Sa loob ng silid ay napatingin si Beth kay Kenna. “Bakit naman hindi mo siya inihatid? Kung narito lang ang kapatid mo ay tiyak na ihahatid niya siya.” sabi nito sa anak.“Ito na nga Ma, pupunta na ako, pero alam mo Ma naiinggit naman ako sa pagtrato mo sa kaniya.” nakangusong sabi nito sa ina.“Ano ka ba, kung pakakasalan siya ng kapatid mo pagdating ng araw ay magiging kapamilya natin siya at isa pa ay wala na siyang mga magulang kaya tama lang iyon.” sagot naman nito rito.“Oo nga ano, o siya Mommy aalis na muna ako para habulin siya at ihatid.” sabi nito at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid.Pagliko ni Annie sa isang kanto, patungo sana sa elevator ay isang matangkad na pigura ang bigla na lamang lumitaw sa kanyang harapan. Kasunod nito ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang pulso. Nang tingalain niya ito ay agad niyang nakita si Lucas at bahagya siyang nagulat dahil doon. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya kaagad rito.Ilang sandali pa ay mabilis siya niton
Hindi nagsalita si Annie at tahimik lang siyang nakatayo doon. Alam niya na kahit sino sigurong makakakita ng eksenang iyon ay magiging ganuon ang reaksiyon lalo pa at ang akala nga nito ay girlfriend nga siya ng kapatid nito. Baka kahit na siguro siya ang nasa ganuong sitwasyon ay magagalit siya kung sakali. Nagpadala na siya ng message kanina kay Greg at dapat sa mga oras na iyon ay naroon na ito dapat.Si Kenna ay kapatid ni Greg na bunso at naisip niya na siguro ay siya na lang ang magsasabi rito ng tungkol sa totoong relasyon nila ng kapatid nito. Pero hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa kaniya o hindi.Nang makita ni Kenna na nakatayo lamang doon at hindi nagsasalita ay mas lalo pang nagalit si Kenna. Naglakad siya at lumapit pa rito at pagkatapos ay malakas na nagtanong. “Sabihin mo! Magsalita ka! Bakit? Dahil ba sobrang hiyang hiya ka sa ginawa mo huh?!” sigaw niya rito.“O ganyan talaga kakapal ang mukha mo kaya ayaw mong magapaliwanag?”Lumunok si Annie at napatitig s
Dinala ni Lucas si Annie sa isang banda ng ospital na wala gaanong dumaan at may mga upuan sa may corridor. Pinaupo niya ito doon si Annie at doon niya lang napansin na namumula pala ang mga mata nito. “Umiiyak ka ba?” tanong niya kaagad rito at hinawakan ang mukha nito at nagtanong.Hindi naman sumagot si Annie sa tanong nito sa kaniya. Bagamat naiintindihan niya na ganun talaga ang reaksiyon ni Kenna ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan sa mga sinabi nito sa kaniya kanina. Ang orihinal na intensiyon niya lang naman talaga ay ang tulungan si Greg bilang isang kaibigan at hindi niya akalain na aabot sila sa ganuong sitwasyon kung saan ay parang siya pa ang lumalabas na masama.Nang hindi nagsalita si Annie ay alam ni Lucas na masama pa rin ang mood ni Annie at marahil ay nalulungkot pa rin ito sa nangyari. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang pisngi nito at hinaplos. “Kung gusto mong umiyak ay umiyak ka lang. Sandal ka sa akin.” mahinang bulong nito at dahil sa sinabi nito
Sa kabilang banda naman ay tiningnan ni Kenna si Greg at hindi makapaniwala. Magkahalong lungkot at inis ang nasa mga mata niya. “Kuya bakit mo naman sila pinaalis ng basta-basta? Si Annie at ang lalaking iyon…” biglang gumaralgal ang tinig niya at hindi na maituloy pa ang kanyang sasabihin isa pa ay takot siyang masaktan ang kapatid niya.“Huwag mo ng sabihin pa.” sabi nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon ay magpapaliwanag na sana si Greg sa kanyang kapatid ngunit naisip ni Kenna na mukhang may plano pang ipagtanggol nito ang babaeng iyon kaya mabilis siyang nagsalita. “Kuya kung nakita mo lang kung ano ang ginawa niya! Nakakasuka siya! Pero mukhang ipagtatanggol mo pa siya? Kuya gumising ka. Hindi ka niya mahal ay siyang isang malanding—” bago pa man siya matapos sa kanyang sinasabi ay hindi na napigilan pa ni Greg at nilingon ito.Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “Enough. Manahimik ka na!” mariing sabi nito sa kaniya.Dahil sa pagtaas ng kanyang boses ay agad na n
Eksaktong pumasok naman si Liliane sa loob ng silid ay na narinig ni Liliane ang alarm button. Agad siyang natakot at nagmamadaling lumapit sa kanyang ina at halos matapilok pa siya dahil sa nakasuot niya ng high heels ng mga oras na iyon.“Mommy anong problema?” tanong niya sa kanyang ina at agad na ibinato sa kung saan ang kanyang hawak na bag. Balisa siya nang makita niya ang kanyang ina na napakaputla ng mukha at halatang nahihirapan sa paghinga. Karaniwan siyang kalmado, ngunit ng mga oras na iyon ay puno ng pawis ang kanyang mga kamay at kabadong-kabado habang nakatingin sa kanyang ina.Sa kabutinghang palad ay mga doktor na dumating at sinuri kaagad ito. Pagkatapos ay kinabitan itong ng oxygen at pagkalipas lamang ng ilang minuto ay naging normal din naman ang paghinga nito at bumalik din sa normal ang tibok ng puso nito.“Ma, sabi ng doktor ay bumalik na raw sa normal ang tibok ng puso ninyo. Anong nararamdaman niyo ngayon? Masakit pa ba ang dibdib niyo?” yumuko si Liliane rit
“Alam ba ng kapatid mo ang tungkol sa lahat ng iyon?” tanong nitong muli sa kaniya.Mabilis siyang tumango rito. “Hay, kawawa naman pala ang kapatid mo…” sabi nito at napabuntung-hininga. “Maganda siya at mabait sa totoo lang. May pinag-aralan din siya. Sayang nga lang.” dagdag pa nito.Gulat namang napatingin si Liliane sa kanyang ina. “Ma, okay lang ba sa iyo kung sakaling magpakasal sila?” tanong niya sa kanyang ina na may halong pagkagulat.“May magagawa pa ba ako kung sakali? Isa pa ay hindi na iyon mahalaga pa kung may dati na siyang asawa ang importante ay gusto siya at tanggap ng kapatid mo. hindi mo ba nakikita ang kanyang mga mata kapag nakatingin siya kay Annie? Punong-puno ng pagmamahal ang bawat titig niya.” sabi nito.Mabilis naman siyang tumango. “Nakita ko nga rin iyon kaya nung nalaman ko na kinausap niya si Annie para magpanggap na girlfriend niya ay hindi na ako nagprotesta pa.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay naalala niyang tanungin rito kung paano niya pala na
Sa baba, agad na nakita nina Kenna at Greg si Annie at agad nila itong nilapitan. “Ate Annie pasensya ka na. Hindi ko dapat sinabi ang mga salitang iyon sayo kaya humihingi ako ng paumanhin.” sabi kaagad ni Kenna rito. “At isa pa ay salamat sa pagtulong mo sa mommy ko na imbitahan si Dr.Samaniego.” dagdag pa nito at pagkatapos ay yumuko siya.Agad naman na hinawakan ni Annie ang balikat nito at pinatayo siya ng maayos. “Okay ano ka ba.” sabi niya kaagad rito. Ilang sandali pa ay nag-angat ng ulo si Kenna at tumingin sa kaniya.“Ibig bang sabihin ay hindi ka galit sa akin?” tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang umiling at ngumiti rito. “Hindi ano ka ba. Hayaan mo na iyon at huwag mo ng alalahanin pa.” dagdag pa niyang sabi rito.“Okay, so pwede ba akong magtanong?” biglang sabi nito sa kaniya at saglit siyang natigilan bago tumango rito. Agad itong lumapit sa kaniya at pagkatapos ay hinila siya nito sa isang sulok. “Uhm…” nag-alangan ng ilang segundo si Kenna na magtanong sa kaniya. “M
Matapos ang magpaka-busy ang dalawa ay sa wakas ay nagkaroon sila ng oras para makapagpahinga. Nag-aalangan na magtanong si Kendra rito ngunit sa huli ay tinanong niya pa rin ito. “Annie, yung dalawang kausap mo, kilala mo ba ang mga iyon?” tanong niya rito.“Ah, oo. Kaibigan ko sila. Bakit?” tanong naman ni Annie sa kaniya.“Ngayon ko lang kasi sila nakita, tyaka tinulungan niya kasi ako kanina e. Gusto ko sanang malaman kung ano ang pangalan niya.” sabi niya rito.“Ah siya ba?” nakangiting tanong ni Annie naman kay Kendra. “Ang pangalan niya ay GReg Marasigan.” sagot niya rito.“Greg Marasigan…” bulong niya. Greg pala ang pangalan nito. Nang matapos ang shift ni Annie ay agad siyang lumabas ng ospital. Paglabas niya ay agad niyang nakita sa labas ng gate ang kotse ni Lucas. Ilang sandali pa, malayo pa lang siya ay nakita na siya nito marahil kaya dali-dali itong lumabas mula sa sasakyan.Sinalubong siya nito nang may ngiti sa mga labi. Agad naman siyang napakunot ng noo dahil sa pag