Grabe ang haba pala nitong chap HAHAHAHA. sorry po diko na pinutol:)
“Pero sa tingin ko ay sulit naman ang ginawa ko.” sabi ni Lucas sa kaniya.Bigla namang namula ang mga mata ni Annie ng mga oras na iyon at halos hindi makapagsalita. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. “Pero huwag na nating pag-usapan yan. Masarap ang mga pagkain. Isa pa ay hindi ako masyadong nakakakain nitong mga nakaraang araw.” sabi ni Lucas sa kaniya.Hindi na lamang muli ibinuka ni Annie ang kanyang bibig upang magsalita at tahimik na kumain na lang kasama ito. Walang ibang maririnig na ingay sa pagitan nilang dalawa kundi ang mga kalansing lamang ng kutsara at tinidor.Halos lahat ng pagkain na inorder nito ay naubos nito. Sa buong pagkain nila ay pareho silang hindi nagsalita. Nang ibaba nito ang kutsara ay tinanong niya kaagad ito. “Busog ka na ba?” tanong niya rito at mabilis naman itong tumango.“Ngayon pa lang ako nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw.” sabi nito sa kaniya.“Mabuti naman.” sagot niya naman rito.Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang tiniti
Nang sagutin nito ang kanyang tawag ay agad siyang nagtanong rito. “Nasaan ka? Bakit wala ka naman pala sa likod ko, akala ko pa naman ay sumusunod ka sa akin.” sabi niya rito. “May gagawin lang ako sandali. Malamig. Pumunta ka na sa kung saan ang kotse, hinihintay ka na doon ni Kian.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay pinatay na nito ang tawag. Napatingin naman si Annie sa kanyang cellphone ng wala sa oras at pagkatapos ay biglang mapait na napangiti. Kung tama ang hula niya ay baka nakipag-usap na ito tungkol sa presyo ng damit na pangkasal. Hindi niya akalain na napaka-seryoso nito pagdating sa bagay na iyon, isa pa ay tiyak na magiging masaya ang magiging bride nito kapag nagkataon. Kung napagdesisyunan na nitong bumili ng pangkasal ay ibig sabihin ay may napili na itong mapangasawa. So bakit ito nakipagkita sa kanya ngayon? Para masaksihan niya ang kaligayahan nito sa kanyang mga mata at para mapahiya siya? Para ipamukha sa kaniya na kung ayaw mo ako
Nagkataon na Sabado ang araw ng pag-alala sa kanilang lolo kaya hindi na kailangan pa ni Annie na humingi ng leave. Wala kasi siyang pasok kapag weekends. Nang magising siya ng umaga ay agad siyang naligo at nagbihis. Nang matapos siyang makapagbihis ay eksakto namang biglang tumawag sa kaniya si Lucas. “Nandito na ako sa labas.” sabi nito sa kaniya. “Sige, lalabas na ako.” mabilis naman niyang sagot rito. Mabuti na lamang at maaga siyang nagising. Habang nakasakay sila sa kotseng dalawa ay pareho silang tahimik at walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nang tumigil ang sasakyan at handa na sana siyang bumaba mula rito nang magsalita si Lucas. Dinukot nito mula sa kanyang bulsa ang isang kahon kung saan nakalagay ang kanyang jade na bracelet na bigay ng lolo nito sa nanay niya. “Hindi pa alam ni Mommy at Daddy ang paghihiwalay natin at noong huli tayong nagpunta rito ay tila ba naghihinala na sila dahil hindi mo suot ito.” sabi nito sa kaniya. “Ang bracelet na ito ay galing mismo kay
Bago mag-umpisa ang tanghalian ay pumasok na rin sa wakas sa loob ng bahay sina Lian at Alejandro. Nang makita niya naman ang mga ito ay napahinga naman siya ng maluwag dahil rito. Agad na naghanap si Annie ng kanyang mauupuan upang kumain. Lumipas ang isang oras, ang mansyon ay medyo naging kaunti na lamang ang laman at dahil nga sa aga niyang gumising kanina at sa lamig sa sementeryo ay medyo sumakit ang ulo ni Annie at nagkaroon ng sipon kaya agad siyang nagtungo sa taas upang magpahinga. Ilang sandali pa ay nahiga siya sa kama at ipinikit na ang kanyang mga mata. Patulog na sana siya nang bigla na lamang lumubog ang katawan niya mula sa kama at nagulat siya. Malapit na nga siya sanang sumigaw buti at napigilan niya ang sarili niya. Nagmamadali siyang bumangon ngunit agad siyang binalot ng mga kamay ni Lucas at pagkatapos ay agad niyang naamoy ang alak sa katawan nito. “Lucas ano ba.” iniunat ni Annie ang kanyang mga kamay upang itulak ito ngunit hindi ito nagsalita. “Lucas. Gumisi
“Annie kung ako sayo, kung ayaw mong mapahiya sa harap ng lahat ay sumuko ka nalang at ibalik ang lahat ng kinuha mo sa kaniya.” sabi nito sa kaniya.“Talaga?” tanong niya rito at kawalan ng interes sa mga sinasabi nito. “Bakit naman sana ako mahihiya e ako ang pinakasalan ni Lucas?” sabi niya rito at tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. “Tungkol naman sa ate mong feelingera na mahilig mang-akit ng ibat-ibang lalaki at kumalat pa nga sa internet ang mga picture niya hindi ba? Isa siyang hayok sa lamang babae at marumi…” sabi niya rito.“Annie, ikaw…” galit na galit na sabi nito at halos mag-apoy na rin ang mga mata. “Bulag talaga si lolo nang piliin ka niyang maging asawa ni Kuya Lucas dahil mukha ka lang mahinhin pero nasa loob ang kulo mo!” nanggigigil na sbai nito sa kaniya. “Ngayon ang pag-alala sa kaniya pero anong ginawa mo? Natulog ka maghapon. Anong klase kang tao?”Si Cathy ay tagasunod ni Trisha at wala siyang pakialam doon ngunit nang banggitin nito ang lolo nila ay ibang
“Ate…” sabi ni Cathy mula sa kabilang linya at mukhang umiiyak ito. Hindi na siya nagulat dahil alam niya na tiyak na nagalit si Lucas kay Cathy nang makita pa lang siya nito.“Sinabi ko na sayo hindi ba? Ang Annie ngayon ay ibang-iba na sa Annie noon.” sabi niya rito. Hindi naman ito sumagot sa kaniya at suminghot singhot lang sa kabilang linya. “Cathy makinig ka sa akin…” sabi niya at inumpisahang sabihin rito ang lahat maging ang inilagay niyang gamot sa loob ng bag ni Cathy. Pagkaraan ng isa pang oras, natapos na ang piging at halos kakaunti na lang ang mga tao. Nag-utos si Cathy ng isang kasambahay na magpakulo ng isang soup para sa hang-over ni Lucas pero nang ibigay sa kaniya ito ay lihim niyang inilagay ang gamot doon. Matapos niyang mailagay iyon sa soup ay ngumiti siya at naglakad patungo kay Lucas.Nang lingunin siya nito ay agad itong napasimangot ngunit ngumiti lamang siya rito. “Kuya, pasensiya ka na pero nandito ako para humingi ng paumanhin sayo.” sabi niya rito.“Mar
Katatapos lang maligo ni Annie at halos kalalabas lang niya sa banyo nang marinig niya ang pagkatok sa pinto. Pinupunasan niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang tuwalya at napatingin sa pinto. “Sino yan?” nakakunot ang noong tanong no Annie.“Ako…” tinig iyon ni Lucas. Bakit ito kumakatok sa pinto niya?Ilang segundo ang lumipas hanggang sa naging minuto ngunit hindi binuksan ni Annie ang pinto. Ngunit kumatok pa rin si Lucas. “Annie papasukin mo ako.” sabi nito.“May problema ba?” tanong niya nang nakatitig lamang sa pinto.“Mukhang may lagnat ako, mainit ang buong katawan ko. Pwede mo ba akong tingnan?” sabi nito at nang marinig niya ang salitang lagnat ay hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan ang pinto. Ilang sandali pa ay pumasok ito at isinara ang pinto at bigla na lamang siya nitong niyakap.Itutulak sana niya ito nang bigla na lamang siyang mapahawak sa noo nito at doon nga niya naramdaman na napakainit nga talaga nito. Lumayo ng bahagya sa kaniya si Lucas kaya nagkatit
Hindi na nakapagpigil pa si Annie, agad niyang itinaas ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi at pagkatapos ay dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ang labi nito. Iginalaw niya ang kanyang mga labi upang halikan ito ngunit lumipas ang isang segundo, dalawa, tatlo, ngunit hindi ito tumugon sa halik niya bagkus ay itinutulak pa siya nito palayo.Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang magkabilang braso ni Annie at pagkatapos ay bahagyang inilayo ito sa kaniya. Sobrang sakit na ng puson niya ng mga oras na iyon at kanina pa tumitibok ang alaga niya sa totoo lang. “Annie ayaw kong masaktan ka. Umalis ka na…” sabi niya rito na punong-puno ng pagbabanta. Binibigyan niya ito ng last chance.Mabilis naman na ngumiti si Annie rito. “Baliw…” bulong niya at pagkatapos ay hinawakan ang pisngi nito. “Hindi mo pa ba napapansin? Hindi ako umalis…” bulong niya rito. “Lucas handa ako pero kung ayaw mo naman ay—” bago pa man natapos ni Annie ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang siyang hinila ni