“Aray!” biglang sabi nito. “Annie, tinamaan mo ang sugat ko.” daing ni Lucas bigla sa kaniya dahil sa sakit.Agad naman na tila nagising si Annie sa kanyang panaginip nang marinig niya ang tungkol sa sugat nito. Agad niyang ibinaba ang kanyang mga kamat at kinakabahang tinanong ito. “Saan? Saan ang masakit?” tanong niya rito. “Halika na. Sasamahan kita sa silid mo para magtingnan ka ulit ng doktor.” sabi niya pa rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi nito ay bigla na lamang siya napangiti sa loob-loob niya. Kasabay nito ay iniunat niya ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Annie. “Annie alam kong nagpapanggap ka lang na wala kang pakialam. Pero alam ko na mahal mo pa rin ako dahil sa sandaling marinig mo na tinamaan mo ang sugat ko ay tingnan mo ang mukha mo, punong-puno ng pag-aalala.” sabi niya rito. “Halata namang may pakialam ka sa akin pero bakit ayaw mong aminin?” tanong niya pang muli rito. Tinitigan niya ito sa mga mata nito, umaasa na makukuha na niya
Muling nagpadala ng chat si Lucas kay Annie at tinatanong nito kung masakit pa rin ba hanggang sa mga oras na iyon ang kanyang mga labi, ngunit nang matanggap niya ang chat nito ay hindi na lamang niya ito pinansin pa. Huminga siya ng malalim at muling bumalik sa mesa niya. Pagkalipas lamang ng sampung mito ay bigla na lamang may tumawag sa kanyang kasamahan niya. “Ms.Annie, may naghahanap sayo.” sabi nito nit at bigla siyang napaisip kung sino naman kaya ang maghahanap sa kaniya ng mga oras na iyon.Dahil doon ay agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at sumilip sa may pinto, nakita niya kaagad doon si Kian habang inaalalayan si Lucas. Napansin niya na ang lahat ng mga kasamahan niya sa loob ay nakatingin rito at dahil doon ay hindi niya maiwasang hindi mapalagay. Mabilis niyang dinampot ang kanyang cellphone at muling umupo sa kanyang upuan at agad na tinawagan si Lucas.“Annie…” sabi ni Lucas nang sagutin nito ang tawag niya.“Huwag kayo diyan. Umalis kayo diyan.” sabi niya at ma
Agad naman na nagising si Annie sa tila isang panaginip na kinasadlakan niya. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at kasabay nito ay mabilis niyang iniunat ang kanyang mga kamay upang itulak si Lucas. “Umalis ka na diyan at nabibilad na ako rito.” sabi niya rito.Hindi naman nagsalita si Lucas at nakatingin lang kay Annie na malabo ang mga mata. Pakiramdam niya ang mga mata nito ay may apoy. Nang hindi naman sumagot si Lucas at muli na naman niya itong itinulak. “Masyado kang malapit sa akin. Lumayo ka ng kaunti.” sabi niya rito.Tumitig naman si Lucas sa kaniya at pilit na kumalma. Pagkatapos ay mabilis na lumayo ito sa kaniya, hindi pa rin ito umalis sa ibabaw niya. Binigyan lang nito ng kaunting espasyo ang pagitan nilang dalawa. “Mas makakahinga ka na siguro ng mabuti ngayon.” sabi ni Lucas sa kaniya.Masasabi niya na napakatalino talaga nito. Ni wala man lang siyang kawala rito. Ilang sandali pa nga ay narinig niya ang tinig ni Lucas. “Bakit nga pala walang laman ang silid
Gayunpaman, ay nakaramdam pa rin si Lucas ng matinding selos ng mga oras na iyon sa kanyang dibdib ngunit pinili na lamang niya na itago iyon at hindi ipinakita. Pero hanggat iniisip niya na makikipag kita ito sa ina ni Greg ay may hindi siya magandang nararamdaman. Ang sabihin na hindi siya nagseselos ay mali.Dahil sa pag-iisip nito ay bigla na lamang ulit hinila ni Lucas su Annie at mabilis na bumaba ang kanyang ulo at hinalikan ang punong tenga nito.Hindi naman inaasahan ni Annie ang gagawin nito kaya bigla na lamang namanhid ang buong katawan niya na para bang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. “Lucas, ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako.” malagkit na sabi ni Annie at pilit na kinontrol ang sarili niya.Ibinaba pa ni Lucas ang halik sa kaniya leeg hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan sa wakas. “Tara, ihahatid na kita.” sabi nito sa kaniya. Nang marinig naman ito ni Annie ay bahagya siyang natigilan. “Hindi na kailangan. Ako na lang mag-isa at hintayin mo munang
“Hindi ka ba kinakabahan?” tanong sa kanya ni Greg.“Kinakabahan syempre.” sagot naman niya rito dahil totoo namang kanina pa siya kinakabahan sa totoo lang. Pagkatapos lamang siyang sabihin iyon ay bigla na lamang niyang naramdaman ang paghawak ni Greg sa kanyang kamay at napakainit ng palad nito. Saglit naman na natigilan si Annie pero dahil sa iniisp niya na ang magpapanggap nga pala silang magkasintahan at normal lang naman na magkahawak ang kamay ay hinayaan na lamang niya ito na hawakan ang kamay niya. Samakatuwid ay hindi siya tumanggi at hinayaan na lamang niya si Greg na hawakan nito ang kamay niya habang naglalakad sila papasok ng silid. Pagkapasok nila sa loob ng silid ay parang ganun din ang eksena noong pumunta sila sa bahay nila Greg.Sa maluwang na silid ay nakita na nakahiga ang ina ni Greg sa hospital bed habang nakaupo naman sa tabi nito ang ate ni Greg at ang kapatid nitong bunso. Nang makita nila si Annie na may dala-dalang regalo at si Greg na hawak ang kamay niya
Bago pa man makapagsalita si Beth ay nauna nang nagsalita si Kenna. “Ma, tingnan mo hindi pa kasi asawa ni Kuya si Ate kaya sobra siyang pinoprotektahan ni Kuya.” sabi nito.“Kenna!” saway naman ni Greg rito at sinamaan ito ng tingin.Mabilis naman na ngumuso ito at lumapit sa kanilang ina. “Ma o, tingnan mo si Kuya. porque may girlfriend na siya ay inaaway na niya ako.” sumbong nito rito.Nilingon naman siya ni Greg. “huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng kapatid ko, medyo may saltik yata talaga yan e.” sabi nito.“Grabe ka na talaga sa akin Kuya.” napalabing sabi naman ni Kenna.Nilingon siya ng ina ni Greg. “pasensiya kana sa anak ko.” sabi nito.Agad niya naman itong nilingon. “Ate huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman po na nagbibiro lang siya. Tyaka magpahinga na lang po muna kayo para gumaling na kayo.” sabi niya rito.Mabilis naman itong tumango at ngumiti. “Sige.” sabi nito. Dahil doon ay binitawan na ni Annie ang kamay nito pagkatapos ay tumayo na. Dahil nga nasa
Pagkatapos nga nun ay niyaya muna siya nitong kumain. Nang matapos silang kumain ay hinatid niya si Annie at malapit na sila sa apartment ni Annie nang makatanggap si Greg ng tawag mula sa kapatid niya. Agad niya itong sinagot.“O ate, may problema ba?” tanong niya kaagad rito.“Naihatid mo na ba si Annie?” tanong naman nito sa kaniya.“Malapit na.” sabi niya rito.“Sige at pagkahatid mo sa kaniya ay bumalik ka rito at may sasahin ako sayo.” sabi nito sa kaniya.Narinig naman ni Annie ang sinabi nito at dahil doon ay marunong naman siyang makiramdam kaya hinarap niya ito. “Greg, mukhang hinahanap ka na ng kapatid mo at pwede mo na akong ibaba rito since malapit na lang naman ang apartment ko rito.” sabi niya rito.“Ihahatid kita.” hindi mapakaling sabi sa kaniya ni Greg.“Ano ka ba, huwag kang mag-alala dahil safe naman ang village na ito at may security pang nakaduty bente kwatro oras at napaka-responsable nila kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi niya ulit rito.Isa pa ay malapit
Sa sandaling pumayag siya na magpulis si Greg ay nangangahulugan lang na siya na ang mamamahala sa lahat ng negosyo ng kanilang pamilya. Sa paglipas ng mga taon ay mag-isa lang niyang pinamahalaan ang mga iyon. Minsan, hindi na niya maharap pa ang mapagod dahil sa sobrang busy niya. Habang nakikita niyang masaya ang kanyang ina at kapatid niyang bunso ay nawawala ang lahat ng pagod niya at napapalitan ng saya. Pakiramdam niya, kahit na anong dumating na pagsubok sa buhay niya ay kayang-kaya niyang harapin.Matapos umiyak ay mas gumaan na ang loob ni Liliane. Agad niyang pinunasan ang akniyang mga mata at pagkatapos ay ngumiti. “Sa puso ko, ikaw pa rin ang nakababata kong kapatid na laging nangangailangan ng pagmamahal at proteksyon mula sa kanyang ate.” sabi niya rito. “At ganun pagdating sa mga magulang natin, tayo pa rin ang mga anak nila at ayaw nila tayong masaktan.” dagdag pa nitong sabi.“Ate–” sabi ni Greg ngunit mabilis siyang pinutol ng kanyang kapatid.“Okay huwag na muna na