Dasha's Point Of View.
Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad palabas ng banyo, hawak ko sa aking kanang kamay ang pregnancy test. Kakatapos ko lang ito gamitin, paglabas ko ay naabutan ko si Samuel na nakaupo sa aking kama at hinihintay ako. Nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo, bakas sa mukha niya ang kaba. "Is it positive? Are you pregnant, Dasha?" kaagad niyang tanong, may ngiti pa sa kaniyang labi. Yumuko ako at napailang, "N-Negative pa rin, Samuel," kinakabahang saad ko, wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko siyang seryosong nakatulala sa akin, wala na ring ngiti sa kaniyang labi. "This is fvcking impossible! Siniguro kong mabubuntis ka na, baka hindi lang maayos ang paggamit mo?" seryosong wika niya at muli akong umilang. "Dalawang beses akong gumamit ng pregnancy test at parehas na negative ang lumabas," paliwanag ko, malakas siyang bumuntong hininga, halata na ang galit sa kaniyang mukha. "Damn it! Ilang buwan na nating sinusubukang magkaanak! Bakit wala pa ring nabubuo?!" malakas niyang sigaw at binato sa malayong parte ng kwarto ang nahawakan niyang vase. Naramdaman ko ang matinding kabang umaayat sa aking puso ng makitang galit na naman siya. Ayokong nakikita siyang ganito dahil palagi siyang nag-iibang tao sa tuwing nagagalit siya. At sa tuwing nangyayari iyon ay sinasaktan niya ako. "S-Subukan na lang natin ulit, Samuel. Hindi mo kailangang magsira ng mga gamit," pagpapakalma ko sa kaniya ngunit himdi umipekto iyon. "Subukan ulit, Dasha?! Ilang beses na nating sinusubukan pero wala pa ring nangyayari!" galit niyang sigaw sa akin. "Huwag kang sumigaw, Samuel. Baka magising si Dawn," nag-alalang saad ko ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. "Are you using birth control pills?" seryosong tanong niya at natigilan naman ako, naramdaman ko kaagad ang panlalamig ng mga kamay ko sa narinig. "H-Huh? B-Bakit mo naman tinatanong 'yan?" Galit siyang naglakad papalapit sa akin at mabilis akong sinakal, sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang pregnancy test na hawak ko. "Answer my question, Dasha! Are you using pills?!" sigaw niya sa aking mukha habang mahigpit na hawak ang aking leeg. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa labis na takot. "S-Samuel, h-hindi ako m-makahinga," nahihirapan kong wika habang hinahawakan ang kaniyang kamay at pilit itong inaalis. "Then answer my fucking question! I know I'm not infertile, Dasha. Kaya huwag mo akong lokohin! Sabihin mo ang totoo!" "H-Hindi! H-Hindi ako gumagamit ng pills, Samuel!" umiiyak kong sagot at naramdaman ko naman ang pagbitaw niya sa aking leeg, sa labis na takot na nararamdaman ay napaupo ako sa sahig at napahikbi. Lumambot naman ang tingin sa akin ni Samuel at mabilis akong nilapitan. "I-I'm sorry, Dasha. I don't know why I did that, I was just angry. I'm so sorry," nagpapanick niyang saad at sinubukan akong hawakan ngunit nilalayo ko sa kaniya ang aking katawan. "U-Umalis ka na, Samuel. . ." "Shit! I didn't mean to scare you," paliwanag niya. "A-Alam mong gustong-gusto ko na makabuo tayo ng anak, iniisip nila Mom na isa akong failure at walang kwentang tao. . . Magbabago ang tingin nila sa akin kapag nabigyan ko sila ng apo na ako mismo ang Ama..." "A-Alam ko 'yon, Samuel," humihikbing sagot ko. "Gusto kong mapag-isa please, iwan mo na ako..." "Are you mad?" Umilang ako, narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga, lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo pagkatapos noon ay umalis na siya. Naiwan naman akong mag-isa sa aking kwarto at tulala. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha habang iniisip ang mga nangyari, napahawak ako sa aking leeg dahil nararamdaman ko pa rin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak noon. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit naging ganito na si Samuel... basta't ang alam ko, kapag nagagalit siya parang nakakalimutan niya kung sino ako at nagagawa niya akong saktan. Sa tingin ko ay dahil iyon sa kaniyang pamilya, alam kong galit sa kaniya sina Tita Selena dahil sa pagsisinungaling namin. Alam ko ring namimiss niya ang pagtatrabaho bilang piloto sa Pilipinas kaysa sa pamamahala ng isa sa mga kompanya nila rito. Makakabalik lang kami sa Pilipinas kapag nagkaroon na kaming dalawa ng anak, ngunit hindi iyon mangyayari dahil gumagamit ako ng pills. Noong unang beses niya akong sinaktan noon, lasing na lasing siya at bigla niya na lang akong sinampal. Tinatak ko sa isipan kong iyon na hinding-hindi ko hahayaan na magkaroon kami ng anak. Dahil ako nga nagagawa niyang saktan, paano pa kaya ang magiging anak namin? Nagpapasalamat akong hindi pa umaabot sa puntong pati si Dawn ay sasaktan niya, pero kailangan niya muna akong patayin bago niya magawang saktan ang anak ko. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa pag-iyak ni Dawn na nasa tabi ko, palagi ko siyang sinasama sa pagtulog ko dahil pakiramdam ko hindi siya magiging ligtas kung wala siya sa aking tabi. "Dawn, ang ganda-ganda talaga ng mga mata mo," bulong ko habang pinagmamasdan ang kaniyang mga mata, napangiti naman ako ng bigla siyang ngumiti sa akin na para bang naiintindihan niya ang sinabi ko. Ang akala ko noong una mahihirapan akong alagaan si Dawn pero hindi naman siya komplikadong bata, hindi rin siya iyakan ngunit madalas siyang tulog. Pakiramdam ko ay nakuha niya ang ugaling iyon kay Elias. Malungkot akong napangiti, kamusta na kaya ang lalaking iyon? Sana naman ay masaya siya kasama ang taong mahal niya, iyon ang palagi kong hinihiling. Napatigil ako sa pagtingin sa kaniya noong nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. "Dasha, nandiyan ka ba? Papasok ako sa loob ha," nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Angela. Bakit nandito siya? Hindi niya man lang sinabing pupunta siya ngayon! "Wait lang! Huwag ka munang pumasok!" kinakabahang sigaw ko at mabilis na binalik si Dawn sa kaniyang crib ngunit huli na ang lahat dahil nakapasok na si Angela. Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap ng magtama ang aming mga mata. "What the hell is happening here, Dasha? Bakit ang dami mong mga sugat at peklat sa katawan?!" sigaw niya at hindi ako nagsalita, nakita kong napaawang ang kaniyang labi ng mapagtanto kung anong nangyari.Dasha's Point Of View."Ilang buwan ka niya ng sinasaktan?" tanong ni Angela sa akin, nakaupo kami sa aking kama at hawak niya ang aking mga kamay. Ramdam ko ang galit at pag-aalala sa kaniyang boses, maging ang kaniyang mga mata ay namumula ngunit alam kong pinipigilan niyang umiyak."I-Isang buwan pagkatapos naming lumipat dito, napapansin ko ang pagbabago ni Samuel," nakayukong sagot ko, naramdaman kong parang may kung anong bumabara sa aking lalamunan. "Madalas siyang lasing kapag umuuwi siya rito, nagbabasag din siya ng gamit at s-sinasaktan ako," dagdag ko kasabay ng paglabas ng aking mga luha.Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Angela sa mga kamay ko. "Kaya ba palagi kang nakasuot ng jacket sa tuwing dumadalaw ako rito?" seryosong tanong niya at tumango naman ako. "Kung hindi pa pala kita pinuntahan ngayon, hindi ko pa malalaman. Bakit hindi mo sinasabi sa akin ang bagay na ito, Dasha?"Nag-angat ako ng tingin. "H-Hindi naman ganoon kadali iyon, natatakot din ako sa kung ano
Dasha's Point Of View. Pagising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng aking katawan, tinignan ko kung nasa tabi ko pa ba si Samuel ngunit wala na siya. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata, sobrang sakit ng aking katawan. Pakiramdam ko ay sa katawan ko binuhos ni Samuel ang kaniyang galit, kahit ilang beses kong sabihing bagalan niya ang kaniyang kilos, para bang bingi siya at hindi ako marinig. Hindi niya rin ako tinigilan kahit pa pagod na pagod na ako, ang sabi niya ay kailangan niyang makasiguro na mabubuntis na ako. Mukhang sinabi sa kaniya ni Tita Selena na hindi niya matatanggap ang kaniyang mana kung hindi pa namin sila mabibigyan ng apo. Maingat akong tumayo at nagbihis, makalat pa rin ang buong kwarto at nandoon pa rin ang basag na bahagi ng salamin. Napatingin ako sa aking kamay na may sugat, napalakas ang pagtulak niya sa akin kaya iyon nangyari. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako kay Dawn, mukhang may maid na nagpalit sa kaniyang d
Dasha's Point Of View.Nasunod nga ang sinabi ni Samuel na pagbalik namin sa Pilipinas, nag-iimpake na ako ngayon dahil bukas na ang aming flight. Simula noong sinabi ko sa kaniyang buntis ako, nagbago na ang kaniyang pagtrato sa akin. Para bang bumalik siya sa dating siya noong nakilala ko siya, palagi niyang tinatanong kung ayos lang ba ako at kung anong gusto kong kainin.Pero hindi pa rin mawala ang takot ko sa kaniya na anytime pakiramdam ko sasaktan niya ulit ako kapag ginalit ko siya... pakiramdam ko ay na trauma na ako dahil sa pananakit niya sa akin."Dasha, are you done packing your things?" narinig kong tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. "May hinanda akong meryenda sa baba."Peke akong ngumiti bago umilang. "Hindi pa, susunod na lang ako pagkatapos," sagot ko at tumango naman siya."Okay, I'll wait for you downstairs," tugon niya bago umalis.Malakas naman akong napabuntong hininga ng mawala siya sa paningin ko, hindi mawala ang kaba sa puso ko sa tuwing
Dasha's Point Of View."Manang Nina?" wika ko ng makita siya, mabilis siyang napangiti at kaagad akong niyakap.Yumakap naman ako pabalik, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inakalang magkikita pa kaming dalawa, isa siya sa mga taong hindi ako pinabayaan noong nasa mansyon pa ako ni Elias. Nakakatuwang makita siya ulit ngayon."Kamusta ka na, Ma'am Dasha?" tanong niya at bumitaw sa pagkakayap, kita ko ang ngiti ko sa kaniyang labi."M-Maayos na po ang buhay ko ngayon kasama ang anak ko," tugon ko at pinakita si Dawn na nasa stroller, nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat."Siya na ba ang anak niyo ni Sir Elias?" hindi makapaniwalang tanong niya, para namamg tumalon ang aking puso noong marinig ang pangalan niya."Opo, siya po si Dawn," pakilala ko at napangiti naman siya."Ka'y gandang bata naman niya, pati ang mga mata ni Sir ay nakuha niya," komento ng ginang at tumango ako bilang pagsang-ayon. "Kayo po? Kamusta na po kayo?" tanong ko at tumingin naman siya sa aki
Dasha's Point Of View."We have been looking for you for a long time, Dasha," saad noong matandang nagpakilala sa aking Valencia. "You can call me Lola Valencia and you can call him Dad."Napakunot ang aking noo. "Pero ang sabi po ni Mama, iniwan kami ni Papa dahil hindi pa siya handang bumuo ng pamilya," seryosong saad ko at tumingin sa lalaking sinabi niyang ang Papa ko. Matangkad siyang lakaki at may itsura, alam kong may edad na siya ngunit hindi iyon halata sa kaniya. Alam kong ngayon ko lang silang dalawa nakilala pero pakiramdam ko ay nakita ko na sila at nakasama noon, pakiramdam ko ay pamilyar sila sa akin."Hindi totoo iyon, nilayo ka niya sa akin," sagot niya na mas lalong nagpagulo sa akin. "Gustong-gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya, hindi ko naman siya papakasalan kung hindi para doon."Nanlaki ang aking mga mata. "I-Ikaw nga po talaga ang Papa ko?" hindi makapaniwalang tanong ko at noong tumango siya ay mabilis akong lumapit upang yakapin siya, ito ang unang beses
TRIGGER WARNING: VIOLENCE Dasha's Point Of View."S-Samuel. . . H-hindi ako makahinga," umiiyak kong saad ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg, pinipilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masyado siyang malakas kaysa sa akin."Sinungaling ka, Dasha! Kaya pala hindi tayo magka-anak anak ay dahil sa putanginang pills na 'to!" galit niyang sigaw sa akin, mas lalo namang lumakas ang pag-iyak ko. "B-Bitawan mo ako, p-parang awa mo na," pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakinggan at mas lalo lamang niya hinigpitan ang pagkakakapit sa akin."No! I wll fucking kill you, bitvh!" sigaw niya sa mukha ko na mas lalong nakapagbigay sa akin ng takot, kinakapos na rin ako ng hininga.Alam kong galit na galit siya sa akin at malaki ang tiyansyang patayin niya ako ngayon ngunit hindi ko hahayaang mangyari iyon. Bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga ay binitawan ko ang isang kamay na nakahawak sa kaniyang kamay at naghanap ako ng bagay na matigas
Dasha's Point Of View.Lalapitan ko na sana siya noong napatigil ako dahil may kutsilyong nahulog sa aking tabi, nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin doon.Puno ng dugo ang kutsilyong iyon. . . hawak ko ba 'yon? Ako ba ang pumatay sa kaniya?Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata, muli akong napatingin sa katawan ni Samuel."S-Samuel," pagtawag ko sa kaniya, ngunit kahit ilang ulit ko pa siyang tawagin ay hindi siya gumagalaw at mas lalong hindi siya humihinga.Hindi maalis ang tingin ko sa kaniyang katawan, nagkalat na ang dugo sa sahig at umabot na rin iyon sa akin. Hindi ko masyadong matandaan ang nangyari pagkatapos kong mahimatay. Pero ako ba ang may gawa niya?Napatakip ako sa aking bibig dahil sa labis na pag-iyak, kailangan kong humingi ng tulong, pinilit kong kunin ang cellphone sa aking bulsa. Nakahiga pa rin ako sa sahig dahil pakiramdam ko hindi ko na magalaw ang mga binti ko, nang makuha ko ang aking cellphone ay mabilis kong tinawagan ang num
Dasha's Point Of View. Tuluyan na akong nawalan ng boses para makapagsalita, gusto kong sabihin sa kanilang huwag si Elias ang kuhain nilang Lawyer. Gusto kong sabihin na siya ang Tatay ni Dawn, pero hindi ko alam kung paano ko maipapaliwang sa kanilang dati kaming mag-asawa. At saka isa pa . . . alam kong hindi tatanggapin ni Elias ang kasong 'to, galit na galit siya sa akin. Sigurado akong mas lamang ang galit niya para sa akin kaysa sa awa niya, mas gugustuhin niya pang makita ako sa kulungan kaysa ang iligtas ako ngayon. Nang iwan kami ng pulis sa loob ay mabilis kong narinig ang malakas na pagbuntong hininga ni Lola Valencia. "Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso noong sinabi sa akin ng Papa mo ang nangyari," saad niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin. "Pero alam kong inosente ka, hindi mo naman magagawa iyon, diba?" Tumango ako. "K-Kahit hindi ko pa maalala ang nangyari, alam kong hinding-hindi ko magagawa iyon kay Samuel," paliwanag ko, nanlalamig pa rin ang mga k
Jazz's Point Of View.Hindi alam ni Mamita na alam ko na ang totoo, wala rin akong balak ipaalam sa kaniya. Aalamin ko muna kung sino ang kausap niya sa cellphone na iyon at kung bakit niya tinatago sa akin.Hindi ko rin alam kung balak ko bang sabihin iyon kay Elias, halata naman kasing wala siyang idea. Sasabihin ko naman, maghahanap lang ako ng mas magandang tiyempo."Tsk," giit ni Elias at malakas na napabuntong hininga, sandali akong tumingin kay Dasha na medyo malayo sa amin dahil abala sa pagtingin ng mga plato."Alam mo. . . hangga't nandiyan pa ang anak mo, huwag mo sanang sayangin ang panahon na makasama siya," sabi ko at umiwas ng tingin, alam kong naguguluhan siya dahil mas lalong kumunot ang noo niya."What do you mean?"Muli ko siyang tinignan, seryoso siyang tumingin sa akin. "Simple lang naman ang gusto kong iparating... Hangga't nandyan pa ang mahal mo sa buhay, mahalin mo siya sa abot ng iyong makakaya. Sabihin mong mahal mo siya dahil hindi naman sa lahat ng pagkaka
Dasha's Point Of View.Nang makarating kami ng mall ay dumiretso kaagad kami sa furniture store, papasok na sana kami ng bigla akong kalabitin ni Jazz."Ano iyon?" tanong ko, nagtataka kung bakit biglang seryoso ang kaniyang mukha. Lumapit naman siya sa akin at bumulong"Aalis lang ako sandali pero babalik ako, parang nakita ko kasi siya pagpasok natin," ani niya, sandaling napakunot ang noo ko at nagtaka sa kaniyang sinabi. Ngunit nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay mabilis akong tumango at ngumiti."Sige lang, hanapin mo na siya," sabi ko at mabilis naman siyang umalis. Nang mawala siya sa paningin namin ay nilingon ko si Elias na mukhang nagtataka sa pag-alis ni Jazz."May hahanapin lang iyon, mauna na raw tayo mamili," paliwanag ko."Tsk. Hindi naman kasi siya kailangan dito," narinig kong saad niya habang papasok kami.Napailang na lamang ako. "Siya ang naunang nagsabing sasamahan niya ako, alangan naman hindi ko siya isama?""Sana sinabi mo rin sa akin ng mas maag
Dasha's Point Of View.Sinabi ni Lola iyon? Bakit naman? Para bantayan ako tulad ng sabi niya? Sigurado pala talaga siya tungkol sa bagay na iyon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nagtipa ako sa aking cellphone para magreply kay Elias.Me:Nandito ako sa bakery shop, dito ka na dumiretso. Kasama natin si Jazz sa pamimili.Pagkatapos magchat ay mabilis din akong nagtipa upang magreply naman kay Jazz.Me:Sige lang, unahin mo na muna iyon. At sasama pala si Elias sa pamimili, ngayon niya lang nasabi.Mabilis akong nakatanggap ng reply mula sa kaniya.Jazz:Luh? Third wheel ako?Me:Hindi naman iyon date! Huwag kang malisyoso.Hindi na siya nagreply pagkatapos noon kaya napailang na lang ako bago ibalik sa aking bulsa ang cellphone, tumingin ako kay Angela."Sasama rin daw si Elias sa pamimili," sambit ko at kaagad na nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin."Aba bakit naman?" nagtatakhang tanong niya at sinabi ko naman ang tungkol doon sa pagbabantay niya sa akin. "So trabaho
Dasha's Point Of View."Si Elias?!" bulaslas ko sa kaniyang pangalan, gulat sa nalaman. "Totoo ba ang sinasabi niyo?!" dagdag ko pa."Aba, bakit naman kami magsisinungaling?" si Marilyn. "Mabait pala iyon, ni-hindi niya nga kami siningil kahit piso. Noong tinanong namin kung bakit ang sagot lang, huwag na lang naming problemahin ang pera basta makakalabas kaming dalawa."Hindi ko mapigilang mapangiti, may puso pa rin pala siya."Teka, paano niyo nga pala nakuha ang number ko?" tanong ko."Kay Atty. Elias, napadaan kasi siya noon sa presinto tapos bigla namin siyang tinawag para kamustahin ka, wala na kasi kaming balita sa'yo eh," paliwanag ni Jamela. "Tapos ang sabi niya maayos ka na raw, tinanong niya rin kung kaibigan mo raw ba kami. Tapos kinabukasan noon, binalita sa aming muling nabuksan ang kaso namin. Ilang araw lang ang lumipas at nakalabas na kaagad kami.""Ang bait pala noon ni Atty. Mukhang snober pero may pakialam din pala sa aming mahihirap," giit ni Marilyn.Malakas akon
Elias's Point Of View."I'm your girlfriend, Elias. Bakit ganyan ka?" "Yeah, you're my girlfriend. And you know that I-I love you, kaya bakit naapektuhan ka pa rin sa presensya ni Dasha?" seryosong giit ko habang nakatingin sa kaniya, puno ng iritasyon ang kaniyang mga mata."B-Because I know she wants you back! I know na kukunin ka niya sa akin!" nanginig ang kaniyang labi. "Pumunta ka pa ng birthday niya, anong ibig sabihin noon? Anong gusto mong isipin ko?""Ang gusto kong ispin mo ay hindi niya ako gustong agawin sa'yo. Bakit naman ako magpapakuha?" kalmadong tanong ko. "At saka, sila na ni Jazz. Hindi mo ba iyon alam? Kaya impossible talaga ang sinasabi mong gusto niya akong kunin, magkaibigan na lang kami ngayon."As much as I hate to say that guy's name, I have to."That's just a rumour!"Umilang ako. "No, they're together. Wala kang dapat ipag-alala, alam mong sa'yo pa rin ako uuwi.""Talaga ba, Elias?""Yeah. . . You don't fucking know how much I love you."Hindi ko na tinan
Dasha's Point Of View.Hindi pa rin ako makapaniwalang sa akin ang mansyon na iyon, sa akin nakapangalan ang lupa. . . Ang sabi ni Lola, kahit anong oras daw ay pwede kaming lumipat doon ni Dawn. Ang sagot ko naman ay hindi ako nagmamadali, saka baka malungkot lang doon si Dawn kapag kaming dalawa lang.Ngayon ay abala ako sa kusina dahil gusto kong magbake ng cookies, gusto kong bigyan sina Jazz at Angela... Pati si Elias ay papadalhan ko rin.Si Mama ang nagturo sa akin na magluto, lalong-lalo na sa pagbabake. Kinuwento sa akin ni Papa kung gaano niya kapaborito ang mga gawa ni Mama, lalo na iyong cookies, kahit ako ay paborito rin iyon. Kaya naisipan kong magbake ngayon para matikman niya ulit ang recipe ni Mama.Nang matapos ako ay hawak-hawak ko ang isang plato, sa ibabaw noon ay ang mga maiinit na cookies. Dumiretso ako sa opisina ni Papa, naabutan ko siyang may binabasa sa isang folder."Papa," saad ko at mabilis naman siyang lumingon sa akin, bumaba ang tingin niya sa hawak k
Dasha's Point Of View.Kitang-kita ang kalikahan ng bakery shop—ko habang tinitignan naman ito mula sa labas, clear glass ang nakapalibot rito, maging ang pintuan ay clear glass din. Ang kabuoan ay pinaghalo ang kulay itim at puti na nagustuhan ko, ang kulay ng pintura ay itim at bumagay iyon sa clear glass."A-Ang ganda po," sambit ko kasabay noon ang pagtulo ng luha sa aking mata na mabilis kong pinunasan. Hindi ko inakalang isang araw, matutupad ang pangarap ko.Alam ko kasing impossible... Mahirap lang kami.Mabilis akong napayakap kay Lola at Papa, hindi ko na pigilan pa ang tuloy-tuloy na pagpatak ng aking mga luha habang yakap sila. "H-Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya ngayong araw," humihikbing sabi ko."Mahal ka namin, Dasha. Alam naming deserve mo ito," si Lola."Your Lola's right, so please don't be so hard on yourself," boses iyon ni Papa.Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang aking luha. "Salamat po ulit," nakangiting sabi ko, lumingon ako kay Jazz at
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakaawang ang aking labi habang nakatingin sa kanila. Hindi ako makapaniwala.At mas lalong hindi ako makapaniwalang nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon!"Happy birthday, Dasha," nakangiting saad ni Lola habang naglalakad papalapit sa akin, may hawak siyang cake sa kaniyang kamay."Let me guess... nakalimutan mong birthday mo ngayon 'no?" si Angela.Napalingon ako sa kaniya, may maliit na ngiti sa kaniyang labi. "Makakalimutan ko talaga, sa dami ba naman ng nangyari... Saka, hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday ko diba?" paliwanag ko.Totoo iyon, hindi talaga ako nagcecelebrate ng birthday ko. Naalala ko noon, si Mama lang talaga ang gustong-gusto na maghanda pa kami. Kahit anong sabi ko sa kaniyang huwag na dahil gastos lang, hindi naman siya nakikinig. Tapos noong wala siya, si Angela naman ang palaging nagyaya sa aking kumain kami sa labas para i-celebrate ang birthday ko. Ayaw niya naman magpaawat kaya hindi ko siya mapigilan, ayoko
Dasha's Point Of View."Bakit ganoon naman ang caption mo?" natatawa kong tanong kay Jazz, nakaupo siya sa harapan ko at umiinom ng juice. Nandito kami ngayon sa terrace ng mansyon, hindi ko alam kung bakit ang aga-aga niya pumunta rito. Ang sabi niya lang, gusto niyang pumunta dahil ang boring sa condo niya. Wala rin daw siyang trabaho ngayon, tinatamad siyang pumasok. Pwede palang tamarin ang isang CEO?Nagpicture kaming dalawa, ang akala ko ganoon ganoon lang pero ang lintik nahuli kong pinopost iyon sa Instagram account niya."May inaasar lang ako," nakangising sagot niya."Huh? Sino?"Umilang siya. "Wala."Napairap ako. "Bakit mo pa kasi pinost? Mas lalo tuloy iisipin ng mga taong ikaw nga ang Tatay ni Dawn at mag-asawa tayo," giit ko."Let them think what they want to think.""Oo nga... Pero diba? Hindi nga natin itatanggi iyong laman ng article na iyon, hindi tayo magsasalita, pero dahil doon sa post mo parang kino-confirm mo ngang may namamagitan sa atin," paliwanag ko.Bumun