Saglit na nagkaproblema si Adeliya sa kanyang naiisip, "Pwede ba iyon? Dahil dati dinadala niya lang si Karylle sa mga handaan, para ipakita sa harap ng lahat na mag-asawa sila, para makatulong sa plano nito sa negosyo. Kaya paano niya ako madadala sa party?” Kung si Karylle ay dinadala ni Harold para ipakita sa mga tao dahil asawa niya ito, ano pa siya na hindi niya pa matutumbasan ang kung anong meron kay Karylle noon dahil wala pa kahit isa sa pinangako ni Harold sa kanya ang nangyayari. Napangiti ng masama si Andrea, "Ibang-iba ang panahong ito sa nakaraan.”"Huh?" Litong-lito pa rin si Adeliya sa mga sinasabi ng kanyang ina. Hinila niya si Adeliya malapit sa kanya, "Anong status ni Karylle noon? Now that your father has robbed them of all their property, what else does she have? Hindi ba, wala na? Ngayon, ikaw na ang panganay na babae ng pamilya Granle, understand?!"Pero kung gano’n...... Hindi ako kayang tiisin ng mga tao dahil ako na ang bagong Lady Granle, di ba? Wouldn't t
Tumayo si Lady Jessa at humakbang papunta sa gilid ni Harold, itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang balikat ni Harold, ramdam ni Harold ang sakit ng hampas ng kanyang lola na para bang hinampas siya ng isang baka: "Kaya pala masyado kang nanakit ng tao! Bastard! Get away from here, hurry up and bring back my good daughter-in-law!”"Lola, this time, nakapagdesisyon na ako." Hinimas ni Harold ang kanyang balikat na hinampas ng matanda at nakasimangot ang kanyang mukha habang sinasabi iyon."You! Gusto mo talagang nagagalit ako sa’yo?!"Magpapanggap na nahihilo ang matandang babae nang magsalita ito, ngunit agad na nagsalita si Master Joseph sa malalim na boses, "Sige, masama ang pakiramdam ng lola mo, aalisin ko muna siya.” Lumapit siya sa kanyang asawa at tumingin kay Harold. “You’re old enough to do your own thing. Ikaw na ang bahala."“Yes, Lo.”Mas lalong nagalit si Lady Jessa, tinignan niya nang masama ang asawa at bago pa siya makapagsalita ulit, hinila na siya
Naging malamig ang ekspresyon ni Harold, at alam niyang may pakana ang babaeng nasa harap niya ngayon. Tila hindi maaantala ang hiwalayan, kung hindi ay hindi niya alam kung gaano kalaki ang gulo ng ginawa ng kanyang lolo. Kaninang hapon, muntik nang pasabugin ng kanyang lola ang kanyang telepono. Bigla namang nagbago ang hitsura ni Adeliya, ang malamig niyang tingin ay mas lalong lumamig. Nagtataka siya kung bakit narito si Karylle. At nang bumaling silang dalawa kay Karylle, hindi maitanggi ni Adeliya na si Karylle nga ang kasama nila ngayon sa loob ng elevator na may kasamang lalaki. Huminga si Adeliya, itinaas ang kanyang mga labi, at mataimtim na sinabi: "Ate Karylle…it’s nice seeing you here.” Nakangiti si Adeliya, at lumapit pa siya kay Karylle para b****o. Tumingin naman si Karylle sa kanila na nakangiti ang mga mata at mahinahong sinabi. "Nagkataon lang. Like you, I just got invited to the fancy place.” Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. Who will invite her? Sa isi
Si Adeliya ay napasimangot, tinitigan si Karylle na parang nakatatandang kapatid na nag-aalala para sa nakababatang kapatid, at sinabi, "Karylle, maraming bagay ang mas mabuting sabihin nang direkta. Huwag ka nang maging matigas ang ulo lagi!"Lagi?Para kay Karylle, naglalaro na naman ng mga salita si Adeliya. Para bang sinasabi niya kay Harold na palaging may lihim na pakikipagtagpo si Karylle sa ibang lalaki at gumagawa ng mga bagay na nagtataksil kay Harold.Napansin ni Karylle ang lalong lumalamig na tingin ni Harold. Pinindot niya ang pindutan ng floor na pupuntahan nila at ngumiti, "Kung ayaw niyo talagang sumama, mauna na kami."Pagkatapos, pinindot niya ang button para isara ang elevator.Habang nakatingin si Alexander kay Karylle na tila aliw na aliw, wala siyang nakitang kakaiba dito hanggang sa tuluyang magsara ang pinto ng elevator. Napakagat siya ng labi sa gulat, "Ibig sabihin, lahat ng taon ng relasyon niyo ay palabas lang?"Bahagyang tumagilid ang ulo ni Karylle, "Mr.
Kumunot ang noo ni Karylle. Para bang nangyari ang klasikong “nagtagpo ang mga magkaaway sa makitid na daan.”Gusto sana niyang tanungin ulit si Harold kung kailan ito magpapakasal, pero parang sinasadya nitong biguin siya. Wala na siyang balak pang makipagtalo at nagpasya na lang bumalik sa kanilang silid-kainan.Pero––!Para bang umikot ang mundo niya. Bago pa siya makakilos, bigla siyang hinila ni Harold papasok sa isang bakanteng silid-kainan!Isinara nito nang malakas ang pinto!Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga pulso, at hindi siya makagalaw.Tinitigan niya ang lalaki sa harapan niya––isang taong halatang wala na sa tamang pag-iisip––kaya kumunot ang kanyang noo at nagbitaw ng mapanuyang ngiti: "Ano na namang drama ito, Harold?"Siya na rin ang may gustong makipag-divorce, siya na rin ang pumili kay Adeliya. Kaya bakit parang nagkakaganito ito dahil lang kumain siya kasama si Alexander?Halos mapaniwala siya ng sarili niya na baka may nararamdaman pa ang lalaking ito p
Si Harold ay bahagyang natigilan. Kaya sa pagkakataong iyon, bigla siyang nakawala kay Harold, itinaas ang kanyang binti, at tumarget sa pinaka-sensitibong bahagi ng lalaki!Mabilis na umiwas si Harold, ngunit ang litid sa kanyang noo ay biglang umumbok!"Karylle!" sigaw nito nang galit.Hindi niya akalain na magiging ganito katapang si Karylle at dadating pa sa puntong aatakehin siya.Napangisi si Karylle. "Mr. Sanbuelgo, naghihintay pa sa akin si Mr. Handel. Hindi ko hahayaang sayangin mo pa ang oras ko."Lalong tumindi ang pagtibok ng litid sa noo ni Harold, pero sa pagkakataong ito, hindi na niya ito muling hinabol. Ngayon, tila ibang tao si Karylle sa paningin niya. Ang babaeng nakasama niya sa nakaraang tatlong taon ay parang nagtatago ng ibang katauhan.Sigurado siyang ginagawa lang ni Karylle ito para makalusot!Ngunit hindi siya magpapadala! Alam niya ang laro nito at hindi niya ito hahayaang manipulahin siya.Patuloy niyang tinitigan si Karylle. Hawak na ni Karylle ang doorkn
Ngumiti si Alexander. "Siyempre, kung wala ka, hindi ko na itutuloy pa ang kasong ito."Ngunit hindi ang kaso ang tinutukoy niya.Alam iyon ni Karylle. Ibinaba niya ang hawak na baso at hindi tumingin sa lalaki. "Maliban sa kasong ito at sa banquet, wala na akong nakikitang posibilidad na makipagtulungan ulit sa’yo. Huwag kang mag-alala."Napataas ang kilay ni Alexander, nagulat sa kanyang matibay na pahayag. Kung hindi niya sinasabi ito nang galing sa puso, paano niya magagawang maging ganito katiyak? Ayaw lang ba ni Karylle na makita pa siya? Dahil ba baka masira ang mga plano nila ni Harold?"Mr. Handel, hindi mo na kailangang subukin pa ako. Matapos ang kasong ito, tuluyang magtatapos ang ating ugnayan."Pagkasabi nito, kinuha ni Karylle ang chopsticks at nagpatuloy sa pagkain, malinaw na ayaw na niyang pansinin pa si Alexander.Tahimik na pinanood siya ni Alexander. Walang bahid ng pagkakamali ang kilos ni Karylle mula simula hanggang dulo, kaya't natawa siya nang mahina. "Miss Ir
Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Adeliya, kunwaring hindi niya napansin ang mga tao sa paligid, at yumakap sa leeg ni Harold. Tumawa siya nang mahina, "Harold, nadapa lang naman ako. Hindi mo kailangang masyadong mag-alala sa akin. Kung hindi ka naniniwala, ibaba mo ako, makakalakad naman ako nang maayos."Tahimik na sagot ni Harold, "Magpacheck-up ka muna."Pagkatapos nito, mahigpit na niyakap niya si Adeliya at umalis nang hindi man lang tumingin kina Alexander at Karylle, na nasa di-kalayuan lamang.Puno ng sarkasmo ang tingin ni Karylle. Siguradong si Adeliya talaga ang mahal niya.Sa bawat pagkakataon na ganito, sobrang nagpapasalamat siya na sumuko na siya noon pa.Noong nasa coma si Adeliya, hindi nila magagawa ang ganitong klase ng paglalambingan.Ngunit iba na ngayon. Gising na si Adeliya, buhay at may damdamin. Malamang ay madalas nang magpakita ng pagmamahalan ang dalawa. Kung magpapakatanga pa siya tulad ng dati, malamang ay masasaktan lang siya ng husto ni Adeliya at masi
Matalino si Adeliya, at kadalasan, kahit hindi pa nagsasalita ang mga tao, nararamdaman na niya kung may kakaiba. Iyon ang ikinatatakot ni Andrea—ang katalinuhan ng sariling anak.Pinilit ni Andrea na panatilihing kalmado ang itsura habang sumagot, “Nagpapalinis lang tayo. Ayoko na kasi sa layout ng lumang bahay, gusto ko nang baguhin. Pagkatapos ng renovation, kailangan pa nating pabugahan ng hangin ‘yon, para mawala ang amoy ng pintura. Aabutin pa ‘yon ng ilang buwan, kaya dito muna tayo pansamantala.”Napakunot muli ang noo ni Adeliya. “Pero 'di ba bago pa lang ‘yung bahay na ‘yon? At ‘yung design, ikaw mismo ‘yung pumili nun dati. Bakit mo biglang gustong baguhin lahat?”Tinitigan niya si Andrea, pilit inaalam kung may tinatago ito.Hindi alam ni Andrea kung paano siya sasagot. Kaya sa huli, nakaisip siya ng palusot. “Eh kasi naman ‘yung assistant ng daddy mo, siya ‘yung kumuha ng contractor. Ang dami nilang nilokong part ng project—puro mumurahing materyales ang ginamit. Kaya ayo
“Ano 'yang suite na 'yan! Paano mo naisip na gusto kong makasama ka sa iisang kwarto?” inis na sambit ni Nicole habang napapangit ang mukha sa pagkainis. Halatang hindi siya sang-ayon.Sumimangot din si Roy. “Kung suite, bakit parang isang kwarto lang?” Hindi niya maitago ang inis. Si Nicole, tulad ng dati, ay prangkang magsalita. Pero sa harap ng maraming tao, basta na lang niyang binanggit ang gano’n? Nakakahiya. Gusto ba niyang mawalan ako ng dangal?Tahimik na lang ang receptionist. Nahihiya man sa tensyon sa harapan niya, wala siyang nasabi.Hindi na pinansin ni Nicole ang sinabing iyon ni Roy. Sa halip, hinarap niya ang front desk at mahinahong sinabi, “Puwede po bang magbukas ako ng ibang kwarto?”Muli, mahinahong sumagot ang receptionist. “Pasensya na po, ma’am. Fully booked na po kami. Kailangan po talaga ng advance reservation para makakuha ng kwarto.”Biglang lalong dumilim ang mukha ni Nicole. Napalingon siya kay Roy at pinanlakihan ito ng mata. “Alam mo nang pupunta ka ri
Sa pagkakataong ito, hindi na naisipan ni Karylle na umupo sa likod. Diretso siyang umupo sa passenger seat sa unahan.Bahagyang dumilim ang mukha ni Harold, pero wala siyang sinabi.Mahaba ang biyahe ngayon, kaya pagkapasok pa lang ni Karylle sa kotse ay pumikit na siya para subukang matulog.Ngunit ilang saglit lang, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang Telegram.May group chat iyon nila ni Nicole at ni Roxanne.Nicole: En, kasama mo ba ngayon si Harold?Napakunot ang noo ni Karylle. May nakakita na naman ba sa amin at ipinost online?Karylle: Oo, bakit?Roxanne: Bakit kayo magkasama? Work ba?Karylle: Oo, pupunta kami ngayon sa Rosen Bridge. May kailangan lang asikasuhin.Roxanne: Rosen Bridge? Ang layo niyan ah. Kayo lang dalawa?Nicole: Putik! Totoo nga! Hindi pala ako niloko ng hayop na 'yon!Kasunod nito, nag-send pa si Nicole ng picture na halatang may inis na caption.Roxanne: ???Karylle: ???Karylle: Kasama rin si Bobbie, FYI.Patuloy lang sa pagta-
Nagsimulang ilapag ng mga waiter ang mga pagkain sa mesa. Dahil naka-reserve na ito ni Bobbie bago pa man sila dumating, puwede na agad silang kumain pagkaupo.Pagbalik ni Bobbie matapos i-park ang sasakyan, agad niyang napansin ang seating arrangement nila. Napahinto siya at saglit na natigilan.Bigla niyang naisip, Aba, parang ayoko nang lumapit.Kabisado na niya ang mood ni Mr. Sanbuelgo. Sa tingin pa lang niya, alam niyang ayaw na ayaw ng boss niya na makisalo siya sa upuan ngayon. Ramdam niyang pinipigilan pa nito ang sarili.Pero bago pa siya makapagdesisyon kung babalik na lang siya sa sasakyan o tuluyan nang lalapit, nagsalita agad si Roy—na para bang palaging sabik sa gulo at hindi natatakot sa drama.“Bobbie, halika na! Umupo ka na, mabilis lang 'to. Kain lang tapos alis agad, time is tight and the task is heavy!” nakangising sabi nito.Napabuntong-hininga si Bobbie. Aba, kung hindi ba naman ako iniipit nito...Malinaw na si Roy ay nagpapasaya lang at sadyang ginagatungan an
Sa kabila ng lahat, nanatiling mabigat ang loob ni Karylle.Ang Rosen Bridge ay hindi ganoon kalapit. Bagama’t nasa loob pa rin ito ng Lungsod B, matatagpuan ito sa isang maliit na lalawigan na kailangan pang tawirin mula sa isang urban area papunta sa isa pa.Ibig sabihin, kung aalis sila sa hapon, malamang ay gabi na bago matapos ang inspeksyon, at posibleng kailanganin pa nilang mag-overnight doon.Dahil dito, naramdaman ni Karylle ang isang hindi maipaliwanag na inis.Pero dahil ito ay tungkol sa trabaho at bahagi ng kanyang tungkulin, wala siyang magawa kundi lunukin ang nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon o ihalo ang personal sa propesyonal. Kapag ginawa niya iyon, tiyak na iisipin ng iba na isa siyang maliit at pihikang tao. Sa kasalukuyang kalagayan niya—na pilit bumabangon muli para makuha muli ang kontrol sa Granle—hindi siya puwedeng magkaroon ng kahit kaunting kapintasan.Lalo na ngayong ang proyektong ito kasama si Harold ay isa sa pinakamahalaga sa kany
Itinutok ni Harold ang kanyang mata kay Karylle, kahit hindi siya nagsalita, ramdam pa rin ni Karylle ang matinding ironiya sa mga mata nito.Hindi pinansin ni Karylle si Harold at sa halip ay tumingin siya sa namumuno ng planning department na nagsalita."Ba't ninyo gustong magpalit ng trabaho?" tanong ni Karylle.Agad na sumagot ang head ng planning department, "Ganito po kasi, magkaibang mga kalakasan ng bawat isa, at ang cooperation plan po ay nagbago, kaya't pinili namin ang mga posisyon na akma sa amin."Isang matalim na tingin mula kay Harold ang tumama sa manager ng planning department, at malamig niyang tanong, "Ano ang resulta?"Dali-daling tumingin ang manager kay Karylle, hindi niya kayang tumingin kay Harold. Nang makita niyang nakasimangot si Karylle, agad siyang kinabahan.Naku!Pumait ang kanyang pakiramdam. Akala niya na ang mga pagbabago ay makakatulong para magustuhan siya ni Karylle at Harold, pero ngayon, parang napaglaruan lang siya ng sarili niyang kakulangan at
Napakunot ang noo ni Adeliya. “Alam ko,” maikli niyang sagot.Ayaw na sana niyang magtiwala sa taong iyon, pero hindi na rin niya kayang maghintay pa.Nang makita ni Andrea na naging mas mahinahon na si Adeliya, tumango ito. “Sige, hintayin na lang muna natin ang balita. Pag naayos na ang lahat, makakalabas na tayo agad ng ospital.”Tumango si Adeliya. “Hmm.”Mabilis lumipas ang araw, pero hindi alam kung ilang tao ang hindi nakatulog nang maayos.Si Karylle, ilang ulit nagising sa kalagitnaan ng gabi. Halatang hindi maganda ang lagay niya, at kung wala siyang alarm kinabukasan, siguradong malalate siya.Nang lumabas si Nicole sa kwarto, nadatnan niya si Karylle na kakatapos lang sa banyo. Ngumiti siya at kinawayan ito, “Morning, baby~”Pinilit ngumiti ni Karylle. “Morning. Mauna ka na maghilamos, ako na maghahanda ng breakfast.”Umiling si Nicole habang pinapakita ang hawak niyang cellphone. “No need, I already ordered. Papadeliver ko na lang.”Tumango si Karylle. “Okay, sige, mag-ay
"Mukhang gano'n na nga." Walang pag-aalinlangang sabi ni Jerianne, habang ang kanyang mga mata ay naglalaman ng malalim na pag-unawa. "Kung may ganitong tensyon sa lumang mansyon ng Sabuelgo family, malamang maraming hindi pagkakaunawaan at tampuhan sina Harold at Karylle."Napakagat-labi si Reyna, hindi alam kung ano ang sasabihin.Hinila siya ni Jerianne palapit at niyakap. "Anak, huwag mong pilitin ang sarili mong mag-isip ng kung anu-ano. Kung kaya mong ipaglaban, ipaglaban mo. Pero kung hindi na talaga kaya, matutong bumitaw. Yung paulit-ulit kang nasasaktan pero ayaw mong pakawalan—hindi ikaw 'yon. At ayokong mas lalo ka pang masaktan."Nanginginig ang mga labi ni Reyna, at dama niyang pati ang ina niya ay gusto na siyang sumuko.Pero hindi niya kaya.Napakabuting lalaki ni Harold...Sa isip niya, si Harold pa rin ang laman—ang pagiging maayos nitong tingnan, ang diretsong kilos, ang tapang, at ang matikas nitong tindig.Hindi niya matanggal sa isipan ang lalaki. Ang bigat ng pa
Napatawa si Karylle sa sinabi ni Nicole. “Grabe ka, hindi naman lahat ng lalaki ay scumbag. Marami pa rin diyan ang matinong tao.”Napabuntong-hininga si Nicole. “Well, sa panahon ngayon? Ilan ba talaga ang kagaya ni Christian? Sabihin mo nga, gaano karami sa kanila ang totoong maaasahan?”Biglang naging kumplikado ang tingin ni Karylle. Tahimik lang siyang napatingin sa malayo, pinipigil ang sarili. Hindi siya sumagot, bagkus ay pinagdikit lang niya ang mga labi at ibinaling ang tingin.Napansin agad ni Nicole ang pagbabago ng mood ng kaibigan. Parang nalamlam na naman si Karylle. Agad siyang natauhan—mukhang hindi niya dapat binanggit si Christian. Alam niyang may matinding guilt si Karylle kay Christian, lalo na’t may utang na loob ito sa lalaki.“Ay, sige na nga, huwag na natin pag-usapan ‘yan. Manood na lang tayo ng TV, gusto mo?” alok ni Nicole, pilit binabago ang tema ng usapan.Tumango si Karylle. “Sige.”Sa totoo lang, wala talaga siyang gana manood, pero dahil kay Nicole na