Natahimik saglit si Karylle sa kabilang linya, hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander, nawala rin ang kanyang ngiti dahil do’n at nang mapansin iyon ni Layrin, bumaling siya kay Karylle at sumenyas na nagtatanong kung anong nangyari. Tumingin lang din si Karylle sa kanya at bumalik sa kausap sa telepono. “I’ll see you again, Mr. Handel. Good bye.” Hindi niya na inantay ang sagot ni Alexander, ibinaba niya na ang tawag. “He’s tough.”Agad niyang banggit. Napailing na lang si Layrin. Para sa kanya, isang pagkakamali kung magiging close sina Karylle at Alexander sa oras ng trabaho. Hindi magandang tignan din na magkakaroon ng personal na bagay na hahalo sa kaso. Kailangan mag-ingat ni Karylle. "Iris, I won’t get tired reminding you that this case is not a simple case, kung paano mo hinawakan ang mga kaso mo, alam natin pareho na iba ito. Please be careful with Mr. Handel, expert siya sa babae at kilala kita, matalino ka sa ibang bagay pero sa pag-ibig, ligwak ka. Please set aside t
Saglit na nagkaproblema si Adeliya sa kanyang naiisip, "Pwede ba iyon? Dahil dati dinadala niya lang si Karylle sa mga handaan, para ipakita sa harap ng lahat na mag-asawa sila, para makatulong sa plano nito sa negosyo. Kaya paano niya ako madadala sa party?” Kung si Karylle ay dinadala ni Harold para ipakita sa mga tao dahil asawa niya ito, ano pa siya na hindi niya pa matutumbasan ang kung anong meron kay Karylle noon dahil wala pa kahit isa sa pinangako ni Harold sa kanya ang nangyayari. Napangiti ng masama si Andrea, "Ibang-iba ang panahong ito sa nakaraan.”"Huh?" Litong-lito pa rin si Adeliya sa mga sinasabi ng kanyang ina. Hinila niya si Adeliya malapit sa kanya, "Anong status ni Karylle noon? Now that your father has robbed them of all their property, what else does she have? Hindi ba, wala na? Ngayon, ikaw na ang panganay na babae ng pamilya Granle, understand?!"Pero kung gano’n...... Hindi ako kayang tiisin ng mga tao dahil ako na ang bagong Lady Granle, di ba? Wouldn't t
Tumayo si Lady Jessa at humakbang papunta sa gilid ni Harold, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang balikat ni Harold, ramdam ni Harold ang sakit ng hampas ng kanyang lola na para bang hinampas siya ng isang baka: "Kaya pala masyado kang nanakit ng tao! Bastard! Get away from here, hurry up and bring back my good daughter-in-law!”"Lola, this time, nakapagdesisyon na ako." Hinimas ni Harold ang kanyang balikat na hinampas ng matanda at nakasimangot ang kanyang mukha habang sinasabi iyon."You! Gusto mo talagang nagagalit ako sa’yo?!"Magpapanggap na nahihilo ang matandang babae nang magsalita ito, ngunit agad na nagsalita si Master Joseph sa malalim na boses, "Sige, masama ang pakiramdam ng lola mo, aalisin ko muna siya.” Lumapit siya sa kanyang asawa at tumingin kay Harold. “You’re old enough to do your own thing. Ikaw na ang bahala."“Yes, Lo.”Mas lalong nagalit si Lady Jessa, tinignan niya nang masama ang asawa at bago pa siya makapagsalita ulit, hinila na siya
Naging malamig ang ekspresyon ni Harold, at alam niyang may pakana ang babaeng nasa harap niya ngayon. Tila hindi maaantala ang hiwalayan, kung hindi ay hindi niya alam kung gaano kalaki ang gulo ng ginawa ng kanyang lolo. Kaninang hapon, muntik nang pasabugin ng kanyang lola ang kanyang telepono. Bigla namang nagbago ang hitsura ni Adeliya, ang malamig niyang tingin ay mas lalong lumamig. Nagtataka siya kung bakit narito si Karylle. At nang bumaling silang dalawa kay Karylle, hindi maitanggi ni Adeliya na si Karylle nga ang kasama nila ngayon sa loob ng elevator na may kasamang lalaki. Huminga si Adeliya, itinaas ang kanyang mga labi, at mataimtim na sinabi: "Ate Karylle…it’s nice seeing you here.” Nakangiti si Adeliya, at lumapit pa siya kay Karylle para b****o. Tumingin naman si Karylle sa kanila na nakangiti ang mga mata at mahinahong sinabi. "Nagkataon lang. Like you, I just got invited to the fancy place.” Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. Who will invite her? Sa isi
Si Adeliya ay napasimangot, tinitigan si Karylle na parang nakatatandang kapatid na nag-aalala para sa nakababatang kapatid, at sinabi, "Karylle, maraming bagay ang mas mabuting sabihin nang direkta. Huwag ka nang maging matigas ang ulo lagi!"Lagi?Para kay Karylle, naglalaro na naman ng mga salita si Adeliya. Para bang sinasabi niya kay Harold na palaging may lihim na pakikipagtagpo si Karylle sa ibang lalaki at gumagawa ng mga bagay na nagtataksil kay Harold.Napansin ni Karylle ang lalong lumalamig na tingin ni Harold. Pinindot niya ang pindutan ng floor na pupuntahan nila at ngumiti, "Kung ayaw niyo talagang sumama, mauna na kami."Pagkatapos, pinindot niya ang button para isara ang elevator.Habang nakatingin si Alexander kay Karylle na tila aliw na aliw, wala siyang nakitang kakaiba dito hanggang sa tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Napakagat siya ng labi sa gulat, "Ibig sabihin, lahat ng taon ng relasyon niyo ay palabas lang?"Bahagyang tumagilid ang ulo ni Karylle, "Mr.
Kumunot ang noo ni Karylle. Para bang nangyari ang klasikong “nagtagpo ang mga magkaaway sa makitid na daan.”Gusto sana niyang tanungin ulit si Harold kung kailan ito magpapakasal, pero parang sinasadya nitong biguin siya. Wala na siyang balak pang makipagtalo at nagpasya na lang bumalik sa kanilang silid-kainan.Pero––!Para bang umikot ang mundo niya. Bago pa siya makakilos, bigla siyang hinila ni Harold papasok sa isang bakanteng silid-kainan!Isinara nito nang malakas ang pinto!Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga pulso, at hindi siya makagalaw.Tinitigan niya ang lalaki sa harapan niya––isang taong halatang wala na sa tamang pag-iisip––kaya kumunot ang kanyang noo at nagbitaw ng mapanuyang ngiti: "Ano na namang drama ito, Harold?"Siya na rin ang may gustong makipag-divorce, siya na rin ang pumili kay Adeliya. Kaya bakit parang nagkakaganito ito dahil lang kumain siya kasama si Alexander?Halos mapaniwala siya ng sarili niya na baka may nararamdaman pa ang lalaking ito p
Si Harold ay bahagyang natigilan. Kaya sa pagkakataong iyon, bigla siyang nakawala kay Harold, itinaas ang kanyang binti, at tumarget sa pinaka-sensitibong bahagi ng lalaki!Mabilis na umiwas si Harold, ngunit ang litid sa kanyang noo ay biglang umumbok!"Karylle!" sigaw nito nang galit.Hindi niya akalain na magiging ganito katapang si Karylle at dadating pa sa puntong aatakehin siya.Napangisi si Karylle. "Mr. Sanbuelgo, naghihintay pa sa akin si Mr. Handel. Hindi ko hahayaang sayangin mo pa ang oras ko."Lalong tumindi ang pagtibok ng litid sa noo ni Harold, pero sa pagkakataong ito, hindi na niya ito muling hinabol. Ngayon, tila ibang tao si Karylle sa paningin niya. Ang babaeng nakasama niya sa nakaraang tatlong taon ay parang nagtatago ng ibang katauhan.Sigurado siyang ginagawa lang ni Karylle ito para makalusot!Ngunit hindi siya magpapadala! Alam niya ang laro nito at hindi niya ito hahayaang manipulahin siya.Patuloy niyang tinitigan si Karylle. Hawak na ni Karylle ang doorkn
Ngumiti si Alexander. "Siyempre, kung wala ka, hindi ko na itutuloy pa ang kasong ito."Ngunit hindi ang kaso ang tinutukoy niya.Alam iyon ni Karylle. Ibinaba niya ang hawak na baso at hindi tumingin sa lalaki. "Maliban sa kasong ito at sa banquet, wala na akong nakikitang posibilidad na makipagtulungan ulit sa’yo. Huwag kang mag-alala."Napataas ang kilay ni Alexander, nagulat sa kanyang matibay na pahayag. Kung hindi niya sinasabi ito nang galing sa puso, paano niya magagawang maging ganito katiyak? Ayaw lang ba ni Karylle na makita pa siya? Dahil ba baka masira ang mga plano nila ni Harold?"Mr. Handel, hindi mo na kailangang subukin pa ako. Matapos ang kasong ito, tuluyang magtatapos ang ating ugnayan."Pagkasabi nito, kinuha ni Karylle ang chopsticks at nagpatuloy sa pagkain, malinaw na ayaw na niyang pansinin pa si Alexander.Tahimik na pinanood siya ni Alexander. Walang bahid ng pagkakamali ang kilos ni Karylle mula simula hanggang dulo, kaya't natawa siya nang mahina. "Miss Ir
Habang kalmadong naglakad patungo sa upuan ng driver, mabilis na pinaandar ng lalaki ang sasakyan at umalis. Napakunot ang noo ni Karylle.Tahimik ding nagsalita si Harold, waring nakatutok lamang sa pagmamaneho.Pumikit sandali si Karylle bago nagsalita, "Naiwan pa ang kotse ko roon. Pagdating sa intersection, ibaba mo na lang ako."Ang tinutukoy niyang "roon" ay malapit sa eskinita.Ngunit hindi man lang siya sinagot ni Harold. Sa halip, nagpatuloy ito sa pagmamaneho na tila hindi narinig ang sinabi niya.Habang tumatagal, napansin ni Karylle na hindi dumaan si Harold sa inaasahan niyang ruta.Bigla siyang napalingon dito. "Saan tayo pupunta?"Hindi pa rin ito sumagot, patuloy lang sa pagmamaneho na may malamig na ekspresyon sa mukha. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.Habang palayo sila nang palayo, unti-unting nakuha ni Karylle kung saan sila patungo.Napakagat siya ng labi at hindi na nagsalita pa.Sa dami ng ingay sa social media, malamang ay nalaman na rin ito ng kan
Narating na ng lahat ang kanilang destinasyon. Samantala, ramdam na ramdam ng mga basagulero at siga ang matinding sakit sa kanilang katawan. Ang ilan sa kanila ay halos hindi na makalakad, lalo na ang kanilang pinuno na si Manon. Kinailangan nitong sandalan ang dalawa niyang tauhan para lang makagalaw, at sa bawat hakbang ay tila nalalapit siya sa pagkawala ng ulirat.Habang naglalakad patungo sa presinto, nais sanang sabihin ni Manon sa mga pulis na may iniinda siyang karamdaman at kailangang dalhin sa ospital. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Karylle at makita niya ang malamig nitong tingin, napalunok siya at piniling manahimik.Pagdating sa presinto, agad na pinatugtog ni Karylle ang nairekord niyang usapan mula kanina. Sa isang iglap, lumabas ang lahat ng kabastusang sinabi ng mga siga, dahilan upang mas lalo silang kabahan. Samantala, ang dalawang pulis na nakikinig ay unti-unting sumimangot, tila lumalala ang inis habang pinakikinggan ang ebidensyang inilatag ni Kar
Sabay na tumingin sina Adeliya at Andrea sa cellphone, dahil pareho nilang alam na maaaring galing na naman ito sa misteryosong tumatawag.Tiningnan ni Adeliya ang screen at napansin niyang isang virtual call ito—walang lumabas na regular na numero ng cellphone.Saglit siyang nagdalawang-isip bago sinagot ang tawag, ngunit hindi siya nagsalita.Agad namang sumunod ang boses ng kausap—ang pamilyar na tinig na parang isang batang babae dahil sa voice changer."Nakita mo na ba sa internet?"Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Adeliya. Sandali siyang nag-isip bago marahang sumagot, "Oo, nakita ko."Tatlong salita lang ang kanyang binitiwan—hindi dahil wala siyang gus
Madiing nakakunot ang noo ni Adeliya, hindi nagsasalita.Lalong nakaramdam ng kaba si Andrea—"Nagsisinungaling ka ba sa akin?"Mariing ngumiti si Adeliya at sumagot, "Hindi ako ang gumawa. Sigurado akong hindi ako, pero... alam ko ang nangyari."Lalong napuno ng pagtataka si Andrea. "Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba pwedeng sabihin nang diretso? Pinapakaba mo lang ako!"Mariing pinagdikit ni Adeliya ang kanyang mga labi, halatang nag-aalangan magsalita.Pero hindi basta-basta palalampasin ni Andrea ang bagay na ito. Kilalang-kilala niya ang anak kaya mas lalong lumalim ang boses niya."Ako ang ina mo! Ano pa bang hindi mo pwedeng sabihin sa akin? May nangyari ba? May nakausap ka ba? Sabihin mo na, dahil kung hindi, baka ito mismo ang patibong ni Karylle laban sa’yo!"Napakurap si Adeliya, halatang tinamaan. Nag-alinlangan pa siya ng ilang sandali, pero sa huli, unti-unting ikinuwento niya ang nangyari noong araw na iyon.Noong araw na iyon, may inaasikasong bagay si Andrea kaya naiwa
Tumango lang ang dalawa at hindi na nagsalita pa, saka inihatid ang mga gangster papunta sa sasakyan.Dahil sa ingay ng sasakyan ng pulis…Bukod pa roon, dahil isang grupo ng mga tao ang sumakay sa police car—at isa sa kanila ay isang babaeng talagang kapansin-pansin—maraming nakakita at kumuha ng litrato.Sa loob lang ng ilang minuto, muli na namang naging usap-usapan ito sa internet.Maraming celebrity ang napansin na ang trending topic na binili nila ay hindi lang basta hindi umakyat, kundi naitulak pa sa gilid dahil dito. Dahil doon, hindi nila mapigilang mainis.Nang makita nilang si Karylle ang nasa tuktok ng trending list, pati na rin ang muling pag-usbong ng kasikatan nina Alexander at Harold na dati nang nawala sa hot search, lalo pang naging masigla ang usapan sa internet.Lahat ay nag-uusap nang walang tigil, tila ba tuwang-tuwa sila sa nangyayari. [Nakita niyo ba? Nakita niyo ba?! Si Karylle mismo ang dinala ng pulis! Sino kaya ang unang dumating—si Ginoong Sanbuelgo ba o
Ang mga nakahilata lang sa lupa at hindi gumalaw ay hindi na masyadong pinahirapan. Sa totoo lang, halos wala silang natamong matinding pinsala.Samantalang ang mga paulit-ulit na tinamaan at nakararanas ng matinding sakit sa katawan ay lihim na nainggit sa mga hindi lumaban.Ngayon lang nila naintindihan ang ibig sabihin ng "humiga na lang para manalo.""A-Anong balak mong gawin?!!"Habang palapit nang palapit si Karylle, halos mamatay sa takot ang kanilang boss. Nanginginig ang boses niya, halatang puno ng kaba.Bagama't gusto siyang ipagtanggol ng mga tauhan niya, wala ni isa ang gustong masaktan pa lalo. Wala ni isang tumayo para tumulong.Nakangising lumingon si Karylle sa ka
Napahalakhak ang iba, hindi mapigilan ang kanilang kasabikan."Boss, saan tayo pupunta mamaya?" tanong ng isa. "Dito ba sa eskinita? Hindi yata maganda ang tanawin dito, tapos ang dilim pa. Paano natin masisiyahan nang maayos? Hindi naman tayo puwedeng gumamit ng stun baton, di ba?""Oo nga, masyadong madilim dito. Nakakatuwa nga naman, pero paano kung masyadong malakas ang sigaw niya? Nasa downtown tayo, baka may makarinig at mapahamak pa tayo."Punong-puno sila ng sigla at pananabik, lalo na dahil ang babaeng nasa harapan nila ay isang alamat. Hindi lang siya maganda at may magandang katawan, pero siya rin ang dating babae ni Harold. Bukod pa roon, may misteryo sa pagkatao niya—na siyang lalong nagpapaakit sa kanila.Matagal na nilang pinagnanasaan si Karylle, pero hindi nila inisip na magkakaroon sila ng ganitong pagkakataon.Pero ngayon, iba na ang sitwasyon.Napakalaki ng ibinayad sa kanila ng nag-utos nito, at sinabi pang may kasunod pang gantimpala kung magpapatuloy sila sa pag
Noon, maraming babae ang nagtangkang lumapit kay Logan.Pero lahat sila ay tinanggihan niya nang malamig. Ang iba pa nga ay diretsong pinagsabihan at hindi na muling lumapit.Kaya nang dumating si Karylle noong nakaraan at mismong si Logan pa ang nag-anyaya sa kanya na maupo sa harapan nito, nag-usap pa silang dalawa nang matagal at tila maayos ang kanilang pag-uusap—maraming babae ang hindi mapigilang mainggit.Simula noon, ang mga babaeng may gusto kay Logan ay nananatili na lang sa bar at pinagmamasdan siya mula sa malayo.Hindi nila inaasahan na may koneksyon pala talaga sina Karylle at Logan. At ngayon, magkasama na naman sila!Ang daming babaeng namamatay sa inggit!Hindi nagtagal, nagsimula nang magbulungan ang iba."Hindi ba si Karylle Ann ‘yon?! Siguradong may namamagitan sa kanilang dalawa!"Isang babaeng kulay ginto ang buhok ang naglabas ng sigarilyo, sinindihan ito, at marahang bumuga ng usok bago nagsalita, "Nakakahiya kayong mag-react. Hindi niyo ba alam kung anong klas
Umiling si Roxanne, pilit na kinokontrol ang kanyang emosyon."Hindi, hindi kita sinisisi."Nagsalita siya nang may bahagyang paghikbi.Ngayong araw…Nasabi niya na ang lahat ng itinago niya sa loob ng sampung taon. Hindi niya inasahan na ang kanyang pag-amin ay mangyayari sa ganitong paraan—hindi direkta, ngunit sapat na upang maunawaan ito ni Christian.Hindi man nila ito tahasang binanggit, ngunit malinaw na ang lahat.Huminga nang malalim si Roxanne. "Pasensya na, hindi ko dapat ginawa ito."Agad na umiling si Christian. "Hindi, ako ang may kasalanan. Ako ang nagdala ng ganitong klase ng emosyon sa'yo ngayon."Muling umiling si Roxanne at bahagyang napabuntong-hininga. "Hindi mo kasalanan. Minsan kasi, ang damdamin ay mahirap kontrolin. Alam kong si Karylle ang mahal mo, pero hindi ko pa rin napigilang maramdaman ang nararamdaman ko."Sa pagkakataong ito, mas direkta na ang kanyang mga salita.Kanina, hindi ito tahasang sinabi ni Roxanne dahil may pag-aalinlangan pa siya.Pero nga