Mabilis na tumalikod si Annie rito. Ayaw niya nang makita ito dahil natatakot siya na baka bigla na lamang siya maiyak sa harap nito at ayaw niyang makita nitong umiiyak siya at parang isang batang mahina. Kailangan niyang maging matatag. Humugot siya ng ilang malalim na hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Matapos niyang kumalma ay humarap siya at nagsalita. “Lucas alam ko na tama ka, pero anong magagawa kung ito nga ako? Ito nga yung ugali ko. Sorry din ha? Kung pakiramdam mo ay napaka-makasarili ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod rito.Ngunit mabilis din siyang tumigil sa kanyang paglalakad. “Lucas, naisip ko na talaga ito.” humarap siya kay Lucas ng dahan-dahan. “Maghiwalay na tayo.” sabi niya rito.Naalala niya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Trisha, ni natiis nito na hindi tumawag o ni magtext sa kaniya yun pala ay ayaw lang siya nitong kontakin noong mga panahong iyon. Samakatuwid ay palagi lang siyang naniniwala sa mga pinagsasabi nito sa ka
Pagdating nila sa ospital ay agad din naman na gumaan ang pakiramdam ni Annie kahit na papano. Isa pa, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na kung ano man ang nararamdaman at problema niya ay hindi niya dapat iyon dalhin sa trabaho niya dahil baka maka-apekto lamang iyon sa paggawa niya. Kailangan niyang palaging kalmado dahil kung hindi ay hindi naman siya ang maaapektuhan kundi ang mga magiging pasyente niya.Pagkatapos niyang magbihis ng damit ay agad siyang nakatanggap ng tawag na may pasyente raw na dumating at may cerebral hemorrhage at delikado raw ang kondisyon. Nang marinig niya ito ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo patungo doon.Dahil sa edad ng pasyente ay nagkaroon pa ng ibang komplikasyon at halos sampung oras na inubos nila sa loob ng Emergency room bago naging stable ang lagay nito. Ni hindi sila kumain o uminom ng tubig habang nasa loob sila at halos silang lahat ay pare-pareho ng nararamdaman pagkatapos ng operasyon. Nanghihina din si
Muli siyang niyakap ni Lucas at sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit na kaysa kanina. “Annie, pasensiya na pero pakinggan mo muna ako…” sabi nito sa kaniya.Sa kabila ng sakit at pagkadismaya na nararamdaman niya ay pinili niya pa rin ang pakinggan ang paliwanag nito. “Sige, sabihin mo sa akin.” sabi niyang muli rito. Sa pinakasulok kasi ng puso niya ay halos ayaw niyang maniwala sa mga sinabi sa kaniya ni Trisha dahil napakalaki ng tiwala niya kay Lucas.“Annie may isang bagay lang akong hindi sinabi sayo at iyon ay nang malagay ako sa panganib noong nasa ibang bansa ako ay si TRisha ang nagligtas sa akin.” sabi nito sa kaniya.“So dahil sa pagliligtas na ginawa niya ay ibinalik mo siya rito? Tapos ano mangangako ka na naman sa akin? Isa pa ay pwede mo namang sabihin sa akin at kausapin ako ng maayos para sa mga bagay na iyon kasi paniguradong maiintindihan ko naman e, pero bakit nagawa mong itago sa akin ang lahat?” sabi ni Annie at nag-umpisa nang mag-init ang mga sulok ng knaiyang
Agad na dinampot ni Lucas ang kanyang cellphone. Hindi pa man siya nagsasalita ay agad na niyang narinig ang tinig ni Trisha mula sa kabilang linya. “Lucas, tapos na ang examination sa akin ng doktor at napakaganda ng resulta kaya mamaya lang ay baka ipasok na ako sa operating room at bago ako pumasok doon ay gusto muna kitang makita at sinabi mo sa akin na darating ka hindi ba?” tanong nito sa kaniya at ang tono ng pananalita nito ay napaka-lambot.Ipinilig ni Lucas ang kanyang mukha at punong-puno ng kalungkutan ang kanyang mukha. Maya-maya pa ay sumagot siya at tila ba tuyong-tuyo ang lalamunan niya. “Sinabi ko na sayo na magaling talaga ang doktor na kinuha ko at hindi ako pupunta diyan. Ikaw na lang ang pumasok mag-isa sa operating room.” sabi niya rito. “At pagkatapos ng operasyon ay ang ipinangako ko sayong pera ay ibibigay ko sayo.” dagdag pa niyang sabi rito. Bukod kasi sa operasyon ay pinangakuan niya rin ito na bibigyan niya ng malaking halaga para tuluyan na nga itong maka
“Sige.” mabilis naman niyang sagot at pagkalipas lamang ng dalawang minuto ay tuluyan na ngang huminto sa kanyang harapan ang kotse ni Olivia. Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng kotse kung saan ay bigla na lamang nanginig ang buong katawan niya dahil sa lamig. Dahil sa sobrang lamig ay naramdaman niya ang pagpula ng kanyang maliit na mukha.“Diba ang sabi ko sayo ay hintayin mo ako? Bakit parang wala kang balak na hintayin ako o may balak kang takasan ako?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay hininaan nito ang aircon sa sasakyan.“Hindi naman.” sabi niya rito,“Ano tara na? Puntahan na natin ang malanding babaeng iyon.” sabi ni Olivia sa kaniya at nang marinig naman niya ito ay mabilis siyang umiling.“Hindi na kailangan.” sabi niya rito.Agad naman na nagsalubong ang kilay nito at nilingon siya. “Bakit naman hindi?”“Dahil pinuntahan na siya ni Lucas. Mas pinili niya si TRisha kaya wala ng silbi pa na pumunta tayo don.” sabi niya rito.Mabilis naman na umiling si Olivia sa
Napakuyom ang mga kamay ni Trisha ng mga oras na iyon. Naturingan pa naman itong isang bituin pero napakasama ng pag-uugali nito.Samantala ay sobra namang nanggagalaiti si Olivia sa labis na galit. Ilang sandali pa ay hindi pa siya nasisiyahan sa ginawa niya kaya pumasok siya sa banyo at nilagyan ng tubig ang baso at pagkatapos ay bumalik sa harap ni Trisha at muling ibunuhos ito sa ulo nito.“Ah, sh*t ang lamig!” sigaw nito.Dahil sa lamig ng tubig ay bigla namang nanginig ang katawan niya bigla. “Kulang pa yan.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay ibinalibag nito ang baso sa dingding sa tapat ng drawer na gumawa ng napakalakas na tunog. Handa na sanang umalis sa tabi ng kama si Olivia nang bigla na lamang hinablot ni Trisha ang kanyang buhok at hinila siya nito. Agad naman napahawak si Olivia sa kamay nitong nakasabunot sa kanyang buhok at pagkatapos ay galit na galit na pilit na tumingin kay TRisha. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito d
“Annie teka lang…” hindi pa rin siya binitiwan ni Lucas. “Huwag ka ng magalit dahil ang sugat sa mukha ni Olivia ay kailangang gamutin kaagad dahils a trabaho niya baka mag-iwan ito ng peklat.” sabi nito sa kaniya.Tumaas naman ang sulok ng labi ni Olivia. “Salamat na lang Mr.Montenegro sa kabaitan mo dibale na lang. Isa pa, hinding-hindi ako magpapagamot sa ospital na gumagamot ng neuropathy at pilay.” sabi ni Olivia rito.Ang mga salitang binitawan nito ay direktang tumama sa kalahati ng pagkatao ni Trisha. Hindi nga nagtagal ay umalis na sina Annie at Olivia. Nang makita ni TRisha na nanatili doon si Lucas kasama niya ay bahagya siyang natuwa at pagkatapos ay mabilis na nag-inarte na naman sa harap nito. “Lucas, sobrang sakit ng mga pisngi ko…” sabi niya rito habang hinahaplos ang mga pisngi niyang pinagsasampal ni Annie kanina. Gayunpaman nang matapos siyang magsalita ay napansin niya na tila ba may mali.Ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ay napakalamig. Napakatalim din ng
Hawak ni Annie ang gamot sa isa niyang kamay at nakayuko pa rin hanggang sa mga oras na iyon at halos hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Olivia.“Huy bat napaka-tahimik mo diyan? Nag-aalala ka pa rin ba? Huwag ka ng mag-isip diyan ng kung ano-ano tutal ay sinabi naman na ng doktor na hindi ito mag-iiwan ng pelat e.” sabi ni Olivia rito. Sa itsura kasi nito ay mukhang sinisisi nito ang sarili sa nangyari.Mabilis namang nag-angat ng ulo si Annie at pagkatapos ay tiningnan ito. “Pasensiya ka na talaga, Via. alam kong ilang beses ko ng sinabi sa iyo ang salitang iyon pero kailangan kong sabihin ulit.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba naman. Tumigil ka na nga sa kasasabi mo niya. Huwag ka ng mag-alala pa dahil wala namang magiging peklat ito at tyaka may paraan si ate Mia para mawala ito. Bukod pa doon ay napakarami namang paraan e kung sakali mang magkaroon ng peklat, napakagaling na kaya ng teknolohiya ngayon.” sabi nito sa kaniya at nang marinig