Cannot Afford That Expensive Love
She is Nadia Zariyah Helquino, born poor. Every coin is important to her saving is important to her. She had high dreams in life, but unfortunately she could not fulfill them because of the difficulties of life. But she believes that poor people like her still have value in this world. How many times has she dreamed of how happy she lived in a rich family. As the poverty of Nadia's world continues, she will meet someone who will change her life. He is Carrion Xavien Tadio, owner of a famous shoes company, with Carrion's wealth he can buy everything and do what he wants. There are many differences between the two, in other words, Carrion is rich and Nadia is poor. The worlds of the two will meet, they will fall in love, they will exchange sweet words but just like love stories, the two of them will not be end up together. Did they really know each other before entering into a relationship? Or they already know each other well but fate voluntarily separated them, because at that time they were destined to separate and when they met again, their love that was once separated would continue. Or maybe because of the trauma of the first time they broke up, Nadia will suddenly think that maybe she can't really afford the expensive love of him.
Basahin
Chapter: Chapter 32Nadia's Point Of View."Nice to meet you too po sir R-russel," sabi ko at tinanggap ang kaniyang kamay."Erase the sir you can call me just Russel," sagot niya at ngumiti. Tumango naman ako."I heard Cax went on a vacation, that's why I'm here. Gusto ko siyang guluhin," natatawa niyang sabi."Kaibigan ka po ba ni sir Cax?" tanong ko."Yes, he's my cousin," sagot niya at muling binalik ang kaniyang shades. "Madalas lang na mainit ang ulo niya sa akin dahil hindi niya matnaggap na mas gwapo ako kaysa sa kaniya," dagdag niya at hindi ko mapigilang matawa."Dapat lang palang uminit ang ulo niya," sabi ko at mahinang tumawa dahilan para mawala ang ngisi niya."Malabo rin siguro ang mata mo kagaya niya kaya hindi niya makitang mas gwapo ako kaysa sa kaniya," bagot niyang sabi. "Osige, mauuna na ako. See you around, Nadia."Tumango ako at hinayaan siyang umalis sa aking harapan, nang mawala siya ay saka ako nag patuloy na mag lakad palabas. Kalmado na ang aking pag lalakad, at hindi na rin a
Huling Na-update: 2024-04-12
Chapter: Chapter 31Nadia's Point Of View."Why didn't you tell me that you don't know how to swim?!" galit na sigaw ni sir Cax at nanatiling nakayuko ang ulo ko dahil sa kahihiyan.Hindi ako makapaniwalang muntik na akong mamatay kanina! Paano na si Niel kung namatay nga talaga ako?!"Muntik ka ng mamatay, Nadia!" patuloy na sigaw ni sir Cax. Ngayon ko pa lang siya nakitang galit at parang ayokong tignan ang mukha niya dahil natatakot ako."Daddy! You're the one who carried her and put her in the water! It's also your fault!" seryosong sigaw ni Vivy at pumagitna pa sa amin, nakaupo ako sa hindi ko alam kung kaninong kama at nakatayo sa harapan ko si sir Cax habang ako ay nakayuko. "You should apologize!" masungit na dagdag ni Vivy na na-iimagine ko na ang mukha niya kapag nag susungit."I know, Vivy. But she could have told me right away that she can't swim," kalmado ng sabi ni sir Cax.Malakas akong bumuntong hininga bago dahan dahang nag taas ng ulo, tumikhim ako at nag salita. "P-pasensya na po, sir,
Huling Na-update: 2024-04-11
Chapter: Chapter 30Nadia's Point Of View.Kinabukasan ay mabilis kaming niyaya na kumain ng almusal sa dalampasigan. At parang gusto ko na lang mag kulong dito sa kwarto namin ni Jala dahil sa mga nasabi ko kay sir Cax kagabi.Bakit ko nga ba nasabi iyon? Dahil ba sa nararamdaman ko para sa kaniya at sa mag kaiba naming estado sa buhay?"Nadia, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Karen dahil sa kaniyang binulong. "Kanina ka pa nakatingin sa plato mo, wala ka bang balak kumain?" dagdag niya.Tumikhim ako bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Puyat lang ako," sagot ko at kinuha na ang tinidor at kutsra, bago mag umpisang kumain.Wala namang imik sa gilid ko si Jala na tahimik lang kumakain."Consider this as your rest day so just rest and enjoy this vacation," narinig kong sabi ni sir Cax at nag pasalamat naman sila Karen habang ako ay pinag patuloy ang pag kain at hindi siya tinignan.Nahihiya ako, saan ba ako nakahanap ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya iyon? Naiinis tuloy ako sa sarili ko tuloy. Naka
Huling Na-update: 2024-04-10
Chapter: Chapter 29Nadia's Point Of ViewMabilis ang pag hinga ko habang nag lalakad pabalik ng hotel, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Madali niya lang sabihin 'yon dahil siya ay mayroong pera at kapangyarihan! Madali lang para sa kaniya na gawin ang gusto niya dahil siya ay mayaman. Labis na pang gagalaiti ang aking nararamdaman ng bumalik ako sa kwarto namin ni Jala. "Saan ka galing? Bakit nakakunot ang noo mo?" tanong ni Jala ng makita ako at ang tanging naging sagot ko lang ay malakas na pag buntong hininga."May nangyari ba?" tanong niya at tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay.Umilang ako at umupo sa aking kama. "Galing ako sa labas," sagot ko at wala na naman akong narinig na salita mula kay Jala, nakita ko siyang humaga sa kaniyang kama at tinalikuran ako.Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan... Ngayon mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na isang kahibangan ang pag kakaroon ng nararamdaman para kay sir Cax.Isang pag kakamali, isang napakalaking pag kakamali na hi
Huling Na-update: 2023-12-15
Chapter: Chapter 28Nadia's Point Of View Ilang beses kong hinawakan ang mukha ko, namumula ba ako? Buti na lang talaga at hindi na nag tanong pa si Vivy, dahil kung hindi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Hindi ko nga napansin na namumula na ako!"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Napatingin ako kay Jala nang lumapit siya sa akin, hawak niya parin ang kanyang camera."Wala naman," sabi ko. "Tara na, sumunod na tayo sa ibang maids."Tinanguan niya lang ako at sabay kaming nag lakad, natatapakan ko ang puting bungain at ang sarap nito sa pakiramdam. Napatingin ako sa asul na karagatan, ang ganda nito sa mata.Ang totoo niyan ay ito ang unang beses na makapunta ako sa dagat, pero nakikita ko naman ang itsura nito sa tv. Hindi nga ako nabigo dahil ang ganda nito ngayong nakikita ko na ito ng personal."Sa hotel daw tayo matutulog," rinig kong sabi ni Jala habang abala parin sa pag kuha ng picture sa paligid. Gusto ko rin sanang gawin ang ginagawa niya pero hindi naman maganda ang quality ng camera
Huling Na-update: 2023-08-17
Chapter: Chapter 27Nadia's Point Of View.Umiwas ako ng tingin at mabilis kong narinig ang mahinang pag tawa ni Jala. Lumingon ako sa kanya at inis ko siyang tinignan. Nag tataka naman siyang tumingin sa akin."Bakit?" tanong niya.Inis ko siyang inirapan. Hindi na ako muling tumingin kay sir Cax at wala rin akong balak. Tinignan ko si Vivy at busy lang siya sa kanyang cellphone kaya hindi ko na ginulo.Nag umpisa nang umandar ang van at tahimik lang kami, naririnig ko ang pag uusap ni sir Cax at ng driver na si July. Bakit siya pa ang naging driver namin? Pakiramdam ko ay aasarin na naman niya ako.Tumingin ako kay Jala at nakita ko siyang busy din sa pag cecellphone, halos lahat sila ay nag cecellphone! Napa buntong hininga naman ako bago tumingin sa bintana ng van.Hindi ako pamilyar kung nasaan na kami ngayon pero sa tingin ko ay nasa manila parin kami. Narinig ko na dalawang van ang ginamit, lahat ng iyon ay van ni sir Cax. Ang ibang mga maids ay nasa pangalawang van."Ate Nadia, look at this."Na
Huling Na-update: 2023-08-11
The Billionaire's Mistaken Prostitute Grief
"That demon took my dignity, and he will never be able to get it back even if the payment is death." —Amelia.
A mistaken prostitute. A billionaire who raped her. And a story of chase.
Daughter of a famous company owner, Amelia Raine Salvador. Pagka tapos pumanaw ng kaniyang ina ay muling nag asawa ang kaniyang ama, dahilan para magalit siya ng tuluyan sa mundo dahil ang ugali ng bagong asawa ng kaniyang ama ay malayong malayo sa ugali ng kaniyang pumanaw na ina.
Despite being famous for being a womanizer and cold hearted, Chase Santiago still gets everything he wants with his money and power.
One day, Amelia lost her way so she came to Chase house to ask for help. He mistaken her as a prostitute and raped her because he was drugged by his enemies. Nalaman ni Amelia na siya ay nag dadalang tao kaya nag madali siyang pumunta ng ibang bansa.
When she returned with her twins, Amelia did not expect that she and Chase would meet again, and in their second meeting, Chase still thought she was a prostitute. Nalaman ni Chase ang tungkol sa twins, naging malapit siya sa mga ito ngunit binalaan siya ni Amelia na lumayo siya sa kanilang buhay.
But one day, Amelia's ex-fiancé arrives, asking her to come back to his life.
There are still many questions in Amelia's mind, was her decision to return right? Or how can she ignore that she is starting to like Chase? Will she confess her feelings or will she just bury it in oblivion because just like the moment her mother left her, she was destined to be alone forever.
Basahin
Chapter: Chapter 80 : The Excitement Is GoneAmelia's Point Of View.Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na kaagad ako sa mga bibilhin ko, kaunti pa rin kasi ang mga gamit sa condo kaya gusto kong dagdagan lalo na't sumahod ako kahapon, unang sahod ko bilang teacher pagkatapos kong bumalik.Nakakatuwa sa pakiramdam, noon ay sa sarili kong luha ginagamit ang sahod ko. Ngayon ay para na kila Aria, nakakatuwa dahil hindi ko kailangan humingi sa kahit sino para bilhan sila ng mga bagay na gusto nilang bilhin.Dumiretso ako sa furniture section para bumili ng dalawang single na sofa, kaagad naman akong nakahanap ng gusto kong sofa kaya binayaran ko na ito kaagad at idedeliver na lang daw iyon sa bahay.Pagkatapos ay dumiretso ako sa damit na mga pambata, naglalakad na ako papunta roon ng may isang pamilyar na babae ang humarang sa akin."Anika," bulaslas ko ng makita ang mukha niya, kaagad namang may ngisi na lumabas sa kaniyang labi, ngunit hindi ko nagustuhan iyon."Wow, mabuti naman at natandaan mo ang pangalan ko," nakangisi
Huling Na-update: 2024-08-13
Chapter: Chapter 79 : PartyAmelia's Point Of View.Noong sumapit ang weekend ay inistorbo ko muna si Sandy na bantayan sina Aria at Caleb dahil mamimili ako sa mall."Sus! Ang sabihin mo ay magdadate lang kayo ni Chase!" bulaslas niya kaagad pagkapasok niya ng condo, tinignan ko siya ng masama."Anong date? Wala na nga akong time na mag-ayos ng sarili ko, sa pagdadate pa kaya?" asar kong saad habang sinusuklay ang aking buhok, naghahanda na ako para umalis."Sus! Para namang matatanggi mo si Chase kapag niyaya kang makipagdate," wika niya habang may ngisi, mabuti na lang at tulog pa sina Aria dahil kung hindi kanina ko pa binato ng suklay si Sandy! Mabuti na lang talaga ay hindi natututunan nila Aria ang kung anong lumalabas sa bibig ng babaeng 'yan."Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano riyan, magkaibigan lang kami nung tao," sagot ko. Mas lalo siyang hindi tumigil sa kakaasar, sinabi kasi nila Aria iyong pagpunta nila sa mall noong nakaraan, tapos binilhan pa raw ako ng mga dress na nagustuhan ko naman.Hindi
Huling Na-update: 2024-08-12
Chapter: Chapter 78 : PastChase's Point Of View."May nangyari ba?" tanong ni Norven gamit ang seryosong boses at tumingin sa akin.Malakas akong bumuntong hininga at tumango bago ko sinumulang sabihin sa akin ang mga sinabi ng lalaki sa amin. Nang matapos akong magsalita ay hindi makagalaw si Norven at kita ko ang magkahalong gulat at galit sa mga mata niya.Katulad kasi namin ay sumali rin si Norven sa Neuro Scorpion, doon namin siya nakilala at naging kaibigan. Mas matagal siya sa grupo kaysa sa amin at alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Ford."He's joking, he's joking," sunod-sunod na wika ni Norven. "He must be just joking," wika nito at mabilis na naglakad papasok ng The Spot, kahit gusto man namin siyang pigilan ay hindi na namin nagawa dahil nakapasok na siya."Hayaan mo na siya, Ryan," wika ko ng makitang susunod siyang pumasok, huminto naman siya at naupo sa sofa."Baka mapatay niya iyong lalaki," sagot niya sa akin at umilang naman ako."He's a police, alam niya ang ginagawa niya," saad ko."
Huling Na-update: 2024-08-03
Chapter: Chapter 77 : Leader Chase's Point Of View."Answer me, you fucker!" pag-uulit ni Ryan ngunit nanatiling mukhang walang pakialam sa kaniya ang lalaki dahilan upang mas lalo kong makita ang galit sa mga mata ng kaibigan ko.Galit na tumayo si Ryan at mabilis na hinawakan ang kuwelyo ng lalaki at tinaas ito, dahil nakatali ito sa upuan ay pati ang upuan ang napangaat dahil sa lakas ni Ryan."Answer me!" sigaw ni Ryan sa mukha ng lalaki.Malakas akong bumuntong hininga at nagsalita. "Kumalma ka muna, Ryan. Bitawan mo siya at bumalik ka rito sa pwesto mo," mahinanong wika ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga ngunit binitawan niya naman ang lalaki na pabalibag dahilan upang muntikan na ng matumba ang upuan.Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko ngunit nararamdaman ko pa rin ang galit niya."Anong sinasabi mong kapag may namatay ay may papalit?" seryosong tanong ko sa kaniya at ilang segundo kaming nagtitigan sa mga mata bago ko narinig ang isang malakas niyang buntong hininga."Kaming m
Huling Na-update: 2024-07-30
Chapter: Chapter 76 : Neuro Scorpion Chase's Point Of View.Wala pa ring malay iyong lalaki pagkadating ko sa The Spot, ang The Spot ay isang lihim na lugar na kaming dalawa lang ni Ryan ang nakakaalam. Ilang taon na rin ang lumipas simula ng magawa namin ang lugar na iyon, noon ay pansin kong palaging may sumusunod sa akin. Alam ko naman na kalaban iyon ni Dad at dahil sa akin namana ang kompanya, hindi na nakakapagtaka na ako na ang ginugulo nila ngayon.At kahit na si Calix pa ang magmana ng kompanya, alam kong mararanasan niya rin ang mga naranasan ko.Binuo namin ang The Spot para doon ipunta lahat ng mga kahinahinalang tao na sumusunod sa akin, hindi naman namin sila kinukulong. Nagtatanong lang ako ng ilang mga tanong at pagkatapos ay si Police Norven na ang bahala sa kanila.Pero nitong mga nakaraan ay napapansin kong wala ng gaanong nanonood sa mga galaw ko. Nakakapagtaka dahil hindi ko alam kung kailan sila aatake, kaya doble rin ang pag-iingat ko lalo na't alam ko kung gaano sila kadelikado, baka madamay sina
Huling Na-update: 2024-07-28
Chapter: Chapter 75 : Stalker Amelia's Point Of View."Naka move on ka na?" halata ang gulat sa aking boses noong magsalita ako at nakita ko namang tumawa siya sa akin.His face softened when he laughed. . . bakit ba hindi na lang siya laging tumawa?"Yeah, I already moved on," sagot niya ngunit hindi pa rin ako kumbinsido."P-Pero ang sabi mo noong pumunta kami sa mansyon niyo ay mahal mo pa siya, nagsinungaling ka lang ba noon?" tanong ko sa kaniya."Totoo na noong mga panahon na iyon ay hindi pa rin ako makapag move on, pero ngayon ay hindi ko na siya mahal. Dahil kung ako pa rin ang dating Chase, ay alam kong sa oras na bumalik siya ng bansa ay ako pa ang kusang magmakaawang balikan niya ako," wika niya. "Pero nagbago na ako, hindi ko na hahayaan pa na sirain niyang muli ang buhay ko," dagdag niya."T-That's good to hear," iyon na lang ang tanging lumabas sa aking bibig, hindi ko alam ang aking sasabihin. "Ikaw ba? Nakapag move on ka na?"Natawa ako sa kaniyang tanong. "Oo naman, matagal na. Kahit wala akong
Huling Na-update: 2024-07-26
Chapter: Kabanata 36Dasha's Point Of View.Napatakip ako ng aking bibig, gulat sa narinig. Wala akong pakialam kung nakikita na ng pulis na kasama ko ngayon ang luha sa aking mga mata. Ang tanging nasa isip ko ay ang sinabi ng mga suspect.Totoo ba ang sinasabi nila? . . . Kung totoo nga, niligtas ni Samuel ang buhay ko.Mas lalo akong napaiyak noong maisip iyon, nakita ko ang paglingon ni Elias sa gawi ko na para bang nakikita niya ako at alam niyang umiiyak ako. Hindi niya ako nakikita dahil sa materials ng kwarto kung nasaan ako, pero sila, naririnig at nakikita ko sila.Napakagat ako sa ibabang labi ng lumabas siya ng kwarto, ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas ang pulis at pumasok si Elias."T-Totoo ba ang sinasabi nila?" naiiyak kong saad at nang tumango siya ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.Napayuko na lamang ako, hindi alam ang dapat na gawin. "H-Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman," sambit ko.Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa akin, nakita
Huling Na-update: 2024-12-17
Chapter: Kabanata 35TRIGGER WARNING: MENTIONED OF SELF-HARMING Dasha's Point Of View.Ano ba 'tong nagawa ko? Naiinis ako sa aking sarili, bakit lagi na lang gulo ang naidudulot ko?Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin kay Papa na nakaupo sa aking harapan, mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay. Ramdam ko ang takot niya na para bang anumang oras ay maari akong mawala. Sa katabing sofa ay nandoon si Lola Valencia, namumula rin ang kaniyang mga mata, alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit nananahimik siya.Tinulungan nila ko. . . Hindi nila iniwan ang tabi ko, bakit ganito ang sinusukli ko sa kanila?"S-Sorry po talaga," naiiyak kong sabi.Sinasabi ko sa sarili kong hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang saktan ang aking sarili. . . pero sa loob-loob ko, alam ko ang dahilan—pagod na ako. Pagod na ang katawan ko sa mga sakit na nararamdaman ko, pagod na ang utak ko sa kakaintindi at kakaisip sa mga nangyayari at pagod na ang puso ko.Pagkatapos noong tawag n
Huling Na-update: 2024-12-16
Chapter: Kabanata 34Victor's Point Of View."Meeting adjourned," saad ko bago mabilis na lumabas ng conference room. Nang makabalik ako sa aking opisina ay mabilis akong napaupo sa swivel chair.Hindi ko pinansin ang mga gawain na nasa ibabaw ng aking lamesa, pinikit ko ang aking mga mata. Kahit napatunayan ng inosente ang aking anak ay hindi pa rin siya nilulubayan ng mga Valdez, naiinis ako dahil doon. Masayang-masaya ako noong araw na nakilala ko si Dasha, kamukhang-kamukha niya ang kaniyang Ina. Noong makita ko siya ay walang dudang siya ang aking anak.Masakit talaga ang Tadhana dahil pinaglayo niya kaming tatlo, pero masaya akong kasama ko na ngayon si Dasha maging ang kaniyang anak. Kaya labis-labis ang inis na nararamdaman ko sa pamilya ng mga Valdez, bakit hindi na lang sila manahimik? Sila nga itong nanakit sa anak ko.Bakit palagi na lang may gumugulo sa mga buhay namin?Sa gitna ng pag-iisip ay natigilan ako ng maramdaman ang pag-vibrate ang aking cellphone. Nakita ko ang mga missed calls ni
Huling Na-update: 2024-12-15
Chapter: Kabanata 33Dasha's Point Of View.Nakatulala lang ako sa TV, ni-hindi ko maramdaman ang sarili kong paghinga. Natapos ang interview at wala na naman iba pang sinabi ni Tita Selena bukod sa panggagalaiti niya sa naging desisyon ng Judge.Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko, hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino iyon."My God, Dasha! That Selene is really trying my patience!" inis na wika ni Lola Valencia, bakas sa mukha niya ang iritasyon ng lumapit sa akin."Napanood mo po iyong interview?" halos pabulong kong tanong, tumango siya."It's all over the internet! Paanong iyon ko makikita iyon?" Napasandal na lamang ako sa aking inuupuan at napahimas sa aking sintido, hindi ko inakalang aabot sa puntong sasabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon.Mabuti na lang ay hindi niya kilala kung sino ang tunay na Tatay ni Dawn."Ano pong sinasabi ng mga tao? Sigurado akong may mga nagagalit na sa akin, hindi naman nila alam ang buong kuwento.""Iyon naman ang gustong mangyari ni Selena,
Huling Na-update: 2024-12-15
Chapter: Kabanata 32Dasha's Point Of View.Gusto kong yakapin siya ng mahigpit pagkatapos niyang sabihin iyon, pero pinigilan ko ang aking sarili ng maalalang hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa."M-Makakalabas na ako?" naiiyak kong tanong at tumango naman siya. "S-Salamat, Elias. Maraming salamat sa'yo!""You're welcome," ang tanging sagot niya.Napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag sa akin nila Papa, humahagos sila habang lumalapit sa akin, bakas ang saya sa kanilang mga mukha.Kaagad nila akong niyakap dahilan upang mas lalo akong napaiyak."Thank God! You're finally free!" masayang saad ni Lola Valencia.Ngumiti naman sa akin si Papa. "I know Dawn can't wait to see you."Napangiti ako ng marinig ang pangalan ng aking anak, halos isang buwan na rin pala ang lumipas simula noong huli ko siyang makita. Noong opisyal akong nakulong ay hindi ko na ulit siya pinapunta pa rito, hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kaniya."Keep your head down," rinig kong saad ni Elia
Huling Na-update: 2024-12-14
Chapter: Kabanata 31Dasha's Point Of View."The Judge accepted the new evidence, you're having a new trial," pagpapatuloy niya habang ako ay nakatanga lang sa kaniya.Paanong nangyari iyon?"Hindi kita maintindihan. . . hindi ba't mababa ang tyansang manalo ako sa kaso?" sambit ko. "Saan mo nakuha ang mga ebidensyang iyan?""A woman talked to me in private, we decided to meet in person, and she gave me this envelope," sagot niya kasabay ng paggalaw ng kaniyang adams apple. "Despirado na ako, Dasha. . . Noong sinabi niya sa akin na may alam siya kung paano ka mapapalaya, agad akong nakipagkita. Kahit wala akong kasiguraduhan kung sino ba talaga siya."Umarko ang ang kilay. "T-Teka. . . Babae? Sino naman? Kilala ko ba?""She didn't give me her name, ayaw niyang madamay sa kasong ito pero isa lang ang iniisip ko, matindi ang galit niya sa pamilya ni Samuel at gusto niyang makatulong sa'yo."Natahimik ako pagkatapos kong marinig iyon. Sino naman kaya siya? Wala akong tao na iniisip ngayon na maaring tumulon
Huling Na-update: 2024-12-13