Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha.
Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.
“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.
Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong, habang pasimpleng tinitingnan si Harold.
Pilit na pinanatili ni Harold ang malamig niyang ekspresyon, pagkatapos ay tumingin siya kay Lady Jessa at sinabing, “I’m sorry, Grandma. Marami lang akong ginagawa nitong mga nakaraang araw.”
“Humph! Bakit ka ba ganyan?” sagot ni Lady Jessa. “Hindi ka na bata, Harold! Hanggang ngayon, wala pa rin akong apo sa tuhod mula sa inyo! Alam mo ba na may tatlong bagay na masama para sa pamilya? At ang hindi pagkakaroon ng anak ang pinakamasama!” dagdag ni Lady Jessa, seryosong nakatingin sa kanila.
Nang makita ni Karylle na tatayo na ang matanda, mabilis niyang inalalayan ito sa braso. Si Harold naman ay sinimangutan si Karylle, habang tahimik na nagmamasid. Nagmamadali ring lumapit ang mga katulong para ilagay na ang mga pagkain sa mesa nang makita nilang dumating na si Harold.
Hinila ni Lady Jessa si Karylle papunta sa dining table. “Halika na, kain na tayo! Kung ayaw niya, palabasin mo siya. Hindi niya na kailangan bumalik dito!” sabi niya nang pabiro pero halata ang inis. Lalo pang dumilim ang mukha ni Harold, ngunit wala siyang imik. Tahimik siyang naglakad papunta sa kanilang mesa at naupo sa harap ng dalawa.
Masayang tinulungan ni Lady Jessa si Karylle na kumuha ng pagkain, parang apo niya ito kaysa kay Harold. Samantalang si Harold ay tila nawalan ng gana. Paminsan-minsan lang niyang ginagalaw ang chopsticks niya. Napatigil ito at biglang tinanong ang kanyang lola “Bakit niyo po kami pinauwi bigla para sa dinner?”
Nang marinig ito ni Lady Jessa, lumalim ang kanyang paghinga. “Gaano na katagal mula nung huli kang bumalik? Halos di mo na ako nakikita! Ang lolo mo palaging nasa business trip. Ako na lang mag-isa dito. Hindi mo ba kayang samahan ang matandang tulad ko kahit saglit?” Lumalim ang galit sa boses ni Lady Jessa habang kinukuha niya ang mga pagkain, halatang inis na inis na siya. “Tandaan mo, Harold. Si Karylle ang asawa mo! Bakit kailangan mo pang habulin ‘yong babaeng ‘yon sa ospital? Hindi ka ba nahihiya sa pamilya natin? Ano na lang ang iisipin ng mga tao?” patuloy niya habang tumataas ang tono.
Biglang nagdilim ang mukha ni Harold at sumagot, “Lola, siya ang nagligtas ng buhay ko. Hindi ko siya puwedeng pabayaan.”
“Lifesaver? Ang lahat ng nakakakita alam na pineperahan ka lang niya! Isa siyang mandaraya, Harold!” Ang galit ni Lady Jessa ay mas lalong lumala.
Nanlamig ang tingin ni Harold kay Karylle. Nakita ito ni Karylle, at ngumiti siya ng sarkastiko. At naisip ni Harold na si Karylle ang dahilan kung bakit ganito na lang ang galit ni Lady Jessa sa kanya.
Noon, natatakot si Karylle na magkaroon ng maling akala si Harold sa kanya. Pero ngayon, ‘maling akala? Ano naman ngayon kung totoo ‘yon? Iniisip niya, ‘mawawalan ba ako ng halaga? Mawawalan ba ako ng parte sa buhay dahil dito?’
Napansin ni Lady Jessa ang mga mata ni Harold na nag-aapoy sa galit. “Ano ka ba, hindi si Karylle ang nagsumbong sa akin! Araw-araw kang nasa ospital, hindi mo na ako nadadalaw. Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari?”
Tahimik si Harold, iniipit ang mga labi, ngunit walang sinabi. Habang patuloy si Lady Jessa sa pagkukuwento, lalo lamang nitong kinokontra si Harold. Ang bawat sinabi ni Lady Jessa ay tila sumasampal kay Harold, at hindi siya nakatakas sa sermon ng matanda.
Si Karylle, sa kabila ng tensyon, ay nakaramdam ng kaunting kaginhawaan habang pinapakinggan ang usapan. Para bang lahat ng kinikimkim niyang galit at sama ng loob ay unti-unting lumalabas.
Matapos ang pagkain, nag-usap pa sila sandali ni Lady Jessa, at pagkatapos ay sabay na silang umalis ni Harold.
Sa totoo lang, may kaba sa loob ni Karylle. Hindi pa rin kasi alam ng matanda ang tungkol sa hiwalayan nila, kaya’t kailangan nilang magpanggap. Wala naman talaga siyang gustong gawin kundi ang umalis na, ngunit kailangan nilang magkunwari.
Nakatayo si Harold sa tabi niya, at nababakas ang hitsura niya na hindi maganda ang timpla ng mood nita. Bago pa man makapagsalita si Harold, narinig nila si Lady Jessa na nagsalita, “Bilisan mo, Harold, buksan mo ang pinto ng kotse para sa asawa mo! Wala ka talagang modo!”
Dumirecho si Harold sa kotse at binuksan ang pinto para kay Karylle, ngunit sa ilalim ng kanyang tahimik na mukha, naroon ang pag-aalinlangan at galit. Tahimik silang nagmaneho, walang imikan, habang si Karylle ay iniisip ang mga nangyari. Ang mga mata niya ay tumingin sa labas ng bintana, iniisip kung paano magpapatuloy ang kanilang buhay pagkatapos ng gabing ito.
Samantala, ang galit ni Lady Jessa ay patuloy pa rin. Hindi pa rin nito maintindihan kung paano nangyari ang mga bagay-bagay. Alam niya na mahalaga si Karylle, at alam niyang ang babae sa ospital ay hindi dapat pumasok sa buhay ng kanyang apo. Ngunit anuman ang gawin niya, hindi pa rin maayos ang sitwasyon ni Harold at Karylle.
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Pagkabalik sa bahay, dumiretso si Karylle sa banyo at naligo para marelax.Kahit dati siyang nakatira nang mag-isa, mas relaxed siya ngayon. Noon, palagi siyang nag-iisip tungkol sa lalaking iyon, pero ngayon ay nakakapag-focus na siya sa sariling career. Napaisip tuloy siya kung bakit niya sinayang ang oras at lakas sa lalaking iyon.Kahit medyo mababaw ang tulog ni Karylle, maganda ang pahinga niya, pero sa kabilang banda...may isang tao na hindi mapakali.Paglabas ni Harold sa bahay ng mga Bo, dumiretso siya sa kompanya. Nagtrabaho siya nang kaunti at nagpahinga, pero nang humiga siya, napuno ng imahe ni Karylle at ng pilya nitong ngiti ang isip niya.Biglang bumukas ang matalim niyang mga mata, at puno ng lamig ang mukha niya!Tumayo siya at inutusan ang assistant na tawagin ang mga tao para mag-video conference nang gabing iyon para ayusin ang trabaho.Hindi siya nakatulog buong gabi, at halata sa mukha niya ang inis at pagod.Tahimik na tahimik ang lahat sa video, at walang nagla
Bahagyang ngumiti si Karylle at itinama siya, "Ex-wife."Kahit gaano pa ka-kalmado si Mr. Handel, medyo nagulat siya, "Ex-wife?"Itinaas ni Karylle ang kanyang kamay, "Mr. Handel, ako si Iris. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Sana magkaintindihan tayo."Bilang Mrs. Sanbuelgo, ilang beses na silang nagkita.Pero bilang si Iris, ngayon pa lang sila nagkita.Nakipagkamay si Mr. Handel at may ngiti sa kanyang mga labi, "Bakit kaya nag-divorce si Miss Iris?"Medyo nagalit si Layrin, "Habang kumakain sa isang plato, iniisip naman ni MR. Sanbuelgo ang nasa ibang plato, Ms. Iris...""Layrin..." Pinigilan siya ni Karylle at binigyan ng senyas na huwag nang magsalita tungkol sa mga personal na bagay.Pagharap kay Mr. Handel, sinabi niya, "Mr. Handel, alam namin ang kahalagahan ng kasong ito para sa Alexander's, kaya hindi ito magiging biro. Puwede mong hindi paniwalaan si Karylle bilang ex-wife ni MR. Sanbuelgo, pero hindi mo puwedeng kwestiyunin si Iris, at wala akong dahilan para sirain an
"Mananalo tayo sa kaso."Mahina niyang sinabi ito.Pero naniwala si Alexander sa sinabi ni Karylle.At dahil do’n matalim niyang tinitigan ang magandang babae sa harap niya, at nanlilisik ang mga mata. Sinasabi ng iba na ang mga magagandang babae ay parang dekorasyon, pero tila ang isa ay nasa harap niya ngayon.Sa isip din ni Alexander na kung nagsasabi ng totoo si Iris, hindi siya dapat minamaliit. Tumango siya at mahina ring sinabi, "I will agree to the everything you say, as long as you will take care of my case."Ipinatong ni Karylle ang kamay sa mesa, at paminsan-minsang tinatapik ang mesa gamit ang hintuturo. Tumingin siya kay Alexander at ngumiti nang banayad, "I will, Mr. Handel—”“Please call me Alexander,” agad namang putol ni Alexander kay Karylle. Tumango at ngumiti lang din ulit si Karylle at nagsalita. “Narinig ko na sa loob ng sampung araw, may birthday party ang pamilya ni Mr. Sandejas."Tumingin si Alexander sa kanya, "Yes, that’s right."Bahagyang tumagilid ang ulo
Natahimik saglit si Karylle sa kabilang linya, hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander, nawala rin ang kanyang ngiti dahil do’n at nang mapansin iyon ni Layrin, bumaling siya kay Karylle at sumenyas na nagtatanong kung anong nangyari. Tumingin lang din si Karylle sa kanya at bumalik sa kausap sa telepono. “I’ll see you again, Mr. Handel. Good bye.” Hindi niya na inantay ang sagot ni Alexander, ibinaba niya na ang tawag. “He’s tough.”Agad niyang banggit. Napailing na lang si Layrin. Para sa kanya, isang pagkakamali kung magiging close sina Karylle at Alexander sa oras ng trabaho. Hindi magandang tignan din na magkakaroon ng personal na bagay na hahalo sa kaso. Kailangan mag-ingat ni Karylle. "Iris, I won’t get tired reminding you that this case is not a simple case, kung paano mo hinawakan ang mga kaso mo, alam natin pareho na iba ito. Please be careful with Mr. Handel, expert siya sa babae at kilala kita, matalino ka sa ibang bagay pero sa pag-ibig, ligwak ka. Please set aside t
Saglit na nagkaproblema si Adeliya sa kanyang naiisip, "Pwede ba iyon? Dahil dati dinadala niya lang si Karylle sa mga handaan, para ipakita sa harap ng lahat na mag-asawa sila, para makatulong sa plano nito sa negosyo. Kaya paano niya ako madadala sa party?” Kung si Karylle ay dinadala ni Harold para ipakita sa mga tao dahil asawa niya ito, ano pa siya na hindi niya pa matutumbasan ang kung anong meron kay Karylle noon dahil wala pa kahit isa sa pinangako ni Harold sa kanya ang nangyayari. Napangiti ng masama si Andrea, "Ibang-iba ang panahong ito sa nakaraan.”"Huh?" Litong-lito pa rin si Adeliya sa mga sinasabi ng kanyang ina. Hinila niya si Adeliya malapit sa kanya, "Anong status ni Karylle noon? Now that your father has robbed them of all their property, what else does she have? Hindi ba, wala na? Ngayon, ikaw na ang panganay na babae ng pamilya Granle, understand?!"Pero kung gano’n...... Hindi ako kayang tiisin ng mga tao dahil ako na ang bagong Lady Granle, di ba? Wouldn't t
Tumayo si Lady Jessa at humakbang papunta sa gilid ni Harold, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang balikat ni Harold, ramdam ni Harold ang sakit ng hampas ng kanyang lola na para bang hinampas siya ng isang baka: "Kaya pala masyado kang nanakit ng tao! Bastard! Get away from here, hurry up and bring back my good daughter-in-law!”"Lola, this time, nakapagdesisyon na ako." Hinimas ni Harold ang kanyang balikat na hinampas ng matanda at nakasimangot ang kanyang mukha habang sinasabi iyon."You! Gusto mo talagang nagagalit ako sa’yo?!"Magpapanggap na nahihilo ang matandang babae nang magsalita ito, ngunit agad na nagsalita si Master Joseph sa malalim na boses, "Sige, masama ang pakiramdam ng lola mo, aalisin ko muna siya.” Lumapit siya sa kanyang asawa at tumingin kay Harold. “You’re old enough to do your own thing. Ikaw na ang bahala."“Yes, Lo.”Mas lalong nagalit si Lady Jessa, tinignan niya nang masama ang asawa at bago pa siya makapagsalita ulit, hinila na siya
Naging malamig ang ekspresyon ni Harold, at alam niyang may pakana ang babaeng nasa harap niya ngayon. Tila hindi maaantala ang hiwalayan, kung hindi ay hindi niya alam kung gaano kalaki ang gulo ng ginawa ng kanyang lolo. Kaninang hapon, muntik nang pasabugin ng kanyang lola ang kanyang telepono. Bigla namang nagbago ang hitsura ni Adeliya, ang malamig niyang tingin ay mas lalong lumamig. Nagtataka siya kung bakit narito si Karylle. At nang bumaling silang dalawa kay Karylle, hindi maitanggi ni Adeliya na si Karylle nga ang kasama nila ngayon sa loob ng elevator na may kasamang lalaki. Huminga si Adeliya, itinaas ang kanyang mga labi, at mataimtim na sinabi: "Ate Karylle…it’s nice seeing you here.” Nakangiti si Adeliya, at lumapit pa siya kay Karylle para b****o. Tumingin naman si Karylle sa kanila na nakangiti ang mga mata at mahinahong sinabi. "Nagkataon lang. Like you, I just got invited to the fancy place.” Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. Who will invite her? Sa isi
"Noodles?""Hindi ka ba dapat nagpapahinga?"Bahagyang ngumiti si Alexander. "Mas mabuti pang makita ka kaysa magpahinga."Bahagyang pinagdikit ni Karylle ang kanyang mga labi. Sa usaping ito ng pakikipagkasundo sa pamilya Sabuelgo, darating ang araw na kakailanganin niyang magbigay ng paliwanag sa Handel Group. Hindi rin siya maaaring magkaroon ng alitan kay Alexander, kaya sooner or later, kakailanganin niyang ipaliwanag ang lahat sa kanya.Matapos ang saglit na pag-aalinlangan, sa wakas ay nagsalita siya. "Nasaan ka?""Nasa labas lang ako ng paliparan, malapit lang sa’yo. Hanap ka ng lugar, maghihintay ako."Sa totoo lang, siguradong alam na ni Alexander ang kasalukuyang
Nanlaki ang mga mata ni Adeliya, ngunit agad niyang ibinaba ang kanyang ulo upang walang makapansin.Hindi na ito pinansin ni Karylle, dahil alam na niya kung ano ang iniisip nito.Nang makita niyang gaya ng inaasahan ay hindi nagsalita si Adeliya, bahagya siyang ngumiti. "Kung talagang gusto mong manatili sa ganitong kalagayan, hayaan mo, pagbibigyan kita."Sa pandinig ng iba, tila ba puno ng panghihinayang ang sinabi ni Karylle, ngunit para sa tatlong taong kaharap niya, iba ang naging dating nito.Dahil iyon mismo ang iniisip ni Karylle—na manatili si Adeliya sa ganitong kalagayan habambuhay.Lalong pumangit ang ekspresyon ni Andrea. Malalim siyang huminga bago magsalita, "Karylle, paano mo nasabi 'yan? Magkapatid kayo!"Ngumiti si Karylle, ngunit malamig ang kanyang tinig. "Ganyan talaga ang mundo, Andrea. Survival of the fittest. Kung wala kang kakayahan, matutulad ka sa mga pinababayaan. Kung pinili ng pinsan kong magpakatamlay at magkulong sa sarili niyang mundo, hayaan na lang
Napailing si Karylle, habang si Nicole naman ay napangisi nang bahagya. Napaka-plastik talaga ng babaeng ito! Ang husay niyang magsinungaling nang diretso habang nakatingin sa mata ng kausap!"Hay… wala na akong magagawa. Bata pa ang pinsan mo, kung ganito siya habangbuhay, paano na ang magiging kinabukasan niya?"Lumapit si Karylle sa upuan malapit sa kama ni Adeliya at umupo. Tiningnan niya ito saglit bago ngumiti nang bahagya."Adeliya."Sa simpleng pagtawag na iyon, bahagyang gumalaw ang talukap ng mata ni Adeliya. Hindi ba nagre-record si Karylle? Bakit niya ito tinawag nang ganoon?Pero agad niyang naisip—wala naman nang pakialam si Karylle kung may recording pa o wala. Sigurado siyang hindi na ito magpapanggap.Gayunpaman, ang recording noon ay inilabas ni Harold, at kahit papaano ay naapektuhan din nito ang reputasyon ni Karylle. Ibig sabihin, hindi talaga gustong ipalabas ni Karylle iyon dati, hindi ba?Habang iniisip ito ni Adeliya, naramdaman niyang nakatingin sa kanya si K
Tumaas ang kilay ni Karylle at nagsalita, "Narito lang ako para bisitahin ang pinsan ko, anong problema?"Napangisi bigla si Nicole, "Ewan ko, pero parang hindi ka mapakali."Tahimik lang si Karylle, ngumiti at mukhang kampante. "Tara na."Tumaas din ang kilay ni Nicole at sumunod.……Sa mga sandaling ito, nasa loob na si Lucio ng kwarto ni Adeliya.Ang lugar na ito ay isang mental hospital. Natatakot si Andrea na baka seryosong nade-depress ang anak niya kaya sinasamahan niya ito, takot na baka may mangyari pa.Parehong nakatingin ang mag-ina sa katawan ni Lucio, at halatang hindi maganda ang ekspresyon ng mga mukha nila.Si Adeliya, na kanina pa tahimik, biglang hindi na nakapagpigil. Tinitigan niya si Lucio nang diretso. "Bakit? Bakit mo kailangang payagan si Karylle?! Kung pupunta siya, anong mangyayari sa hinaharap?"Mukhang hindi rin maganda ang pakiramdam ni Andrea, kaya seryosong tiningnan si Lucio at sinabing, "Hindi mo na pwedeng hayaan si Karylle na magpatuloy sa ganitong p
Sa ilalim ng matalim na tingin ni Myra, nagsalita na rin si Lucio, "Ginoong Sanbuelgo, masyado akong naging agresibo sa pagkakataong ito... Humihingi ako ng paumanhin at umaasa ako na mabigyan mo ng isa pang pagkakataon ang Granle."Talagang ibinaba ni Lucio ang kanyang pride.Kahit galit at puno ng sama ng loob, wala siyang magawa kundi magpakumbaba sa harap ni Harold.Tinitigan siya ni Harold nang malamig at sinabing kalmado, "Puwedeng magpatuloy ang kooperasyon, pero may mga kondisyon."Agad na nagpasalamat si Myra, "Maraming salamat po, Ginoong Sanbuelgo. Ano po ang inyong mga kundisyon?"Tahimik lamang si Lucio, ayaw na niyang magsalita.Malumanay na sinabi ni Harold, "Una, sa panibagong kasunduan, itataas ang kita ng Sanbuelgo ng isang porsyento, at ang tagal nito ay pansamantalang itatakda sa loob ng isang taon. Pangalawa, ang plano ni Karylle ay kailangang maging bahagi ng kooperasyon, at si Karylle lamang ang dapat na mamahala nito."Tulad ng napag-usapan nila sa pagpupulong,
Tumingin si Santino kay Karylle na tila nagtataka, ngunit agad na tumayo si Karylle at nagsabi, "Uncle, bihira kang makapunta rito sa bahay ko, kailangan mong maghapunan dito bago ka umalis.""Hahaha, hindi maganda ang kalusugan mo ngayon, at marami pa akong oras. Tsaka hinihintay na ako ng auntie mo sa bahay, sinabi kong uuwi ako para maghapunan. Kung may oras ka, ikaw na lang ang pumunta sa bahay."Ngumiti si Nicole, "Sige, uncle, umuwi ka na muna, magkikita tayo kapag may oras ulit."Hinaplos ni Santino ang ulo ni Nicole na parang naglalambing, "Ikaw, kulit! Samahan mo si Karylle at matuto ka sa kanya. Huwag puro gala araw-araw.""Aba, masipag na ako ngayon!" tugon ni Nicole na may pagmamalaki, sabay taas ng braso, "Tingnan mo ang mga muscles ko! Ako na ngayon ang personal bodyguard at yaya ni Karylle!"Biglang natawa si Santino at umiling nang bahagya, "Sige na, aalis na ako. Huwag kayong magpupuyat masyado.""Sige, uncle! Ingat po!"Wala nang sinabi pa si Santino at umalis.Pagka
"Sige, ipapadala ko sa'yo." Pagkatapos magsalita ni Karylle, binuksan niya ang WeChat at ipinadala kay Santino ang address.Ngumiti si Santino, "Sige, pupunta na ako diyan ngayon.""Sige."Pagkatapos nilang mag-usap sa telepono, lumabas si Karylle mula sa kwarto at nakita si Nicole na umakyat sa kama sa ikalawang kwarto. Halatang narinig niya ang pag-uusap ni Karylle."Ano’ng nangyari? Pupunta ba dito si Tito?"Tumango si Karylle, "Oo, pupunta siya para makita ako, at para pag-usapan din ang tungkol sa mga bagay sa kumpanya. Tingin ko, tapos na ang meeting at may mga bagong desisyon na.""Tsk, sigurado akong napagalitan si Lucio ngayon. Isipin mo, ang chairman ng bayan, pinagsabihan ng mga shareholders nang sabay-sabay! Ang saya siguro ng eksena. Sigurado akong ang sama ng mukha ni Lucio ngayon."Ngumiti lang si Karylle at nagkwentuhan pa sila saglit. Maya-maya, dumating si Santino, may dalang maraming prutas.Kinuha ni Nicole ito nang casual lang, at may makikitang kalayaan sa kanyan
Biglang tumahimik si Lucio, at pangit ang kanyang mukha.Sa mga ganitong pagkakataon, siya'y nawawalan ng boses.Tiningnan ni Santino si Lucio nang magaan, "Ginoo, sa kasalukuyang sitwasyon, ang tanging, pinakamainam na paraan ay para dalhin mo ang iyong asawa at pumunta sa pamilya Sanbuelgo upang humingi ng tawad."Walang tumutol.Ang mga tao ng pangkat ni Lucio ay hindi na nakatuon kay Lucio.Sa panahon ngayon, siyempre, ang mga interes ang nauuna, kung wala na ang mga interes, si Lucio ay wala ring halaga.Hindi, ang mga tao sa panig ni Lucio, may isang shareholder na mula sa faction ni Lucio na malamig na nagsabi, "Kung ito ay isang maliit na negosyo, hindi na natin kailangang bigyang-pansin ito, pero ngayon ang kabilang partido ay ang pamilya Sanbuelgo, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kita ng kooperasyon para sa ating kumpanya, kung mawawala sila, sa sitwasyong ito, sino ang magtatangkang makipagtulungan sa ating pamilya Granle, at ang makipagtulungan sa atin ay laban sa pa
Ang matinding titig ni Harold ay agad na tumungo sa mga mapanirang salita.Ang hangin sa buong silid ay lumamig na, ngunit ang kanyang dalawang kapatid ay matagal nang nasanay sa mga ganitong lalaki, at wala silang pakialam, kundi tumawa nang walang pag-aalinlangan.Roy nang walang takot na nang-asar: "Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? Kulang ka ba sa puso? Tama ba ako? Kapatid, medyo halata na sobrang exposed ka na, kahit na lumaki tayo na may suot na pantalon, hindi mo naman ako pinapakita ng malinaw, ayaw kong kumain ng wave ng dog food na ito, pero sobrang nag-aalala ka sa mga tao, pinapahalagahan ka ba nila?"ang tinatawag na pagpasok ng kutsilyo sa mga tadyang ng isang kapatid ay imposibleng mangyari, tanging ang tinatawag na pang-aasar at paghamak, ang pag-aaway ng magkakapatid ang pinakamasaya.Ang hangin sa silid ay tila mas malamig pa, malamig hanggang buto.Pumasok din sa kanyang mga tainga ang malamig na boses ni Harold."Ang plano ni Karylle ay isang magandang plano na