Habang si Harold naman ay nakatingin sa relong hawak niya. Hindi niya gusto ang relo noong una at basta na lang itinapon sa sahig, kaya nasira. Gayunpaman, hindi niya magawang itapon ito nang tuluyan, kaya kinuha niya isa-isa ang mga parteng nabasag.
Alam niyang sira ang relo, ngunit para bang may kakaibang naramdaman siya para dito na pumipigil sa kanya na iwan ito.
Napansin ni Harold na may nanonood sa kanya. Paglingon niya, nakita niya ang malamig at walang pakialam na mga mata ni Karylle. Ngumisi siya ng mayabang at itinapon ang relo sa dressing table, na para bang wala itong halaga.
"Bakit mo nilagay ang sirang bagay na 'yan dito? Sa tingin mo ba ang bahay ko ay basurahan?" tanong ni Harold na puno ng hinanakit.
Napapikit si Karylle bago sumagot, "Kung ayaw mo, itapon mo." At sinimulan niyang maghanap ng kuwintas sa paligid, hindi man lang siya tumingin kay Harold.
Halos magdilim ang paningin ni Harold. Noong una, sobrang halaga ng relo na iyon para sa kanya, ngunit ngayon, parang wala na lang ito kay Karylle! Oo nga, nagbago na siya! Paano pa nga naman siya magkakandarapa tungkol sa relo, gayong may mga bago na siyang pinagkakaabalahan?
Mga ligaw na lalaki siguro!
Nagsimulang mag-init ang ulo ni Harold, at halos pumutok na ang ugat sa kanyang noo. "Karylle, kaya ka ba pumayag sa divorce dahil may bago ka na?"
Ngumiti si Karylle, "Kung ‘yan ang iniisip mo, hindi ko na pipigilan."
Pagkatapos ng sagot na iyon, tumuloy siya sa dressing table, binuksan ang drawer at kinuha ang kahon ng kuwintas. Magkalapit sila, ngunit hindi man lang siya tumingin kay Harold. Naglakad palabas ng silid nang walang paalam.
Nababalot ng galit si Harold, kaya hinawakan niya ang braso ni Karylle. "Sa tingin mo ba puwede kang pumasok at lumabas dito ng basta-basta?"
Hindi agad naalis ni Karylle ang braso niya, kaya napatingin siya kay Harold nang may pagtataka, "Ano bang gusto mo?"
Naguguluhan si Karylle. Kailan pa naging ganito ka-emosyonal ang taong ito? Hindi niya naintindihan ang biglaang pagbabago ng ugali ni Harold.
Hinigpitan pa ni Harold ang pagkakahawak sa kamay ni Karylle. "Gusto kang makita ni Lola. Sumama ka sa akin mamayang gabi sa mansyon."
Nakasimangot si Karylle at tinitigan si Harold na parang tinatanong kung nasa tamang pag-iisip pa ito. "Mr. Sanbuelgo, baka nagkamali ka ng iniinom na gamot? Kung gusto mong may makasama ka, bakit hindi si Adeliya ang isama mo?"
Nang marinig ang mga mapanuyang salita ni Karylle, lalo pang dumilim ang mukha ni Harold. "Sinabi ko, ikaw ang gusto ni Lola na makita! Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang makasama ka?" sigaw ni Harold habang tumitindi ang kanyang galit.
Ngumisi si Karylle, puno ng pangungutya. "Noong una, nang gusto akong makita ni Lola, ginawa mo ang lahat para pigilan ako. Bakit ngayon, bigla mong ipilit sa akin para makita siya?"
Tumawa nang mapakla si Harold. "Alam mo kung gaano ka mahal ni Lola noon. Ngayon ba, nakakalimutan mo na siya dahil lang sa sitwasyon natin?"
Napalunok si Karylle. Totoo, sa mga nakalipas na taon, ang Lola ni Harold lang ang nagturing sa kanya nang maayos sa pamilya Sanbuelgo. Ang matanda lang ang nakakaintindi sa kanya, at sa kabila ng lahat, ito lang din ang nag-aruga sa kanya.
Kahit na minsan, mas naramdaman ni Karylle na parang tunay siyang apo ni Lola kaysa manugang. Kaya naman, hindi niya kayang tanggihan ang matanda.
Ngunit tila nabaling ang galit ni Harold sa kanya. "Dati, mahal na mahal mo si Lola. Ngayon, kaya mo na siyang baliwalain ng ganito kabilis? Hindi ko alam na ganito ka pala kalakas, Karylle. Itatapon mo na lang ako dahil sa may iba ka na?"
Napakagat-labi si Karylle. "Hindi ako ganoon, Harold."
Malamig ang ngiti ni Harold, "Kung ganoon, sumama ka na sa akin."
Habang pumapasok sila sa kotse, puno ng halo-halong emosyon si Karylle. Napag-isip-isip niyang ang kanilang kasal ay puno ng gulo. Lagi na lang ang matanda ang nag-aalala para sa kanila.
Kung hindi lang siya pinilit ni Harold na magpakasal...
Nakarating sila sa lumang bahay ng pamilya Sanbuelgo. Pagpasok pa lang nila, narinig na agad ni Karylle ang masiglang tinig ni Lady Jessa mula sa sala, "Nandito na ang paborito kong granddaighter-in-law! Karylle, halika at umupo sa tabi ko! Matagal kitang hinintay!"
Bahagyang kumurap si Karylle at halos hindi maitago ang komplikadong emosyon sa kanyang mga mata. Pinilit niyang ngumiti, "Lola, pasensya na, sa mga nakaraang araw..."
Bago pa man niya matapos ang sinasabi, tinapik ni Lady Jessa nang magaan ang kamay niya. "Hindi mo na kailangan magpaliwanag, apo. Alam ni Lola ang lahat ng pinagdadaanan mo."
Napatingin si Karylle kay Lady Jessa, tila naguguluhan at nagulat sa sinabi nito. "Alam niyo po ang lahat, Lola?"
Tumango si Lady Jessa at tinitigan si Karylle ng malungkot. "Oo, alam ko, apo. Ang batang ito." Sabay turo kay Harold, "wala talagang pakiramdam. Hindi niya alam kung gaano ka kahalaga."
Hindi agad nakaimik si Karylle. Kung alam ni Lady Jessa na hiwalay na sila ni Harold, bakit tila wala itong pakialam at parang gusto pang ipagpatuloy ang kanilang relasyon?
Napatingin din si Harold kay Lady Jessa, tila naguguluhan din.
Puno ng lungkot, muling nag-usap si Lady Jessa. "Karylle, wag mong isipin na wala akong alam. Nalaman ko ang lahat ng kasalanan ni Harold. At pinagsisisihan ko na, anak, na ikaw pa ang napunta sa kanya."
Saglit na natahimik si Karylle. Napakaraming damdamin ang bumabalot sa kanya—galit, awa, at pagkalito. Ang tanging taong naging mabuti sa kanya ay si Lady Jessa, at hindi niya alam kung paano pa siya dapat tumugon.
Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha. Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Pagkabalik sa bahay, dumiretso si Karylle sa banyo at naligo para marelax.Kahit dati siyang nakatira nang mag-isa, mas relaxed siya ngayon. Noon, palagi siyang nag-iisip tungkol sa lalaking iyon, pero ngayon ay nakakapag-focus na siya sa sariling career. Napaisip tuloy siya kung bakit niya sinayang ang oras at lakas sa lalaking iyon.Kahit medyo mababaw ang tulog ni Karylle, maganda ang pahinga niya, pero sa kabilang banda...may isang tao na hindi mapakali.Paglabas ni Harold sa bahay ng mga Bo, dumiretso siya sa kompanya. Nagtrabaho siya nang kaunti at nagpahinga, pero nang humiga siya, napuno ng imahe ni Karylle at ng pilya nitong ngiti ang isip niya.Biglang bumukas ang matalim niyang mga mata, at puno ng lamig ang mukha niya!Tumayo siya at inutusan ang assistant na tawagin ang mga tao para mag-video conference nang gabing iyon para ayusin ang trabaho.Hindi siya nakatulog buong gabi, at halata sa mukha niya ang inis at pagod.Tahimik na tahimik ang lahat sa video, at walang nagla
Bahagyang ngumiti si Karylle at itinama siya, "Ex-wife."Kahit gaano pa ka-kalmado si Mr. Handel, medyo nagulat siya, "Ex-wife?"Itinaas ni Karylle ang kanyang kamay, "Mr. Handel, ako si Iris. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Sana magkaintindihan tayo."Bilang Mrs. Sanbuelgo, ilang beses na silang nagkita.Pero bilang si Iris, ngayon pa lang sila nagkita.Nakipagkamay si Mr. Handel at may ngiti sa kanyang mga labi, "Bakit kaya nag-divorce si Miss Iris?"Medyo nagalit si Layrin, "Habang kumakain sa isang plato, iniisip naman ni MR. Sanbuelgo ang nasa ibang plato, Ms. Iris...""Layrin..." Pinigilan siya ni Karylle at binigyan ng senyas na huwag nang magsalita tungkol sa mga personal na bagay.Pagharap kay Mr. Handel, sinabi niya, "Mr. Handel, alam namin ang kahalagahan ng kasong ito para sa Alexander's, kaya hindi ito magiging biro. Puwede mong hindi paniwalaan si Karylle bilang ex-wife ni MR. Sanbuelgo, pero hindi mo puwedeng kwestiyunin si Iris, at wala akong dahilan para sirain an
"Mananalo tayo sa kaso."Mahina niyang sinabi ito.Pero naniwala si Alexander sa sinabi ni Karylle.At dahil do’n matalim niyang tinitigan ang magandang babae sa harap niya, at nanlilisik ang mga mata. Sinasabi ng iba na ang mga magagandang babae ay parang dekorasyon, pero tila ang isa ay nasa harap niya ngayon.Sa isip din ni Alexander na kung nagsasabi ng totoo si Iris, hindi siya dapat minamaliit. Tumango siya at mahina ring sinabi, "I will agree to the everything you say, as long as you will take care of my case."Ipinatong ni Karylle ang kamay sa mesa, at paminsan-minsang tinatapik ang mesa gamit ang hintuturo. Tumingin siya kay Alexander at ngumiti nang banayad, "I will, Mr. Handel—”“Please call me Alexander,” agad namang putol ni Alexander kay Karylle. Tumango at ngumiti lang din ulit si Karylle at nagsalita. “Narinig ko na sa loob ng sampung araw, may birthday party ang pamilya ni Mr. Sandejas."Tumingin si Alexander sa kanya, "Yes, that’s right."Bahagyang tumagilid ang ulo
Natahimik saglit si Karylle sa kabilang linya, hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander, nawala rin ang kanyang ngiti dahil do’n at nang mapansin iyon ni Layrin, bumaling siya kay Karylle at sumenyas na nagtatanong kung anong nangyari. Tumingin lang din si Karylle sa kanya at bumalik sa kausap sa telepono. “I’ll see you again, Mr. Handel. Good bye.” Hindi niya na inantay ang sagot ni Alexander, ibinaba niya na ang tawag. “He’s tough.”Agad niyang banggit. Napailing na lang si Layrin. Para sa kanya, isang pagkakamali kung magiging close sina Karylle at Alexander sa oras ng trabaho. Hindi magandang tignan din na magkakaroon ng personal na bagay na hahalo sa kaso. Kailangan mag-ingat ni Karylle. "Iris, I won’t get tired reminding you that this case is not a simple case, kung paano mo hinawakan ang mga kaso mo, alam natin pareho na iba ito. Please be careful with Mr. Handel, expert siya sa babae at kilala kita, matalino ka sa ibang bagay pero sa pag-ibig, ligwak ka. Please set aside t
Saglit na nagkaproblema si Adeliya sa kanyang naiisip, "Pwede ba iyon? Dahil dati dinadala niya lang si Karylle sa mga handaan, para ipakita sa harap ng lahat na mag-asawa sila, para makatulong sa plano nito sa negosyo. Kaya paano niya ako madadala sa party?” Kung si Karylle ay dinadala ni Harold para ipakita sa mga tao dahil asawa niya ito, ano pa siya na hindi niya pa matutumbasan ang kung anong meron kay Karylle noon dahil wala pa kahit isa sa pinangako ni Harold sa kanya ang nangyayari. Napangiti ng masama si Andrea, "Ibang-iba ang panahong ito sa nakaraan.”"Huh?" Litong-lito pa rin si Adeliya sa mga sinasabi ng kanyang ina. Hinila niya si Adeliya malapit sa kanya, "Anong status ni Karylle noon? Now that your father has robbed them of all their property, what else does she have? Hindi ba, wala na? Ngayon, ikaw na ang panganay na babae ng pamilya Granle, understand?!"Pero kung gano’n...... Hindi ako kayang tiisin ng mga tao dahil ako na ang bagong Lady Granle, di ba? Wouldn't t
Tumayo si Lady Jessa at humakbang papunta sa gilid ni Harold, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang balikat ni Harold, ramdam ni Harold ang sakit ng hampas ng kanyang lola na para bang hinampas siya ng isang baka: "Kaya pala masyado kang nanakit ng tao! Bastard! Get away from here, hurry up and bring back my good daughter-in-law!”"Lola, this time, nakapagdesisyon na ako." Hinimas ni Harold ang kanyang balikat na hinampas ng matanda at nakasimangot ang kanyang mukha habang sinasabi iyon."You! Gusto mo talagang nagagalit ako sa’yo?!"Magpapanggap na nahihilo ang matandang babae nang magsalita ito, ngunit agad na nagsalita si Master Joseph sa malalim na boses, "Sige, masama ang pakiramdam ng lola mo, aalisin ko muna siya.” Lumapit siya sa kanyang asawa at tumingin kay Harold. “You’re old enough to do your own thing. Ikaw na ang bahala."“Yes, Lo.”Mas lalong nagalit si Lady Jessa, tinignan niya nang masama ang asawa at bago pa siya makapagsalita ulit, hinila na siya
Ang mga sulok ng labi ni Karylle ay bahagyang gumalaw, hindi pinansin si Nicole.Ngunit si Nicole ay hindi mapigilang tumawa at muling nagbasa ng komento, "Grabe! Ang graphic naman! Karylle, kung dumating talaga ang araw na ‘yan, siguraduhin mong sampalin mo siya nang malakas! Hayaan mo siyang lumuhod nang matagal! Hindi ganun kadali ang maghabol ng asawa, hahaha!""Nicole, sobra ka na," sabi ni Karylle habang nararamdaman ang pagkirot ng kanyang sentido.Paano ba magiging ganoong klase ng tao si Harold na maghahabol pa sa kanya?Para kay Karylle, nakakatawa lang ang ganitong usapan.May ngiti sa mga labi ni Nicole, "Hindi naman ako sobra. Totoo ang sinasabi ko. Hindi mo ba napapansin na mas maasikaso na si Harold sa'yo ngayon kumpara dati? Noon, hindi ka man lang niya tinitingnan, pero ngayon gusto pa niyang personal na gumawa ng paraan para sa'yo.""Para lang matapos ang usapan," sagot ni Karylle nang may mapait na ngiti. Kung magkataon man, mas maniniwala pa siyang seryoso si Fu Ji
Agad siyang napatingin pataas, at napansin niyang naging seryoso ang mukha ni Christian. Ang mga mata nito ay nakatuon sa Weibo post na mula sa pamilya Sanbuelgo...Nataranta si Nicole, kaya mabilis niyang iniabot ang telepono kay Karylle. Nang tingnan ni Karylle ang screen, mabilis niyang binasa ang ilang pangungusap, at bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon.Samantalang si Roxanne naman…Sa puntong ito, hawak pa rin niya ang kanyang telepono, hindi alam kung ano ang sasabihin.Hindi na pinansin ni Christian ang iba sa sandaling iyon. Ang buong atensyon niya ay nakatuon kay Karylle, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. "Karylle, ikaw ba ang tinutukoy nila?!"Bahagyang kumilos ang mga mata ni Karylle, ngunit wala siyang sinabi.Malinaw na ang lahat dahil sa inilabas ng pamilya Sanbuelgo. Kahit magtanggi pa siya ngayon, wala na rin itong saysay.Ngunit bigla na lamang hinawakan ni Christian ang kamay ni Karylle. "Kumusta ka na ngayon?! Bakit hindi mo sinabi sa akin? At bakit hin
Bahagyang nag-iba ang mukha ni Nicole at bigla niyang tiningnan si Karylle na may halong pag-aalala, "Karylle..."Ngumiti si Karylle, "Huwag mo akong alalahanin. Alam ko na kung ano ang dapat kong gawin sa bagay na ito. Maghihiganti ako para sa tatay ko, pero natanggap ko na ang sitwasyon. Hindi ko na hahayaang masira ang sarili ko dahil sa mga nangyari. Babangon ako."Tinitigan ni Nicole si Karylle, at sa anyo nito, sigurado siyang seryoso ito. Tumango siya at sinabi nang may katiyakan, "Tama, susuportahan ka namin palagi!"Kasama na rin siyempre sina Christian at Roxanne.Ngumiti si Karylle at hinawakan ang kamay ni Nicole. "Alam kong nandiyan kayo, at iyon ang mahalaga.""Pero... hindi ba tayo dapat makialam? Ang gulo na ng lahat. Mukhang ayaw na talagang makipag-cooperate ng pamilyang Sanbuelgo sa pamilyang Granle. Wala ka bang plano na kumilos?""Wala. Pero ang tungkol sa planong ito..."Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Karylle. Sa biglaan ng pangyayaring ito, mukhang magiging
Matagal na nag-isip si Lucio at hindi nagsalita. Pakiramdam niya ay may mali, pero...Kung hindi niya gagawin, paano kung mas lumala ang sitwasyon?Habang iniisip niya ito, muling nag-ring ang kanyang telepono.Naiinis siyang sumagot, "Kailan ka makakabalik?""Dalawampung minuto pa.""Bilisan mo. Kailangan kong may magbantay dito. Paulit-ulit na ang mga tawag, at kailangan ko pang pumunta sa kumpanya para sa meeting.""Sa laki ng isyung ito, kailangan mo talagang humarap. Sige, pupunta na ako agad. Sabihan mo ang mga tao na magbantay nang mabuti sa anak natin.""Hmm."Matapos ang usapan, agad na binaba ni Lucio ang telepono.……Isang oras ang lumipas, sa conference room ng Granle GroupNasa kanilang mga upuan ang mga opisyal, lahat ay tahimik at halatang apektado ng sitwasyon.Nakapangalumbaba si Lucio, halatang wala na siyang gustong sabihin pa.Tiningnan ni Santino ang lahat, saka mahinahong nagsalita, "Ngayon na nasa ganitong sitwasyon tayo, wala nang silbi ang sisihan. Kung may ma
Natatawa si Andrea nang husto!Tinitigan niya sila at sumigaw, "Ano ang gusto niyong gawin ko?! Hindi niyo ba alam sa sarili niyo ang mga ginawa niyo? Kayo ang naging traydor! Ginawa niyo ang Granle family ko na pinakamalaking katatawanan!"Dahil sa lakas ng sigaw ni Andrea, naging paos ang boses niya habang hinihingal. Namula ang kanyang mukha, kitang-kita ang matinding emosyon na nararamdaman niya.Tinitigan siya ni Lady Jessa at mahinahong sinabi, "Tapos ka na bang sabihin ang lahat ng nasa isip mo?"Hindi napigilan ni Andrea ang sarili at muling nang-asar."Sa oras na mabuwag ang kasunduan sa kasal, iisipin ng lahat na may problema sa Granle family namin, habang ang Sabuelgo family niyo ay lilinis ang pangalan! At kahit nga, baka nakahanap na kayo ng bagong kasosyo sa likod nito, o di kaya’y nakaisip kayo ng paraan para tanggalin kami sa eksena!"Biglang nanlamig ang mukha ni Lauren at bumukas ang kanyang bibig para magreklamo, pero pinigilan siya ni Lady Jessa gamit ang kanyang t
"Kung ipinadala nila, paano nila mabubura iyon? Huwag mo nang isipin, pupuntahan ko pa iyon! Huwag mo na akong pigilan!" Binilisan niya ang kanyang hakbang.Pagbukas nila ng pinto ng kwarto, nakita ng mag-asawa na hawak ni Adeliya ang cellphone at nakatingin dito, maputlang-maputla ang mukha niya!Biglang nagbago ang ekspresyon nina Andrea at Lucio!Kasabay nito, bumuhos ang mga luha ni Adeliya. Tumingin siya sa kanyang mga magulang, may lungkot sa kanyang ngiti. "Ibig sabihin, totoo ang lahat ng iyon. Hindi ako nagkamali ng naramdaman."Dali-daling lumapit si Andrea, kitang-kita ang pag-aalala, "Adeliya, hindi ka nagkamali ng naramdaman! Ang matanda sa pamilya Sabuelgo ang pabago-bago! Hindi papayag si Mama na basta na lang mawasak ang kasal ninyo! Hindi nila magagawa ito! Hindi maaari!"Biglang ngumiti si Adeliya, puno ng lungkot, "Anong hindi maaari? Naghanda na sila ng bayad-pinsala. Ano pa ang puwede nating pag-usapan..."Tahimik na siya ngayon, wala na ang galit at panic niya ka
Nagulat si Karylle, ang buong katawan niya ay may sabon pa nang mga oras na iyon.Si Nicole, na sobrang excited pa sanang magkwento habang hawak ang cellphone, ay hindi inasahan na makikita ang ganoong kaganda at halos hubad na katawan.Bilang babae, hindi niya napigilang mapalunok at titig na titig kay Karylle habang mahinang nagsabi, "Karylle, parang bumaluktot na yata ako dahil sa'yo."Napairap si Karylle at sinabing, "Lumabas ka na, sandali na lang ako rito."Pero hindi agad lumabas si Nicole. Matagal-tagal din siyang nakatitig kay Karylle bago nagsabi, "Bilisan mo na kasi, may malaki akong balita para sa’yo!"Napabuntong-hininga si Karylle. Alam niyang hindi ito simpleng bagay dahil kung hindi, hinding-hindi papasok si Nicole sa banyo niya nang ganoon ka-bigla.Dahil silang dalawa lang naman ang nasa bahay, hindi na rin niya naisipang i-lock ang pinto.Hindi nagtagal, narinig ni Karylle ang boses ni Nicole mula sa labas."Karylle! Ang tagal mo naman! Ang galing mo talaga, pero an
Sa ilang sandali, tumahimik ang tatlo.Halatang hindi nila alam kung ano ang gagawin tungkol dito.Napabuntong-hininga si Roxanne. "Kahapon, tinanong pa ako ni Christian kung niloloko ba natin siya, at kung totoong hindi ka kailanman nangako sa kanya, Karylle."Huminga nang malalim si Nicole. "Ah, ganito pala..."Pumikit si Karylle, saka malumanay na nagsalita, "Okay lang na isipin niyang gano'n. Mas mabuti na rin na may kaunting paghahanda siya sa isip."Nangilid ang luha ni Roxanne, at tumayo siya sa dulo ng pasilyo malapit sa ward. Panay ang lingon niya, natatakot na baka biglang lumabas si Christian.Pagkatapos siguraduhing walang tao, napabuntong-hininga siya, "Karylle, bakit hindi na lang ako ang gusto niya? Kung ako, hindi na siguro siya mag-aalala nang ganito."Binuksan ni Nicole ang kanyang bibig, ngunit hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Halatang naguguluhan din siya."Hayaan niyo muna, mag-iisip pa ako ng solusyon." Kalma lang na sabi ni Karylle, na para bang kontrolad
"Karylle! Ang galing mo talaga! Si Mr. Tuazon? Grabe! Hawak mo na lahat! Diyos ko! Pakiramdam ko kaya kong mag-celebrate para sa’yo nang tatlong araw at tatlong gabi!" Halatang mas sabik pa si Nicole kaysa kay Karylle.Napangiti si Karylle at napailing. "Hindi ka ba napapagod?""Pagod? Paano ako mapapagod?!" Biglang tumingala si Nicole, puno ng sigla ang mukha. "Ngayon, may ipagmamalaki na ako sa mga kaibigan ko! Makikita nila kung gaano kagaling ang kaibigan ko. Aalagaan ako ng mga kapatid ko, at titingnan natin kung sino ang may lakas ng loob na galawin ako!"Napangiti si Karylle, halatang aliw sa sinasabi ni Nicole. Ngunit biglang nagsalita si Nicole, "Susunod, ikaw na ba ang mag-aasikaso sa iba pang bagay? Pero hindi pa magaling ang mga sugat mo!"Ngumiti si Karylle. "Tapos na ang negosasyon. Hindi ko na kailangang personal na mag-asikaso sa iba pang detalye. Kailangan ko lang itong i-report sa head ng department namin. Siya na ang bahalang mag-ayos ng lahat. At sa mga susunod pan