Iniwan nila ang dalawa at patuloy na nagsabunutan. Kung kanina ay hindi lumalaban si Trisha, ngayon ay nilabanan na niya si Cathy. Ilang sandali pa ay malakas na sumigaw si Trisha at nanghihingi ng tulong kay Lucas. Hindi na nakatiis pa ang ilang tauhan ni Lucas at bumaba upang iulat ang nangyayari sa mga ito.“Sir kailangan na po ba naming makialam?” tanong nito kay Lucas nang makababa ito. Nagpunas naman ng bibig si Lucas bago sumagot. “Hayaan mo lang silang mag-away hanggang gusto nila.” sagot niya rito. Bagay lang ang mag-away ang mga ito, isa pa ay tama lang iyon dahil nagsabwatan ang mga ito na i-trap siya. Hindi nagtagal ay bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na lagabog mula sa pangalawang palapag.Ilang sandali pa ay humahangos ang tauhan niya at nagmamadaling nagsumbong ng nangyayari. “Sir nahulog silang dalawa sa hagdan at may dugo ang ulo nila. Gusto niyo po ba silang puntahan?” tanong muli nito sa kaniya.Ngunit sa halip na sumagot ay tila ba walang narinig si Luc
“Hija, pasensiya ka na kung naistorbo kita.” sabi nito. Ang babaeng nasa harap niya ay isang taong kagagalang-galang at nakasuot ito ng damit na mas lalo pang nagpa-elegante rito. “Kung may ginagawa ka ay huwag kang mag-alala, maghihintay na lang ako sa labas.” dagdag nitong sabi habang nakangiti.Nang marinig niya iyon ay bigla siyang napabuntung-hininga. Isa pa ay nagtataka siya kung bakit siya nito hinahanap.“Alam po ba ni Reid na nagpunta kayo rito?” tanong niya rito. Oo, ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Veron Villafuente, ang ina ni Reid.Mabilis naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay sumagot. “Hindi niya alam.” sagot nito sa kaniya.“Gusto niyo bang sabihin ko kay Reid?” tanong niyang muli.“Hindi na kailangan. Ako na mismo ang magsasabi sa kaniya at malalaman niya rin naman ito kahit na papano.” sagot nito sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay hindi nakagalaw si Annie. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig at napahiya s
“Tara.” sabi nito sa kaniya.“Huh?” gulat naman na tanong ni Annie rito.“Simula nang dumating si Mommy rito ay hindi na siya tumigil para makita ka. Sasamahan kita.” sabi nito sa kaniya.“Mabuti pa nga.” sabi niya nama at pagkatapos ay tumango. Nauna nang naglakad si Reid at sumunod lang siya rito. Sa huli ay sa opisina sila ni Reid nagpunta upang doon mag-usap.“Mommy naman, bakit naman hindi mo man lang sinabi na dumating ka na pala. Masyado ka naman, pagdating mo pa lang ay hinanap mo na kaagad si Doc.Annie. Natakot tuloy ang siya sayo.” sabi ni Reid at pagkatapos ay inilapag sa harap nito ang kape na tinimpla nito.Ilang sandali pa nga ay pinulot nito ang tasa at tumingin sa kaniya. “Doctor Annie, pasensya ka na. Sa susunod na lang ako makikipag-usap sayo.” sabi nito sa kaniya.“Naku, huwag niyo pong intindihin ang sinabi ni Sir. okay lang po ako.” sabi niya rito. Hindi nagtagal ay inilapag na rin ni Reid ang kape sa harap niya. Nagpasalamat naman siya kaagad rito. Ilang sandali
Nang makita ang pagtanggi niya ay muling nagsalita si Reid. “pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko Annie.” sabi nito sa kaniya. “Kahit na pagpapanggap lang iyon ay magkakaroon ka ng maraming privileges kung papayag ka sa alok ko.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.“So, ginagamit mo ba ang mga pribelehiyong iyon para mapaoayag mo ako?” balik niyang tanong rito.“Sabihin na nating oo, kaya gusto mo bang pag-isipan ulit ang desisyon mo?” tanong nito sa kaniya ulit.Mabilis na umiling si Annie. Matibay pa rin ang kanyang isip. “Hindi.” sagot niya rito. “Alam mo Reid, non pa man ay hinahangann na kita dahil sa mura mong edad ay napakataas na kaagad ng nakamit mong posisyon rito sa ospital, pero kung gagamitin mo ang posisyon mo para mapapayag ako sa ilang mga bagay ay pasensya ka na lang, gusto kong paghirapan ang mga bagay na gusto ko at hindi makuha ng madalian.” dagdag niyang sabi rito. Kailangan niyang sabihin ang lahat ng iyon dahil iyon ang nararamdaman niya.Matapos naman nitong pak
Pagkasakay nila ng elevator ay agad na inilabas ni Annie ang kanyang cellphone at agad na nagpadala ng mensahe kay Greg na sa mga oras na iyon ay aksidente silang nagkita ng bunso niyang kapatid at ngayon ay hinahatak na siya nito papunta sa ina nila. Nang matapos niyang ipadala ang mensahe ay muli niyang ibinalik ang kaniynag cellphone sa kanyang bulsa. Nang malapit na sila sa silid nito ay malakas na ang tibok ng puso niya at kinakabahan na siya.Unang pumasok sa loob ng silid si Kenna. Mabilis itong dumiretso sa tabi ng ina at hinawakan ang kamay nito. “Mommy, look. Tingnan mo kung sino ang kasama ko.” sabi niya rito.“Sino? Si Kuya mo o ang ate mo Liliane?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ah. Wala sa nabanggit mo. hulaan mo pa.” sabi nito.Ilang pangalan pa ang binanggit ni Kenna ngunit mali pa rin ang hula ng ina nito. Hindi nagtagal ay kumatok na si Annie sa may pinto at pumasok sa loob. Nang makita siya nito ay agad na nagliwanag ang mga mata ni Beth at tila ba nagkaroon ng sigla
Sa loob ng silid ay napatingin si Beth kay Kenna. “Bakit naman hindi mo siya inihatid? Kung narito lang ang kapatid mo ay tiyak na ihahatid niya siya.” sabi nito sa anak.“Ito na nga Ma, pupunta na ako, pero alam mo Ma naiinggit naman ako sa pagtrato mo sa kaniya.” nakangusong sabi nito sa ina.“Ano ka ba, kung pakakasalan siya ng kapatid mo pagdating ng araw ay magiging kapamilya natin siya at isa pa ay wala na siyang mga magulang kaya tama lang iyon.” sagot naman nito rito.“Oo nga ano, o siya Mommy aalis na muna ako para habulin siya at ihatid.” sabi nito at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid.Pagliko ni Annie sa isang kanto, patungo sana sa elevator ay isang matangkad na pigura ang bigla na lamang lumitaw sa kanyang harapan. Kasunod nito ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang pulso. Nang tingalain niya ito ay agad niyang nakita si Lucas at bahagya siyang nagulat dahil doon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya kaagad rito.Ilang sandali pa ay mabilis siya niton
Hindi nagsalita si Annie at tahimik lang siyang nakatayo doon. Alam niya na kahit sino sigurong makakakita ng eksenang iyon ay magiging ganuon ang reaksiyon lalo pa at ang akala nga nito ay girlfriend nga siya ng kapatid nito. Baka kahit na siguro siya ang nasa ganuong sitwasyon ay magagalit siya kung sakali. Nagpadala na siya ng message kanina kay Greg at dapat sa mga oras na iyon ay naroon na ito dapat.Si Kenna ay kapatid ni Greg na bunso at naisip niya na siguro ay siya na lang ang magsasabi rito ng tungkol sa totoong relasyon nila ng kapatid nito. Pero hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa kaniya o hindi.Nang makita ni Kenna na nakatayo lamang doon at hindi nagsasalita ay mas lalo pang nagalit si Kenna. Naglakad siya at lumapit pa rito at pagkatapos ay malakas na nagtanong. “Sabihin mo! Magsalita ka! Bakit? Dahil ba sobrang hiyang hiya ka sa ginawa mo huh?!” sigaw niya rito.“O ganyan talaga kakapal ang mukha mo kaya ayaw mong magapaliwanag?”Lumunok si Annie at napatitig s
Dinala ni Lucas si Annie sa isang banda ng ospital na wala gaanong dumaan at may mga upuan sa may corridor. Pinaupo niya ito doon si Annie at doon niya lang napansin na namumula pala ang mga mata nito. “Umiiyak ka ba?” tanong niya kaagad rito at hinawakan ang mukha nito at nagtanong.Hindi naman sumagot si Annie sa tanong nito sa kaniya. Bagamat naiintindihan niya na ganun talaga ang reaksiyon ni Kenna ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan sa mga sinabi nito sa kaniya kanina. Ang orihinal na intensiyon niya lang naman talaga ay ang tulungan si Greg bilang isang kaibigan at hindi niya akalain na aabot sila sa ganuong sitwasyon kung saan ay parang siya pa ang lumalabas na masama.Nang hindi nagsalita si Annie ay alam ni Lucas na masama pa rin ang mood ni Annie at marahil ay nalulungkot pa rin ito sa nangyari. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang pisngi nito at hinaplos. “Kung gusto mong umiyak ay umiyak ka lang. Sandal ka sa akin.” mahinang bulong nito at dahil sa sinabi nito