Sa silid ni Lucas ay tahimik namang nakatingin lang si Kian. hindi niya alam kung bakit bigla na lamang itong nagalit. Sa sahig ay nagkalat ang piraso ng ibinato nitong baso at nakita niya rin kung paano nagtaas baba ang dibdib nito. Hindi siya nagsalita at hinintay lamang niya na kumalma ito.Ilang sandali pa ay humiga ito sa kama at pumikit samantalang siya ay lumabas naman para tumawag ng maglilinis sa ginawang kalat ng boss niya kasabay nito ay nagmamadali rin siya para habulin si Annie.Eksakto namang nakakailang hakbang pa lamang si Annie nang lumabas mula sa pinto si Kian at ilang sandali pa nga ay narinig niya mula sa kanyang likod at pagtawag nito sa kaniya. “Miss Annie, sandali!” sabi nito at nang mapagtanto nga niyang si Kian iyon ay bumagal siya sa kanyang paglalakad.Tumakbo naman si Kian para lang mahabol siya at humihingal na nagsalita nang maabutan siya. “Miss Annie salamat sa pagpunta mo para makita mo si Sir at hiniling niya sa akin na ihatid kita.” sabi nito sa kani
Kaya lang walang nakakaalam na bigla na lamang magkikita sina Annie at Greg sa ospital. Mabuti na lamang ang break time ng ng mga oras na iyon kaya niyaya na lamang niya si Greg sa cafe na nasa first floor ng ospital. Nang ihain sa harap nila ang kape at naamoy ito ni Annie ay napangiti siya ng may kasiyahan.“Mabango pala talaga, no wonder sabi mo ay masarap ang kape rito at mabango dahil bagong giling ang kape.” sabi niya rito.Nang makita naman ni Greg ang masaya at inosente nitong itsura ay ngumiti si Greg ng walang kapantay. “Napakalapit lang ng lugar na ito sayo, hindi ka ba pumupunta rito kapag may libre kang oras para magkape?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Annie. “Paano ba naman, masyado kasi akong busy nitong mga nakaraan at ni halos hindi na nga rin kami makakain sa sobrang busy namin at puro biscuit lang ang kinakain namin para maitawid ang araw.” sagot niya rito. “At kapag may libreng oras naman kami ay ginagamit na lang namin iyon para makapagpahinga.” d
Gusto niyang ilabas ang kanyang cellphone , pero nang kapain niya ito sa kanyang bulsa ay doon niya nalaman na dahil sa kanyang pagmamadali ay hindi niya pala iyong nakuha. Kailangan niyang bumalik sa kanyang kinauupuan at hintayin na lamang na hanapin siya ni Kian.Mabuti na lang at hinanap din naman siya kaagad ni Kian at nakita niya nga siya nito roon. Agad niyang intusan ito na bayaran ang kape niya para makaalis na siya doon ngunit hindi niya alam kung mahahabol niya pa ba si Annie at Greg.Matapos naman ihatid ni Greg si Annie at nagpaalam na si Greg rito. “Aalis na ako para bantayan ang Mommy ko.” sabi nito sa kaniya.Mabilis namna na tumango si Annie rito. “Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin at nandito lang din naman ako ay huwag kang mahihiyang magsabi.” sabi niya rito.Tumango naman ito sa kaniya at tumango. “Sige.” pagkatapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na ito at umalis. Tumalikod na rin si Annie upang pumasok sa kanilang departamento nang bigla na lang n
“Lucas ano bang sinasabi mo? Nagkataon lang na nagkita kami ngayon ni Greg kanina.” sabi niya rito.“Nagkataon? Talaga ba Annie? Nagkataon ba yung nag-usap kayo ng matagal habang magkasamang magkape?” tanong nito sa kaniya.Napabuka ang bibig ni Annie ng wala sa oras at halos hindi makapagsalita pagkatapos ay lumunok at pilit na kinalma ang sarili niya. “Ang kapeng iyon ay pangako ko sa kaniya dahil sa maraming beses na niya akong tinulungan. Ang sabi ko sa kaniya noong huli niyang misyon, pagbalik niya ay yayayain ko siyang magkape at dahil sa sobrang busy namin pareho at nagkataon naman na nagkita kami ngayon at iyon ang naging dahilan para maisakatuparan ko ang pangako ko sa kaniya.” paliwanag niya rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi nito ay medyo kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Gumaan ang kirot na naramdaman niya sa kanyang puso. Pero hindi pa rin siya lubos na komportable. “Annie…” tawag niya rito. “Nagdesisyon ka na bang magpaligaw sa kaniya?” tanong nit
“Aray!” biglang sabi nito. “Annie, tinamaan mo ang sugat ko.” daing ni Lucas bigla sa kaniya dahil sa sakit.Agad naman na tila nagising si Annie sa kanyang panaginip nang marinig niya ang tungkol sa sugat nito. Agad niyang ibinaba ang kanyang mga kamat at kinakabahang tinanong ito. “Saan? Saan ang masakit?” tanong niya rito. “Halika na. Sasamahan kita sa silid mo para magtingnan ka ulit ng doktor.” sabi niya pa rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi nito ay bigla na lamang siya napangiti sa loob-loob niya. Kasabay nito ay iniunat niya ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Annie. “Annie alam kong nagpapanggap ka lang na wala kang pakialam. Pero alam ko na mahal mo pa rin ako dahil sa sandaling marinig mo na tinamaan mo ang sugat ko ay tingnan mo ang mukha mo, punong-puno ng pag-aalala.” sabi niya rito. “Halata namang may pakialam ka sa akin pero bakit ayaw mong aminin?” tanong niya pang muli rito. Tinitigan niya ito sa mga mata nito, umaasa na makukuha na niya
Muling nagpadala ng chat si Lucas kay Annie at tinatanong nito kung masakit pa rin ba hanggang sa mga oras na iyon ang kanyang mga labi, ngunit nang matanggap niya ang chat nito ay hindi na lamang niya ito pinansin pa. Huminga siya ng malalim at muling bumalik sa mesa niya. Pagkalipas lamang ng sampung mito ay bigla na lamang may tumawag sa kanyang kasamahan niya. “Ms.Annie, may naghahanap sayo.” sabi nito nit at bigla siyang napaisip kung sino naman kaya ang maghahanap sa kaniya ng mga oras na iyon.Dahil doon ay agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at sumilip sa may pinto, nakita niya kaagad doon si Kian habang inaalalayan si Lucas. Napansin niya na ang lahat ng mga kasamahan niya sa loob ay nakatingin rito at dahil doon ay hindi niya maiwasang hindi mapalagay. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone at muling umupo sa kanyang upuan at agad na tinawagan si Lucas.“Annie…” sabi ni Lucas nang sagutin nito ang tawag niya.“Huwag kayo diyan. Umalis kayo diyan.” sabi niya at ma
Agad naman na nagising si Annie sa tila isang panaginip na kinasadlakan niya. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at kasabay nito ay mabilis niyang iniunat ang kanyang mga kamay upang itulak si Lucas. “Umalis ka na diyan at nabibilad na ako rito.” sabi niya rito.Hindi naman nagsalita si Lucas at nakatingin lang kay Annie na malabo ang mga mata. Pakiramdam niya ang mga mata nito ay may apoy. Nang hindi naman sumagot si Lucas at muli na naman niya itong itinulak. “Masyado kang malapit sa akin. Lumayo ka ng kaunti.” sabi niya rito.Tumitig naman si Lucas sa kaniya at pilit na kumalma. Pagkatapos ay mabilis na lumayo ito sa kaniya, hindi pa rin ito umalis sa ibabaw niya. Binigyan lang nito ng kaunting espasyo ang pagitan nilang dalawa. “Mas makakahinga ka na siguro ng mabuti ngayon.” sabi ni Lucas sa kaniya.Masasabi niya na napakatalino talaga nito. Ni wala man lang siyang kawala rito. Ilang sandali pa nga ay narinig niya ang tinig ni Lucas. “Bakit nga pala walang laman ang silid
Gayunpaman, ay nakaramdam pa rin si Lucas ng matinding selos ng mga oras na iyon sa kanyang dibdib ngunit pinili na lamang niya na itago iyon at hindi ipinakita. Pero hanggat iniisip niya na makikipag kita ito sa ina ni Greg ay may hindi siya magandang nararamdaman. Ang sabihin na hindi siya nagseselos ay mali.Dahil sa pag-iisip nito ay bigla na lamang ulit hinila ni Lucas su Annie at mabilis na bumaba ang kanyang ulo at hinalikan ang punong tenga nito.Hindi naman inaasahan ni Annie ang gagawin nito kaya bigla na lamang namanhid ang buong katawan niya na para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. “Lucas, ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako.” malagkit na sabi ni Annie at pilit na kinontrol ang sarili niya.Ibinaba pa ni Lucas ang halik sa kaniya leeg hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan sa wakas. “Tara, ihahatid na kita.” sabi nito sa kaniya. Nang marinig naman ito ni Annie ay bahagya siyang natigilan. “Hindi na kailangan. Ako na lang mag-isa at hintayin mo munang