Nang sumunod na sandali ay pinapasok siya ni Lucas sa loob ng kotse at mabilis na ini-lock ang lahat ng pinto at bintana. Kahit na anong gawin ni Annie sa loob ay walang silbi at napagod lamang siya. Dahil nga sa wala siyang magawa ay napasandal na lamang siya sa upuan niya at dahil sa pagod niya at napatingin siya sa labas ng bintana at hindi niya namamalayan na nakatulog pala siya.Nang magising siya ay nasa bahay na siya ni Lucas. O mas tamang sabihin na nasa silid nila siya dati. Ang pamilyar na paligid ay pumuno sa paningin niya. Gusto niyang matawa. Bakit pa siya nito dinala doon? Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero paggising niya ay tanging ang lampshade na lamang sa tabi ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Mabilis siyang bumangon at pagkatapos ay binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas hanggang sa bumaba siya ng hagdan. Nang makarating siya sa sala ay agad na may mga humarang sa kaniya. Ito ay ang mga tauhan ni Lucas. “Pasensiya na po miss
Pagkatapos sabihin ni Lucas ang mga salitang iyon ay bigla na lamang niyang tinawag si Kian. Nagmamadali namang lumapit doon si Kian. “ialis mo na siya ngayon din.” utos ni Lucas rito. Nagmamadali namang lumapit si Kian sa likod ng wheelchair ni Trisha.“Lucas ano ba! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito!” sigaw ni Trisha ngunit sa halip na sumagot at tumalikod si Lucas. Samantala, itinulak na rin ni Kian si TRisha ngunit nagpupumiglas pa rin ito pero dahil nga hindi pa magaling ang mga paa nito kaya wala din itong magawa. Paalis na sana siya doon nang bigla na lamang napalingon si Trisha sa gawi niya. Nasa tabi siya ng pool ng mga oras na iyon at naglalakad nang mapatigil siya bigla.“Annie?” sabi nito sa kaniya kung saan ay napahinto din si Kian sa pagtutulak ng wheelchair nito.Sa labis na galit na nararamdaman ni Trisha ng mga oras na iyon ay hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis na pinindot ang controller ng kanyang wheelchair patungo sa direksiyon ni Annie.Nanlalaki ang m
“Pero Annie…” sabi ni Lucas sa kaniya.“Hindi. Kaya kong magbihis ng mag-isa.” determinadong sabi ni Annie kay Lucas. “Kailangan lang ay tumalikod ka at huwag kang lumapit.” dagdag pa niyang sabi rito.“Okay kung doon ka mas komportable ay sige.” mabilis na tumango si Lucas sa kaniya. At tumalikod. Ilang sandali pa nga ay nakapagbihis na si Annie at pagkatapos ay binuhat na niya ito patungo sa kama at pagkatapos ay kinumutan. Pagkatapos ay siya naman ang pumasok sa banyo upang maligo.Samantala, nang mga oras naman na iyon ay bigla na lamang nakaramdam ng antok si Annie at mabilis na nakatulog. Doon naman biglang pumasok sa loob ng silid si Finn. dahil sa pagiging abala ni Lucas kanina ay hindi na niya naasikaso pang lapitan at kausapin si Finn. dahan-dahan itong umupo sa tabi ni Annie at pagkatapos ay hinawakan ang pulso nito pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan nito.Pagkalipas lamang ng sampung minuto ay lumabas si Lucas mula sa banyo at naabutan niya nga si Finn na tinitingnan si
“Wala na bang pag-asa na makabuo ulit?” tanong ni Lucas kay Finn matapos ang matagal na pananahimik.Iniunat naman ni Finn ang kanyang kamay at tinapik ang balikat niya para aliwin siya. “Hindi naman sa walang pag-asa, may pag-asa pa pero kailangan niyang alagaan ang sarili niya at kailangan niya munang mag-heal. Kailangan na matanggal muna lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman niya at dapat ay maging pasensiyoso ka.” sabi nito sa kaniya. “Isa pa ay mahalaga din na dapat ay lagi siyang maging masaya at iwasan ang mga bagay na dapat ay nakakapgdulot sa kaniya ng stress.” dagdag pa nito.Nang matapos niyang sabihin iyon ay muli siya nitong tinapik sa balikat at nagpaalam ng lumabas. PAGKAGISING ni Annie kinabukasan ay mas magaan na ang pakiramdam niya at iginiit niya kay Lucas na papasok siya sa ospital at pumayag naman si Lucas ngunit may kondisyon ito na personal siya nitong ihahatid at susunduin sa ospital.“Yun lang ang gusto ko.” sabi ni Lucas sa kaniya.Inisip naman ni
Agad naman na tumango si Annie nang sabihin ito ni Lucas. “Sige.” sabi niya na lamang rito at nag-umpisa na nga silang kumain. Kanina pa siya tapos kumain ngunit si Lucas ay hindi pa rin tapos at halos dalawang oras na itong kumakain. Napakabagal nitong kumain ngayon. Kaya lang alam niya na kahit anong tagal nun ay matatapos pa rin iyon. Nang matapos nga ito ay mabilis siyang nagsalita. “Bumaba tayo at mamasyal.” sabi niya rito.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. Dahil nga medyo gabi na, lumabas sila ng mall at nagpunta sa isang parke kung saan ay may fountain sa gitna at napakaraming kumikislap na mga ilaw tulad ng mga bituin. Naghanap sila ng pwede nilang upuan. Nang makaupo sila ay agad na ipinikit ni Annie ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Ilang sandali pa nga ay nagawa na niyang ibuka ang bibig niya upang magsalita. “Lucas hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko.” umpisa niya.“Annie…” napalingon naman agad si Lucas rito nang marinig niya ang sinabi nito habang kumiki
Nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay bigla na lamang ang-init ang sulok ng kanyang mga mata at mabilis na dumaloy sa pisngi niya ang mainit na luha at pumikit at nanginginig na sumagot rito. “Salamat.” sabi niya na halos bulong na lamang pagkatapos ay napakagat-labi siya. Kung kanina ay kalmado siya habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Lucas ngayon naman ay halos manginig siya at sobrang kirot ng puso niya.“Pero may sasabihin pa ako.” patuloy ni Lucas. “Tama ka. Nitong mga nakaraang taon at mga buwan ay minahal mo ako ng walang pag-aalinlangan at ngayon ay nasaktan kita ng sobra. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo, pero Annie, hayaan mo akong habulin ka, hayaan mong mahalin pa rin kita.” sabi nito sa kaniya. Ibig sabihin lamang ay kaya ito pumayag na makipaghiwalay sa kaniya ay para magsimula silang muli sa relasyon nilang dalawa. Sa hinaharap ay mamahalin siya nito ng mas higit pa sa pagmamahal niya at gusto nitong punan lahat ng pagkaka
Tumawag ulit si Annie ngunit kay Kian na siya tumawag pero nakakaisang ring pa lamang siya nang sagutin ito kaagad ni Kian. “miss Annie may utos ka ba?” agad na tanong nito sa kaniya.Mabilis din naman siyang nagsalita. “Nasaan si Lucas? Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi niya ako sinasagot.” sabi niya rito.“Busy po ngayon si sir e at hindi siya pwedeng istorbohin. May sasabihin po ba kayo sa kaniya? Sa akin niyo na sabihin at ako na lang ang magsasabi sa kaniya.” agad na sabi nito sa kaniya. Napabuntung-hininga na lang siya.“May bago kasi akong kapitbahay at kagagaling niya lang rito. Ang sabi niya sa akin ay isa daw siyang dietitian at inupahan ba siya ni Lucas para sa akin? Ganun ba yun?” tanong niya rito. Alam niya kasi na lahat ng tanong niya ay masasagot din nito dahil lagi itong kasama ni Lucas.“Ah, oo miss Annie. Personal siyang kinuha ni sir pagkatapos ng napakaraming screening at assessment.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.“Sinabi ko ba kuhanan niya ako ng
Mabilis na nagtungo si Annie sa ikapitong palapag ng ospital. Nang magtanong siya sa front desk ay agad niyang nalaman kung anong ward naroroon si Lucas. Abot-abot ang kaba ng mga oras na iyon at mabilis din naman siyang nakarating sa pinto ng silid kung saan sana siya pupunta. Akmang aabutin na sana niya ang seradura ng pinto nang bigla na lamang bumukas ang pinto at nakita siya ni Kian. “pasok ka po miss Annie.” sabi nito agad sa kaniya.Pakiramdam niya tuloy ay alam talaga ni Kian na darating na siya. Nang sumunod pa ngang sandali ay narinig niya ang tinig ni Lucas mula sa loob ng silid. “Pinuntahan mo ba ako Annie?” tanong nito sa kaniya.Ngayon, napagdesisyunan na niyang hindi tumuloy sa loob lalo na at mukha namang okay na si Lucas. Ngunit ilang sandali lamang ay narinig niya ang tinig ni Kian ulit. “Sir hindi ka pa pwedeng bumaba sa kama ninyo dahil ang mga sugat ninyo sa inyong katawan ay hindi pa gumagaling.” sabi nito at nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya na nasa hara