Share

Chapter 143.3

Akala niya ay hindi naman ganun ka-grabe ang nangyari sa kamay ni Lucas ngunit nang makita niya ito sa sarili niyang mga mata ay labis siyang nag-alala. Dali-dali siyang lumapit rito. “Ano bang ginagawa mo?” may halong inis ang tinig niya. Namumula rin ang kanyang mga mata ng mga oras na iyon dahil sa pagpipigil niya ng sarili niya na hindi maiyak.

Wala namang pakialam si Lucas sa kamay niya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. “Aalis ka pa ba?” tanong nito sa kaniya.

Bigla namang tila may bumara sa lalamunan ni Annie at hindi siya makapagsalita. Nang makita naman ni Lucas na hindi ito nagsasalita ay bigla itong nabalisa. “Kung ipipilit mo pa ring umalis, okay lang. Hahayaan ko na lang ang sarili kong maubusan rito ng dugo.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig naman niya ang sinabi nito ay agad na nagalit si Annie. “Lucas, katawan mo yan at hindi akin. Kung hindi mo aalagaan ang sarili mo ay hindi ka gagaling. At kahit na manatili ako rito kung dahil diyan sa ugali mon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lei Aen
Yan yong napapala mo lucas. Sa palaging pag rescue mo kay trishia yong ugali niya naging sayo na hehe !
goodnovel comment avatar
Lyn Lyn Nacionales
pa update plsss
goodnovel comment avatar
Lyn Lyn Nacionales
nxt update plssssssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status