Agad na dinampot ni Lucas ang kanyang cellphone. Hindi pa man siya nagsasalita ay agad na niyang narinig ang tinig ni Trisha mula sa kabilang linya. “Lucas, tapos na ang examination sa akin ng doktor at napakaganda ng resulta kaya mamaya lang ay baka ipasok na ako sa operating room at bago ako pumasok doon ay gusto muna kitang makita at sinabi mo sa akin na darating ka hindi ba?” tanong nito sa kaniya at ang tono ng pananalita nito ay napaka-lambot.Ipinilig ni Lucas ang kanyang mukha at punong-puno ng kalungkutan ang kanyang mukha. Maya-maya pa ay sumagot siya at tila ba tuyong-tuyo ang lalamunan niya. “Sinabi ko na sayo na magaling talaga ang doktor na kinuha ko at hindi ako pupunta diyan. Ikaw na lang ang pumasok mag-isa sa operating room.” sabi niya rito. “At pagkatapos ng operasyon ay ang ipinangako ko sayong pera ay ibibigay ko sayo.” dagdag pa niyang sabi rito. Bukod kasi sa operasyon ay pinangakuan niya rin ito na bibigyan niya ng malaking halaga para tuluyan na nga itong maka
“Sige.” mabilis naman niyang sagot at pagkalipas lamang ng dalawang minuto ay tuluyan na ngang huminto sa kanyang harapan ang kotse ni Olivia. Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng kotse kung saan ay bigla na lamang nanginig ang buong katawan niya dahil sa lamig. Dahil sa sobrang lamig ay naramdaman niya ang pagpula ng kanyang maliit na mukha.“Diba ang sabi ko sayo ay hintayin mo ako? Bakit parang wala kang balak na hintayin ako o may balak kang takasan ako?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay hininaan nito ang aircon sa sasakyan.“Hindi naman.” sabi niya rito,“Ano tara na? Puntahan na natin ang malanding babaeng iyon.” sabi ni Olivia sa kaniya at nang marinig naman niya ito ay mabilis siyang umiling.“Hindi na kailangan.” sabi niya rito.Agad naman na nagsalubong ang kilay nito at nilingon siya. “Bakit naman hindi?”“Dahil pinuntahan na siya ni Lucas. Mas pinili niya si TRisha kaya wala ng silbi pa na pumunta tayo don.” sabi niya rito.Mabilis naman na umiling si Olivia sa
Napakuyom ang mga kamay ni Trisha ng mga oras na iyon. Naturingan pa naman itong isang bituin pero napakasama ng pag-uugali nito.Samantala ay sobra namang nanggagalaiti si Olivia sa labis na galit. Ilang sandali pa ay hindi pa siya nasisiyahan sa ginawa niya kaya pumasok siya sa banyo at nilagyan ng tubig ang baso at pagkatapos ay bumalik sa harap ni Trisha at muling ibunuhos ito sa ulo nito.“Ah, sh*t ang lamig!” sigaw nito.Dahil sa lamig ng tubig ay bigla namang nanginig ang katawan niya bigla. “Kulang pa yan.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay ibinalibag nito ang baso sa dingding sa tapat ng drawer na gumawa ng napakalakas na tunog. Handa na sanang umalis sa tabi ng kama si Olivia nang bigla na lamang hinablot ni Trisha ang kanyang buhok at hinila siya nito. Agad naman napahawak si Olivia sa kamay nitong nakasabunot sa kanyang buhok at pagkatapos ay galit na galit na pilit na tumingin kay TRisha. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito d
“Annie teka lang…” hindi pa rin siya binitiwan ni Lucas. “Huwag ka ng magalit dahil ang sugat sa mukha ni Olivia ay kailangang gamutin kaagad dahils a trabaho niya baka mag-iwan ito ng peklat.” sabi nito sa kaniya.Tumaas naman ang sulok ng labi ni Olivia. “Salamat na lang Mr.Montenegro sa kabaitan mo dibale na lang. Isa pa, hinding-hindi ako magpapagamot sa ospital na gumagamot ng neuropathy at pilay.” sabi ni Olivia rito.Ang mga salitang binitawan nito ay direktang tumama sa kalahati ng pagkatao ni Trisha. Hindi nga nagtagal ay umalis na sina Annie at Olivia. Nang makita ni TRisha na nanatili doon si Lucas kasama niya ay bahagya siyang natuwa at pagkatapos ay mabilis na nag-inarte na naman sa harap nito. “Lucas, sobrang sakit ng mga pisngi ko…” sabi niya rito habang hinahaplos ang mga pisngi niyang pinagsasampal ni Annie kanina. Gayunpaman nang matapos siyang magsalita ay napansin niya na tila ba may mali.Ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ay napakalamig. Napakatalim din ng
Hawak ni Annie ang gamot sa isa niyang kamay at nakayuko pa rin hanggang sa mga oras na iyon at halos hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Olivia.“Huy bat napaka-tahimik mo diyan? Nag-aalala ka pa rin ba? Huwag ka ng mag-isip diyan ng kung ano-ano tutal ay sinabi naman na ng doktor na hindi ito mag-iiwan ng pelat e.” sabi ni Olivia rito. Sa itsura kasi nito ay mukhang sinisisi nito ang sarili sa nangyari.Mabilis namang nag-angat ng ulo si Annie at pagkatapos ay tiningnan ito. “Pasensiya ka na talaga, Via. alam kong ilang beses ko ng sinabi sa iyo ang salitang iyon pero kailangan kong sabihin ulit.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba naman. Tumigil ka na nga sa kasasabi mo niya. Huwag ka ng mag-alala pa dahil wala namang magiging peklat ito at tyaka may paraan si ate Mia para mawala ito. Bukod pa doon ay napakarami namang paraan e kung sakali mang magkaroon ng peklat, napakagaling na kaya ng teknolohiya ngayon.” sabi nito sa kaniya at nang marinig
Sa labas ng bintana ay napakalakas ng ulan at halos wala na siyang makita pa. Inunat niya ang kanyang kamay at pagkatapos ay binuksan niya ang bintana. Biglang umihip ang ulan na may kasabay na hangin kung saan ay nabasa ang buong katawan niya. Napayakap ng wala sa oras si Annie sa kanyang katawan at sumilip sa labas. Bagamat napakalakas ng ulan ay nakita niya pa rin ang kotse ni Lucas sa harap ng apartment niya at nasa harap ito ng kotse nito at nakasandal ito doon.Ni hindi man lang ito pumasok sa loob ng kotse nito. Wala man lang itong payong kaya basang-basa na ito ng ulan. Agad na isinara ni Annie ang bintana at marahas na tumibok ang puso niya. Hindi niya mapigilan na bumilis ang tibok ng puso niya. Anong klaseng pag-iisip mereon ito? Napakalakas ng buhos ng ulan pero bakit ni hindi man lang nito naisipang pumasok sa loob ng kotse nito? O sinadya nitong ginawa iyon para lang mabagabag siya?Bakit niya ba kasi ito inaalala? Hindi ba at paulit-ulit lang naman siya nitong niloko at
Sa gitna ng ulan ay naiwan si Lucas doong nakatayo mag-isa habang nakasunod ng tingin kay Annie. Samantala, sa takot naman ni Annie na baka habulin pa siya nito ay nagmamadali siyang tumakbo at pumasok sa loob at sumandal sa pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at sobrang kirot din. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nahiga na siya ngunit bago pa siya matulog ay tiningnan niya muna ang kanyang cellphone at pagkatapos ay nakita niya na may chat galing kay Lucas. “Annie hindi ako pumapayag na maghiwalay tayo. Hinding-hindi kahit na mamatay ako.” sabi nito.Sa halip na magreply ay mabilis siyang nagtalukbong ng kumot at pinilit na matulog at huwag na itong isipin pa. Kinaumagahan, nagising siya dahil sa tunog ng cellphone niya. Akala niya ay iyon ang tunog ng alarm clock niya ngunit tawag pala iyon. Nakita niyang si Kian ang tumatawag kung saan ay agad niya naman itong sinagot.“Miss Annie, may sakit si sir ngayon at kailangang-kailangan siyang madala sa
“Lucas ano ba!” sigaw ni Annie rito ngunit ni hindi man lang ito gumalaw at ni sumagot sa kaniya. “Lucas huwag kang magpanggap na hindi mo ako narinig. Ang bigat mo at malapit na akong madurog rito. Tumayo na na diyan.” sabi niya rito at bahagyang pilit itong itinutulak ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nasa kabilang side niya ang ulo nito. Dahil rito ay inipon niya ang natitira niyang lakas upang itulak ito at bigla itong bumagsak sa kama. Siya naman ay napabangon ng wala sa oras. Nilingon niya ito at handa na sanang magalit nang makita niyang nakapikit ito.Agad siyang nag-alala nang makita niya ito na hindi gumagalaw. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. “Hoy Lucas…” sabi niya ngunit wala pa rin talaga at nang mga oras na iyon ay natatakot na talaga si Annie. Inabot niya ang kamay nito upang hawakan at doon niya nalaman na napainit nito. Hinawakan niya rin ang noo at leeg nito at halos mapaso pa siya dahil sa