hindi lang ako ang nakaranas ng mga ganito, mga mga nakulong na hindi naman talag sila ang gumawa ng krimen. At sa tuwing iniisip kong may mga taong nararanasan ang mga nararanasan ko ngayon ay gusto kong masuka.Nagagawa nilang tanggalin ang dignidad ng isang tao para lamang magawa nila ang kanilang trabaho?"State your name," saad ni Prosecutor Hernandez ng makaupo ako.Malakas akong bumuntong hininga, kayang kaya ko 'to. Ako ang biktima sa kasong ito, hinding-hindi ko hahayaan na baguhin nila iyon."Dasha
Dasha's Point Of View.Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang magtrabaho pagkatapos noong pag-uusap namin ni Joel. Kilalang-kilala niya na talaga si Elias, mula pagkabata kasi ay magkaibigan na silang dalawa kaya hindi nakakakapagtaka.Pero dahil sa mga sinabi sa akin niya sa akin ay pakiramdam ko mas lalo ko pa nakilala si Elias. Pakiramdam ko mas lalo ko pa siya naintindihan.At pakiramdam ko ay may alam din si Joel kung bakit nanghihingi ng oras si Elias sa akin. Ano ba kasi iyong dahilan na iyon? Nang tanungin ko naman siya kanina kung ano ba iyon, ngumiti lang siya sa akin at sinabing si Elias dapat magsabi noon sa akin.Gustong-gusto ko ng malaman iyon pero tulad ng sabi ni Elias... Bigyan ko siya ng oras at ang ibig sabihin lang din noon ay dapat akong maghintay, maghintay hanggang sa maging handa na siya."Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Marilyn sa akin habang nagpupunas ng lamesa, mabuti na lang at wala ng kumakain.Umilang. "Wala, ang hirap palang magmahal," pagda
Dasha's Point Of View."Salamat po sa pagbili, balik po kayo ah?" nakangiting saad ko sa babaeng matandang bumili sa bakery shop."Aba siyempre naman, hija. Gustong-gusto ng mga apo ko ang mga tinda niyo rito," sagot niya bago umalis.Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko kahit pa tuluyan na siyang nakaalis. Isang linggo na ang lumipas simula ng buksan ang sarili kong bakery shop, sobrang saya sa pakiramdam dahil pagkatapos ng lahat ng pagod namin sa pag-aasikaso, mula sa pag-order ng mga ingredients, furniture at iba pa. Nabayaran ang aming pagod noong makitang successful ang aming pagbukas.Noong unang araw pa lang ay dinagsa na kaagad kami ng mga dahil sa tulong nila Jazz. Pinagkalat kasi nilang dalawa ni Angela sa kanilang iba pang mga kaibigan ang tungkol sa shop ko, maging sa social media ay nagsabi rin sila kaya naman marami talagang nag-abang sa pagbubukas namin. Pati sina Papa at Lola, sinabi rin sa mga empleyado ng kompanya ang tungkol dito sa shop.Gusto kong maiyak sa tu
Jazz's Point Of View.Hindi alam ni Mamita na alam ko na ang totoo, wala rin akong balak ipaalam sa kaniya. Aalamin ko muna kung sino ang kausap niya sa cellphone na iyon at kung bakit niya tinatago sa akin.Hindi ko rin alam kung balak ko bang sabihin iyon kay Elias, halata naman kasing wala siyang idea. Sasabihin ko naman, maghahanap lang ako ng mas magandang tiyempo."Tsk," giit ni Elias at malakas na napabuntong hininga, sandali akong tumingin kay Dasha na medyo malayo sa amin dahil abala sa pagtingin ng mga plato."Alam mo. . . hangga't nandiyan pa ang anak mo, huwag mo sanang sayangin ang panahon na makasama siya," sabi ko at umiwas ng tingin, alam kong naguguluhan siya dahil mas lalong kumunot ang noo niya."What do you mean?"Muli ko siyang tinignan, seryoso siyang tumingin sa akin. "Simple lang naman ang gusto kong iparating... Hangga't nandyan pa ang mahal mo sa buhay, mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Sabihin mong mahal mo siya dahil hindi naman sa lahat ng pagkaka
Dasha's Point Of View.Nang makarating kami ng mall ay dumiretso kaagad kami sa furniture store, papasok na sana kami ng bigla akong kalabitin ni Jazz."Ano iyon?" tanong ko, nagtataka kung bakit biglang seryoso ang kaniyang mukha. Lumapit naman siya sa akin at bumulong"Aalis lang ako sandali pero babalik ako, parang nakita ko kasi siya pagpasok natin," ani niya, sandaling napakunot ang noo ko at nagtaka sa kaniyang sinabi. Ngunit nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay mabilis akong tumango at ngumiti."Sige lang, hanapin mo na siya," sabi ko at mabilis naman siyang umalis. Nang mawala siya sa paningin namin ay nilingon ko si Elias na mukhang nagtataka sa pag-alis ni Jazz."May hahanapin lang iyon, mauna na raw tayo mamili," paliwanag ko."Tsk. Hindi naman kasi siya kailangan dito," narinig kong saad niya habang papasok kami.Napailang na lamang ako. "Siya ang naunang nagsabing sasamahan niya ako, alangan naman hindi ko siya isama?""Sana sinabi mo rin sa akin ng mas maag
Dasha's Point Of View.Sinabi ni Lola iyon? Bakit naman? Para bantayan ako tulad ng sabi niya? Sigurado pala talaga siya tungkol sa bagay na iyon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nagtipa ako sa aking cellphone para magreply kay Elias.Me:Nandito ako sa bakery shop, dito ka na dumiretso. Kasama natin si Jazz sa pamimili.Pagkatapos magchat ay mabilis din akong nagtipa upang magreply naman kay Jazz.Me:Sige lang, unahin mo na muna iyon. At sasama pala si Elias sa pamimili, ngayon niya lang nasabi.Mabilis akong nakatanggap ng reply mula sa kaniya.Jazz:Luh? Third wheel ako?Me:Hindi naman iyon date! Huwag kang malisyoso.Hindi na siya nagreply pagkatapos noon kaya napailang na lang ako bago ibalik sa aking bulsa ang cellphone, tumingin ako kay Angela."Sasama rin daw si Elias sa pamimili," sambit ko at kaagad na nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."Aba bakit naman?" nagtatakhang tanong niya at sinabi ko naman ang tungkol doon sa pagbabantay niya sa akin. "So trabaho
Dasha's Point Of View."Si Elias?!" bulaslas ko sa kaniyang pangalan, gulat sa nalaman. "Totoo ba ang sinasabi niyo?!" dagdag ko pa."Aba, bakit naman kami magsisinungaling?" si Marilyn. "Mabait pala iyon, ni-hindi niya nga kami siningil kahit piso. Noong tinanong namin kung bakit ang sagot lang, huwag na lang naming problemahin ang pera basta makakalabas kaming dalawa."Hindi ko mapigilang mapangiti, may puso pa rin pala siya."Teka, paano niyo nga pala nakuha ang number ko?" tanong ko."Kay Atty. Elias, napadaan kasi siya noon sa presinto tapos bigla namin siyang tinawag para kamustahin ka, wala na kasi kaming balita sa'yo eh," paliwanag ni Jamela. "Tapos ang sabi niya maayos ka na raw, tinanong niya rin kung kaibigan mo raw ba kami. Tapos kinabukasan noon, binalita sa aming muling nabuksan ang kaso namin. Ilang araw lang ang lumipas at nakalabas na kaagad kami.""Ang bait pala noon ni Atty. Mukhang snober pero may pakialam din pala sa aming mahihirap," giit ni Marilyn.Malakas akon
Elias's Point Of View."I'm your girlfriend, Elias. Bakit ganyan ka?" "Yeah, you're my girlfriend. And you know that I-I love you, kaya bakit naapektuhan ka pa rin sa presensya ni Dasha?" seryosong giit ko habang nakatingin sa kaniya, puno ng iritasyon ang kaniyang mga mata."B-Because I know she wants you back! I know na kukunin ka niya sa akin!" nanginig ang kaniyang labi. "Pumunta ka pa ng birthday niya, anong ibig sabihin noon? Anong gusto mong isipin ko?""Ang gusto kong ispin mo ay hindi niya ako gustong agawin sa'yo. Bakit naman ako magpapakuha?" kalmadong tanong ko. "At saka, sila na ni Jazz. Hindi mo ba iyon alam? Kaya impossible talaga ang sinasabi mong gusto niya akong kunin, magkaibigan na lang kami ngayon."As much as I hate to say that guy's name, I have to."That's just a rumour!"Umilang ako. "No, they're together. Wala kang dapat ipag-alala, alam mong sa'yo pa rin ako uuwi.""Talaga ba, Elias?""Yeah. . . You don't fucking know how much I love you."Hindi ko na tinan
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin ang mansyon na iyon, sa akin nakapangalan ang lupa. . . Ang sabi ni Lola, kahit anong oras daw ay pwede kaming lumipat doon ni Dawn. Ang sagot ko naman ay hindi ako nagmamadali, saka baka malungkot lang doon si Dawn kapag kaming dalawa lang.Ngayon ay abala ako sa kusina dahil gusto kong magbake ng cookies, gusto kong bigyan sina Jazz at Angela... Pati si Elias ay papadalhan ko rin.Si Mama ang nagturo sa akin na magluto, lalong-lalo na sa pagbabake. Kinuwento sa akin ni Papa kung gaano niya kapaborito ang mga gawa ni Mama, lalo na iyong cookies, kahit ako ay paborito rin iyon. Kaya naisipan kong magbake ngayon para matikman niya ulit ang recipe ni Mama.Nang matapos ako ay hawak-hawak ko ang isang plato, sa ibabaw noon ay ang mga maiinit na cookies. Dumiretso ako sa opisina ni Papa, naabutan ko siyang may binabasa sa isang folder."Papa," saad ko at mabilis naman siyang lumingon sa akin, bumaba ang tingin niya sa hawak k
Dasha's Point Of View.Kitang-kita ang kalikahan ng bakery shop—ko habang tinitignan naman ito mula sa labas, clear glass ang nakapalibot rito, maging ang pintuan ay clear glass din. Ang kabuoan ay pinaghalo ang kulay itim at puti na nagustuhan ko, ang kulay ng pintura ay itim at bumagay iyon sa clear glass."A-Ang ganda po," sambit ko kasabay noon ang pagtulo ng luha sa aking mata na mabilis kong pinunasan. Hindi ko inakalang isang araw, matutupad ang pangarap ko.Alam ko kasing impossible... Mahirap lang kami.Mabilis akong napayakap kay Lola at Papa, hindi ko na pigilan pa ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha habang yakap sila. "H-Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya ngayong araw," humihikbing sabi ko."Mahal ka namin, Dasha. Alam naming deserve mo ito," si Lola."Your Lola's right, so please don't be so hard on yourself," boses iyon ni Papa.Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha. "Salamat po ulit," nakangiting sabi ko, lumingon ako kay Jazz at