Share

Chapter 145.1

Nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay bigla na lamang ang-init ang sulok ng kanyang mga mata at mabilis na dumaloy sa pisngi niya ang mainit na luha at pumikit at nanginginig na sumagot rito. “Salamat.” sabi niya na halos bulong na lamang pagkatapos ay napakagat-labi siya. Kung kanina ay kalmado siya habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Lucas ngayon naman ay halos manginig siya at sobrang kirot ng puso niya.

“Pero may sasabihin pa ako.” patuloy ni Lucas. “Tama ka. Nitong mga nakaraang taon at mga buwan ay minahal mo ako ng walang pag-aalinlangan at ngayon ay nasaktan kita ng sobra. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo, pero Annie, hayaan mo akong habulin ka, hayaan mong mahalin pa rin kita.” sabi nito sa kaniya. Ibig sabihin lamang ay kaya ito pumayag na makipaghiwalay sa kaniya ay para magsimula silang muli sa relasyon nilang dalawa. Sa hinaharap ay mamahalin siya nito ng mas higit pa sa pagmamahal niya at gusto nitong punan lahat ng pagkaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Tata
paganda ng paganda ang storya. ang galimg mo Ms A. palagi na lng akng nag aabang sa mga updates mo. thank you Ms A
goodnovel comment avatar
Jenifer Marges
yes..start na ito Ng kilig moments..thank u po Ms.A sa update... Bumawi si Ms.A.. ilang weeks o months..wag muna mag kita..pero ung care at love ni Lucas. daming Dama ni Annie...haba Ng hair bhe..
goodnovel comment avatar
Lei Ruf Dan Lumabao
wag kn muna mgparamdam Lucas tas after a few years tsaka knlng mgpakita ky Annie tas marerealize ni Annie n mahal n mahal pdn nia c Lucas tapus ayun kasalan na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status