“Wala na bang pag-asa na makabuo ulit?” tanong ni Lucas kay Finn matapos ang matagal na pananahimik.Iniunat naman ni Finn ang kanyang kamay at tinapik ang balikat niya para aliwin siya. “Hindi naman sa walang pag-asa, may pag-asa pa pero kailangan niyang alagaan ang sarili niya at kailangan niya munang mag-heal. Kailangan na matanggal muna lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman niya at dapat ay maging pasensiyoso ka.” sabi nito sa kaniya. “Isa pa ay mahalaga din na dapat ay lagi siyang maging masaya at iwasan ang mga bagay na dapat ay nakakapgdulot sa kaniya ng stress.” dagdag pa nito.Nang matapos niyang sabihin iyon ay muli siya nitong tinapik sa balikat at nagpaalam ng lumabas. PAGKAGISING ni Annie kinabukasan ay mas magaan na ang pakiramdam niya at iginiit niya kay Lucas na papasok siya sa ospital at pumayag naman si Lucas ngunit may kondisyon ito na personal siya nitong ihahatid at susunduin sa ospital.“Yun lang ang gusto ko.” sabi ni Lucas sa kaniya.Inisip naman ni
Agad naman na tumango si Annie nang sabihin ito ni Lucas. “Sige.” sabi niya na lamang rito at nag-umpisa na nga silang kumain. Kanina pa siya tapos kumain ngunit si Lucas ay hindi pa rin tapos at halos dalawang oras na itong kumakain. Napakabagal nitong kumain ngayon. Kaya lang alam niya na kahit anong tagal nun ay matatapos pa rin iyon. Nang matapos nga ito ay mabilis siyang nagsalita. “Bumaba tayo at mamasyal.” sabi niya rito.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. Dahil nga medyo gabi na, lumabas sila ng mall at nagpunta sa isang parke kung saan ay may fountain sa gitna at napakaraming kumikislap na mga ilaw tulad ng mga bituin. Naghanap sila ng pwede nilang upuan. Nang makaupo sila ay agad na ipinikit ni Annie ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Ilang sandali pa nga ay nagawa na niyang ibuka ang bibig niya upang magsalita. “Lucas hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko.” umpisa niya.“Annie…” napalingon naman agad si Lucas rito nang marinig niya ang sinabi nito habang kumiki
Nang marinig naman ni Annie ang sinabi nito ay bigla na lamang ang-init ang sulok ng kanyang mga mata at mabilis na dumaloy sa pisngi niya ang mainit na luha at pumikit at nanginginig na sumagot rito. “Salamat.” sabi niya na halos bulong na lamang pagkatapos ay napakagat-labi siya. Kung kanina ay kalmado siya habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Lucas ngayon naman ay halos manginig siya at sobrang kirot ng puso niya.“Pero may sasabihin pa ako.” patuloy ni Lucas. “Tama ka. Nitong mga nakaraang taon at mga buwan ay minahal mo ako ng walang pag-aalinlangan at ngayon ay nasaktan kita ng sobra. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo, pero Annie, hayaan mo akong habulin ka, hayaan mong mahalin pa rin kita.” sabi nito sa kaniya. Ibig sabihin lamang ay kaya ito pumayag na makipaghiwalay sa kaniya ay para magsimula silang muli sa relasyon nilang dalawa. Sa hinaharap ay mamahalin siya nito ng mas higit pa sa pagmamahal niya at gusto nitong punan lahat ng pagkaka
Tumawag ulit si Annie ngunit kay Kian na siya tumawag pero nakakaisang ring pa lamang siya nang sagutin ito kaagad ni Kian. “miss Annie may utos ka ba?” agad na tanong nito sa kaniya.Mabilis din naman siyang nagsalita. “Nasaan si Lucas? Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi niya ako sinasagot.” sabi niya rito.“Busy po ngayon si sir e at hindi siya pwedeng istorbohin. May sasabihin po ba kayo sa kaniya? Sa akin niyo na sabihin at ako na lang ang magsasabi sa kaniya.” agad na sabi nito sa kaniya. Napabuntung-hininga na lang siya.“May bago kasi akong kapitbahay at kagagaling niya lang rito. Ang sabi niya sa akin ay isa daw siyang dietitian at inupahan ba siya ni Lucas para sa akin? Ganun ba yun?” tanong niya rito. Alam niya kasi na lahat ng tanong niya ay masasagot din nito dahil lagi itong kasama ni Lucas.“Ah, oo miss Annie. Personal siyang kinuha ni sir pagkatapos ng napakaraming screening at assessment.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.“Sinabi ko ba kuhanan niya ako ng
Mabilis na nagtungo si Annie sa ikapitong palapag ng ospital. Nang magtanong siya sa front desk ay agad niyang nalaman kung anong ward naroroon si Lucas. Abot-abot ang kaba ng mga oras na iyon at mabilis din naman siyang nakarating sa pinto ng silid kung saan sana siya pupunta. Akmang aabutin na sana niya ang seradura ng pinto nang bigla na lamang bumukas ang pinto at nakita siya ni Kian. “pasok ka po miss Annie.” sabi nito agad sa kaniya.Pakiramdam niya tuloy ay alam talaga ni Kian na darating na siya. Nang sumunod pa ngang sandali ay narinig niya ang tinig ni Lucas mula sa loob ng silid. “Pinuntahan mo ba ako Annie?” tanong nito sa kaniya.Ngayon, napagdesisyunan na niyang hindi tumuloy sa loob lalo na at mukha namang okay na si Lucas. Ngunit ilang sandali lamang ay narinig niya ang tinig ni Kian ulit. “Sir hindi ka pa pwedeng bumaba sa kama ninyo dahil ang mga sugat ninyo sa inyong katawan ay hindi pa gumagaling.” sabi nito at nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya na nasa hara
Kahit na ganun ka-sweet at nakaka-touched ang mga sinabi ni Lucas ay pinilit ni Annie na hindi masyadong maapetuhan. Hindi na siya ang batang babae noon na kayang kalimutan ang lahat sa isang matamis na salita lamang at kaya niyang patawarin kaagad ang kasalanan nito sa kaniya kahit na nasaktan siya dahil doon. Nagyon kasi ay may peklat na sa puso niya at may sugat na matagal bago gumaling. Umalis ang babaeng nurse. Pagkatapos ay mabilis na lumingon si Lucas kay Annie ngunit nakita nito na nakatayo lang ito sa tabi niya na may kalmadong mukha at halos wala man lang siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito.Dahil rito ay bigla na lamang sumikip ang dibdib niya. Ang babaeng mahal niya, wala ba talaga itong pakialam? Makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating na nga ang lalaking nurse at dala ang mga kailangan nito para sa mga sugat niya.Inaasahan na ni Annie na mukha hindi maganda ang lagay ng mga sugat ni Lucas ngunit nang makita niya ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi mag-a
Sa silid ni Lucas ay tahimik namang nakatingin lang si Kian. hindi niya alam kung bakit bigla na lamang itong nagalit. Sa sahig ay nagkalat ang piraso ng ibinato nitong baso at nakita niya rin kung paano nagtaas baba ang dibdib nito. Hindi siya nagsalita at hinintay lamang niya na kumalma ito.Ilang sandali pa ay humiga ito sa kama at pumikit samantalang siya ay lumabas naman para tumawag ng maglilinis sa ginawang kalat ng boss niya kasabay nito ay nagmamadali rin siya para habulin si Annie.Eksakto namang nakakailang hakbang pa lamang si Annie nang lumabas mula sa pinto si Kian at ilang sandali pa nga ay narinig niya mula sa kanyang likod at pagtawag nito sa kaniya. “Miss Annie, sandali!” sabi nito at nang mapagtanto nga niyang si Kian iyon ay bumagal siya sa kanyang paglalakad.Tumakbo naman si Kian para lang mahabol siya at humihingal na nagsalita nang maabutan siya. “Miss Annie salamat sa pagpunta mo para makita mo si Sir at hiniling niya sa akin na ihatid kita.” sabi nito sa kani
Kaya lang walang nakakaalam na bigla na lamang magkikita sina Annie at Greg sa ospital. Mabuti na lamang ang break time ng ng mga oras na iyon kaya niyaya na lamang niya si Greg sa cafe na nasa first floor ng ospital. Nang ihain sa harap nila ang kape at naamoy ito ni Annie ay napangiti siya ng may kasiyahan.“Mabango pala talaga, no wonder sabi mo ay masarap ang kape rito at mabango dahil bagong giling ang kape.” sabi niya rito.Nang makita naman ni Greg ang masaya at inosente nitong itsura ay ngumiti si Greg ng walang kapantay. “Napakalapit lang ng lugar na ito sayo, hindi ka ba pumupunta rito kapag may libre kang oras para magkape?” tanong niya rito.Napabuntung-hininga naman si Annie. “Paano ba naman, masyado kasi akong busy nitong mga nakaraan at ni halos hindi na nga rin kami makakain sa sobrang busy namin at puro biscuit lang ang kinakain namin para maitawid ang araw.” sagot niya rito. “At kapag may libreng oras naman kami ay ginagamit na lang namin iyon para makapagpahinga.” d