Sa gitna ng ulan ay naiwan si Lucas doong nakatayo mag-isa habang nakasunod ng tingin kay Annie. Samantala, sa takot naman ni Annie na baka habulin pa siya nito ay nagmamadali siyang tumakbo at pumasok sa loob at sumandal sa pinto. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at sobrang kirot din. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nahiga na siya ngunit bago pa siya matulog ay tiningnan niya muna ang kanyang cellphone at pagkatapos ay nakita niya na may chat galing kay Lucas. “Annie hindi ako pumapayag na maghiwalay tayo. Hinding-hindi kahit na mamatay ako.” sabi nito.Sa halip na magreply ay mabilis siyang nagtalukbong ng kumot at pinilit na matulog at huwag na itong isipin pa. Kinaumagahan, nagising siya dahil sa tunog ng cellphone niya. Akala niya ay iyon ang tunog ng alarm clock niya ngunit tawag pala iyon. Nakita niyang si Kian ang tumatawag kung saan ay agad niya naman itong sinagot.“Miss Annie, may sakit si sir ngayon at kailangang-kailangan siyang madala sa
“Lucas ano ba!” sigaw ni Annie rito ngunit ni hindi man lang ito gumalaw at ni sumagot sa kaniya. “Lucas huwag kang magpanggap na hindi mo ako narinig. Ang bigat mo at malapit na akong madurog rito. Tumayo na na diyan.” sabi niya rito at bahagyang pilit itong itinutulak ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nasa kabilang side niya ang ulo nito. Dahil rito ay inipon niya ang natitira niyang lakas upang itulak ito at bigla itong bumagsak sa kama. Siya naman ay napabangon ng wala sa oras. Nilingon niya ito at handa na sanang magalit nang makita niyang nakapikit ito.Agad siyang nag-alala nang makita niya ito na hindi gumagalaw. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. “Hoy Lucas…” sabi niya ngunit wala pa rin talaga at nang mga oras na iyon ay natatakot na talaga si Annie. Inabot niya ang kamay nito upang hawakan at doon niya nalaman na napainit nito. Hinawakan niya rin ang noo at leeg nito at halos mapaso pa siya dahil sa
Akala niya ay hindi naman ganun ka-grabe ang nangyari sa kamay ni Lucas ngunit nang makita niya ito sa sarili niyang mga mata ay labis siyang nag-alala. Dali-dali siyang lumapit rito. “Ano bang ginagawa mo?” may halong inis ang tinig niya. Namumula rin ang kanyang mga mata ng mga oras na iyon dahil sa pagpipigil niya ng sarili niya na hindi maiyak.Wala namang pakialam si Lucas sa kamay niya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. “Aalis ka pa ba?” tanong nito sa kaniya.Bigla namang tila may bumara sa lalamunan ni Annie at hindi siya makapagsalita. Nang makita naman ni Lucas na hindi ito nagsasalita ay bigla itong nabalisa. “Kung ipipilit mo pa ring umalis, okay lang. Hahayaan ko na lang ang sarili kong maubusan rito ng dugo.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig naman niya ang sinabi nito ay agad na nagalit si Annie. “Lucas, katawan mo yan at hindi akin. Kung hindi mo aalagaan ang sarili mo ay hindi ka gagaling. At kahit na manatili ako rito kung dahil diyan sa ugali mon
Kinaumagahan, nagising si Annie dahil sa tunog ng cellphone niya. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad siyang natigilan dahil nakahiga na siya sa kama. Dali-dali siyang bumangon. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ngunit nalaman niya na wala siyang ibang kasama doon. Nasaan si Lucas? Mabilis siyang bumaba sa kama.“Lucas…” tawag niya at medyo balisa na pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang pinto at dahil na rin sa kanyang pagmamadali ay hindi na niya napansin pa na may kasalubong pala siya at bigla na lamang tumama ang ulo niya sa balikat nito.Ilang sandali pa ay naramdaman niya na may humilot sa ulo niya at kinakabahang nagtanong. “Masakit ba?” tanong nito sa kaniya at doon niya nalaman na si Lucas pala ang nakabanggaan niya.Mabilis siyang umiling at tiningnan ito. “Hindi, hindi naman.” sagot niya rito.“Ako ba ang hinahanap mo?” excited na tanong nito sa kaniya.Mabilis naman siyang tumanggi at umiling. “Hindi. Bakit sana? Kagigising ko lang at gusto ko lang sanang
Nang sumunod na sandali ay pinapasok siya ni Lucas sa loob ng kotse at mabilis na ini-lock ang lahat ng pinto at bintana. Kahit na anong gawin ni Annie sa loob ay walang silbi at napagod lamang siya. Dahil nga sa wala siyang magawa ay napasandal na lamang siya sa upuan niya at dahil sa pagod niya at napatingin siya sa labas ng bintana at hindi niya namamalayan na nakatulog pala siya.Nang magising siya ay nasa bahay na siya ni Lucas. O mas tamang sabihin na nasa silid nila siya dati. Ang pamilyar na paligid ay pumuno sa paningin niya. Gusto niyang matawa. Bakit pa siya nito dinala doon? Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero paggising niya ay tanging ang lampshade na lamang sa tabi ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Mabilis siyang bumangon at pagkatapos ay binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas hanggang sa bumaba siya ng hagdan. Nang makarating siya sa sala ay agad na may mga humarang sa kaniya. Ito ay ang mga tauhan ni Lucas. “Pasensiya na po miss
Pagkatapos sabihin ni Lucas ang mga salitang iyon ay bigla na lamang niyang tinawag si Kian. Nagmamadali namang lumapit doon si Kian. “ialis mo na siya ngayon din.” utos ni Lucas rito. Nagmamadali namang lumapit si Kian sa likod ng wheelchair ni Trisha.“Lucas ano ba! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito!” sigaw ni Trisha ngunit sa halip na sumagot at tumalikod si Lucas. Samantala, itinulak na rin ni Kian si TRisha ngunit nagpupumiglas pa rin ito pero dahil nga hindi pa magaling ang mga paa nito kaya wala din itong magawa. Paalis na sana siya doon nang bigla na lamang napalingon si Trisha sa gawi niya. Nasa tabi siya ng pool ng mga oras na iyon at naglalakad nang mapatigil siya bigla.“Annie?” sabi nito sa kaniya kung saan ay napahinto din si Kian sa pagtutulak ng wheelchair nito.Sa labis na galit na nararamdaman ni Trisha ng mga oras na iyon ay hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis na pinindot ang controller ng kanyang wheelchair patungo sa direksiyon ni Annie.Nanlalaki ang m
“Pero Annie…” sabi ni Lucas sa kaniya.“Hindi. Kaya kong magbihis ng mag-isa.” determinadong sabi ni Annie kay Lucas. “Kailangan lang ay tumalikod ka at huwag kang lumapit.” dagdag pa niyang sabi rito.“Okay kung doon ka mas komportable ay sige.” mabilis na tumango si Lucas sa kaniya. At tumalikod. Ilang sandali pa nga ay nakapagbihis na si Annie at pagkatapos ay binuhat na niya ito patungo sa kama at pagkatapos ay kinumutan. Pagkatapos ay siya naman ang pumasok sa banyo upang maligo.Samantala, nang mga oras naman na iyon ay bigla na lamang nakaramdam ng antok si Annie at mabilis na nakatulog. Doon naman biglang pumasok sa loob ng silid si Finn. dahil sa pagiging abala ni Lucas kanina ay hindi na niya naasikaso pang lapitan at kausapin si Finn. dahan-dahan itong umupo sa tabi ni Annie at pagkatapos ay hinawakan ang pulso nito pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan nito.Pagkalipas lamang ng sampung minuto ay lumabas si Lucas mula sa banyo at naabutan niya nga si Finn na tinitingnan si
“Wala na bang pag-asa na makabuo ulit?” tanong ni Lucas kay Finn matapos ang matagal na pananahimik.Iniunat naman ni Finn ang kanyang kamay at tinapik ang balikat niya para aliwin siya. “Hindi naman sa walang pag-asa, may pag-asa pa pero kailangan niyang alagaan ang sarili niya at kailangan niya munang mag-heal. Kailangan na matanggal muna lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman niya at dapat ay maging pasensiyoso ka.” sabi nito sa kaniya. “Isa pa ay mahalaga din na dapat ay lagi siyang maging masaya at iwasan ang mga bagay na dapat ay nakakapgdulot sa kaniya ng stress.” dagdag pa nito.Nang matapos niyang sabihin iyon ay muli siya nitong tinapik sa balikat at nagpaalam ng lumabas. PAGKAGISING ni Annie kinabukasan ay mas magaan na ang pakiramdam niya at iginiit niya kay Lucas na papasok siya sa ospital at pumayag naman si Lucas ngunit may kondisyon ito na personal siya nitong ihahatid at susunduin sa ospital.“Yun lang ang gusto ko.” sabi ni Lucas sa kaniya.Inisip naman ni