“Aasahan ko yan.” sabi nito kasabay ng pagtango. Ilang sandali pa nga ay biglang nilingon ni Lian si Annie. “Although wala na si lolo ay kami na ang magpaparamdam sa iyo ng turing ni lolo noon at kung may problema ka kay Lucas ya pwede mong sabihin sa akin o sa amin. Tutulungan ka namin.” sabi nito sa kaniya. Nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay tila hinaplos ang kanyang puso at rumaragasa sa kanyang dibdib ang kanyang emosyon. Gaano nga ba siya kaswerte sa mga biyenan niya? Hindi niya lubos akalain na magiging ganito kabait ang mga ito sa kaniya kahit na wala na ang kanilang lolo.“Okay po MA.” sagot niya sabay tango rito. Nang sabihin niya ang salita Ma ay parang nahulog siya sa malaking pagkakasala ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hiwalay naman na sila ni Lucas. Pero hindi pa nila ito ala kaya parang parte pa rin siya ng pamilya kung ituring ng mga ito.Habang mas tumatagal siya sa harapan ng mga ito ay bigla niyang naisip na hindi dapat silang magtago sa kanyan
Pagdating niya sa balkonahe ay huminga siya ng malalim. Ilang sandali pa ay dinukot niya ang sigarilyo mula sa kanyang bulsa at nagsindi. Nakailang buga siya bago kumalma ang nararamdaman niya. Mabuti na lang ay nakaalis na siya sa harap nito bago pa niya hindi mapigil ang sarili niya at baka kung ano na naman ang masabi niya kay Annie. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil bigla na lamang kumirot ang puso niya. Bigla niya tuloy naisip na siguro ay ito ng ang karma niya sa mga ibinigay niyang sakit kay Annie, ibinabalik lang nito sa kaniya ang lahat kaya wala siyang ibang sisihin ngayon kundi ang sarili niya.Samantala, nang umalis naman si Lucas ay agad na kinuha ni Annie ang damit na nakahanda na at nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nahiga siya sa kama. Pinatay na niya ang mga ilaw at tanging ang lampshade na lamang sa tabi ng kama ang naiwang nakasindi. Ilang sandali pa ay bigla na lamang
Tahimik na tahimik ang gabi. Pero kahit na ganun ay pareho silang hindi makatulog. Makalipas ang sampung minuto nang hindi talaga siya makatulog ay ibinuka niya ang kaniya bibig at nagsalita. “Diba sinabi mo sa akin na tutulungan mo ako para maimbita sa ospital si Dr.Samaniego?” tanong niya rito. Alam niya kasi na hindi rin ito makatulog dahil naririnig niya ang paulit-ulit nitong pagbiling.“Oo.” sagot nito sa kanya at dahil nga sa tahimik ng paligid ay rinig na rinig niya ang sagot nito.Hindi napigilan ni Annie na umikot at sinilip ito habang nakadapa siya sa kama. “Kakilala mo ba si Dr.Samaniego?” tanong niya rito.“Hindi ko siya kilala personally pero ang alam ko ay si Mommy ang kakilala niya.” sagot ni Lucas sa kaniya. “Kaya nga dinala kita rito para maghapunan ngayon, bukas kausapin mo siya tungkol dito. Kailangan mo lang siyang pakiusapan at tiyak na tutulungan ka niya.” dagdag pa niyang sabi rito.“Ganun ba. Sige kakausapin ko siya bukas.” sabi niya rito. Matapos manahimik s
Tumango si Lian sa kabilang linya at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Alam ni Papa na wala kang ibang gusto kundi ang makapasok sa ospital na yan at dahil nabanggit mo rin iyon sa kaniya pero sa huli, nakapasok ka hindi kay Papa dahil talagang magaling ka.” sabi niya rito.“Ma, salamat at sinabi niyo sa akin ang lahat ng ito.” sabi niya rito rito. Dahil sa kanyang narinig ay humigpit ang puso niya kaya wala siyang ibang masabi. Alam niya kung gaano siya kaswerte sa lolo niya dahil mahal na mahal siya nito. Mabilis na pinunasan ni Annie ang kanyang mga luha.Sa kabilang banda, alam naman ni Lian na umiiyak ito kaya wala na siyang ibang sinabi pa. Nang matapos namang punasan ni Annie ang kanyang mga luha ay muling nagsalita si Lian. “hindi sinabi sayo ni lolo dahil ayaw niyang mag-isip ka ng kung ano.” sabi nito. “Napakabait talaga ni Papa, hindi lang naman sayo kundi maging din sa akin. Isa pa ay walang ibang gusto si lolo nang mawala siya kundi ang maging maganda at masaya ang buha
Ilang segundo ang dumaan hanggang sa naging minuto bigla siyang napatingin sa kanyang cellphone at nang makitang hindi pa naman nito ibinababa ang tawag ay magtataka na sana siya, akala pa naman niya ay tuluyan na nga nitong pinatay iyon dahil wala na siyang naririnig pa na kahit na anumang ingay na nagmumula doon. Ilang sandali pa siya ay siya na ang nagsalita dahil hindi na niya ito mahintay pa. “Pasensiya ka na sa abala, kung ayaw mong makinig sa mga sasabihin ko ay ibababa ko na ang tawag.” sabi niya rito at ilalayo na sana ang cellphone mula sa kanyang tenga nang marinig niya ang tinig ni Lucas. “Sandali!” sabi nito. Muli niya namang ibinalik ang kanyang cellphone sa kanyang tenga. “Diba sabi mo ay gusto mo akong pasalamatan? Magkita tayo mamayang gabi at may pupuntahan tayo.” sabi ni Lucas sa kaniya. “Okay sige.” sagot niya kaagad rito at hindi na nag-isip pa at agad -agad na lang na pumayag. Dahil nga sa napakalaking utang na loob niya rito ay handa siyang samahan ito sa kung
“Pero sa tingin ko ay sulit naman ang ginawa ko.” sabi ni Lucas sa kaniya.Bigla namang namula ang mga mata ni Annie ng mga oras na iyon at halos hindi makapagsalita. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. “Pero huwag na nating pag-usapan yan. Masarap ang mga pagkain. Isa pa ay hindi ako masyadong nakakakain nitong mga nakaraang araw.” sabi ni Lucas sa kaniya.Hindi na lamang muli ibinuka ni Annie ang kanyang bibig upang magsalita at tahimik na kumain na lang kasama ito. Walang ibang maririnig na ingay sa pagitan nilang dalawa kundi ang mga kalansing lamang ng kutsara at tinidor.Halos lahat ng pagkain na inorder nito ay naubos nito. Sa buong pagkain nila ay pareho silang hindi nagsalita. Nang ibaba nito ang kutsara ay tinanong niya kaagad ito. “Busog ka na ba?” tanong niya rito at mabilis naman itong tumango.“Ngayon pa lang ako nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw.” sabi nito sa kaniya.“Mabuti naman.” sagot niya naman rito.Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang tiniti
Nang sagutin nito ang kanyang tawag ay agad siyang nagtanong rito. “Nasaan ka? Bakit wala ka naman pala sa likod ko, akala ko pa naman ay sumusunod ka sa akin.” sabi niya rito. “May gagawin lang ako sandali. Malamig. Pumunta ka na sa kung saan ang kotse, hinihintay ka na doon ni Kian.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay pinatay na nito ang tawag. Napatingin naman si Annie sa kanyang cellphone ng wala sa oras at pagkatapos ay biglang mapait na napangiti. Kung tama ang hula niya ay baka nakipag-usap na ito tungkol sa presyo ng damit na pangkasal. Hindi niya akalain na napaka-seryoso nito pagdating sa bagay na iyon, isa pa ay tiyak na magiging masaya ang magiging bride nito kapag nagkataon. Kung napagdesisyunan na nitong bumili ng pangkasal ay ibig sabihin ay may napili na itong mapangasawa. So bakit ito nakipagkita sa kanya ngayon? Para masaksihan niya ang kaligayahan nito sa kanyang mga mata at para mapahiya siya? Para ipamukha sa kaniya na kung ayaw mo ako
Nagkataon na Sabado ang araw ng pag-alala sa kanilang lolo kaya hindi na kailangan pa ni Annie na humingi ng leave. Wala kasi siyang pasok kapag weekends. Nang magising siya ng umaga ay agad siyang naligo at nagbihis. Nang matapos siyang makapagbihis ay eksakto namang biglang tumawag sa kaniya si Lucas. “Nandito na ako sa labas.” sabi nito sa kaniya. “Sige, lalabas na ako.” mabilis naman niyang sagot rito. Mabuti na lamang at maaga siyang nagising. Habang nakasakay sila sa kotseng dalawa ay pareho silang tahimik at walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nang tumigil ang sasakyan at handa na sana siyang bumaba mula rito nang magsalita si Lucas. Dinukot nito mula sa kanyang bulsa ang isang kahon kung saan nakalagay ang kanyang jade na bracelet na bigay ng lolo nito sa nanay niya. “Hindi pa alam ni Mommy at Daddy ang paghihiwalay natin at noong huli tayong nagpunta rito ay tila ba naghihinala na sila dahil hindi mo suot ito.” sabi nito sa kaniya. “Ang bracelet na ito ay galing mismo kay