Gayunpaman, ay nakaramdam pa rin si Lucas ng matinding selos ng mga oras na iyon sa kanyang dibdib ngunit pinili na lamang niya na itago iyon at hindi ipinakita. Pero hanggat iniisip niya na makikipag kita ito sa ina ni Greg ay may hindi siya magandang nararamdaman. Ang sabihin na hindi siya nagseselos ay mali.Dahil sa pag-iisip nito ay bigla na lamang ulit hinila ni Lucas su Annie at mabilis na bumaba ang kanyang ulo at hinalikan ang punong tenga nito.Hindi naman inaasahan ni Annie ang gagawin nito kaya bigla na lamang namanhid ang buong katawan niya na para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. “Lucas, ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako.” malagkit na sabi ni Annie at pilit na kinontrol ang sarili niya.Ibinaba pa ni Lucas ang halik sa kaniya leeg hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan sa wakas. “Tara, ihahatid na kita.” sabi nito sa kaniya. Nang marinig naman ito ni Annie ay bahagya siyang natigilan. “Hindi na kailangan. Ako na lang mag-isa at hintayin mo munang
“Hindi ka ba kinakabahan?” tanong sa kanya ni Greg.“Kinakabahan syempre.” sagot naman niya rito dahil totoo namang kanina pa siya kinakabahan sa totoo lang. Pagkatapos lamang siyang sabihin iyon ay bigla na lamang niyang naramdaman ang paghawak ni Greg sa kanyang kamay at napakainit ng palad nito. Saglit naman na natigilan si Annie pero dahil sa iniisp niya na ang magpapanggap nga pala silang magkasintahan at normal lang naman na magkahawak ang kamay ay hinayaan na lamang niya ito na hawakan ang kamay niya. Samakatuwid ay hindi siya tumanggi at hinayaan na lamang niya si Greg na hawakan nito ang kamay niya habang naglalakad sila papasok ng silid. Pagkapasok nila sa loob ng silid ay parang ganun din ang eksena noong pumunta sila sa bahay nila Greg.Sa maluwang na silid ay nakita na nakahiga ang ina ni Greg sa hospital bed habang nakaupo naman sa tabi nito ang ate ni Greg at ang kapatid nitong bunso. Nang makita nila si Annie na may dala-dalang regalo at si Greg na hawak ang kamay niya
Bago pa man makapagsalita si Beth ay nauna nang nagsalita si Kenna. “Ma, tingnan mo hindi pa kasi asawa ni Kuya si Ate kaya sobra siyang pinoprotektahan ni Kuya.” sabi nito.“Kenna!” saway naman ni Greg rito at sinamaan ito ng tingin.Mabilis naman na ngumuso ito at lumapit sa kanilang ina. “Ma o, tingnan mo si Kuya. porque may girlfriend na siya ay inaaway na niya ako.” sumbong nito rito.Nilingon naman siya ni Greg. “huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng kapatid ko, medyo may saltik yata talaga yan e.” sabi nito.“Grabe ka na talaga sa akin Kuya.” napalabing sabi naman ni Kenna.Nilingon siya ng ina ni Greg. “pasensiya kana sa anak ko.” sabi nito.Agad niya naman itong nilingon. “Ate huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman po na nagbibiro lang siya. Tyaka magpahinga na lang po muna kayo para gumaling na kayo.” sabi niya rito.Mabilis naman itong tumango at ngumiti. “Sige.” sabi nito. Dahil doon ay binitawan na ni Annie ang kamay nito pagkatapos ay tumayo na. Dahil nga nasa
Pagkatapos nga nun ay niyaya muna siya nitong kumain. Nang matapos silang kumain ay hinatid niya si Annie at malapit na sila sa apartment ni Annie nang makatanggap si Greg ng tawag mula sa kapatid niya. Agad niya itong sinagot.“O ate, may problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Naihatid mo na ba si Annie?” tanong naman nito sa kaniya.“Malapit na.” sabi niya rito.“Sige at pagkahatid mo sa kaniya ay bumalik ka rito at may sasahin ako sayo.” sabi nito sa kaniya.Narinig naman ni Annie ang sinabi nito at dahil doon ay marunong naman siyang makiramdam kaya hinarap niya ito. “Greg, mukhang hinahanap ka na ng kapatid mo at pwede mo na akong ibaba rito since malapit na lang naman ang apartment ko rito.” sabi niya rito.“Ihahatid kita.” hindi mapakaling sabi sa kaniya ni Greg.“Ano ka ba, huwag kang mag-alala dahil safe naman ang village na ito at may security pang nakaduty bente kwatro oras at napaka-responsable nila kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi niya ulit rito.Isa pa ay malapit
Sa sandaling pumayag siya na magpulis si Greg ay nangangahulugan lang na siya na ang mamamahala sa lahat ng negosyo ng kanilang pamilya. Sa paglipas ng mga taon ay mag-isa lang niyang pinamahalaan ang mga iyon. Minsan, hindi na niya maharap pa ang mapagod dahil sa sobrang busy niya. Habang nakikita niyang masaya ang kanyang ina at kapatid niyang bunso ay nawawala ang lahat ng pagod niya at napapalitan ng saya. Pakiramdam niya, kahit na anong dumating na pagsubok sa buhay niya ay kayang-kaya niyang harapin.Matapos umiyak ay mas gumaan na ang loob ni Liliane. Agad niyang pinunasan ang akniyang mga mata at pagkatapos ay ngumiti. “Sa puso ko, ikaw pa rin ang nakababata kong kapatid na laging nangangailangan ng pagmamahal at proteksyon mula sa kanyang ate.” sabi niya rito. “At ganun pagdating sa mga magulang natin, tayo pa rin ang mga anak nila at ayaw nila tayong masaktan.” dagdag pa nitong sabi.“Ate–” sabi ni Greg ngunit mabilis siyang pinutol ng kanyang kapatid.“Okay huwag na muna na
Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lamang tumunog ang tiyan ni Lucas. Mabuti na lang at sanay na siya sa ugali nito. Ilang sandali pa ay muli na namang tumunog ang tiyan nito kaya mabilis niya itong nilingon. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi ako makakasabay sayo sa pagkain kaya kumain ka na lang mag-isa?” tanong niya rito.Mabilis naman itong ngumuso at pagkatapos ay sumagot. “Pero diba, sinabi ko rin na hihintayin kitang dumating.” sagot nito sa kaniya.Napabuntung-hininga na lamang si Annie. “Gusto mo bang ipagluto kita? Ano ba ang gusto mong kainin? Tanong niya na lamang rito.“Hindi na kailangan.” mabilis naman na sagot ni Lucas sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn nito ang kamay niya. “Kumain na lang tayo sa labas.” sabi nito.Mabilis naman na hinila ni Annie ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito kaya nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya. “May sugat ka pa sa katawan at hindi pa angkop sayo na maglakad-lakad sa labas kaya mas mabuti pang dito ka nalang k
“Anong sabi mo?” saglit na natigilan si Annie nang marinig niya ang sinabi ni Lucas sa kaniya. Ang kanyang antok ay biglang naglaho at nagising ang diwa niya bigla. Mabilis din na nag-init ang kanyang pisngi at galit na tumingin kay Lucas. “Bakit mo naman sana gagawin yun ha? Wala naman tayong relasyon bakit mo ako liliguin?” tanong niya rito. “Lucas anong tingin mo sa akin? Walang kamay? Kaya kong maligo mag-isa.” inis na sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay talagang napalitan ng galit ang nararamdaman niya dahil pakiramdam niya ay tila ba binastos siya nito dahil sa sinabi nito sa kaniya. Samantala, ang plano lang naman talaga ni Lucas ay asrin lang ito pero hindi niya inaasahan na magagalit pala ito dahil sa sinabi niya. Mabilis naman siyang humingi ng paumanhin rito dahil sa nasabi niya. “Annie, joke lang naman iyon. Masyado ka namang ano.” sabi niya rito.Mabilis nitong tinanggal ang pagkakahawak niya sa mukha nito at pagkatapos ay itinaas ang kumot at sinilip ang sarili sa i
Lingid naman sa kaalaman ni Annie ay hindi umalis si Lucas at nanatili sa labas ng apartment ni Annie. Nang sunduin siya ni Kian ay akala nito na hinihintay na siya nito dahil nasa labas na ito ngunit hindi niya inaasahan nang lapitan niya ito. Bigla itong napahawak sa dibdib nito at sobrang lungkot din ng mukha nito, ang mga mata nito ay punong-puno ng sakit. Agad na nilapitan ni Kian ito para alalayan sa pagsakay nito sa kotse. Ngunit hindi ito naglakad o ni humakbang kaya nilingon niya ito na punong-puno ng pagtataka.“Dito na lang muna ako kahit sandali pa.” sabi nito sa kaniya.“Sasamahan ko na kayo.” mabilis naman sagot ni Kian rito.Habang tumatagal sila ng amo niya doon ay biglang naintindihan ni Kian ang dahilan, marahil ang nag-away sila ni Miss Annie lalo na nang maalala niya ang lungkot sa pagmumukha nito kanina. Habang nasa labas sila pareho ay biglang umihip ang malamig na hangin. Dis-oras na ng gabi ng mga oras na iyon at ni hindi ito pumasok sa kotse kundi nakasandal l