Dasha's Point Of View.Nasunod nga ang sinabi ni Samuel na pagbalik namin sa Pilipinas, nag-iimpake na ako ngayon dahil bukas na ang aming flight. Simula noong sinabi ko sa kaniyang buntis ako, nagbago na ang kaniyang pagtrato sa akin. Para bang bumalik siya sa dating siya noong nakilala ko siya, palagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako at kung anong gusto kong kainin.Pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kaniya na anytime pakiramdam ko sasaktan niya ulit ako kapag ginalit ko siya... pakiramdam ko ay na trauma na ako dahil sa pananakit niya sa akin."Dasha, are you done packing your things?" narinig kong tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. "May hinanda akong meryenda sa baba."Peke akong ngumiti bago umilang. "Hindi pa, susunod na lang ako pagkatapos," sagot ko at tumango naman siya."Okay, I'll wait for you downstairs," tugon niya bago umalis.Malakas naman akong napabuntong hininga ng mawala siya sa paningin ko, hindi mawala ang kaba sa puso ko sa tuwing
Dasha's Point Of View."Manang Nina?" wika ko ng makita siya, mabilis siyang napangiti at kaagad akong niyakap.Yumakap naman ako pabalik, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inakalang magkikita pa kaming dalawa, isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong nasa mansyon pa ako ni Elias. Nakakatuwang makita siya ulit ngayon."Kamusta ka na, Ma'am Dasha?" tanong niya at bumitaw sa pagkakayap, kita ko ang ngiti ko sa kaniyang labi."M-Maayos na po ang buhay ko ngayon kasama ang anak ko," tugon ko at pinakita si Dawn na nasa stroller, nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat."Siya na ba ang anak niyo ni Sir Elias?" hindi makapaniwalang tanong niya, para namamg tumalon ang aking puso noong marinig ang pangalan niya."Opo, siya po si Dawn," pakilala ko at napangiti naman siya."Ka'y gandang bata naman niya, pati ang mga mata ni Sir ay nakuha niya," komento ng ginang at tumango ako bilang pagsang-ayon. "Kayo po? Kamusta na po kayo?" tanong ko at tumingin naman siya sa aki
Dasha's Point Of View."We have been looking for you for a long time, Dasha," saad noong matandang nagpakilala sa aking Valencia. "You can call me Lola Valencia and you can call him Dad."Napakunot ang aking noo. "Pero ang sabi po ni Mama, iniwan kami ni Papa dahil hindi pa siya handang bumuo ng pamilya," seryosong saad ko at tumingin sa lalaking sinabi niyang ang Papa ko. Matangkad siyang lakaki at may itsura, alam kong may edad na siya ngunit hindi iyon halata sa kaniya. Alam kong ngayon ko lang silang dalawa nakilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na sila at nakasama noon, pakiramdam ko ay pamilyar sila sa akin."Hindi totoo iyon, nilayo ka niya sa akin," sagot niya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya, hindi ko naman siya papakasalan kung hindi para doon."Nanlaki ang aking mga mata. "I-Ikaw nga po talaga ang Papa ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at noong tumango siya ay mabilis akong lumapit upang yakapin siya, ito ang unang beses
TRIGGER WARNING: VIOLENCE Dasha's Point Of View."S-Samuel. . . H-hindi ako makahinga," umiiyak kong saad ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg, pinipilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masyado siyang malakas kaysa sa akin."Sinungaling ka, Dasha! Kaya pala hindi tayo magka-anak anak ay dahil sa putanginang pills na 'to!" galit niyang sigaw sa akin, mas lalo namang lumakas ang pag-iyak ko. "B-Bitawan mo ako, p-parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakakapit sa akin."No! I wll fucking kill you, bitvh!" sigaw niya sa mukha ko na mas lalong nakapagbigay sa akin ng takot, kinakapos na rin ako ng hininga.Alam kong galit na galit siya sa akin at malaki ang tiyansyang patayin niya ako ngayon ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga ay binitawan ko ang isang kamay na nakahawak sa kaniyang kamay at naghanap ako ng bagay na matigas
Dasha's Point Of View.Lalapitan ko na sana siya noong napatigil ako dahil may kutsilyong nahulog sa aking tabi, nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin doon.Puno ng dugo ang kutsilyong iyon. . . hawak ko ba 'yon? Ako ba ang pumatay sa kaniya?Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata, muli akong napatingin sa katawan ni Samuel."S-Samuel," pagtawag ko sa kaniya, ngunit kahit ilang ulit ko pa siyang tawagin ay hindi siya gumagalaw at mas lalong hindi siya humihinga.Hindi maalis ang tingin ko sa kaniyang katawan, nagkalat na ang dugo sa sahig at umabot na rin iyon sa akin. Hindi ko masyadong matandaan ang nangyari pagkatapos kong mahimatay. Pero ako ba ang may gawa niya?Napatakip ako sa aking bibig dahil sa labis na pag-iyak, kailangan kong humingi ng tulong, pinilit kong kunin ang cellphone sa aking bulsa. Nakahiga pa rin ako sa sahig dahil pakiramdam ko hindi ko na magalaw ang mga binti ko, nang makuha ko ang aking cellphone ay mabilis kong tinawagan ang num
Dasha's Point Of View. Tuluyan na akong nawalan ng boses para makapagsalita, gusto kong sabihin sa kanilang huwag si Elias ang kuhain nilang Lawyer. Gusto kong sabihin na siya ang Tatay ni Dawn, pero hindi ko alam kung paano ko maipapaliwang sa kanilang dati kaming mag-asawa. At saka isa pa . . . alam kong hindi tatanggapin ni Elias ang kasong 'to, galit na galit siya sa akin. Sigurado akong mas lamang ang galit niya para sa akin kaysa sa awa niya, mas gugustuhin niya pang makita ako sa kulungan kaysa ang iligtas ako ngayon. Nang iwan kami ng pulis sa loob ay mabilis kong narinig ang malakas na pagbuntong hininga ni Lola Valencia. "Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso noong sinabi sa akin ng Papa mo ang nangyari," saad niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Pero alam kong inosente ka, hindi mo naman magagawa iyon, diba?" Tumango ako. "K-Kahit hindi ko pa maalala ang nangyari, alam kong hinding-hindi ko magagawa iyon kay Samuel," paliwanag ko, nanlalamig pa rin ang mga k
Dasha's Point Of View. Nakatingin lang ako sa kaniya pagkatapos ng lahat ng kaniyang sinabi, hindi niya naman inaalis ang kaniyang tingin sa akin na para bang hinihintay niya akong magsalita. Sinubukan kong ibuka ang aking labi para magsalita ngunit nabigo ako, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nangyari sa akin. Ayokong magsalita. . . ayokong ikwento ang pinagdaan ko sa kahit kanino, lalong-lalo na sa kaniya. "What happened, Mrs Valdez?" muling tanong niya, malakas akong napabuntong hininga dahil sa tinawag niya sa akin. Sandali akong napapikit noong naalala ko na naman ang itsura ni Samuel noong wala na siyang buhay. Pagkatapos ng ilang segundo ay muli kong kinalma ang aking sarili at tinignan siya, pakiramdam ko matutunaw ako sa malamig na titig niya sa akin, "Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magkuwento," wika ko. Ilang sandali siyang napatitig sa akin, akala ko hindi niya narinig ang sinabi ko ngunit muli siyang nagsalita. "Okay, then let's start fr
Dasha's Point Of View.Napapikit ako habang inaalala lahat ng ginawa niya sa akin. Isang taon ko siyang nakasama, pero sa maikling panahon na iyon ang daming nangyari sa buhay ko, matinding trauma ang binigay niya sa akin."Noong unang beses niya akong sinaktan, sinabi ko sa sarili kong hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng anak dahil ako nga nagagawa niyang saktan, paano pa kaya iyong magiging anak namin?" pagkuwento ko kasabay ng pagpunas ko sa aking luha, siya naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Doon ako nag-umpisang uminom ng pills, hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon.""Did he hurt. . . Dawn too?"Alam kong wala siyang pakialam kaya bakit niya tinatanong? At mukhang nahalata niya ang pagtataka ko kaya muli siyang nagsalita."Dahil kung oo, maari nating idagdag iyon laban sa kaniya," dagdag niya.Lumunok naman ako bago umilang. "Hindi niya sinaktan si Dawn, kailangan niya muna akong mapatay bago magawa iyon.""Okay, continue with your story.""Sa tuwing na
Elias's Point Of View.Napalingon naman kaagad ako kay Jazz at napansing nakaawang ang labi niya habang nakatingin kay Ethan, kapansin-pansin din ang pamumula ng kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak."Daddy," narinig kong pagtawag ulit sa akin ni Ethan kaya naman lumingon ako sa kaniya at malakas na napabuntong hininga. Naglakad siya papunta sa akin at tinignan ako. "Did you cry, Dad?" tanong niya ng makalapit, siguro'y napansin ang pamumula ng mga mata ko.Yumuko ako at binuhat siya pinaupo sa sofa. "N-No, hindi naman mahilig umiyak si Dad, hindi ba?" sabi ko at ngumiti, nakita ko naman ang pagngiti niya at ang bahagyang pagsilip kay Jazz na ngayon ay nakatulala lang."Who is he, Daddy?" tanong sa akin ni Ethan ngunit nanatili naman ang tingin ko kay Jazz, hinahanap ang permission na sabihin na sa bata ang totoo at mukha namang naintindihan niya ang pinaparating ko dahil tumango siya.Malakas akong bumuntong hininga bago muling kausapin si Ethan. "Ethan... Look at me," pagtawag ko sa
Elias's Point Of View.Hindi ako nagsalita at maging siya, pero parehas kaming umiiyak—ako tahimik lang ngunit siya ay malakas na para bang nilalabas niya na lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag-iyak.It hurts seeing him like this. Lalo na dahil alam kong hindi naman siya ganito, kahit maikling panahon ko pa lang siya nakikila at nakakasama, alam kong ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa mga tao. Kaya nga palagi siyang masaya—iyong parang walang problema, iyong parang hindi siniseryoso ang lahat ng mga bagay. Pero ang totoo, alam kong tinatago niya lang ang pagiging mahina niya sa pamamagitan ng pagiging pagiging mapagbiro niya.Kung hindi niya pa nga na kuwento sa aking namatayan siya ng anak, hindi ko iisipin na mayroon siyang problema o nakakaramdam siya ng problema na parang tanga lang dahil alam ko naman sa sarili ko walang tao sa mundo ang hindi man lang nakakaramdam ng lungkot.At ngayon, pakiramdam ko ay dobleng sakit ang nararamdaman niya dahil sa nalaman
Dasha's Point Of View.Kamusta na kaya si Elias?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog nang maayos kagabi at tanging nasa isip ko lang ay si Elias, hindi ko alam kung ano bang dahilan pero hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na ba siya."Paano kung pinakasalan niya na iyong babae niya?" tanong ko kay Benjamin, mukha akong ate na nagrereklamo sa kaniyang kapatid. Wala akong nagawa kundi ang ikuwento sa kaniya ang sitwasyon namin ni Elias dahil para hindi naman siya clueless, tanghalian na namin ngayon at matagal-tagal na rin noong hindi ko nakakasama sina Mama pero nakakatuwang magkakasama pa rin silang kumain, kapag nagtatanim naman kami ay nagkakausap pa rin naman kaming lahat, at sa tuwing nangyayari iyon ay napapatunayan kong siya nga talaga si Mama."Alam mo sa sarili mong hindi mangyayari iyan," sagot niya naman at parang bored na bored siya.Naningkit naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi mo pa siguro nararanasang magkagusto sa babae 'no
Elias's Point Of View.Hindi ako nakagalaw pagkatapos marinig iyon, tinignan kong mabuti ang mukha niya kung nagbibiro ba siya pero wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi ang sakit at lungkot."You're... You're what?" halos pabulong kong saad, hindi ko alam kung narinig ko bang mabuti ang kaniyang sinabi."I'm infertile! Wala akong kakayahang magkaanak, hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko? I'm fucking infertile and I hate myself because of that!" malakas niyang sigaw sa akin, mabilis ang paghinga niya at parang kinakapos na, hinahayaan niya lang din na tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata na para bang nasasaktan talaga siya."So... Parehas nating hindi anak si Ethan?" seryosong tanong ko at noong makita ko ang isang beses niyang pagtango ay parang naramdaman kong nawasak ang puso ko, napayuko na lamang ako at hindi kaagad nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano irerehistro sa isipan ko ang nalaman, buong puso kong minahal si Ethan bilang anak ko at ngayong malal
Elias's Point Of View."What the fuck are you saying?!" malakas kong sigaw pagkabukas ko ng pintuan, narinig ko ang pagtili niya na parang nagulat siya sa biglang pagpasok ko. Nakita ko pang nahulog ang cellphone niya sa gulat ngunit hindi niya iyon dinampot dahil nakatingin lang siya sa akin, gulat na gulat na para bang nakakita siya ng isang multo.Nakita ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. "E-Elias... Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? B-Baka nagugutom ka... Ipagluluto kita," wika niya.Marahas akong umilang bago naglakad papalapit sa kaniya. "Narinig ko ang sinabi mo sa kausap mo... What the fuck, Bianca. Anong ibig sabihin mong sabihin?" mariin kong sabi, pinipilit kong hindi sumabog sa galit kahit na gustong-gusto ko na siyang sigawan ngayon.Nabasa ko ang takot sa kaniyang mga mata pero umilang siya sa akin at nagawa pang ngumiti. "I-I don't know what you're talking about, Elias... Baka pagod ka lang, kulang ka sa tulog, hindi ba?" napalunok siya. "Sa tingin ko dapat a
Dasha's Point Of View.Halos hindi na ako makapaghintay na malaman kung ano ang sasabihin sa akin ni Benjamin, ilang beses ko siyang sinenyasan habang nagtatanim kami ngunit hindi naman niya ako pinansin kaya sumuko na lang ako at naghintay na sumapit ang tanghalian para makausap siya."Oh ano na? Sabihin mo na sa akin, hindi na ako makapaghintay," saad ko at umupo sa lamesa kung saan siya kumakain, kahit nagugutom na ako ay hindi ko iyon pinapansin dahil sabik na sabik na akong malaman kung paano makakakaalis sa lugar na ito. "Pwede naman kasing sabihin mo sa akin kagabi, napakaarte mo. Hindi na nga ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip doon."Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga na para bang nauubusan na siya ng pasensya, magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako."Nalaman kong magkakaroon ng maintenance ang mga CCTV cameras ngayong linggo," seryosong bulong niya at natigilan naman ako sa narinig. "At makakasama sa maintenance iyong mga mga CCTV na nasa labas, kaya
Dasha's Point Of View."Anong meron sa inyo ng nagbabantay sa atin? Bakit palagi kayong magkasama?" tanong sa akin bigla ni Emma habang kinukuha namin ang mga hinog na kamatis at nilalagay sa isang basket, nakita ko ang pagsilay ng kaniyang nanunuksong ngisi. "Gusto niyo ba ang isa't isa?"Parang gusto kong itapon sa kaniya ang hawak kong kamatis ngayon dahil sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" hindi makapaniwalang ani ko. "Mas matanda ako roon! Para na ngang kapatid ko lang siya, nakakadiri naman. Paano mo iyan naisip?" dagdag ko, nanatili ang kunot sa noo.Nakita ko naman ang pag-awang sa kaniyang labi na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Mas matanda siya sa'yo?""Oo ah, malapit na ako magtrenta," sabi ko. "23 pa lang siya, bakit? Ikaw ba ilang taon ka na?"Nakita kong parang naguluhan siya. "Ilang taon na ba ako? Hindi ko alam... Sa tingin mo ilang taon na ako?"Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya habang nakatingin sa akin na para bang alam ko ang sagot sa
Dasha's Point Of View."Paano ka nga pala napasok sa ganitong trabaho?" tanong ko sa kaniya, isang tanghali at nandito ulit kami sa canteen habang kumakain. Sa ilang araw na lumilipas ay wala pa naman akong napapansin na dahilan para hindi siya pagkatiwalaan.Mabait naman siya, ayaw niya lang iyong ipakita sa akin pero nararamdaman ko sa kaniyang pananalita na ayaw niya ring pinapahirapan ang mga taong nandito.Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin sa akin kaya muli akong nagsalita, naiintindihan ang kaniyang naging reaksyon."Ayos lang naman kahit hindi mo sagutin," sabi ko at bumuntong hininga bago simulang kumain, siguro ay nagtataka na iyon sina Emma kung bakit sa lamesa ako ni Benjamin kumakain pero kailangan kong makuha ang tiwala niya.Nanahimik kami pagkatapos noon kaya naman hindi na ako nag-abala pang magsalita at nagpokus na lamang sa pagkain. Kahit yata sawang-sawa na ako sa prinitong isdang, wala pa rin akong magawa kundi ang kainin ito. Naiinggit tuloy ako sa tuwin
Dasha's Point Of View.Nakita ko na mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa narinig. "Tumakas? Tatakas ka? At bakit naman kita hahayaang gawin niyo?" seryosong ani niya.Bumuntong hininga naman ako. "Tatakas ako, pagkatapos ay sasabihin ko sa awtoridad ang mga kalokohang ginagawa ni Selena," sagot ko ngunit nanatiling hindi pa rin siya kombinsido."Sinabi ko na kanina, hindi ba? Hinding-hindi ka makakatakas sa lugar na 'to. Hindi mo matatakasan si Dr. Reyes," giit niya."May plano ako, pero hindi ko magagawa iyon ng walang tulong ng kahit kanino," sabi ko. "Kapag nakalabas na ako, makakalaya na lahat ng nandito. Diba ang sabi mo ay naawa ka sa mga taong iyon? Kaya tulungan mo akong makalabas at mapakulong si Selena at lahat ng taong kasama niya."Nanahimik siya sandali, sa tingin ko'y iniisip nang mabuti ang mga pinagsasabi ko. "Ipapakulong mo si Selena at ang mga kasabwat niya? Bakit ako papayag sa plano mong tumakas kung may posibilidad na makulong ako dahil nagtatrabaho ako sa kan