“Anong sabi mo?” saglit na natigilan si Annie nang marinig niya ang sinabi ni Lucas sa kaniya. Ang kanyang antok ay biglang naglaho at nagising ang diwa niya bigla. Mabilis din na nag-init ang kanyang pisngi at galit na tumingin kay Lucas. “Bakit mo naman sana gagawin yun ha? Wala naman tayong relasyon bakit mo ako liliguin?” tanong niya rito. “Lucas anong tingin mo sa akin? Walang kamay? Kaya kong maligo mag-isa.” inis na sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay talagang napalitan ng galit ang nararamdaman niya dahil pakiramdam niya ay tila ba binastos siya nito dahil sa sinabi nito sa kaniya. Samantala, ang plano lang naman talaga ni Lucas ay asrin lang ito pero hindi niya inaasahan na magagalit pala ito dahil sa sinabi niya. Mabilis naman siyang humingi ng paumanhin rito dahil sa nasabi niya. “Annie, joke lang naman iyon. Masyado ka namang ano.” sabi niya rito.Mabilis nitong tinanggal ang pagkakahawak niya sa mukha nito at pagkatapos ay itinaas ang kumot at sinilip ang sarili sa i
Lingid naman sa kaalaman ni Annie ay hindi umalis si Lucas at nanatili sa labas ng apartment ni Annie. Nang sunduin siya ni Kian ay akala nito na hinihintay na siya nito dahil nasa labas na ito ngunit hindi niya inaasahan nang lapitan niya ito. Bigla itong napahawak sa dibdib nito at sobrang lungkot din ng mukha nito, ang mga mata nito ay punong-puno ng sakit. Agad na nilapitan ni Kian ito para alalayan sa pagsakay nito sa kotse. Ngunit hindi ito naglakad o ni humakbang kaya nilingon niya ito na punong-puno ng pagtataka.“Dito na lang muna ako kahit sandali pa.” sabi nito sa kaniya.“Sasamahan ko na kayo.” mabilis naman sagot ni Kian rito.Habang tumatagal sila ng amo niya doon ay biglang naintindihan ni Kian ang dahilan, marahil ang nag-away sila ni Miss Annie lalo na nang maalala niya ang lungkot sa pagmumukha nito kanina. Habang nasa labas sila pareho ay biglang umihip ang malamig na hangin. Dis-oras na ng gabi ng mga oras na iyon at ni hindi ito pumasok sa kotse kundi nakasandal l
Hindi niya inaasahan na sobra ang pagmamalasakit nito sa kaniya nang mga oras na iyon. Bigla siyang nakahinga ng maluwag. “Dr.Belle salamat po sa pag-aalala niyo pero okay lang naman po ako.” sabi niya rito dahil iyon naman ang totoo.Nang muli niyang maalala ang tungkol kay Dr.SAmaniego ay naglakas loob na siyang nagtanong rito. “Kaya po ako nagpunta rito dahil may gusto lang po akong itanong sa inyo. Okay lang po ba?” maingat na tanong niya rito.Nang marinig naman nito ang sinabi niya ay ibinaba nito ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “Sabihin mo, nahihirapan ka ba?” tanong nitong muli sa kaniya ngunit inabot niya lang ang report sheet ng sitwasyon ng ina ni Greg na inihanda niya kanina.Nang matapos itong basahin nito ay matagal itong natahimik bago nagsalita. “Kamag-anak mo ba ang pasyente?” tanong nito sa kaniya.“Siya po ay ina ng kaibigan ko at base po diyan sa report sheet, kamusta po ang kalagayan niya?” tanong niya rito.Mabilis itong napabuntung-hininga pagkatapos a
“Salamat po at sinabi niyo sa akin ang lahat ng ito sa akin. Naiintindihan ko po ang lahat ng ito.” sabi niya rito.Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kanyang balikat at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kaniya. “Annie kung may paraan ka para imbitahin si Dr.Samaniego para sa operasyon para sa ina ng kaibigan mo at aabangan namin iyong lahat at magiging masaya pag nagkataon dahil natitiyak ko na kapag nangyari iyon ay mas mababawasan panigurado ang pighating nararamdaman niya at buksan muli ang kanyang puso para sa panibagong buhay.” sabi nito sa kaniya.Naintindihan ni naman ni Annie ang sinabi nito sa kaniya. Alam niya na mahirap, pero wala namang mawawal kung susubukan. Pagkatapos nga nilang mga-usap ay nagpaalam na siya rito. Nang tanghali, sabay silang kumain ni Kendra at bigla niyang naitanong rito ang tungkol nga kay Dr.Samaniego.“Annie nabalitaan ko rin ang tungkol sa kaniya at ang alam ko ay mahirap talagang imbitahin siya ngayon.” napabuntung-hiningang sabi sa kaniya
Pagkatapos ng shift ni Annie ay agad siyang nagpalit nga kanyang damit. Agad siyang dumiretso kay Lucas pagkatapos. Pagdating niya sa silid nito ay naabutan niya itong nakabihis na at nagsisinop na rin ang mga ito ng mga gamit. Nagulat siya nang makita niya ang mga ito at mabilis na nagtanong. “Gumaling na ba ang mga sugat mo? Pwede ka na daw bang ma-discharge?” magkasunod na tanong ni Annie rito.“Medyo.” sagot naman nito pero sa tabi nito ay nakatayo doon si Kian kung saan ay nakasimangot ito sa kaniya. Napapikit na lamang si Kian. halos nanatili lang ito sa labas buong gabi kagabi at ni hindi ito kumain ng maayos maghapon kaya paano iyong naging okay? Samantala, hindi niya naman nagawang sabihin kay Miss Annie ang totoo dahil sinulyapan siya ng kanyang amo at sa mga mata nito ay binabantaan siya na huwag na huwag niyang ibubuka ang kanyang bibig. Ilang sandali pa nga ay bumaba na sila at sumakay sa kotse nito. Hindi nagatagal, napansin niya na ang tinatahak nilang daan ay nagiging
“Aasahan ko yan.” sabi nito kasabay ng pagtango. Ilang sandali pa nga ay biglang nilingon ni Lian si Annie. “Although wala na si lolo ay kami na ang magpaparamdam sa iyo ng turing ni lolo noon at kung may problema ka kay Lucas ya pwede mong sabihin sa akin o sa amin. Tutulungan ka namin.” sabi nito sa kaniya. Nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay tila hinaplos ang kanyang puso at rumaragasa sa kanyang dibdib ang kanyang emosyon. Gaano nga ba siya kaswerte sa mga biyenan niya? Hindi niya lubos akalain na magiging ganito kabait ang mga ito sa kaniya kahit na wala na ang kanilang lolo.“Okay po MA.” sagot niya sabay tango rito. Nang sabihin niya ang salita Ma ay parang nahulog siya sa malaking pagkakasala ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hiwalay naman na sila ni Lucas. Pero hindi pa nila ito ala kaya parang parte pa rin siya ng pamilya kung ituring ng mga ito.Habang mas tumatagal siya sa harapan ng mga ito ay bigla niyang naisip na hindi dapat silang magtago sa kanyan
Pagdating niya sa balkonahe ay huminga siya ng malalim. Ilang sandali pa ay dinukot niya ang sigarilyo mula sa kanyang bulsa at nagsindi. Nakailang buga siya bago kumalma ang nararamdaman niya. Mabuti na lang ay nakaalis na siya sa harap nito bago pa niya hindi mapigil ang sarili niya at baka kung ano na naman ang masabi niya kay Annie. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil bigla na lamang kumirot ang puso niya. Bigla niya tuloy naisip na siguro ay ito ng ang karma niya sa mga ibinigay niyang sakit kay Annie, ibinabalik lang nito sa kaniya ang lahat kaya wala siyang ibang sisihin ngayon kundi ang sarili niya.Samantala, nang umalis naman si Lucas ay agad na kinuha ni Annie ang damit na nakahanda na at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nahiga siya sa kama. Pinatay na niya ang mga ilaw at tanging ang lampshade na lamang sa tabi ng kama ang naiwang nakasindi. Ilang sandali pa ay bigla na lamang
Tahimik na tahimik ang gabi. Pero kahit na ganun ay pareho silang hindi makatulog. Makalipas ang sampung minuto nang hindi talaga siya makatulog ay ibinuka niya ang kaniya bibig at nagsalita. “Diba sinabi mo sa akin na tutulungan mo ako para maimbita sa ospital si Dr.Samaniego?” tanong niya rito. Alam niya kasi na hindi rin ito makatulog dahil naririnig niya ang paulit-ulit nitong pagbiling.“Oo.” sagot nito sa kanya at dahil nga sa tahimik ng paligid ay rinig na rinig niya ang sagot nito.Hindi napigilan ni Annie na umikot at sinilip ito habang nakadapa siya sa kama. “Kakilala mo ba si Dr.Samaniego?” tanong niya rito.“Hindi ko siya kilala personally pero ang alam ko ay si Mommy ang kakilala niya.” sagot ni Lucas sa kaniya. “Kaya nga dinala kita rito para maghapunan ngayon, bukas kausapin mo siya tungkol dito. Kailangan mo lang siyang pakiusapan at tiyak na tutulungan ka niya.” dagdag pa niyang sabi rito.“Ganun ba. Sige kakausapin ko siya bukas.” sabi niya rito. Matapos manahimik s