“Ate…” sabi ni Cathy mula sa kabilang linya at mukhang umiiyak ito. Hindi na siya nagulat dahil alam niya na tiyak na nagalit si Lucas kay Cathy nang makita pa lang siya nito.“Sinabi ko na sayo hindi ba? Ang Annie ngayon ay ibang-iba na sa Annie noon.” sabi niya rito. Hindi naman ito sumagot sa kaniya at suminghot singhot lang sa kabilang linya. “Cathy makinig ka sa akin…” sabi niya at inumpisahang sabihin rito ang lahat maging ang inilagay niyang gamot sa loob ng bag ni Cathy. Pagkaraan ng isa pang oras, natapos na ang piging at halos kakaunti na lang ang mga tao. Nag-utos si Cathy ng isang kasambahay na magpakulo ng isang soup para sa hang-over ni Lucas pero nang ibigay sa kaniya ito ay lihim niyang inilagay ang gamot doon. Matapos niyang mailagay iyon sa soup ay ngumiti siya at naglakad patungo kay Lucas.Nang lingunin siya nito ay agad itong napasimangot ngunit ngumiti lamang siya rito. “Kuya, pasensiya ka na pero nandito ako para humingi ng paumanhin sayo.” sabi niya rito.“Mar
Katatapos lang maligo ni Annie at halos kalalabas lang niya sa banyo nang marinig niya ang pagkatok sa pinto. Pinupunasan niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang tuwalya at napatingin sa pinto. “Sino yan?” nakakunot ang noong tanong no Annie.“Ako…” tinig iyon ni Lucas. Bakit ito kumakatok sa pinto niya?Ilang segundo ang lumipas hanggang sa naging minuto ngunit hindi binuksan ni Annie ang pinto. Ngunit kumatok pa rin si Lucas. “Annie papasukin mo ako.” sabi nito.“May problema ba?” tanong niya nang nakatitig lamang sa pinto.“Mukhang may lagnat ako, mainit ang buong katawan ko. Pwede mo ba akong tingnan?” sabi nito at nang marinig niya ang salitang lagnat ay hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan ang pinto. Ilang sandali pa ay pumasok ito at isinara ang pinto at bigla na lamang siya nitong niyakap.Itutulak sana niya ito nang bigla na lamang siyang mapahawak sa noo nito at doon nga niya naramdaman na napakainit nga talaga nito. Lumayo ng bahagya sa kaniya si Lucas kaya nagkatit
Hindi na nakapagpigil pa si Annie, agad niyang itinaas ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi at pagkatapos ay dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ang labi nito. Iginalaw niya ang kanyang mga labi upang halikan ito ngunit lumipas ang isang segundo, dalawa, tatlo, ngunit hindi ito tumugon sa halik niya bagkus ay itinutulak pa siya nito palayo.Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang magkabilang braso ni Annie at pagkatapos ay bahagyang inilayo ito sa kaniya. Sobrang sakit na ng puson niya ng mga oras na iyon at kanina pa tumitibok ang alaga niya sa totoo lang. “Annie ayaw kong masaktan ka. Umalis ka na…” sabi niya rito na punong-puno ng pagbabanta. Binibigyan niya ito ng last chance.Mabilis naman na ngumiti si Annie rito. “Baliw…” bulong niya at pagkatapos ay hinawakan ang pisngi nito. “Hindi mo pa ba napapansin? Hindi ako umalis…” bulong niya rito. “Lucas handa ako pero kung ayaw mo naman ay—” bago pa man natapos ni Annie ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang siyang hinila ni
Nang magising si Annie ay sobrang sakit ng buong katawan niya. Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata ay bigla na lamang niyang naalala ang nangyari kagabi at nagpanic siya kaagad dahil rito. Hindi niya naiwasang mapahilamos sa kanyang mukha. Bagamat dalawang taon silang nagsama ni Lucas ay hindi katulad ng kagabi ang mga nakaraang pagnini*g nila. Ibang-iba ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Paano niya ngayon ito haharapin?Napakagat labi siya, bago pa man ito magising ay dapat na siyang makaalis sa tabi nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakayakap sa kaniya at pagkatapos ay dahan-dahang bumango ay ibinaba niya ang paa sa sahig ngunit nang tumama ang paa niya sa may sahig ay bigla na lamang may bumalot na mga kamay sa beywang niya.Ilang sandali pa ay narinig niya ang inaantok pang tinig nito. “Saan ka pupunta?” mahinang tanong nito sa kaniya.“Wa-wala akong pupuntahan, gusto ko lang bumangon dahil umaga na.” sagot niya na sobrang bilis ang tibok ng puso niya.“Ang ag
Nang magising silang muli ay sabay silang bumaba. Pagkababa pa lang nila ay agad na silang sinalubong ni Cathy at mabilis na lumuhod sa harap niya. “Kuya patwarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Inutusan lang ako ni ate Trisha na gawin iyon. Please Kuya, patawarin mo ako…” sabi nito sa kaniya.Kagabi pa lang ay nag-iisip na si Cathy kung paano siya hihingi ng tawad kay Lucas. Ang gamot na iyon ay siya ang naglagay sa soup nito. Alam niya na sa isip ni Lucas ay siya ang may pakana nun at pagdating naman kay Trisha ay alam niya na hindi nito aaminin na inutusan lang siya nito.Makasarili ito at walang ibang alam na protektahan kundi ang sarili lamang. Bago pa man mahuli ang lahat ay kailangan na niyang aminin ang kasalanang ginawa niya at ang lumuhod sa harap nito ang tanging paraan na magagawa niya at sa isip-isip niya ay baka kapag inamin niya ito ay patawarin pa rin siya nito kahit na papano.“Si Trisha?” malamig na tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang tumango. “Oo Kuya, inutusan niya
Iniwan nila ang dalawa at patuloy na nagsabunutan. Kung kanina ay hindi lumalaban si Trisha, ngayon ay nilabanan na niya si Cathy. Ilang sandali pa ay malakas na sumigaw si Trisha at nanghihingi ng tulong kay Lucas. Hindi na nakatiis pa ang ilang tauhan ni Lucas at bumaba upang iulat ang nangyayari sa mga ito.“Sir kailangan na po ba naming makialam?” tanong nito kay Lucas nang makababa ito. Nagpunas naman ng bibig si Lucas bago sumagot. “Hayaan mo lang silang mag-away hanggang gusto nila.” sagot niya rito. Bagay lang ang mag-away ang mga ito, isa pa ay tama lang iyon dahil nagsabwatan ang mga ito na i-trap siya. Hindi nagtagal ay bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na lagabog mula sa pangalawang palapag.Ilang sandali pa ay humahangos ang tauhan niya at nagmamadaling nagsumbong ng nangyayari. “Sir nahulog silang dalawa sa hagdan at may dugo ang ulo nila. Gusto niyo po ba silang puntahan?” tanong muli nito sa kaniya.Ngunit sa halip na sumagot ay tila ba walang narinig si Luc
“Hija, pasensiya ka na kung naistorbo kita.” sabi nito. Ang babaeng nasa harap niya ay isang taong kagagalang-galang at nakasuot ito ng damit na mas lalo pang nagpa-elegante rito. “Kung may ginagawa ka ay huwag kang mag-alala, maghihintay na lang ako sa labas.” dagdag nitong sabi habang nakangiti.Nang marinig niya iyon ay bigla siyang napabuntung-hininga. Isa pa ay nagtataka siya kung bakit siya nito hinahanap.“Alam po ba ni Reid na nagpunta kayo rito?” tanong niya rito. Oo, ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon ay walang iba kundi si Veron Villafuente, ang ina ni Reid.Mabilis naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay sumagot. “Hindi niya alam.” sagot nito sa kaniya.“Gusto niyo bang sabihin ko kay Reid?” tanong niyang muli.“Hindi na kailangan. Ako na mismo ang magsasabi sa kaniya at malalaman niya rin naman ito kahit na papano.” sagot nito sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay hindi nakagalaw si Annie. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig at napahiya s
“Tara.” sabi nito sa kaniya.“Huh?” gulat naman na tanong ni Annie rito.“Simula nang dumating si Mommy rito ay hindi na siya tumigil para makita ka. Sasamahan kita.” sabi nito sa kaniya.“Mabuti pa nga.” sabi niya nama at pagkatapos ay tumango. Nauna nang naglakad si Reid at sumunod lang siya rito. Sa huli ay sa opisina sila ni Reid nagpunta upang doon mag-usap.“Mommy naman, bakit naman hindi mo man lang sinabi na dumating ka na pala. Masyado ka naman, pagdating mo pa lang ay hinanap mo na kaagad si Doc.Annie. Natakot tuloy ang siya sayo.” sabi ni Reid at pagkatapos ay inilapag sa harap nito ang kape na tinimpla nito.Ilang sandali pa nga ay pinulot nito ang tasa at tumingin sa kaniya. “Doctor Annie, pasensya ka na. Sa susunod na lang ako makikipag-usap sayo.” sabi nito sa kaniya.“Naku, huwag niyo pong intindihin ang sinabi ni Sir. okay lang po ako.” sabi niya rito. Hindi nagtagal ay inilapag na rin ni Reid ang kape sa harap niya. Nagpasalamat naman siya kaagad rito. Ilang sandali
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka