Dasha's Point Of View. Nakatingin lang ako sa kaniya pagkatapos ng lahat ng kaniyang sinabi, hindi niya naman inaalis ang kaniyang tingin sa akin na para bang hinihintay niya akong magsalita. Sinubukan kong ibuka ang aking labi para magsalita ngunit nabigo ako, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari sa akin. Ayokong magsalita. . . ayokong ikwento ang pinagdaan ko sa kahit kanino, lalong-lalo na sa kaniya. "What happened, Mrs Valdez?" muling tanong niya, malakas akong napabuntong hininga dahil sa tinawag niya sa akin. Sandali akong napapikit noong naalala ko na naman ang itsura ni Samuel noong wala na siyang buhay. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli kong kinalma ang aking sarili at tinignan siya, pakiramdam ko matutunaw ako sa malamig na titig niya sa akin, "Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magkuwento," wika ko. Ilang sandali siyang napatitig sa akin, akala ko hindi niya narinig ang sinabi ko ngunit muli siyang nagsalita. "Okay, then let's start fr
Dasha's Point Of View.Napapikit ako habang inaalala lahat ng ginawa niya sa akin. Isang taon ko siyang nakasama, pero sa maikling panahon na iyon ang daming nangyari sa buhay ko, matinding trauma ang binigay niya sa akin."Noong unang beses niya akong sinaktan, sinabi ko sa sarili kong hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng anak dahil ako nga nagagawa niyang saktan, paano pa kaya iyong magiging anak namin?" pagkuwento ko kasabay ng pagpunas ko sa aking luha, siya naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Doon ako nag-umpisang uminom ng pills, hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon.""Did he hurt. . . Dawn too?"Alam kong wala siyang pakialam kaya bakit niya tinatanong? At mukhang nahalata niya ang pagtataka ko kaya muli siyang nagsalita."Dahil kung oo, maari nating idagdag iyon laban sa kaniya," dagdag niya.Lumunok naman ako bago umilang. "Hindi niya sinaktan si Dawn, kailangan niya muna akong mapatay bago magawa iyon.""Okay, continue with your story.""Sa tuwing na
Dasha's Point Of View. Napakatanga ko, alam ko naman iyon. Pero ano bang magagawa ko? Nangyari na ang dapat mangyari. Kaya kong lumaban kahit na alam kong mas malakas siya sa akin, pero hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa akin. "Okay, continue with what happened that night." "Noong bumagsak siya sa sahig, nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko para kuhain si Dawn dahil aalis na kami pero binubuksan ko pa lang ang pintuan noong hatakin ni Samuel ang buhok ko, pagkatapos noon ay malakas niya akong sinampal," pagpapatuloy ko. "Sinigawan niya ulit ako, sumasagot naman ako sa kaniya, nagalit siya lalo kaya hinampas niya ang ulo ko sa pintuan." "Did you go to the hospital?" tanong niya at napatingin sa bendang nasa ulo ko. "Hindi, ginamot lang 'to ng medical team kanina. Ang sabi nila hindi naman daw seryoso pero hanggang ngayon nahihilo pa rin ako." "Okay, we will have the Doctor check it. Continue your story." "Pag
Dasha's Point Of View.Wala kaming ginawa ni Angela kundi ang mag-iyakan, wala akong pakialam kung may nakakarinig man sa amin ngayon, gustong-gusto ko ng ilabas ang bigat ng nararamdaman ko ngayon."P-Pakiramdam ko... hindi ko na kaya, tapos si Elias pa ang Lawyer ko," naiiyak kong saad."Narinig ko 'yan kay Mr. Victor, nagulat pa ako noong sinabi niyang anak ka niya. Kakauwi ko lang talaga ngayon ng Pilipinas, noong nalaman ko ang nangyari sa'yo, wala na akong pakialam pa sa trabaho ko sa abroad."Saan mo nalaman?" "Sa TV. . . alam mo naman kung ang pamilya ni Samuel, impossibleng hindi umabot sa media ang pagkamatay niya," sagot niya na mas lalong nagpahina sa akin. "Pero ano ba talagang nangyari? Alam ko namang hinding-hindi mo iyon magagawa sa kaniya."Kinuwento ko lahat ng naalala ko sa kaniya, nang matapos ako ay kahit siya ay hindi makapagsalita ngunit tuloy-tuloy ang paglabas ng luha sa mga mata niya."B-Bakit.... bakit ganoon siya? Bakit trinatrato ka niyang parang hayop?!"
Dasha's Point Of View.Sobrang bilis ng mga sumunod na araw, nasa detention cell pa rin ako. Araw-araw naman bumibisita sina Papa, Lola at Angela, pero kahit ganoon, kapag umalis na sila, tahimik lang akong umiiyak dahil sa sitwasyon ko.Miss na miss ko na si Dawn. . . gusto ko na siyang alagain ulit at makita pero hindi pwede lalo na't ayokong makita niya akong nakakulong. Paulit-ulit ko pa ring tinanong sa sarili ko kung bakit nangyari 'to.Bukod kina Papa ay araw-araw ding bumibisita si Elias, hindi pa rin ako komportable sa presensya, lalo na sa tuwing nag-uusap kami. Alam kong nararamdaman niya iyon pero hindi siya nagsalita tungkol sa bagay na 'yon. Araw-araw din may tumitingin na medical team sa mga sugat ko sa katawan, masakit pa rin ang katawan ko, at may suot pa rin akong benda sa ulo.Hanggang ngayon ay himala pa rin sa akin kung paano ako nabuhay noong gabing iyon, sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung ako ang mamatay sa aming dalawa dahil ako naman ang napuruhan. Na
Dasha's Point Of View.Wala ako sa sarili ko habang nakaupo, pinipilit namang sabihin sa akin ni Elias na kumalma lang ako para makapagfocus sa mangyayari. Pinapaalala niya rin na huwag akong matakot kay Prosecutor Hernandez, kung tanungin niya man ako, deretso ko lang daw itong sagutin. Huwag ko raw hayaan na siya ang gumawa ng kwento na ako ang lalabas na mali.Ako ang biktima... Palagi niyang sinasabi sa akin. Pinapaalala niyang inosente ako, huwag ko raw hayaan na baguhin nila iyon.Tinanong ko rin sa kaniya kung kailangan ko rin bang kausapin ang pamilya ni Samuel at ipinagpasalamat ko naman dahil hindi naman iyon kailangan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanila, alam kong galit na galit sila sa akin. At sa tingin ko, kahit ilang beses ko pang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila, hindi nila iyon paniniwalaan."State your name," saad ng Judge.Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo at sumagot, ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Lalo na ang mga nanlilisik na m
Dasha's Point Of View. Halos mahulog ko ang cellphone na aking hawak ng marinig ko iyon. Si Angela nasa hospital?! "B-Bakit. . . P-paanong nangyari iyon? Maayos palagi magmaneho si Angela," mabilis kong saad. Hindi siya pabayang driver kaya bakit mangyayari iyon? Maliban na lang kung may sumadyang bumangga sa kaniya. "That's what I'm going to investigate, I think it was planned," sagot niya sa kabilang linya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Sino naman ang gagawa noon?" tanong ko at biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ni Samuel. "P-Possible bang sina Tita Selena?" Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga na para bang problemado siya. "According to the police, Angela went to the mall, her car was still in good shape when she went. But when she was on her way home, someone broke her brake and she didn't notice it, she crashed into a tree. She got bruises and a serious head injury." Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata ng marinig iyon, gusto kong puntah
Dasha's Point Of View. Nakita kong natigilan siya sa tanong ko at natahimik kaya muli akong nagsalita. "Nakakatanggap ka ba?" Malakas siyang bumuntong hininga. "How did you know?" Napakagat ako ng aking labi ng marinig iyon, so totoo nga... Bumisita sina Papa kahapaon at sinabi nila ang tungkol sa death threats na natatanggap nila. Wala pa ngang balak sabihin si Papa dahil ayaw niyang mag-alala ako pero pinilit ko sila. Nakakainis... Bakit kailangang madamay pa sila? Kasalanan kong lahat ng ito at para namang nabasa niya ang utak ko dahil muli siyang nagsalita. "Don't think it's your fault why I get so many death threats, I'm used to it because this is my chosen job," seryosong sabi niya ngunit hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. "Paano kapag may nangyaring masama sa'yo? Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkawala mo lalo na't may... pamilya ka," tugon ko at umiwas ng tingin. Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Bianca kapag nawala siya? Malamang sa malamang ay mas la
Dasha's Point Of View.Nang makalabas kami mula sa kulay grey na pintuan ay bumungad sa akin ang tahimik at may kahabaang hallway. Walang mga gamit sa paligid at plain lamang ang kulay, ang sahig ay kakulay lang din ng pader. Nakita kong binitawan ako sandali ng lalaki at ni-lock ang pinaglabasan naming pintuan.Nanatili akong tahimik kahit na gustong-gusto kong sumigaw at tanungin sila ng maraming mga katanungan ngunit mas pinili kong kainin ang mga tanong na iyon. Ilang minuto rin ang aming naging paglalakas, pumasok kami sa isa pang pintuan at bumungad sa akin ang mga taong nakasuot ng lab gowns. Tatlo silang nasa loob, may mga hospital beds din ngunit bakante. Marami ring mga gamit na pang hospital na hindi ako pamilyar.Mga Doctor ba sila? At nasagot ang tanong ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila."How is she, Doc?" tanong ng isang babaeng blonde ang buhok at tumingin sa matandang kasama namin."She's normal," sagot naman noong matanda at naglakad na paalis. "I'm no lo
Dasha's Point Of View.Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Malabo ba ang buong paligid hanggang sa maging malinaw na, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang mapagtanto kung nasaan ako.Nasa isang kulungan ako, tanging kama lang ang nandito. Umupo ako mula sa pagkakahiga, pansin ko ang isang may kalakihang band aid sa aking braso. Tinanggal ko iyon at walang napansing kung ano kundi ang pamumula ng parte ng braso kong iyon.Pumikit ako at inalala kung paano ako napunta rito. Mall, Jazz, Van. Noong una ay hindi ko pa mapagtagpi-tagpi lahat ngunit ng ilang mga minuto ang lumipas ay napasinghap na lamang ako ng maalala kung paano ako napadpad rito.Tulad ng napag-usapan namin ni Jazz, hihintayin ko siya mall para bumili ng ingredients. Habang hinihintay siya ay isang van ang huminto sa harapan ko, ni-hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil mabilis nila akong hinala papasok sa loob ng sasakyan. May pinaamoy sila sa aking kung ano kaya
Dasha's Point Of View."Huh? Baka coincidence lang," sagot ko naman. "Baka nga... Nakasuot kasi siya ng face mask noong nakipagkita siya sa akin kaya hindi ko matandaan ang mukha niya."Sandali akong napaisip. "May alam si Tita Cyla tungkol sa kaso ko, nababasa niya raw sa social media. Pero malabo namang siya ang magbigay sa'yo ng mga footage na iyon diba?" giit ko. "Bakit pumayag ka sa ganoon?""What do you mean?" bakas ang pagtataka sa kaniyang boses."I mean, alam kong hands on ka sa trabaho mo. Maingat ka dahil alam mo ring delikado, kaya bakit pumayag kang makipagkita sa taong hindi mo naman kilala? Alam kong pumasok sa isip mong baka hindi totoo ang sinasabi noong Cyla na iyon. Kaya bakit? Bakit tumuloy ka pa rin?"Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa, muli na sana akong magsasalita dahil akala ko hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit narinig ko ang kaniyang boses."I was so desperate... I was so desperate to get you out of jail. To the point na wala na akon
Dasha's Point Of View."Oh, Dasha. Ikaw pala, mabuti naman at natandaan mo pa ako," wika niya bago maliit na ngumiti.Ngumiti naman ako pabalik. "Siyempre naman po, Ma'am Cyla," sagot ko at napansin ko naman ang pagngiwi niya."Anong Ma'am? Tita Cyla na lang, para naman akong donya kung Ma'am."Natawa naman ako bago tumango. "Sige po, Tita Cyla. Kamusta na po pala si Celaida? Matagal-tagal na rin po noong huli ko siyang nakamusta, ilang beses na rin po siyang bumili sa shop ko.""Nagdadala nga siya sa akin sa tuwing bumibili siya at tama nga ang sinasabi niyang masarap," giit niya na mas lalong nagpangiti sa akin. "Maayos naman siya, nakahanap na rin siya ng trabaho. Ikaw ba? Kamusta ka na?""Mabuti naman po kung ganoon, mabuti po at nagustuhan mo ang mga gawa namin," sagot ko. "Maayos naman po ako, ikaw po ba?""Ayos lang naman, salamat sa pagtatanong. Sino palang binibisita mo ngayon dito?"Tumikhim ako at hindi kaagad nakasagot. "Si Samuel po... yung—""Namatay mong asawa?""Paano
Dasha's Point Of View."Thanks for letting me know that," dagdag niya. "Ngayon, baka madagdag na sa imbestigasyon ko ang pamilya ng mga Valdez. Hindi naman si Selena Valdez magbibitaw ng ganoong pambabanta sa isang Prosecutor kung wala talaga siyang balak iyon gawin.""Hindi naman siya ganoon noon," halos pabulong kong sabi. Siguro, ganoon lang talaga kasakit ang pagkamatay ni Samuel kaya magagawa niyang manakit ng ibang tao. "Hindi ba't sinabi mo noon na tumatakbo bilang Mayor si Tito Simon? Ano na kayang balita tungkol doon? Hindi ko alam kung naapektuhan ba ang pangangampanya niya dahil sa nangyari pero alam kong possible, pero sana naman ay maayos lang siya."Alam kong galit din sa akin si Tito Simon, ayaw niya lang iparamdam sa akin. Minsan na rin niya nasigawan noong gabing pinanganak ko si Dawn dahil akala nila anak siya ni Samuel. Pero hindi siya katulad ni Tita Selena na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Ngayong nawalan na sila ng anak, kamusta na kaya sila ngayon?"W
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, pinoproseso ang kaniyang sinabi."B-Bakit mo naman kailangang mag-apologize?" tanong ko ng makabawi sa gulat. Hindi naman nawala ang seryosong mukha niya at malakas na bumuntong hininga."Noong una pa lang, alam kong hindi ka guilty sa pagkamatay ni Mr. Valdez," panimula niya at naramdaman ko ang kung anong mabigat na pakiramdam ang gumuhit sa aking lalamunin. "Ayokong ding tanggapin ang kaso niya...""Pero tinanggap mo pa rin.""It because I need to," seryosong sabi niya, nababasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Kung hindi ko iyon tinanggap, malamang ay wala na ang asawa at anak ko ngayon."Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang iyon. "A-Ano? Sinasabi mo bang. . .""Yes, Ms. Rivera. Selena Valdez forced me to accept his case, she said that if I did not accept it she would do something bad to my family..."Hindi kaagad ako nakapagreact ng marinig iyon, nang makabawi sa gulat ay hindi ko
Joel's Point Of View."You lied to me! Gusto mo ba talagang tapusin ko na ang pagkakaibigan natin?" malamig na tanong sa akin ni Elias, napasimangot naman ako sa narinig. "Malay ko bang mag-iinom ka at sasabihin mo kay Dasha ang totoo?" pagtatanggol ko sa sarili at mukhang mas lalo siyang na bad trip sa sinabi ko."Damn it! Pero hindi ka na lang sana nag-imbento ng kung anu-ano, hindi ka naman writer para gumawa ng kuwento," naiinis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga. "Alam mo namang sasabihin ko rin naman kay Dasha ang totoo, hindi nga lang ngayon. Pero dahil sa sinabi mo, natakot ako. Ayokong ibigay ulit siya sa ibang lalaki, hindi ko pa nga matanggap ang nangyari sa kaniya noong binalikan niya si Samuel.""Wala namang nagbago, napaaga nga lang ang pagsabi mo."Sinamaan niya ako ng tingin. "And that's your fucking fault.""Hindi ko naman inakalang iyon ang magiging dahilan mo para sabihin kay Dasha ang totoo... Pinagtritripan lang naman kita. Pero ang mahalaga nasabi mo, d
Dasha's Point Of View."Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko eh," bulaslas ni Angela pagkatapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ni Jazz ang nangyari kahapon. Nandito sila ngayon sa kuwarto ko, si Jamela muna ang pinagbukas ko ng shop ngayon dahil binigyan ko rin naman siya noon ng spare key. Nagsalubong ang kilay ko. "Hinala?"Pasampak siyang umuwi sa sofang nasa harapan ko bago sumagot. "Malamang, iyong hinala kong may nararamdaman siya sa'yo.""Huh?" nagtatakang tanong ko. "At bakit ka naman maghihinala nang ganyan?""Hindi halata sa'yo, diba?" singit ni Jazz na nasa kabilang sofa lang. "Diba noong unang beses ko siyang nakita, nagtataka pa ako dahil akala ko talaga nagseselos siya sa akin. . . Kung hindi mo pa sinabi sa aking may pamilya na siya, aakalain ko talagang may gusto siya sa'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi nila, hindi ko maiwasang matawa. "Paano niyo inakala 'yan? Palagi ngang nakakunot ang noo niya kapag kausap ako, halatang-ha
Dasha's Point Of View.Napahilamos na lamang ako ng mukha kasabay ng pagtulo ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa halo-halong nararamdaman."I understand your anger, hindi ko rin hinihiling na mapatawad mo ako sa mga nagawa ko—"Ngumiti ako at pinutol ang kaniyang sasabihin. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. . . Alam kong mas naging mahirap din sa'yo. Siguro sa ngayon gulat pa rin talaga ako kaya hindi ko maproseso ang mga nasabi mo pero gusto kong magpasalamat sa'yo, Elias. Noon pa man pala, palagi mo na akong tinutulungan. Hindi ko nga lang alam."Nakita ko ang maliit niyang ngiti pagkatapos kong magsalita. "Thank you, Dasha. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niyong dalawa ni Dawn. Hangga't maari ay ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko kaya ang gusto ko sana ay tapusin ko muna ang mga bagay na dapat kong tapusin," wika niya at sandaling napakamot sa ulo. "Wala rin talaga akong balak sabihin sa'yo ngayon ito, biglaan lang dahil tulad ng sabi ko kanina.