Tumango lang si Karylle na parang walang pakialam. “Hayaan mo na lang siya, mukha naman wala siyang balak na masama, baka nagkataon lang na nakasunod siyaat nasa iba ang pakay niya.”
Pagkatapos ng nakakapagod na araw, nakatulog siya nang mahimbing sa gabing iyon. Dati ay nag-aalala at natatakot siya na mawala si Harold sa buhay niya, at ngayon ay nawala na nga ito sa buhay niya, pero tila ba nawalan siya ng isang mahalagang bagay. Napag-isipan niya iyon nang mabuti at tinanggap na lang kapalaran. ‘What I thought was a lonely pillow turned into a dreamless night.’ sa isipan niya. Pero kahit papaano ay nakaalis siya sa lalaking iyon. Maagang nagising si Karylle sa umagang iyon at sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-aalmusal. Nasa maayos ang isip niya ngayon, tumingin siya sa nakahandang breakfast na para sa kanya at napangiti. She likes Pinoy breakfast, an egg with omelet, sopas soup and a hot coffee, but Harold doesn't like it, he is used to American-style breakfast, so she has been accommodating to Harold all these years. “Now, I can finally love myself well, eat what I like, and feel inexplicably comfortable,” sabi niya habang pinagmasdan ang mga pagkain na nasa harap. Nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Layrin sa umagang iyon, nalaman niya na ang mga tao sa legal department ng Handel group ay hindi na makapag-antay na makita siya kaya tinulungan siya na magkakuha ng appointment sa kanila. Nang matapos siyang kumain ng breakfast niya, umalis na siya. At kasabay sa oras na iyon, isang itim na kotse na nasa labas lang ng villa, medyo malayo sa kanya para hindi siya mapag-suspensyahan, may isang lalaki na nakamasid kay Karylle. Nag-dial siya ng numero sa telepono niya at lumabas sa kotse. “Boss, she’s out.” "Keep up with her." Mas lalong nagpakita ng pagkainis ang mukha ni Harold, hindi niya alam na may sariling villa si Karylle, at ngayon ay pinilit niya ang sarili niya na makipag-divorce. “Ang babaeng iyon….it become more strange all of a sudden,” sabi niya sa kanyang sarili. …… Nang makarating si Karylle sa lugar na pinag-usapa, nakita niya si Henry Santos na naka-upo malapit sa bintana ng opisina. Naglakad siya at binati ito na may ngiti sa labi. “Senior, you came so early.” "Karylle? Napatingin si Henry sa taong nagsalita na may pagtataka at nang makita niya kung sino ito, na surpresa siya. “Karylle…” Karylle smiled lightly, "You should call me Iris." Mas lalong nagulat si Henry sa sinabi ni Karylle. “You are….Iris?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Dati pa ay hinahangaan niya si Karylle bilang high-achieving student, ngunit hindi niya inaasahan na si Karylle pala ay isang magaling na abogado sa bansa ngayon. Hindi mapigilan ni Karylle ang puso niya na kanina pa nagagalak. Hindi na nila pinatagal ang iab nilang usapan dahil nalipat ang usapan nila sa kaso. Hindi pa rin napapansin ni Karylle na may isang lalaking nakamasid sa kanya mula sa labas ng opisina kung nasaan siya ngayon. It was Harold. Nakikita niya na lang ay isang lalaki na naka-upo sa harap ni Karylle, hindi niya alam kung sino ang lalaki pero nakikita niya na masayang nakangiti si Karylle dito. Ang masamang tingin ni Harold kay Karylle at tila nilalamon ito ng buhay ang dating asawa. Naiinis siya na makitang masaya si Karylle sa sandaling iyon. Kahit dati pa, ang babaeng kasama niya ay masyadong bilib sa kanyang sarili na siya lang ang nakakaalam pero ngayon sa nakikita niya, isang Karylle na masayang kausap ang ibang lalaki. Na para bang namatay na siya para gawin iyon ni Karylle. Hindi pa rin napapansin ni Karylle si Harold sa labas dahil naka-focus siya sa pakikipag-usap kay Henry. At pagkatapos ng meeting nilang dalawa ni Henry, nagka-ayaan sila na kumain muna saglit bago magpalaam sa isa’t isa. Nang maalala ni Karylle na matagal na noong huli niyang shopiing, napag-desisyonan niya na pumunta ng mall at tumingin ng mga bagay na gusto niyang bilhin para sa sarili niya. At nang matapos siya mag shopping, umuwi na siya sa villa, sakto ay mag-gabi na rin. Inayos naman ng isang lalaki ang mga gamit niya sa nakalipas na dalawang araw mula noong umuwi siya sa villa niya na galing sa bahay ni Harold, at nang makita niya si Karylle, binigay nito ang isang listahan. Napansin ni Karylle na para bang may kulang sa listahan. Agad niyang hinawakan ang leeg niya at nang mapagtanto, nagbago ang kanyang mukha. “What about necklaces?!” sigaw niya. She couldn't lose that necklace. Hindi niya pwedeng mawala ang kwintas na iyon. Naisip niya na baka dahil sa pagmamadali niya noong isang araw ay naiwan niya ang kwentas na iyon. Pagkatapos niyang isipin ang sitwasyon, napag-desisyonan niya na bumalik sa bahay ni Harold. Pagkarating na pagkarating ni Karylle sa bahay ni Harold, agad siyang pumunta sa kwarto niya at hindi niya inasahan ang nakita niya roon pagkasok niya. Si Harold na nakatayo sa harap ng malaking dresser ni Karylle, habang nakatingin sa relo na hawak nito. Gulat si Karylle, kahit minsan ay hindi tumapak si Harold sa kwarto nilang dalawa sa loob ng tatlong taon na kasal sila. Pero ngayon, nakatingin siya relo na dapat ay regalo niya. Naalala niya na sa basurahan niya lang iyon tinapon. At sa sitwasyon na ito, tila ba sa relo lang din naka-focus si Harold, hindi niya rin napansin si Karylle na pumasok ito sa kwarto.Habang si Harold naman ay nakatingin sa relong hawak niya. Hindi niya gusto ang relo noong una at basta na lang itinapon sa sahig, kaya nasira. Gayunpaman, hindi niya magawang itapon ito nang tuluyan, kaya kinuha niya isa-isa ang mga parteng nabasag.Alam niyang sira ang relo, ngunit para bang may kakaibang naramdaman siya para dito na pumipigil sa kanya na iwan ito.Napansin ni Harold na may nanonood sa kanya. Paglingon niya, nakita niya ang malamig at walang pakialam na mga mata ni Karylle. Ngumisi siya ng mayabang at itinapon ang relo sa dressing table, na para bang wala itong halaga."Bakit mo nilagay ang sirang bagay na 'yan dito? Sa tingin mo ba ang bahay ko ay basurahan?" tanong ni Harold na puno ng hinanakit.Napapikit si Karylle bago sumagot, "Kung ayaw mo, itapon mo." At sinimulan niyang maghanap ng kuwintas sa paligid, hindi man lang siya tumingin kay Harold.Halos magdilim ang paningin ni Harold. Noong una, sobrang halaga ng relo na iyon para sa kanya, ngunit ngayon, parang
Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha. Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Pagkabalik sa bahay, dumiretso si Karylle sa banyo at naligo para marelax.Kahit dati siyang nakatira nang mag-isa, mas relaxed siya ngayon. Noon, palagi siyang nag-iisip tungkol sa lalaking iyon, pero ngayon ay nakakapag-focus na siya sa sariling career. Napaisip tuloy siya kung bakit niya sinayang ang oras at lakas sa lalaking iyon.Kahit medyo mababaw ang tulog ni Karylle, maganda ang pahinga niya, pero sa kabilang banda...may isang tao na hindi mapakali.Paglabas ni Harold sa bahay ng mga Bo, dumiretso siya sa kompanya. Nagtrabaho siya nang kaunti at nagpahinga, pero nang humiga siya, napuno ng imahe ni Karylle at ng pilya nitong ngiti ang isip niya.Biglang bumukas ang matalim niyang mga mata, at puno ng lamig ang mukha niya!Tumayo siya at inutusan ang assistant na tawagin ang mga tao para mag-video conference nang gabing iyon para ayusin ang trabaho.Hindi siya nakatulog buong gabi, at halata sa mukha niya ang inis at pagod.Tahimik na tahimik ang lahat sa video, at walang nagla
Bahagyang ngumiti si Karylle at itinama siya, "Ex-wife."Kahit gaano pa ka-kalmado si Mr. Handel, medyo nagulat siya, "Ex-wife?"Itinaas ni Karylle ang kanyang kamay, "Mr. Handel, ako si Iris. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Sana magkaintindihan tayo."Bilang Mrs. Sanbuelgo, ilang beses na silang nagkita.Pero bilang si Iris, ngayon pa lang sila nagkita.Nakipagkamay si Mr. Handel at may ngiti sa kanyang mga labi, "Bakit kaya nag-divorce si Miss Iris?"Medyo nagalit si Layrin, "Habang kumakain sa isang plato, iniisip naman ni MR. Sanbuelgo ang nasa ibang plato, Ms. Iris...""Layrin..." Pinigilan siya ni Karylle at binigyan ng senyas na huwag nang magsalita tungkol sa mga personal na bagay.Pagharap kay Mr. Handel, sinabi niya, "Mr. Handel, alam namin ang kahalagahan ng kasong ito para sa Alexander's, kaya hindi ito magiging biro. Puwede mong hindi paniwalaan si Karylle bilang ex-wife ni MR. Sanbuelgo, pero hindi mo puwedeng kwestiyunin si Iris, at wala akong dahilan para sirain an
"Mananalo tayo sa kaso."Mahina niyang sinabi ito.Pero naniwala si Alexander sa sinabi ni Karylle.At dahil do’n matalim niyang tinitigan ang magandang babae sa harap niya, at nanlilisik ang mga mata. Sinasabi ng iba na ang mga magagandang babae ay parang dekorasyon, pero tila ang isa ay nasa harap niya ngayon.Sa isip din ni Alexander na kung nagsasabi ng totoo si Iris, hindi siya dapat minamaliit. Tumango siya at mahina ring sinabi, "I will agree to the everything you say, as long as you will take care of my case."Ipinatong ni Karylle ang kamay sa mesa, at paminsan-minsang tinatapik ang mesa gamit ang hintuturo. Tumingin siya kay Alexander at ngumiti nang banayad, "I will, Mr. Handel—”“Please call me Alexander,” agad namang putol ni Alexander kay Karylle. Tumango at ngumiti lang din ulit si Karylle at nagsalita. “Narinig ko na sa loob ng sampung araw, may birthday party ang pamilya ni Mr. Sandejas."Tumingin si Alexander sa kanya, "Yes, that’s right."Bahagyang tumagilid ang ulo
Natahimik saglit si Karylle sa kabilang linya, hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander, nawala rin ang kanyang ngiti dahil do’n at nang mapansin iyon ni Layrin, bumaling siya kay Karylle at sumenyas na nagtatanong kung anong nangyari. Tumingin lang din si Karylle sa kanya at bumalik sa kausap sa telepono. “I’ll see you again, Mr. Handel. Good bye.” Hindi niya na inantay ang sagot ni Alexander, ibinaba niya na ang tawag. “He’s tough.”Agad niyang banggit. Napailing na lang si Layrin. Para sa kanya, isang pagkakamali kung magiging close sina Karylle at Alexander sa oras ng trabaho. Hindi magandang tignan din na magkakaroon ng personal na bagay na hahalo sa kaso. Kailangan mag-ingat ni Karylle. "Iris, I won’t get tired reminding you that this case is not a simple case, kung paano mo hinawakan ang mga kaso mo, alam natin pareho na iba ito. Please be careful with Mr. Handel, expert siya sa babae at kilala kita, matalino ka sa ibang bagay pero sa pag-ibig, ligwak ka. Please set aside t
Saglit na nagkaproblema si Adeliya sa kanyang naiisip, "Pwede ba iyon? Dahil dati dinadala niya lang si Karylle sa mga handaan, para ipakita sa harap ng lahat na mag-asawa sila, para makatulong sa plano nito sa negosyo. Kaya paano niya ako madadala sa party?” Kung si Karylle ay dinadala ni Harold para ipakita sa mga tao dahil asawa niya ito, ano pa siya na hindi niya pa matutumbasan ang kung anong meron kay Karylle noon dahil wala pa kahit isa sa pinangako ni Harold sa kanya ang nangyayari. Napangiti ng masama si Andrea, "Ibang-iba ang panahong ito sa nakaraan.”"Huh?" Litong-lito pa rin si Adeliya sa mga sinasabi ng kanyang ina. Hinila niya si Adeliya malapit sa kanya, "Anong status ni Karylle noon? Now that your father has robbed them of all their property, what else does she have? Hindi ba, wala na? Ngayon, ikaw na ang panganay na babae ng pamilya Granle, understand?!"Pero kung gano’n...... Hindi ako kayang tiisin ng mga tao dahil ako na ang bagong Lady Granle, di ba? Wouldn't t
Harold tiningnan si Alexander nang malamig, ayaw niyang mag-aksaya ng oras dito kasama niya. Pero nang maisip niyang baka bumalik si Alexander kay Karylle pag-alis niya, napakunot ang noo niya at biglang tumigil sa paggalaw.Hindi alam ni Alexander kung pareho sila ng iniisip ni Harold, pero may bahagyang ngiti sa labi niya. "Ano, gusto mo bang maghapunan tayo?"Medyo kumunot ang noo ni Harold, halatang ayaw niyang pumayag, lalo na ang makipagkasama kay Alexander.Pero... mas malakas ang pagnanais niyang hindi ito guluhin si Karylle. Huminga siya nang malalim at kalmadong sumagot, "Sige."Ngumiti lang si Alexander at hindi na nagsalita pa. Pumasok sila sa kani-kanilang sasakyan at sabay na umalis.Ito ang eksaktong eksena na nakita ni Karylle mula sa balkonahe. Nang hindi na niya matanaw ang mga sasakyan nila, ibinalik niya ang tingin sa loob at isinara ang mga kurtina.Balak na niyang maligo at magpahinga.Lahat ngayon ay naaayon sa gusto niya, at lubos siyang kuntento.Samantala, ti
Lady Jessa ay may nararamdamang awa sa kanyang puso, ngunit alam niyang hindi na niya dapat ipilit pa. "Sige, hindi na kita pipilitin. Medyo gabi na rin, umuwi ka na bago maging delikado sa daan."Ngumiti si Karylle at tumango. Palapit na siyang magsalita nang biglang sumingit si Harold, "Ako na ang maghahatid sa kanya. May ilang bagay din akong kailangang pag-usapan tungkol sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Karylle, may pag-aalinlangan siyang naramdaman.Ngunit naisip niyang may paparating silang proyekto, at bilang boss, maaaring may mahahalagang tagubilin si Harold. Kaya naman, hindi na siya nagsalita pa.Nagulat ng bahagya si Lady Jessa at tila may nais sabihin, ngunit nang mapansin niya ang ekspresyon ni Karylle, pinili na lang niyang manahimik.Ngumiti si Karylle kay Lady Jessa. "Sige, lola, mauna na ako.""Oo, bumalik ka kapag may oras ka, pero huwag mo nang isipin kapag sobrang abala ka sa trabaho. Mas mahalaga 'yon."Tumango si Karylle. "Opo, alam ko."Sa ganoong para
Dahan-dahang ngumiti si Karylle at lumingon sa matanda, "Lola, tuloy po ba tayo sa paglalakad?"Masiglang tumango si Lady Jessa, "Oo, tara na."Harold: "..."Mukhang wala talagang epekto ang sinabi niya sa kanyang lola kanina.Kung hindi, hindi lang siya basta dededmahin nito pag nakikita siya—wala man lang kahit konting interes o pag-aalala.Ipinapakita lang nito na hindi talaga siya pinapansin ng matanda pagdating sa bagay na ito.At kung wala siyang suporta mula kay Lola Jessa, mas lalong magiging mahirap ang sitwasyon para sa kanya.Sanay siyang hindi nabibigo sa anumang bagay, pero ngayon...?Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. Hindi niya gusto ang pakiramdam na ito.Hindi na siya nagsalita pa, pero tahimik na sumunod sa dalawa. Palagi siyang may distansya, pero nanatili siyang nasa loob ng kanilang paningin.Sanay na si Karylle sa maraming bagay ngayon. Wala naman silang matinding alitan ni Harold, at dahil kailangan nilang magtulungan sa hinaharap, hindi siya masyadong nailang
Katherine ay malinaw na tumango, "Well, Karylle, alam kong abala ang babaeng ito at marami siyang ginagawa, pero anak, may ilang bagay kang dapat pag-isipan."Tumingin si Christian kay Katherine nang may pagdududa, tila may naisip siya, kaya diretsong sinabi, "Hindi ko iniinda na minsan na siyang ikinasal. Sa katunayan, ang pagkakaroon ko sa kanya ay isang biyayang hindi ko inakala. Isang pagpapala para sa akin na pinili niya akong makasama.""Kung may ibang magtanong tungkol dito, ipapakita ko sa lahat kung gaano ko siya kamahal. Para sa akin, isang karangalan ang pakasalan si Karylle, hindi tungkol sa kung karapat-dapat siya sa akin." Malambot ang tono ni Christian, pero ramdam ang determinasyon sa kanyang tinig.Ang ganitong klaseng pagmamahal ay lalong nagpaawa kay Katherine para sa kanyang anak.Napabuntong-hininga siya at bahagyang umiling. "Hindi ‘yan ang gusto kong sabihin, anak. Sa tingin mo ba, gano’n ako ka-makaluma?"Nagdadalawang-isip si Christian. "Kung gano’n, ano ang i
Lucio agad na natauhan at binawi ang tingin niya sa iba pang naroon.“Pinapunta ko si Karylle rito ngayon, kaya siguro alam niyo na kung ano ang pag-uusapan natin.”Walang nagsalita sa grupo, pero halatang naiintindihan nila ang nais ipunto ni Lucio.Tahimik lang na nakaupo si Karylle sa kanyang pwesto, hindi nagpakita ng anumang reaksyon.Bagamat ayaw man ni Lucio, muli siyang nagsalita, “Nakipag-ugnayan na sa akin ang Sabuelgo Group at sinabing magsisimula na ang pakikipagtulungan nila sa bagong proyekto ng Lin sa loob ng tatlong araw. Si Karylle ang magiging pangunahing tagapangasiwa ng proyektong ito, kaya lahat ng tauhang may kinalaman sa trabaho ay kailangang sumunod sa kanyang utos nang walang pag-aalinlangan.”Bahagyang kumunot ang noo ni Karylle.Alam niya na may plano si Lucio.Inaabangan nito na magkamali siya para mapahiya siya sa lahat, at pagkatapos ay palitan siya sa posisyon.O kaya naman, kung may sumabotahe sa proyekto sa gitna ng proseso, siguradong siya ang pagbubu
Nararamdaman ni Karylle ang kaunting hiya habang nagsalita, “Pasensya na po, Tita. Ako ang may kasalanan sa gulong ito, at kayo pa ang kailangang umako. Pero... wala talaga akong magawa. Natatakot akong sabihin ito kay Christian, baka mas lalo lang siyang masaktan.”Napabuntong-hininga si Roxanne. “Oo nga, Tita. Alam naman nating hindi dapat masyadong ma-stress si Christian, pero kung ganito na lang palagi, malalaman din naman niya ang totoo. Mas mabuti na ang unti-unting paghahanda sa kanya kaysa bigla na lang siyang masira kapag nalaman niya ang lahat.”Pumikit sandali si Nicole at uminom ng orange juice bago napailing. “Si Christian kasi, masyadong matapat magmahal. Ang tagal na niyang gusto si Karylle, pero hindi siya nagbago. Sa totoo lang... kung titingin lang siya sa paligid, makikita niyang may iba rin namang nagmamahal sa kanya nang tapat.”Bahagyang lumalim ang tingin ni Katherine nang mapansin ang direksyon ng tingin ni Nicole—nakatuon ito kay Roxanne. Napatingin siya rito
Naroon lang si Karylle, nakapikit ang mga labi at hindi nagsasalita.Umiling naman si Nicole. "Iba ang kahulugan niyan. Magkababata tayong lahat, at matagal nang magkaibigan ang ating mga pamilya. Kung mangyari man ito, hindi ito ang gusto ng lahat, at hindi rin ganito ang magiging reaksyon ng tiyahin ko."Napabuntong-hininga si Roxanne. "Nag-aalala lang ako. Sa totoo lang, hindi dapat ganito ang magiging reaksyon ni Tita."Pagkasabi niya nito, napayuko siya. Sa kaloob-looban niya, may kaunting pagsisisi. Hindi na dapat niya sinisi si Karylle noong araw na iyon, pero... Mas mahalaga kay Tita si Christian kaysa sa kanya. Pagkatapos ng lahat, anak niya si Christian.Habang lumilipas ang mga sandali, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Roxanne.Samantalang si Karylle naman ay nanatiling kalmado. "Oo, may pagkakamali ako sa nangyari noon. Kung kaya man ako sisihin o pagsabihan ni Tita, normal lang iyon. Roxanne, huwag mo nang masyadong isipin. Minsan, kailangan mo lang tanggapin ang mga ba
Hindi niya pinansin ang bagay na ito.Para kay Harold, si Lucio ay parang langgam lamang—hindi siya interesado na pag-aksayahan ito ng panahon.Si Harold ang nagmamaneho ng kotse. Kung si Bobbie ang nasa passenger seat, siguradong mapapansin niya na tila nasa magandang mood ngayon si Ginoo Sanbuelgo.Mabilis ang naging biyahe papunta sa kumpanya, at sa hindi malamang dahilan, parang lumipas nang napakabilis ang oras.Pagdating niya sa kanyang desk, hindi siya nakaramdam ng antok. Sa halip, determinado siyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Ngunit...Pagtingin niya sa computer, hindi niya maiwasang maalala si Karylle—nakaupo sa harapan nito, abala sa pag-crack ng mga sikreto ng Sanbuelgo Group.Ang mga lihim na iyon, sa harap ni Karylle, ay parang ulap na madaling naglalaho. Alam niyang kapag gusto ni Karylle na buksan ang misteryo sa likod nito, walang sinuman ang makapipigil sa kanya.Dalawampung palapag? Para kay Karylle, isa lamang iyong simpleng laro—isang bagay na hindi niya kai
Nakikita ni Lucio na kinuha na ni Andrea ang kanyang cellphone para mag-type, agad siyang tumayo at mabilis na lumapit kay Andrea upang agawin ang cellphone pabalik."Baliw ka! Ibalik mo sa akin ang cellphone ko!" sigaw ni Lucio.Mahigpit na hinawakan ni Andrea ang kanyang cellphone, ayaw niya itong ibigay kay Lucio, at galit na sumagot, "Sino’ng baliw?!""Hindi ko naman ginawa, hindi ba puwedeng bawiin ang pera? Dalawang bilyon 'yon! At ang dami mong utang ngayon, pati bahay natin wala na! Lucio, ilang taon ka nang shareholder, ang perang pinaghirapan mo, kinukuha lang ng iba! Akala mo ba madaling kitain ang dalawang bilyon? Ilang taon ka nagtrabaho para lang kumita ng ganyang halaga?!"Kumunot ang noo ni Lucio at galit na sinagot, "Dahil hindi naman ako dati maraming shares! Pero ngayon, malaki na ang kinikita ko! Andrea, hindi mo pwedeng i-send ‘yan! Baka sinusubukan lang ako ng kabilang panig, maghintay ka lang at kusa siyang susuko!"Napailing si Andrea sa sobrang inis, "Lucio, h