Hindi na nakapagpigil pa si Annie, agad niyang itinaas ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi at pagkatapos ay dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ang labi nito. Iginalaw niya ang kanyang mga labi upang halikan ito ngunit lumipas ang isang segundo, dalawa, tatlo, ngunit hindi ito tumugon sa halik niya bagkus ay itinutulak pa siya nito palayo.Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang magkabilang braso ni Annie at pagkatapos ay bahagyang inilayo ito sa kaniya. Sobrang sakit na ng puson niya ng mga oras na iyon at kanina pa tumitibok ang alaga niya sa totoo lang. “Annie ayaw kong masaktan ka. Umalis ka na…” sabi niya rito na punong-puno ng pagbabanta. Binibigyan niya ito ng last chance.Mabilis naman na ngumiti si Annie rito. “Baliw…” bulong niya at pagkatapos ay hinawakan ang pisngi nito. “Hindi mo pa ba napapansin? Hindi ako umalis…” bulong niya rito. “Lucas handa ako pero kung ayaw mo naman ay—” bago pa man natapos ni Annie ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang siyang hinila ni
Nang magising si Annie ay sobrang sakit ng buong katawan niya. Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata ay bigla na lamang niyang naalala ang nangyari kagabi at nagpanic siya kaagad dahil rito. Hindi niya naiwasang mapahilamos sa kanyang mukha. Bagamat dalawang taon silang nagsama ni Lucas ay hindi katulad ng kagabi ang mga nakaraang pagnini*g nila. Ibang-iba ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Paano niya ngayon ito haharapin?Napakagat labi siya, bago pa man ito magising ay dapat na siyang makaalis sa tabi nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa kaniya at pagkatapos ay dahan-dahang bumango ay ibinaba niya ang paa sa sahig ngunit nang tumama ang paa niya sa may sahig ay bigla na lamang may bumalot na mga kamay sa beywang niya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang inaantok pang tinig nito. “Saan ka pupunta?” mahinang tanong nito sa kaniya.“Wa-wala akong pupuntahan, gusto ko lang bumangon dahil umaga na.” sagot niya na sobrang bilis ang tibok ng puso niya.“Ang ag
Nang magising silang muli ay sabay silang bumaba. Pagkababa pa lang nila ay agad na silang sinalubong ni Cathy at mabilis na lumuhod sa harap niya. “Kuya patwarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Inutusan lang ako ni ate Trisha na gawin iyon. Please Kuya, patawarin mo ako…” sabi nito sa kaniya.Kagabi pa lang ay nag-iisip na si Cathy kung paano siya hihingi ng tawad kay Lucas. Ang gamot na iyon ay siya ang naglagay sa soup nito. Alam niya na sa isip ni Lucas ay siya ang may pakana nun at pagdating naman kay Trisha ay alam niya na hindi nito aaminin na inutusan lang siya nito.Makasarili ito at walang ibang alam na protektahan kundi ang sarili lamang. Bago pa man mahuli ang lahat ay kailangan na niyang aminin ang kasalanang ginawa niya at ang lumuhod sa harap nito ang tanging paraan na magagawa niya at sa isip-isip niya ay baka kapag inamin niya ito ay patawarin pa rin siya nito kahit na papano.“Si Trisha?” malamig na tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang tumango. “Oo Kuya, inutusan niya
Iniwan nila ang dalawa at patuloy na nagsabunutan. Kung kanina ay hindi lumalaban si Trisha, ngayon ay nilabanan na niya si Cathy. Ilang sandali pa ay malakas na sumigaw si Trisha at nanghihingi ng tulong kay Lucas. Hindi na nakatiis pa ang ilang tauhan ni Lucas at bumaba upang iulat ang nangyayari sa mga ito.“Sir kailangan na po ba naming makialam?” tanong nito kay Lucas nang makababa ito. Nagpunas naman ng bibig si Lucas bago sumagot. “Hayaan mo lang silang mag-away hanggang gusto nila.” sagot niya rito. Bagay lang ang mag-away ang mga ito, isa pa ay tama lang iyon dahil nagsabwatan ang mga ito na i-trap siya. Hindi nagtagal ay bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na lagabog mula sa pangalawang palapag.Ilang sandali pa ay humahangos ang tauhan niya at nagmamadaling nagsumbong ng nangyayari. “Sir nahulog silang dalawa sa hagdan at may dugo ang ulo nila. Gusto niyo po ba silang puntahan?” tanong muli nito sa kaniya.Ngunit sa halip na sumagot ay tila ba walang narinig si Luc
“Hija, pasensiya ka na kung naistorbo kita.” sabi nito. Ang babaeng nasa harap niya ay isang taong kagagalang-galang at nakasuot ito ng damit na mas lalo pang nagpa-elegante rito. “Kung may ginagawa ka ay huwag kang mag-alala, maghihintay na lang ako sa labas.” dagdag nitong sabi habang nakangiti.Nang marinig niya iyon ay bigla siyang napabuntung-hininga. Isa pa ay nagtataka siya kung bakit siya nito hinahanap.“Alam po ba ni Reid na nagpunta kayo rito?” tanong niya rito. Oo, ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Veron Villafuente, ang ina ni Reid.Mabilis naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay sumagot. “Hindi niya alam.” sagot nito sa kaniya.“Gusto niyo bang sabihin ko kay Reid?” tanong niyang muli.“Hindi na kailangan. Ako na mismo ang magsasabi sa kaniya at malalaman niya rin naman ito kahit na papano.” sagot nito sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay hindi nakagalaw si Annie. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig at napahiya s
“Tara.” sabi nito sa kaniya.“Huh?” gulat naman na tanong ni Annie rito.“Simula nang dumating si Mommy rito ay hindi na siya tumigil para makita ka. Sasamahan kita.” sabi nito sa kaniya.“Mabuti pa nga.” sabi niya nama at pagkatapos ay tumango. Nauna nang naglakad si Reid at sumunod lang siya rito. Sa huli ay sa opisina sila ni Reid nagpunta upang doon mag-usap.“Mommy naman, bakit naman hindi mo man lang sinabi na dumating ka na pala. Masyado ka naman, pagdating mo pa lang ay hinanap mo na kaagad si Doc.Annie. Natakot tuloy ang siya sayo.” sabi ni Reid at pagkatapos ay inilapag sa harap nito ang kape na tinimpla nito.Ilang sandali pa nga ay pinulot nito ang tasa at tumingin sa kaniya. “Doctor Annie, pasensya ka na. Sa susunod na lang ako makikipag-usap sayo.” sabi nito sa kaniya.“Naku, huwag niyo pong intindihin ang sinabi ni Sir. okay lang po ako.” sabi niya rito. Hindi nagtagal ay inilapag na rin ni Reid ang kape sa harap niya. Nagpasalamat naman siya kaagad rito. Ilang sandali
Nang makita ang pagtanggi niya ay muling nagsalita si Reid. “pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko Annie.” sabi nito sa kaniya. “Kahit na pagpapanggap lang iyon ay magkakaroon ka ng maraming privileges kung papayag ka sa alok ko.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.“So, ginagamit mo ba ang mga pribelehiyong iyon para mapaoayag mo ako?” balik niyang tanong rito.“Sabihin na nating oo, kaya gusto mo bang pag-isipan ulit ang desisyon mo?” tanong nito sa kaniya ulit.Mabilis na umiling si Annie. Matibay pa rin ang kanyang isip. “Hindi.” sagot niya rito. “Alam mo Reid, non pa man ay hinahangann na kita dahil sa mura mong edad ay napakataas na kaagad ng nakamit mong posisyon rito sa ospital, pero kung gagamitin mo ang posisyon mo para mapapayag ako sa ilang mga bagay ay pasensya ka na lang, gusto kong paghirapan ang mga bagay na gusto ko at hindi makuha ng madalian.” dagdag niyang sabi rito. Kailangan niyang sabihin ang lahat ng iyon dahil iyon ang nararamdaman niya.Matapos naman nitong pak
Pagkasakay nila ng elevator ay agad na inilabas ni Annie ang kanyang cellphone at agad na nagpadala ng mensahe kay Greg na sa mga oras na iyon ay aksidente silang nagkita ng bunso niyang kapatid at ngayon ay hinahatak na siya nito papunta sa ina nila. Nang matapos niyang ipadala ang mensahe ay muli niyang ibinalik ang kaniynag cellphone sa kanyang bulsa. Nang malapit na sila sa silid nito ay malakas na ang tibok ng puso niya at kinakabahan na siya.Unang pumasok sa loob ng silid si Kenna. Mabilis itong dumiretso sa tabi ng ina at hinawakan ang kamay nito. “Mommy, look. Tingnan mo kung sino ang kasama ko.” sabi niya rito.“Sino? Si Kuya mo o ang ate mo Liliane?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ah. Wala sa nabanggit mo. hulaan mo pa.” sabi nito.Ilang pangalan pa ang binanggit ni Kenna ngunit mali pa rin ang hula ng ina nito. Hindi nagtagal ay kumatok na si Annie sa may pinto at pumasok sa loob. Nang makita siya nito ay agad na nagliwanag ang mga mata ni Beth at tila ba nagkaroon ng sigla