Dasha's Point Of View.Wala kaming ginawa ni Angela kundi ang mag-iyakan, wala akong pakialam kung may nakakarinig man sa amin ngayon, gustong-gusto ko ng ilabas ang bigat ng nararamdaman ko ngayon."P-Pakiramdam ko... hindi ko na kaya, tapos si Elias pa ang Lawyer ko," naiiyak kong saad."Narinig ko 'yan kay Mr. Victor, nagulat pa ako noong sinabi niyang anak ka niya. Kakauwi ko lang talaga ngayon ng Pilipinas, noong nalaman ko ang nangyari sa'yo, wala na akong pakialam pa sa trabaho ko sa abroad."Saan mo nalaman?" "Sa TV. . . alam mo naman kung ang pamilya ni Samuel, impossibleng hindi umabot sa media ang pagkamatay niya," sagot niya na mas lalong nagpahina sa akin. "Pero ano ba talagang nangyari? Alam ko namang hinding-hindi mo iyon magagawa sa kaniya."Kinuwento ko lahat ng naalala ko sa kaniya, nang matapos ako ay kahit siya ay hindi makapagsalita ngunit tuloy-tuloy ang paglabas ng luha sa mga mata niya."B-Bakit.... bakit ganoon siya? Bakit trinatrato ka niyang parang hayop?!"
Dasha's Point Of View.Sobrang bilis ng mga sumunod na araw, nasa detention cell pa rin ako. Araw-araw naman bumibisita sina Papa, Lola at Angela, pero kahit ganoon, kapag umalis na sila, tahimik lang akong umiiyak dahil sa sitwasyon ko.Miss na miss ko na si Dawn. . . gusto ko na siyang alagain ulit at makita pero hindi pwede lalo na't ayokong makita niya akong nakakulong. Paulit-ulit ko pa ring tinanong sa sarili ko kung bakit nangyari 'to.Bukod kina Papa ay araw-araw ding bumibisita si Elias, hindi pa rin ako komportable sa presensya, lalo na sa tuwing nag-uusap kami. Alam kong nararamdaman niya iyon pero hindi siya nagsalita tungkol sa bagay na 'yon. Araw-araw din may tumitingin na medical team sa mga sugat ko sa katawan, masakit pa rin ang katawan ko, at may suot pa rin akong benda sa ulo.Hanggang ngayon ay himala pa rin sa akin kung paano ako nabuhay noong gabing iyon, sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung ako ang mamatay sa aming dalawa dahil ako naman ang napuruhan. Na
Dasha's Point Of View.Wala ako sa sarili ko habang nakaupo, pinipilit namang sabihin sa akin ni Elias na kumalma lang ako para makapagfocus sa mangyayari. Pinapaalala niya rin na huwag akong matakot kay Prosecutor Hernandez, kung tanungin niya man ako, deretso ko lang daw itong sagutin. Huwag ko raw hayaan na siya ang gumawa ng kwento na ako ang lalabas na mali.Ako ang biktima... Palagi niyang sinasabi sa akin. Pinapaalala niyang inosente ako, huwag ko raw hayaan na baguhin nila iyon.Tinanong ko rin sa kaniya kung kailangan ko rin bang kausapin ang pamilya ni Samuel at ipinagpasalamat ko naman dahil hindi naman iyon kailangan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanila, alam kong galit na galit sila sa akin. At sa tingin ko, kahit ilang beses ko pang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila, hindi nila iyon paniniwalaan."State your name," saad ng Judge.Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at sumagot, ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Lalo na ang mga nanlilisik na m
Dasha's Point Of View. Halos mahulog ko ang cellphone na aking hawak ng marinig ko iyon. Si Angela nasa hospital?! "B-Bakit. . . P-paanong nangyari iyon? Maayos palagi magmaneho si Angela," mabilis kong saad. Hindi siya pabayang driver kaya bakit mangyayari iyon? Maliban na lang kung may sumadyang bumangga sa kaniya. "That's what I'm going to investigate, I think it was planned," sagot niya sa kabilang linya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Sino naman ang gagawa noon?" tanong ko at biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ni Samuel. "P-Possible bang sina Tita Selena?" Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga na para bang problemado siya. "According to the police, Angela went to the mall, her car was still in good shape when she went. But when she was on her way home, someone broke her brake and she didn't notice it, she crashed into a tree. She got bruises and a serious head injury." Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng marinig iyon, gusto kong puntah
Dasha's Point Of View. Nakita kong natigilan siya sa tanong ko at natahimik kaya muli akong nagsalita. "Nakakatanggap ka ba?" Malakas siyang bumuntong hininga. "How did you know?" Napakagat ako ng aking labi ng marinig iyon, so totoo nga... Bumisita sina Papa kahapaon at sinabi nila ang tungkol sa death threats na natatanggap nila. Wala pa ngang balak sabihin si Papa dahil ayaw niyang mag-alala ako pero pinilit ko sila. Nakakainis... Bakit kailangang madamay pa sila? Kasalanan kong lahat ng ito at para namang nabasa niya ang utak ko dahil muli siyang nagsalita. "Don't think it's your fault why I get so many death threats, I'm used to it because this is my chosen job," seryosong sabi niya ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. "Paano kapag may nangyaring masama sa'yo? Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkawala mo lalo na't may... pamilya ka," tugon ko at umiwas ng tingin. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Bianca kapag nawala siya? Malamang sa malamang ay mas la
Dasha's Point Of View."Do you swear that the evidence you are about to give, is the truth, the whole truth, and nothing but the truth so help you God?" saad ng Judge habang ang kamay ko ay nasa bibliya."I do," sagot ko habang hindi inaalis ang aking mga mata kay Prosecutor Hernandez. Gusto kong maramdaman niya kung gaano siya kasama sa pagbaliktad ng kuwento. Alam kong ginagawa niya lamang ang kaniyang trabaho, pero. . . naiinis ako dahil bakit kailangang maging ganto?Alam kong hindi lang ako ang nakaranas ng mga ganito, mga mga nakulong na hindi naman talag sila ang gumawa ng krimen. At sa tuwing iniisip kong may mga taong nararanasan ang mga nararanasan ko ngayon ay gusto kong masuka.Nagagawa nilang tanggalin ang dignidad ng isang tao para lamang magawa nila ang kanilang trabaho?"State your name," saad ni Prosecutor Hernandez ng makaupo ako.Malakas akong bumuntong hininga, kayang kaya ko 'to. Ako ang biktima sa kasong ito, hinding-hindi ko hahayaan na baguhin nila iyon."Dasha
Dasha's Point Of View."Today is the last day of trial for People vs. Valdez. Closing arguments from the counsel," saad ng Judge.Nakita kong tumayo si Prosecutor Hernandez at nagsalita. "You honor, Samuel Valdez's life ended on February 09 20**, without legal justification, when the accused stabbed him on the chest..."Hindi ko na marinig ng maayos ang sinasabi ni Prosecutor Hernandez ng makita kong umilaw ang cellphone ni Papa at nabasa ko ang chat doon.Manang Belen : Sir, nawawala po si Dawn. Hinalughog na po namin ang buong mansyon para hanapin siya pero wala po... pagkatapos po ng hearing, pumunta na po kayo rito ni Ma'am Valencia.Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa, napasinghap ako at napalingon sa akin si Elias."Hey, are you okay? Why are you shaking, Dasha?" bulong niya sa aking tainga ngunit nanatili ang tingin ko kay Papa na nakatingin din sa kaniyang cellphone at binabasa ang chat, kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata.Si Dawn. . . Si Dawn nawawala!"P-Papa. . . S
Dasha's Point Of View.Tahimik lang akong umiiyak sa loob ng selda, wala akong pakialam sa mga taong kasama ko rito. Ilang milyong beses ko ng pinagdadasal na sana mahanap nila si Dawn...Lord, kahit ako na lang po ang magdusa, huwag na po ang anak ko.Hinding-hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil alam kong dahil iyon sa akin.Napatigil ako sa pag-iisip noong lumapit ang isang pulis sa labas ng kulungan at tinawag ako."Tumatawag ulit si Atty. Macini," wika niya at inabot sa akin ang cellphone, kaagad ko namang kinuha iyon."Elias? Kamusta? Nahanap niyo ba si Dawn?" naiiyak kong tanong, mahihpit ang kapit ko sa cellphone dahil sa labis kong pag-aalala.Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Yes, Dasha. She's safe now, sa parke siya ng subdivision nakita ng mga pulis, iniimbestigahan na iyon dahil impossibleng makapunta siya roon ng siya lang."Napaiyak ako sa narinig, salamat naman at ligtas na siya!"Mabuti naman ay ligtas na siya, wala na siyang sugat o ka
Elias's Point Of View."Ano kayang magiging reaction mo kapag nag no si Dasha?"Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jazz, nandito kami ngayon sa isang sikat na bilihan ng bulaklak at balak kong mag-order ng mga tulips dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Dasha, nakaupo kami sa bakanteng upuan habang naghihintay dahil may naunang nag-order kaysa sa amin."Si Joel na lang sana ang sinama ko rito," inis kong sabi dahil puro mga walang kwentang bagay na naman ang sinasabi niya.Narinig ko ang malakas niyang halakhak, may pahampas-hampas pa siya sa sahig at parang mahuhulog na sa kaniyang inuupuan.Pero alam kong kahit Joel o siya ang kasama ko rito, parehas lang naman silang mga isip bata. Baka sila talaga ang totoong magkakambal?"Patawa-tawa ka riyan, kakausapin ko talaga si Tita Cyla para hindi ka niya bigyan ng permission kapag kinausap mo na siya tungkol sa magiging kasal niyo ni Celaida," pagbabanta ko at mabilis naman siyang napalingon sa akin, nanlalaki pa ang mga mata."T
Dasha's Point Of View."Hello po, Kuya Erickson," nakangiting wika ko sa kaniya."Ikaw nga, Dasha! Anong ginagawa mo rito at bumisita ka?" aniya, nakangiti rin sa akin. "Halika, pumasok ka muna rito sa loob at gabi na, malamok diyan sa labas."Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, walang pinagbago ang bahay niya, ganitong-ganito noong huli kong pagpunta rito. Umupo ako sa sofa bago magsalita."Hindi ba't sinabi kong babalik ako rito kapag maayos na ang lahat?" sagot ko at mas lalo namang lumawak ang kaniyang pagngiti, naupo siya sa harapan ko."Nabalitaan nga namin sa TV ang nangyari, salamat talaga sa'yo at nakakulong na ngayon ang Selenang 'yon," pagkuwento niya. "Ilang linggo ring naging chismis iyon dito, nagsilabasan din ang mga taong galit kay Reyes at sa mga ginagawa niya. Lahat ng tao ay sinasabing masaya silang nahuli na ng mga pulis ang mga taong iyon."Tumango ako. "Dapat nga po sana ay noon pa para hindi na sana dumami pa ang mga nabiktima nila.""Oo nga eh... Ilang taon
Elias's Point Of View.Sa totoo lang, wala akong alam na lugar na mahilig puntahan palagi ni Dasha. Dahil unang-una, noon, palagi lang naman siyang nasa mansyon, at kung lalabas man siya, para lang pumunta sa mall para mag-grocery o kaya naman mamasyal kasama si Angela."Matipid na tao si Dasha," ani ko dahil iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya. "Alam kong impossibleng wala siyang mga lugar na gusto niyang puntahan... Pero matipid siyang tao, at alam kong sa tingin niya gastos lang iyon kaya mas pinipili niya na lang na manatili sa mansyon," dagdag ko. "At isa pa, madali lang siyang pasayahain, kahit na mga maliit na bagay ay nakakapagbigay na ng kasiyahan sa kaniya.""Oh... Bakit nahihirapan ka pang makaisip kung saan ka magpopropose? Kahit naman ano yatang gawin mo ay matutuwa ang babaeng iyon.""I know... But still, like I said a while ago, I want it to be memorable," wika ko."Natanong mo na ba si Angela? Bagay may mga alam siya kung anong magandang lugar na pwedeng maging venue n
Elias's Point Of View."Ano?! Plano mo ng magpropose kay Dasha?!" narinig kong sigaw ni Jazz sa kabilang linya, napabuntong hininga na lamang ako habang sinasabi sa aking sarili na kakambal ko ang kumag na ito.Kinalma ko ang aking sarili bago muling magsalita. "Yeah, pagkauwi niya galing Bacolod," wika ko. "Ihahatid ko na siya mamaya sa airport."Nasa condo ako ngayon at pupunta ako sa mansyon nila para sunduin siya mamaya. And yes, gawa-gawa ko lang ang seminar na sinabi ko sa kaniyang pupuntahan ko this week. Ang plano ko ay pag-uwi niya, hindi lang siya sa akin uuwi dahil dadalhin ko na rin siya sa altar."At gaano ka naman nakakasiguro na magsasabi siya ng yes?" Uminit ang ulo ko sa sinabi ni jazz."Alam mo, kahit kapatid pa kita. Pwedeng hindi kita i-invite sa kasal namin," seryosong sabi ko. "She loves me, at ganoon din ako sa kaniya. Hindi na ako makapaghintay pa ng matagal para pakasalan siya.""Ano bang plano mo?""Mamaya ko na sasabihin sa'yo, pupunta ako riyan sa condo m
Dasha's Point Of View."Mama, nakapag-usap na po ba kayo ni Papa nang maayos?" tanong ko sa kaniya ng isang beses na makita ko siya na nagkakape malapit sa swimming pool, kung saan ko rin sila nakita ni Papa na nag-uusap."Ano namang pag-uusapan namin?" tanong niya pabalik sa akin at tignan ako.Umupo ako sa kaniyang tabi bago sumagot. "Alam mo, Mama. Noong una kong nakilala sina Papa at Lola, hindi talaga kaagad ako naniwala... Feeling ko mga scammer sila," pagsusumbong ko at narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago uminom sa kaniyang kape. "Kakauwi ko lang noon sa Pilipinas, binisita ko kaagad ang libingan mo at pinakilala kita kay Dawn. Sigurado na ako sa isipan ko na tatakasan ko si Samuel dahil hindi ko gusto ang pananakit niya sa akin, na sana pala ginawa ko na... Hindi na sana ako bumalik pa sa condo niya at sumama na kaagad ako kila Papa.""Pero sa totoo lang, nagpapasalamat talaga akong nakilala ko sila... Kasi kung hindi, paniguradong bagsak ako sa kulungan," natawa a
Dasha's Point Of View.Sa San Diego Hospital ang sinabing location ni Dr. Naomi, mabuti na lang dahil hindi iyon kalayuan sa shop kaya naman nakarating kaagad ako. Kaagad ko namang hinanap ang private room ni Caroline kung saan siya nakaconfine, hindi ako nahirapang mahanap iyon.Isang beses akong kumatok at si Dr. Naomi ang nagbukas ng pinto."Dasha, pasok ka," aniya at kaagad ko namang sinunod iyon, mabilis na bumungad sa akin ang nakaratay sa kamang si Caroline. Kahit bakas ang panghihina sa katawan niya ay kaagad siyang ngumiti ng makita ako, ngumiti ako pabalik at lumapit sa kaniya."Kamusta ka na?" tanong ko.Ang alam ko ay lahat ng mga taong naturukan ng AQW3 ay dinala sa private hospitals para mabantayan, dahil iba-iba pa ang epekto nito sa mga tao. Si Dr. Naomi ang sumagot. "Mas mabuti na ang kalagayaan niya ngayon, ang sabi nga ng mga Doctor na tumingin sa kaniya ay mabuti na lang dahil hindi ko hinahayaan na maturukan pa siya ng AQW3 dahil sobra-sobra na ang ginagawa sa ka
Dasha's Point Of View.Pagkasabi ni Jamela no'n ay narinig ko ang pagtakbo ng mga tao galing sa loob ng kusina, sunod kong nakita sina Marilyn, Teresa at Angela."Ma'amDasha?!" sigaw ni Marilyn habang nagmamadaling lumapit sa akin."Bumalik na si Ma'am Dasha!" tuwang-tuwa ani ni Teresa habang si Angela ay nakangiti lamang na nakatingin sa akin."Namiss ko kayo... At saka, Dasha lang kasi. Napag-usapan na natin 'yan, hindi ba?" saad ko habang nakangiti, isa-isa ko silang niyakap at mahigpit na yakap din ang natanggap ko sa kanila pabalik."Salamat naman sa Diyos at ligtas ka, Dasha," si Jamela, alam kong alam na nila ang nangyari."Grabe, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa'yo," wika ni Teresa sa aking tabi. "Kasi possible pala iyong makalimot ka ng mga bagay-bagay? Akala ko sa mga palabas lang iyon nangyayari."Natawa naman ako sa sinabi niya. "Pero sa totoo lang, kahit ako ay hindi rin ako makapaniwala na possible pa lang mangyari ang ganoong bagay. Pero g
Dasha's Point Of View.Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Elias habang nakatingin sa akin, alam kong gusto niyang magtanong kung sinong tumawag ngunit nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin."T-Tito Simon," saad ko at tumikhim, napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Elias. "Bakit po kayo napatawag?"Noong hearing ni Selena, hindi ko siya nakita, tanging ang mga anak niya lang ang nakita ko. Hindi na rin nakakapagtaka iyon dahil isa siyang Mayor, at paniguradong madadamay ang posisyon niyang iyon dahil sa nangyari sa asawa niya."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong pag-usapan ang nangyari kay Selena."Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga, sandaling kumunot ang noo ko."A-Ano po bang pag-uusapan sa kaniya?" tanong ko, hindi ko masabi kung anong nararamdaman niya ngayon."I... I was actually okay with what happened."Mas lalong kumunot ang noo ko, si Elias naman ay nakatingin lang sa akin at hindi na ginagalaw ang laptop niya."Ano pong ibig mong sabihin?" na
Dasha's Point Of View."Me too... Parang ilang araw din pala tayong hindi nagkaroon nang maayos na pag-uusap," narinig kong sabi niya. "Noong natapos ang hearing, saglit mo lang akong kinausap.""Busy ka, diba?""But I still want you to talk to me... Para ganahan naman akong magtrabaho."Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya. "Hindi kita kinakausap dahil siyempre, ang sabi mo sa akin ay pag-aaralan mong mabuti ang kaso, hindi ba? Alam ko kasi kung gaano ka ka-hands on sa trabaho mo," paliwanag ko at pinagmasdan ang kamay kong pinaglalaruan niya."Pero hindi mo man lang ako tinawagan kahit na tapos na ang kaso nila," nakita ko ang pagnguso niya kaya mas lalo akong natawa."Siyempre... Alam kong ilang taon kayong hindi nagkasama ni Tita Elysa, gusto kong magkaroon kayo ng oras bilang isang pamilya, lalo na ngayong nandiyan na si Jazz," sabi ko. "Kaya sorry na, nagegets mo naman ako, hindi ba?"Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang nakatingin sa akin. "No need to say sorry, j