Sa pagkakataong ito, hindi na naisipan ni Karylle na umupo sa likod. Diretso siyang umupo sa passenger seat sa unahan.Bahagyang dumilim ang mukha ni Harold, pero wala siyang sinabi.Mahaba ang biyahe ngayon, kaya pagkapasok pa lang ni Karylle sa kotse ay pumikit na siya para subukang matulog.Ngunit ilang saglit lang, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang Telegram.May group chat iyon nila ni Nicole at ni Roxanne.Nicole: En, kasama mo ba ngayon si Harold?Napakunot ang noo ni Karylle. May nakakita na naman ba sa amin at ipinost online?Karylle: Oo, bakit?Roxanne: Bakit kayo magkasama? Work ba?Karylle: Oo, pupunta kami ngayon sa Rosen Bridge. May kailangan lang asikasuhin.Roxanne: Rosen Bridge? Ang layo niyan ah. Kayo lang dalawa?Nicole: Putik! Totoo nga! Hindi pala ako niloko ng hayop na 'yon!Kasunod nito, nag-send pa si Nicole ng picture na halatang may inis na caption.Roxanne: ???Karylle: ???Karylle: Kasama rin si Bobbie, FYI.Patuloy lang sa pagta-
Ang isang papel na naglalaman ng divorce agreement ay itinapon sa harap ni Karylle, tumingin siya sa taong gumawa no’n. “Gising na siya, at nangako ako sa kanya na hangga’t buhay siya ay hindi mapupunta ang position niya bilang asawa ko sa ibang babae,” seryosong sabi ng lalaki. Tinuro niya ang papel na itinapon niya sa lamesa, sa harap ni Karylle. “Pirmahan mo ito, this is our divorce agreement.” Inasahan na ni Karylle na mangyayari ang bagay na ito dahil buwan na ang nakalipas nang magising ang pinsan niya. Itinaas niya ang tingin niya sa lalaki at nagsalita sa mapait na tono. “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin ngayon?” Umismid si Harold at umingin kay Karylle na hindi natutuwa. "Simula pa lang noong una hanggang ngayon, you’re a vain woman. Ano pa bang meron sa’yo na paniniwalaan ko?” Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng seryoso kay Karylle. "Huwag mo na akong paulitin, Kar. Sign this paper, and this villa will belong to you. Ito ang huling ibibigay ko para sa dignidad
Ang sabi mo kahapon ay kahit ako hindi kukunin ang kaso, diba?” tanong ni Karylle, naglakad siya at umupo sa sofa, sa kabila ni Layrin. Tumango naman si Layrin bilang sagot. “Hmmm, let me hear about it,” dagdag ni Karylle. Nasa loob sila ng cafe."That's ......"Nang matapos ni Layrin sabihin ang sitwasyon sa kaso na iyon, ginalaw nang bahagya ni Karylle ang daliri niya na nakapatong sa kaliwang hita niya. Nanliit ang kanyang mga mata na tila ba sobrang interesado niya na sa kaso na binanggit ni Layrin. “It's a little interesting. Who are the two parties?”“Ikaw babae ka…I mean, wala ka namang mapapala kung aalamin mo pa.”Tinignan ni Karylle nang seryoso si Layrin na may pagtataka rin. Bumuntong hininga si Layrin at tumango, sinagot niya ang tanong ni Karylle. “Ang dalawang ito ay nangunguna sa industriya ng negosyo, and mas lalong lumaki dahil na rin sa pangalan nila. It is Mr. Handel, who wants to ask you for help, and his opponent is…”Huminga pa nang malalim si Layrin na tila b
Nang marinig ang sagutan ng dalawa, agad nabahala si Adeliya. Bumaling siya kay Harold na may pagalala at sinabi, “Babe, don’t be angry. Siguro ay may hindi lang siya naitindihan sa pagitan ninyong dalawa, huwag mo na siyang patulan and please, don’t hurt me.”Karylle looked at Adeliya with a bit of mockery, she never knew that her cousin was a drama spirit, and she was disgusted today.Bago pa makapagsalita si Harold, nagsalita muli si Karylle. “Hindi lang naman isang araw o dalawang araw pinagnanasaan ng mabait kong pinsan ang position ko bilang Mrs. Sanbuelgo, so it’s better for you to marry her as soon as possible para hindi na siya mag-aksaya ng oras na padalhan ako ng mga mensaheng ikakagalit ko in the future.”Nang marinig ni Adeliya ang salitang ‘mensahe’, nagbago ang kanyang reaksyon at agad na sinabi: “Karylle, ipinaliwanag ko na sa’yo ng maraming beses, I will not destroy your family; si Harold mismo ang nakaramdam na mabuti akong babae at he owe something to me. We really d
Tumango lang si Karylle na parang walang pakialam. “Hayaan mo na lang siya, mukha naman wala siyang balak na masama, baka nagkataon lang na nakasunod siyaat nasa iba ang pakay niya.” Pagkatapos ng nakakapagod na araw, nakatulog siya nang mahimbing sa gabing iyon. Dati ay nag-aalala at natatakot siya na mawala si Harold sa buhay niya, at ngayon ay nawala na nga ito sa buhay niya, pero tila ba nawalan siya ng isang mahalagang bagay. Napag-isipan niya iyon nang mabuti at tinanggap na lang kapalaran. ‘What I thought was a lonely pillow turned into a dreamless night.’ sa isipan niya. Pero kahit papaano ay nakaalis siya sa lalaking iyon. Maagang nagising si Karylle sa umagang iyon at sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-aalmusal. Nasa maayos ang isip niya ngayon, tumingin siya sa nakahandang breakfast na para sa kanya at napangiti. She likes Pinoy breakfast, an egg with omelet, sopas soup and a hot coffee, but Harold doesn't like it, he is used to American-style breakfast, so
Habang si Harold naman ay nakatingin sa relong hawak niya. Hindi niya gusto ang relo noong una at basta na lang itinapon sa sahig, kaya nasira. Gayunpaman, hindi niya magawang itapon ito nang tuluyan, kaya kinuha niya isa-isa ang mga parteng nabasag.Alam niyang sira ang relo, ngunit para bang may kakaibang naramdaman siya para dito na pumipigil sa kanya na iwan ito.Napansin ni Harold na may nanonood sa kanya. Paglingon niya, nakita niya ang malamig at walang pakialam na mga mata ni Karylle. Ngumisi siya ng mayabang at itinapon ang relo sa dressing table, na para bang wala itong halaga."Bakit mo nilagay ang sirang bagay na 'yan dito? Sa tingin mo ba ang bahay ko ay basurahan?" tanong ni Harold na puno ng hinanakit.Napapikit si Karylle bago sumagot, "Kung ayaw mo, itapon mo." At sinimulan niyang maghanap ng kuwintas sa paligid, hindi man lang siya tumingin kay Harold.Halos magdilim ang paningin ni Harold. Noong una, sobrang halaga ng relo na iyon para sa kanya, ngunit ngayon, parang
Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha. Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Sa pagkakataong ito, hindi na naisipan ni Karylle na umupo sa likod. Diretso siyang umupo sa passenger seat sa unahan.Bahagyang dumilim ang mukha ni Harold, pero wala siyang sinabi.Mahaba ang biyahe ngayon, kaya pagkapasok pa lang ni Karylle sa kotse ay pumikit na siya para subukang matulog.Ngunit ilang saglit lang, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang Telegram.May group chat iyon nila ni Nicole at ni Roxanne.Nicole: En, kasama mo ba ngayon si Harold?Napakunot ang noo ni Karylle. May nakakita na naman ba sa amin at ipinost online?Karylle: Oo, bakit?Roxanne: Bakit kayo magkasama? Work ba?Karylle: Oo, pupunta kami ngayon sa Rosen Bridge. May kailangan lang asikasuhin.Roxanne: Rosen Bridge? Ang layo niyan ah. Kayo lang dalawa?Nicole: Putik! Totoo nga! Hindi pala ako niloko ng hayop na 'yon!Kasunod nito, nag-send pa si Nicole ng picture na halatang may inis na caption.Roxanne: ???Karylle: ???Karylle: Kasama rin si Bobbie, FYI.Patuloy lang sa pagta-
Nagsimulang ilapag ng mga waiter ang mga pagkain sa mesa. Dahil naka-reserve na ito ni Bobbie bago pa man sila dumating, puwede na agad silang kumain pagkaupo.Pagbalik ni Bobbie matapos i-park ang sasakyan, agad niyang napansin ang seating arrangement nila. Napahinto siya at saglit na natigilan.Bigla niyang naisip, Aba, parang ayoko nang lumapit.Kabisado na niya ang mood ni Mr. Sanbuelgo. Sa tingin pa lang niya, alam niyang ayaw na ayaw ng boss niya na makisalo siya sa upuan ngayon. Ramdam niyang pinipigilan pa nito ang sarili.Pero bago pa siya makapagdesisyon kung babalik na lang siya sa sasakyan o tuluyan nang lalapit, nagsalita agad si Roy—na para bang palaging sabik sa gulo at hindi natatakot sa drama.“Bobbie, halika na! Umupo ka na, mabilis lang 'to. Kain lang tapos alis agad, time is tight and the task is heavy!” nakangising sabi nito.Napabuntong-hininga si Bobbie. Aba, kung hindi ba naman ako iniipit nito...Malinaw na si Roy ay nagpapasaya lang at sadyang ginagatungan an
Sa kabila ng lahat, nanatiling mabigat ang loob ni Karylle.Ang Rosen Bridge ay hindi ganoon kalapit. Bagama’t nasa loob pa rin ito ng Lungsod B, matatagpuan ito sa isang maliit na lalawigan na kailangan pang tawirin mula sa isang urban area papunta sa isa pa.Ibig sabihin, kung aalis sila sa hapon, malamang ay gabi na bago matapos ang inspeksyon, at posibleng kailanganin pa nilang mag-overnight doon.Dahil dito, naramdaman ni Karylle ang isang hindi maipaliwanag na inis.Pero dahil ito ay tungkol sa trabaho at bahagi ng kanyang tungkulin, wala siyang magawa kundi lunukin ang nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon o ihalo ang personal sa propesyonal. Kapag ginawa niya iyon, tiyak na iisipin ng iba na isa siyang maliit at pihikang tao. Sa kasalukuyang kalagayan niya—na pilit bumabangon muli para makuha muli ang kontrol sa Granle—hindi siya puwedeng magkaroon ng kahit kaunting kapintasan.Lalo na ngayong ang proyektong ito kasama si Harold ay isa sa pinakamahalaga sa kany
Itinutok ni Harold ang kanyang mata kay Karylle, kahit hindi siya nagsalita, ramdam pa rin ni Karylle ang matinding ironiya sa mga mata nito.Hindi pinansin ni Karylle si Harold at sa halip ay tumingin siya sa namumuno ng planning department na nagsalita."Ba't ninyo gustong magpalit ng trabaho?" tanong ni Karylle.Agad na sumagot ang head ng planning department, "Ganito po kasi, magkaibang mga kalakasan ng bawat isa, at ang cooperation plan po ay nagbago, kaya't pinili namin ang mga posisyon na akma sa amin."Isang matalim na tingin mula kay Harold ang tumama sa manager ng planning department, at malamig niyang tanong, "Ano ang resulta?"Dali-daling tumingin ang manager kay Karylle, hindi niya kayang tumingin kay Harold. Nang makita niyang nakasimangot si Karylle, agad siyang kinabahan.Naku!Pumait ang kanyang pakiramdam. Akala niya na ang mga pagbabago ay makakatulong para magustuhan siya ni Karylle at Harold, pero ngayon, parang napaglaruan lang siya ng sarili niyang kakulangan at
Napakunot ang noo ni Adeliya. “Alam ko,” maikli niyang sagot.Ayaw na sana niyang magtiwala sa taong iyon, pero hindi na rin niya kayang maghintay pa.Nang makita ni Andrea na naging mas mahinahon na si Adeliya, tumango ito. “Sige, hintayin na lang muna natin ang balita. Pag naayos na ang lahat, makakalabas na tayo agad ng ospital.”Tumango si Adeliya. “Hmm.”Mabilis lumipas ang araw, pero hindi alam kung ilang tao ang hindi nakatulog nang maayos.Si Karylle, ilang ulit nagising sa kalagitnaan ng gabi. Halatang hindi maganda ang lagay niya, at kung wala siyang alarm kinabukasan, siguradong malalate siya.Nang lumabas si Nicole sa kwarto, nadatnan niya si Karylle na kakatapos lang sa banyo. Ngumiti siya at kinawayan ito, “Morning, baby~”Pinilit ngumiti ni Karylle. “Morning. Mauna ka na maghilamos, ako na maghahanda ng breakfast.”Umiling si Nicole habang pinapakita ang hawak niyang cellphone. “No need, I already ordered. Papadeliver ko na lang.”Tumango si Karylle. “Okay, sige, mag-ay
"Mukhang gano'n na nga." Walang pag-aalinlangang sabi ni Jerianne, habang ang kanyang mga mata ay naglalaman ng malalim na pag-unawa. "Kung may ganitong tensyon sa lumang mansyon ng Sabuelgo family, malamang maraming hindi pagkakaunawaan at tampuhan sina Harold at Karylle."Napakagat-labi si Reyna, hindi alam kung ano ang sasabihin.Hinila siya ni Jerianne palapit at niyakap. "Anak, huwag mong pilitin ang sarili mong mag-isip ng kung anu-ano. Kung kaya mong ipaglaban, ipaglaban mo. Pero kung hindi na talaga kaya, matutong bumitaw. Yung paulit-ulit kang nasasaktan pero ayaw mong pakawalan—hindi ikaw 'yon. At ayokong mas lalo ka pang masaktan."Nanginginig ang mga labi ni Reyna, at dama niyang pati ang ina niya ay gusto na siyang sumuko.Pero hindi niya kaya.Napakabuting lalaki ni Harold...Sa isip niya, si Harold pa rin ang laman—ang pagiging maayos nitong tingnan, ang diretsong kilos, ang tapang, at ang matikas nitong tindig.Hindi niya matanggal sa isipan ang lalaki. Ang bigat ng pa
Napatawa si Karylle sa sinabi ni Nicole. “Grabe ka, hindi naman lahat ng lalaki ay scumbag. Marami pa rin diyan ang matinong tao.”Napabuntong-hininga si Nicole. “Well, sa panahon ngayon? Ilan ba talaga ang kagaya ni Christian? Sabihin mo nga, gaano karami sa kanila ang totoong maaasahan?”Biglang naging kumplikado ang tingin ni Karylle. Tahimik lang siyang napatingin sa malayo, pinipigil ang sarili. Hindi siya sumagot, bagkus ay pinagdikit lang niya ang mga labi at ibinaling ang tingin.Napansin agad ni Nicole ang pagbabago ng mood ng kaibigan. Parang nalamlam na naman si Karylle. Agad siyang natauhan—mukhang hindi niya dapat binanggit si Christian. Alam niyang may matinding guilt si Karylle kay Christian, lalo na’t may utang na loob ito sa lalaki.“Ay, sige na nga, huwag na natin pag-usapan ‘yan. Manood na lang tayo ng TV, gusto mo?” alok ni Nicole, pilit binabago ang tema ng usapan.Tumango si Karylle. “Sige.”Sa totoo lang, wala talaga siyang gana manood, pero dahil kay Nicole na
Hindi nagsalita si Harold, bagkus pinili niyang manahimik habang mariing pinipigil ang anumang emosyon.Ngunit kahit wala siyang sinabi, ramdam pa rin ng lahat ang bumabalot na lamig sa kanyang paligid, lalo na sa mga mata niyang tila nagyeyelong titig. Kitang-kita—masama ang timpla niya.Lalong nataranta si Lady Jessa, “Karylle, ikaw...”Nabitin ang sasabihin niya, tila nag-aalangan kung dapat pa ba siyang magsalita. Wala na siyang nadugtong pa.Sa kabilang banda, si Karylle ay medyo kalmado na rin sa mga sandaling iyon. Pinilit niyang ngumiti, at mahinahong nagsalita, “Grandma, huwag ka nang mag-alala sa akin. I'm really okay.”“Paano naman ako ‘di mag-aalala, Karylle? Kita mo naman ang sarili mo. Kung gusto mo, bumalik ka na dito. Sabihan mo si Roy na ibalik ka muna. Palalabasin ko na yang batang ‘yon—tayo muna ang mag-usap bilang apo’t lola, okay?”Bahagyang tumango si Karylle. “Grandma, okay lang po talaga ako. May mga kailangang asikasuhin sa trabaho. Pupunta na lang po ako sa i
At gaya ng inaasahan, agad na tumigil si Karylle nang marinig ang sinabi ni Roy.Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan sa tabi ng kalsada, malapit kay Karylle. Bumaba ng bahagya ang bintana at tumingin siya sa dalaga. “Si lola lang kasi ang nag-aalala talaga,” paliwanag niya. “Ayaw niyang mapabayaan ka, kaya pinakiusapan niya akong sunduin ka. Please, sakay ka na. Kung hindi ka sasama, lalo lang siyang mag-aalala.”Hindi agad nagsalita si Karylle. Kunot ang noo niyang tumingin sa loob ng sasakyan, at nang masigurong si Roy lang talaga ang laman niyon, bahagyang lumuwag ang ekspresyon niya.Pero tumanggi pa rin siya. Maingat at malamig ang boses niya nang magsalita, “Sabihin mo na lang kay lola na sinundo mo ako at nakauwi na ako. Hindi ko na ikukuwento ‘to.”