Dasha's Point Of View.Napatingin ako sa orasan at malakas na napabuga ng hangin dahil malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang aking asawa, bakit wala ba siya? Nag-overtime na naman ba siya sa kaniyang trabaho?O sadyang ayaw niya lang talagang umuwi dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, ayaw niya 'kong makasama?Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Elias ngunit nabigo ako ng makitang wala man lang siyang sinabi kung uuwi ba siya ngayong gabi o hindi. Palagi naman siyang ganito, bakit ba hindi pa rin ako sanay?"Hindi ka ba inaantok, Ma'am Dasha? Mukhang hindi uuwi si Sir Elias ngayong gabi."Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Manang Nina na mukhang naalimpungatan at naabutan ako rito sa sala. Hindi niya na kailangang magtanong pa kung anong ginagawa ko dahil alam ng lahat na palagi ko siyang hinihintay na umuwi.Ngumiti ako bago umilang. "Ayos lang po, hindi rin ako makatulog," kaswal na sagot ko. Hindi ito katulad ng ibang gabi n
Dasha's Point Of View.Hindi ako kumain buong araw kahit pa pinipilit ako ni Manang, wala akong gana sa lahat ng bagay. Hindi ko pa rin pinipirmahan ang divorcement paper na binigay ni Elias, naiinis ako sa sarili ko dahil pagkatapos ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya sa akin ay ang pagmamahal ko pa rin para sa kaniya ang nangingibabaw."Ipasok na kaya kita sa kombento, Dasha? Nasobrahan ka na sa pagiging martyr!" narinig kong saad ni Angela, ang matalik kong kabigan, sa kabilang linya. "Ang tagal tagal ko ng sinasabi sa'yong iwan mo na 'yang lalaki na 'yan, hindi ka naman nakikinig. Tignan mo tuloy ang nangyari ngayon, anong plano mo sa bata?"Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot. "Kaya ko naman siguro maging single mother, hindi ba?" pagbibiro ko kahit na mabigat pa rin sa aking dibdib ang isipin na lalaki ang aking anak na walang ama."Alam kong kaya mo, hindi mo kailangan ng tulong ni Elias. Ikaw nga hindi niya mapakitaan ng pagmamahal, iyong anak mo pa ka
Dasha's Point Of View."Are you really sure that she's okay, Doc?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses."Yes, Samuel. Mabuti na lang talaga at nadala mo siya kaagad dito. . ."Nang marinig ko ang pangalan na iyon ay mabilis akong napadilat. Napaawang ang aking labi ng makita ko si Samuel, ang una kong naging asawa na nakatayo sa harapan ng hospital bed na hinihigaan ko at may kausap na Doctor."A-anong ginagawa mo rito?" nanghihinang tanong ko dahilan upang mapalingon sila sa akin, mabilis akong nilapitan ni Samuel."Are you okay? May masakit ba sa'yo, Dasha?" sunod-sunod niyang tanong, sinubukan kong tumayo at kaagad niya namang hinawakan ang likod ko upang tulungan ako. Napatingin ako sa kabuoan ng aking katawan, ang dami kong bandage sa braso at binti ko. Naramdaman ko ang matinding kaba sa puso ko ng may bigla akong maalala"A-Ang baby ko. . .Kamusta ang baby ko?" kinakabahang tanong ko ngunit mabilis iyong nawala noong ngumiti ang Doctor sa akin."Wala kang dapat ipag
Dasha's Point Of View.Namatay si Mama dahil sa sakit sa puso, ilang taon niya na ring iniinda iyon ngunit masyado kaming mahirap para bilhin lahat ng gamot na kailangan niya. Naalala ko noon, palagi niyang sinasabi sa akin na mag-asawa ako ng mayaman. Alam niya kasing hindi niya ako mapagtatapos ng pag-aaral.Kaya siguro isang golddigger ang palaging tinatawag sa akin ni Elias, dahil sa tingin niya ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Kahit ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi niya iyon pinaniniwalaan.Alam kong kaya palaging sinasabi sa akin ni Mama na mag-asawa ako ng mayaman ay dahil isang walang kwentang lalaki ang napang-asawa niya. Iniwan ni Papa si Mama noong nalaman niyang buntis ito, hindi pa raw kasi handang magpamilya.Nakakatawang isipin na parehas kami ng landas na tinatahak ni Mama. . . "Mama, magkakaroon ka na ng apo," bulong ko sa libingin niya habang hawak-hawak ko ang tiyan kong may kalakihan na. 7 months na akong buntis at ilang buwan na lang ang hihin
Dasha's Point Of View.Sa mismong kasal namin ay nandoon si Angela at ang mga magulang ni Samuel, ang sakit isiping kailangan niyang magsinungaling na anak niya ang batang nasa sinapupunan ko.Noong una ay nagtatampo sina Tita Selena at Tito Simon noong nalaman nila iyon dahil bakit daw malapit na akong manganak saka lang namin sinabi. Pero mas nangingibabaw sa kanila ang tuwa dahil magkakaroon na sila ng apo."Kinakabahan ako," bulong ko kay Angela, nandito kami sa loob ng isang kwarto at naghahanda, isang oras bago magsimula ang kasal. Maraming tao ang invited, mula sa mga kaibigan ni Samuel hanggang sa mga business partner ng kanilang pamilya. Noong una ayoko sana pero nagpumilit sina Tita Selena at Tito Simon."Pangatlong beses mo ng kasal 'to, kinakabahan ka pa rin?" natatawang sagot ng matalik kong kaibigan pero hindi naman iyon ang bagay na kinababahala ko."Pakiramdam ko kasi niloloko namin sina Tita Selena," tugon ko. "Hindi nga ako makapaniwalang naniwala silang matagal na k
Elias's Point Of View. I never thought I would become an attorney, noong bata pa lang ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Everyone pressured me to be like this, to be like that, I need to be like that person, everyone around me made me feel like I have to be better than everyone. Sinabi pa nilang huwag akong maging cause ng disappointment dahil walang Macini ang nabubuhay sa mundo na isang failure. But my Mom, she never made me feel that I have to be someone far from who I am. Kaya noong nawala siya, matindi ang naging galit ko sa mundo. She is the only person who understands me, so why did the world take her from me? Ang akala pa ng mga tao ay namatay siya dahil sa kaniyang allergy, pero hindi nila alam ang totoong nangyari na kaya siya namatay ay dahil may pumatay sa kaniya. It's a murder case. . . Ang sakit isiping isa akong tanyag at successful na attorney pero hindi ko magawang hanapin at ipakulong ang pumatay sa Mom ko. I have been successful in
Dasha's Point Of View.Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako.Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi.Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi."This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang."Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha."Damn it! Ilang buwan na
Dasha's Point Of View."Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak."I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano
Dasha's Point Of View."Me too... Parang ilang araw din pala tayong hindi nagkaroon nang maayos na pag-uusap," narinig kong sabi niya. "Noong natapos ang hearing, saglit mo lang akong kinausap.""Busy ka, diba?""But I still want you to talk to me... Para ganahan naman akong magtrabaho."Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya. "Hindi kita kinakausap dahil siyempre, ang sabi mo sa akin ay pag-aaralan mong mabuti ang kaso, hindi ba? Alam ko kasi kung gaano ka ka-hands on sa trabaho mo," paliwanag ko at pinagmasdan ang kamay kong pinaglalaruan niya."Pero hindi mo man lang ako tinawagan kahit na tapos na ang kaso nila," nakita ko ang pagnguso niya kaya mas lalo akong natawa."Siyempre... Alam kong ilang taon kayong hindi nagkasama ni Tita Elysa, gusto kong magkaroon kayo ng oras bilang isang pamilya, lalo na ngayong nandiyan na si Jazz," sabi ko. "Kaya sorry na, nagegets mo naman ako, hindi ba?"Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin sa akin. "No need to say sorry, j
Dasha's Point Of View.Pagdating namin ni Jazz sa loob ng kaniyang sasakyan, bumalik siya sa pagiging siya. Iyong makulit at palabiro."Takot na takot ako talaga ako noong pormal akong pinakilala ni Celaida kay Tita Cyla," pagkuwento niya, kahit sa pagkuwento niya ay hindi ko maiwasang matawa dahil bakas pa rin sa boses ang kaba."Bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Tita ah?" tanong ko sa kaniya."Mabait naman siya... Pero alam mo, normal lang sa aming mga lalaki na kabahan kapag pinapakilala kami sa magulang ng taong mahal namin," aniya, nakangiti na ngayon kaya kahit papaano ay nabawasan na ang pag-aalala ko sa kaniya. "Malay mo hindi niya pala ako gusto para kay Celaida? Tapos hindi niya na ako hayaang magkita pa kaming dalawa? Paano na si Ethan? Paano na ang anak namin?"Napalakas ang pagtawa ko dahil sa mga sinasabi niya. "Bakit ka naman hindi magugustuhan ni Tita para kay Celaida? Mabuti ka namang tao kahit papaano kaya sigurado akong tanggap ka naman ni Tita kahit na ma
Dasha's Point Of View.Lumabas ako ng visitation room ng mabigat ang dibdib, mukhang wala nga talagang pinagsisihan si Selena sa mga ginawa niya... pero ang maganda ay mukhang handa naman siyang pagbayaran ang mga ito. Saktong paglabas ko ng kwartong iyon ay nakarinig ako ng pamilyar na sigaw ng isang babae."Can you please stop holding me?! Hindi ako baldado! Bitawan mo ako, fvck you! Kaya kong maglakad!"Sunod kong nakita si Bianca na hawak-hawak ng dalawang pulis, mukhang hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagpupumiglas sa mga pulis na nakahawak sa kaniya. Dinala siya sa katabing visiting room na pinasukan ko, sandali akong sumilip sa loob at nakita kong nandoon si Jazz.Sumunod akong pumasok nang matapos siyang mailagay ng mga pulis sa loob, nasa upuan lang siya at nakaposas ang mga kamay niya sa likod ng inuupuan niya."Masyadong agresibo, Ma'am. Kailangan pang iganyan," sabi sa akin ng isang pulis ng makita ako. Napailang din ang kasama niya."Dagdag sakit sa ulo na nam
Dasha's Point Of View.Parang sinagot kaagad ng Panginoon ang kahilingan kong iyon dahil sa mga araw na nagdaan, naging abala kaming lahat sa hearin, lalong-lalo na si Elias... Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya, sa mga gabing nagpupuyat siya dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, kahit na malakas ang defense namin, dapat pa rin niyang pag-aralang mabuti ang kaso.Kaya sa huling araw ng hearing... Noong mapatunayang guilty silang dalawa ni Bianca, maging si Reyes... Napasigaw kaming lahat sa saya.Niyakap ko si Celaida na ngayon ay nakangiti ngunit sunod-sunod ang luhang lumalabas sa kaniyang mga mata. "S-Sa wakas... Nakakulong na rin sila," umiiyak niyang ani sa akin.Ngumiti ako at bumitaw sa pagkakayakap. Magsasalita pa sana ako ng lumapit sa amin sina Jazz at Tita Cyla, bakas sa kanilang mukha ang saya. Hinayaan ko muna silang magsaya at dumiretso ako kila Mama.Ngumiti siya sa akin at ganoon din ako. "Nakakulong na ang mag-ninang," pagbibiro ko at nakita ko naman ang mah
Dasha's Point Of View.Napakunot ang noo ko sa narinig, ilang segundo kong tinignan si Elias habang iniisip nang mabuti ang sinabi niya. Teka... Nabanggit niya sa akin noon ang pangalan ni—"Mama!"Sabay-sabay kaming napalingon kay Celaida ng bigla siyang napasigaw, nakita kong nakatayo na siya sa kaniyang upuan at nakatingin sa entrance ng dining hall. Lumingon ako roon at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata sa gulat ng makita si Tita Cyla."Tita Cyla?" hindi makapaniwalang saad ko."Cyla? Ikaw ba 'yan, Cy?" Nakita ko ang pagtayo ni Mama, maging siya ay nakaawang ang labi habang gulat na nakatingin sa bagong pumasok ng dining hall.Tumayo si Elias mula sa aking tabi at nagsalita. "Tita Cyla, have a seat," aniya at tinuro ang bakanteng upuan, tumango naman kaagad ang ginang at naupo. "Alam ko pong nagtataka kayo kung bakit nandito siya, pero ipapaliwanag ko naman."Bumalik sa pagkakaupo si Elias, ganoon din sina Mama at Celaida na ngayon ay halatang-halata na gustong mala
Dasha's Point Of View."I-Ikaw... I-Ikaw siya? Ang kakambal ni Elias?" halos pabulong na saad ni Tita Elysa, mabigat ang bawat paghinga niya.Nakita ko ang pamumula ng mga mata ni Jazz habang dahan-dahan siyang tumatango. Sunod kong nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Tita Elysa."Buhay ka...? Buhay ang anak ko!" saad ng ginang."Mom, may kakambal ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Elias. "Ang akala ko ay only child lang ako?"Umilang si Tita Elysa. "Mayroong kang kakambal... Pero namatay siya pagkapanganak ko pa lang, pero kung buhay nga ang kakambal mo, Elias. Sinong sanggol ang nilibing namin noon?""Bakit hindi mo sinabi sa aking may kakambal ako, Mom?" tanong ni Elias."Pasensya na... Ngayon ko lang nasabi dahil ayoko kasing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.""Sino naman pong may dahilan kung bakit nawala ako?" tanong ni Jazz. "May nag-alaga po sa akin, dinala po ako sa New York. Pero isang beses ay narinig kong may kausap siya, nabanggit niya pong hinding-hindi
Dasha's Point Of View.Parang isang panaginip pa rin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang muli kong mayayakap si Mama, noon... Palagi ko lang itong panalangin, pinagdadasal ko na muli ko siyang mahagkan kahit na alam ko namang impossible... Pero possible pala iyon? Dahil buhay pa pala siya!"M-Mama..." Malakas na hagulgol kong saad habang nasa bisig niya. Sobrang tagal kong pinangarap 'to, ilang taon ko ring gustong maramdaman muli ang pagmamahal ng isang anak. "H-Huwag mo na akong iwan ulit... M-Mama... Hindi ko kaya. Hindi ko na kayang mag-isa, Mama. Hindi ko kayang wala ka. Huwag ka na ng umalis."Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin. "Hindi ka na iiwan ni Mama, Dasha... Nandito na ako, hindi kita iiwan."Napuno ng iyakan ang umagang iyon, ni-hindi na namin magawa pang kumain ng almusal dahil mas gusto naming alamin kung ano bang nangyari."Ano bang nangyari sa inyo, Diane?" tanong ni Lola, nakaupo na kami sa mahabang sofa, katabi ko sina Mama at Papa. Sa harapang sof
Dasha's Point Of View.Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa excitement na makikita ko na sina Mama, mukhang parehas kami ni Dawn ng nararamdaman ngayon dahil maaga rin siyang nagising, mabuti na lang dahil hindi siya umiiyak."Dawn... Dadating na si Mama mamaya, excited ka na bang makilala ang Lola mo?" nakangiting sabi ko sa kaniya habang buhat-buhat siya, napansin ko naman ang maliit niyang ngiti kaya napangiti rin ako.Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya mabilis akong lumapit doon at binuksan, bumungad sa akin ang bagong gising na si Elias. Dito niya napagpasyahang matulog, gusto niya rin daw kasing hintayin ang pagdating nina Papa. Pati sina Jazz at Celaida ay sa guest room din ng mansyon natulog."Good morning," pagbati niya sa akin at tumingin kay Dawn. "Good morning, Dawn..""P-Papa..!!"Napangiti naman ako sa sinabi ng anak namin. "Good morning, Elias. Pasok ka."Tumayo siya at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. "Ang aga mo yatang nagising?" tanong ko sa kaniya at umu
Dasha's Point Of View."W-Wala naman akong planong umalis, pwera na lang kung paalis mo ulit ako," sambit ko."No... Fvck no.. I won't push you again," mabilis niyang bulong sa akin, mahigpit pa rin ang kapit. "Baka... baka kapag ginawa ko iyon, mapahawak ka na naman katulad ng nangyari noong nagdivorce tayo.""Edi nangangako akong hindi na ako aalis sa buhay mo," sabi ko at napangiti."That's right... Dahil plano kong magpakasal ulit tayo."Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Kasal?""Yeah...""P-Papakasalan mo ako?""Ikaw lang naman ang nakikita kong magiging asawa ko, Dasha. Kung hindi lang din naman ikaw, mas pipiliin ko pang mapag-isa na lang habang buhay," malambing niyang saad na mas lalong nagpangiti sa akin. "I love you so much, Dasha. Ikaw ang buhay ko."Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa huli niyang sinabi, napakasarap sa taingang marinig ang mga salitang iyon. "M-Mahal din kita, Elias."Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. "Pinangaku