Ang isang papel na naglalaman ng divorce agreement ay itinapon sa harap ni Karylle, tumingin siya sa taong gumawa no’n.
“Gising na siya, at nangako ako sa kanya na hangga’t buhay siya ay hindi mapupunta ang position niya bilang asawa ko sa ibang babae,” seryosong sabi ng lalaki. Tinuro niya ang papel na itinapon niya sa lamesa, sa harap ni Karylle. “Pirmahan mo ito, this is our divorce agreement.” Inasahan na ni Karylle na mangyayari ang bagay na ito dahil buwan na ang nakalipas nang magising ang pinsan niya. Itinaas niya ang tingin niya sa lalaki at nagsalita sa mapait na tono. “Hindi ka pa rin naniniwala sa akin ngayon?” Umismid si Harold at umingin kay Karylle na hindi natutuwa. "Simula pa lang noong una hanggang ngayon, you’re a vain woman. Ano pa bang meron sa’yo na paniniwalaan ko?” Huminto siya sa pagsasalita at tumingin ng seryoso kay Karylle. "Huwag mo na akong paulitin, Kar. Sign this paper, and this villa will belong to you. Ito ang huling ibibigay ko para sa dignidad mo!" Sarkastik na tumingin si Karylle sa kanya. Natawa siya sa kanyang isipan dahil sa turan ni Harold. Kung ganoon, ayaw niyang walang matanggap si Karylle, kaya niya ibibigay ang villa? Para kay Karylle ay tila gusto niyang maniwala na nagpakita lang ng malasakit si Harold sa kanya…ngunit alam niyang hindi. Kinuha niya ang divorce agreement sa lamesa, nakita niya na nandoon na ang pangalan at pirma ni Harold, at sa kanya na lang ang kulang. Tila may bumara sa lalamunan ni Karylle, uminit din ang kanyang mata. Ngunit nanatili siyang kalmado Tumingin siya ulit kay Harold. “Papayag ba si Lola?” "Ano bang inaakala mo? Bibigyan ka ng unlimited na suporta ni Grandma?” Tumingin si Harold sa kanya na walang emosyon, "Alam mo kung bakit tayo kinasal, Karylle. Huwag kang sakim at huwag mong hayaan na magalit pa ako lalo sa’yo." Umismid si Karylle, "Ano bang pinagkaiba sa galit ka na sa akin at sa mas galit ka?" Mas lalong tinignan ni Harold ng masama si Karylle at sumigaw. "Karylle!" Kinuha ni Karylle ang ballpen na nasa lamesa lang din, "Okay, I'll sign this para matahimik ka na." Simula nang magising ang pinsan niya, nagpadala na ito ng maraming litrato kasama si Harold. Hanggang ngayon ay kumakapit pa rin siya sa pagmamahal na mali. Kaya ano pang silbi sa kasal na ito kung ipagpatuloy niya. Nilagyan niya ng ekis ang tungkol sa villa na inilagay ni Harold sa agreement at agad iniligay ang sarili niyang pangalan na hindi nagdadalawang isip. Tapos na ang tatlong taon na kasal. At simula rin ngayon, malaya na siya. Ibinigay niya ang agreement paper kay Harold pagkatapos niya itong pirmahan. "Give me an hour, I will pack up and leave." Kumunot ang noo ni Harold, umawang ang kanyang bibig. “Hindi ba ang usapan ay sa’yo ang villa ito. Hindi mo kailangan umalis.” ”No, tingin ko ay ang lugar na ito ay para lang sayo. " Karylle chuckled and said word by word: "It's all dirty." "Karylle!" Hindi pinansin ni Karylle ang galit na si Harold sa gilid niya, ang dating masunurin na asawa at mapagkumbaba ay tila nagbago ang pakikitungo kay Harold. Itinulak niya si Harold palabas ng pinto sa kwarto. Isang oras ang lumipas… Bumalik si Karylle sa ibaba, at wala na roon si Harold. Napatingin siya sa hawak niyang relo, isang Rolex men’s watch. Ito sana ang regalo na hinanda niya para kay Harold sa nalalapit na kaarawan nito. Habang tinitignan niya ito ngayon, mahahalata na kumikinang at mahal. Hindi siya nagdalawang isip na itapon ang relo na iyon sa basurahan. Umabot di kumulang isang daang dolyar na relo. Huminga siya nang malalim. Sa loob ng tatlong taon, trinato niya iyon na parang maamong aso. Simula ngayon, siya na lang mag-isa na kasama ang sarili niya. Nang makalabas siya sa villa, itinigil niya ang kotse niya at dumiretso sa sarili niyang villa. Ang villa na ito ay matagal ng binili, pero dahil nakatira siya sa Sanbuelgo family, hindi na siya nakabalik dito. Gulat naman ang mga katulong nang makita siya, agad silang pumila ng dalawang linya at sabay na binati si Karylle. "Hello, Mrs. Sanbuelgo!" Iniligay ni Karylle ang bagahe niya, at umupo sa sofa. Hinimas niya ang kilay niya at tinama ang sinabi ng mga katulong. “Hindi na Mrs. Sanbuelgo. From now on, you will call me Miss Granle.” Kung dati ay masaya siya sa titulo na meron siya noon bilang “Mrs. Sanbuelgo” ngayon ay tila nawalan na siya ng amor, ayaw niya na ulit marinig na tinatawag siya ng mga tao sa pangalan na iyon. Nang marinig ang sinabi niya, hindi na siya tinanong ng mga katulong pa kundi inulit lang ang pagbati sa kanya sa ibang pagtawag. Sa loob ng kwaro ni Karylle, tinawagan niya ang kanyang assistant na si Layrin. "How are you recently?" Nagulat naman si Layrin sa biglaang pagtawag ni Karylle. "Himala at napatawag ka? Anong nangyari?" "I'm divorced, pinakinggan ko ang sinabi mo. And I will focus on my career from now on." "What?" Layrin's voice exploded directly. "Oh my god, tama ba ang narinig ko?! Sa loob ng tatlong taon, halos naging ulirang asawa ka sa kanya, sinuko mo rin ang trabaho para maging full-time wife. Anong kulog ang tumama sa’yo ngayong araw na ito? Did you really divorce him? Are you kidding me?" Si Layrin ay assistant ni Karylle. Maliban sa kanya at sa isa or dalawang tao na kasama ni Karylle, walang nakakaalam na may pangalawang pagkatao na dinadala si Karylle, and that is… “And the Ace Lawyer Kris is finally back?!” sigaw ni Layrin sa kabilang linya. There is a popular saying on the Internet: Kris is second, no one is first. Ilang abogado ba ang tila kinakabahan sa tuwing naririnig ang pangalan niya. Nasa kalagitnaan pa ng gulat si Layrin sa narinig niya nang biglang nagtanong si Karylle. "Has anyone contacted me recently? Are there any interesting cases? Napakurap si Layrin, at sumagot na may pagka hinayang. “Yes, indeed, mayroong isa. At mataas din ang offer, pero kahit isa ay walang gustong kumuha sa kaso na ito, at ikaw…sa tingin ko rin ay hindi mo kukunin.” "Oh?" Ang boses ni Karylle, na kahit kailan ay hindi nagpapakita ng pagka-interesado sa isang bagay ngunit tila nagbago ito nang marinig ang sinabi ni Layrin. She became more interested.Ang sabi mo kahapon ay kahit ako hindi kukunin ang kaso, diba?” tanong ni Karylle, naglakad siya at umupo sa sofa, sa kabila ni Layrin. Tumango naman si Layrin bilang sagot. “Hmmm, let me hear about it,” dagdag ni Karylle. Nasa loob sila ng cafe."That's ......"Nang matapos ni Layrin sabihin ang sitwasyon sa kaso na iyon, ginalaw nang bahagya ni Karylle ang daliri niya na nakapatong sa kaliwang hita niya. Nanliit ang kanyang mga mata na tila ba sobrang interesado niya na sa kaso na binanggit ni Layrin. “It's a little interesting. Who are the two parties?”“Ikaw babae ka…I mean, wala ka namang mapapala kung aalamin mo pa.”Tinignan ni Karylle nang seryoso si Layrin na may pagtataka rin. Bumuntong hininga si Layrin at tumango, sinagot niya ang tanong ni Karylle. “Ang dalawang ito ay nangunguna sa industriya ng negosyo, and mas lalong lumaki dahil na rin sa pangalan nila. It is Mr. Handel, who wants to ask you for help, and his opponent is…”Huminga pa nang malalim si Layrin na tila b
Nang marinig ang sagutan ng dalawa, agad nabahala si Adeliya. Bumaling siya kay Harold na may pagalala at sinabi, “Babe, don’t be angry. Siguro ay may hindi lang siya naitindihan sa pagitan ninyong dalawa, huwag mo na siyang patulan and please, don’t hurt me.”Karylle looked at Adeliya with a bit of mockery, she never knew that her cousin was a drama spirit, and she was disgusted today.Bago pa makapagsalita si Harold, nagsalita muli si Karylle. “Hindi lang naman isang araw o dalawang araw pinagnanasaan ng mabait kong pinsan ang position ko bilang Mrs. Sanbuelgo, so it’s better for you to marry her as soon as possible para hindi na siya mag-aksaya ng oras na padalhan ako ng mga mensaheng ikakagalit ko in the future.”Nang marinig ni Adeliya ang salitang ‘mensahe’, nagbago ang kanyang reaksyon at agad na sinabi: “Karylle, ipinaliwanag ko na sa’yo ng maraming beses, I will not destroy your family; si Harold mismo ang nakaramdam na mabuti akong babae at he owe something to me. We really d
Tumango lang si Karylle na parang walang pakialam. “Hayaan mo na lang siya, mukha naman wala siyang balak na masama, baka nagkataon lang na nakasunod siyaat nasa iba ang pakay niya.” Pagkatapos ng nakakapagod na araw, nakatulog siya nang mahimbing sa gabing iyon. Dati ay nag-aalala at natatakot siya na mawala si Harold sa buhay niya, at ngayon ay nawala na nga ito sa buhay niya, pero tila ba nawalan siya ng isang mahalagang bagay. Napag-isipan niya iyon nang mabuti at tinanggap na lang kapalaran. ‘What I thought was a lonely pillow turned into a dreamless night.’ sa isipan niya. Pero kahit papaano ay nakaalis siya sa lalaking iyon. Maagang nagising si Karylle sa umagang iyon at sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-aalmusal. Nasa maayos ang isip niya ngayon, tumingin siya sa nakahandang breakfast na para sa kanya at napangiti. She likes Pinoy breakfast, an egg with omelet, sopas soup and a hot coffee, but Harold doesn't like it, he is used to American-style breakfast, so
Habang si Harold naman ay nakatingin sa relong hawak niya. Hindi niya gusto ang relo noong una at basta na lang itinapon sa sahig, kaya nasira. Gayunpaman, hindi niya magawang itapon ito nang tuluyan, kaya kinuha niya isa-isa ang mga parteng nabasag.Alam niyang sira ang relo, ngunit para bang may kakaibang naramdaman siya para dito na pumipigil sa kanya na iwan ito.Napansin ni Harold na may nanonood sa kanya. Paglingon niya, nakita niya ang malamig at walang pakialam na mga mata ni Karylle. Ngumisi siya ng mayabang at itinapon ang relo sa dressing table, na para bang wala itong halaga."Bakit mo nilagay ang sirang bagay na 'yan dito? Sa tingin mo ba ang bahay ko ay basurahan?" tanong ni Harold na puno ng hinanakit.Napapikit si Karylle bago sumagot, "Kung ayaw mo, itapon mo." At sinimulan niyang maghanap ng kuwintas sa paligid, hindi man lang siya tumingin kay Harold.Halos magdilim ang paningin ni Harold. Noong una, sobrang halaga ng relo na iyon para sa kanya, ngunit ngayon, parang
Narinig ni Karylle ang sinabi ng matanda, kaya't hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay at isang biglaang gulat ang bumalot sa kanyang mukha. Alam ba talaga ng matanda ang lahat?’ Nagtataka siya habang hinila siya ni Lady Jessa papunta sa isang upuan.“Wala kang dapat ikabahala!” madiing sabi ni Lady Jessa habang pinaupo siya. “Kung magtangkang manatili sa labas ‘yang Harold na ‘yan ngayong gabi, tiyak mapapahamak siya! Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan niya sa oras na sumuway siya sa akin!” dagdag pa niya, galit na galit.Bahagyang napapikit si Karylle, nanginginig ang pilikmata habang napagtanto niyang alam pala talaga ng matanda ang sitwasyon niya. Ngunit tila ang alam lang nito ay ang tungkol sa kanyang hirap, hindi tungkol sa kanilang paghihiwalay.Napansin ni Lady Jessa ang mukha ni Harold na tila puno ng lungkot at galit kaya’t nagsalita siya ng padabog. “Ano ba ‘yan, Harold! Kailangan ko bang magmakaawa para lang makauwi ka at sabay tayong kumain?” galit niyang tanong
Agad na napaangat ang tingin ni Karylle at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas na salita. Para siyang natuliro sa mga nangyayari. Samantala, si Harold, na may tampo sa mukha, ay naglakad papunta sa passenger seat at binuksan ang pinto para sa kanya. Nang mapansin ni Lady Jessa na nananatiling nakatayo si Karylle na parang nawawala sa sarili, agad niyang itinulak ito nang bahagya at nagsalita, "Anak, ano'ng ginagawa mo diyan? Sumakay ka na sa kotse!" Huminga nang malalim si Karylle at ngumiti nang may pilit. "Lola, gabi na. Mas mabuti pang bumalik ka na sa loob. Pauwi na rin kami." Alam niyang kailangan nilang umalis agad para makaiwas sa patuloy na pagkukunwari. Sa isip-isip niya, makakahanap siya ng pagkakataong bumaba ng kotse at mag-taxi na lang pauwi. Pero sa totoo lang, naiisip din niyang dapat na talaga siyang bumili ng sarili niyang kotse para hindi na siya umaasa sa iba. Tahimik lamang si Harold, ngunit kitang-kita pa rin ang galit sa kanyang muk
Pagkabalik sa bahay, dumiretso si Karylle sa banyo at naligo para marelax.Kahit dati siyang nakatira nang mag-isa, mas relaxed siya ngayon. Noon, palagi siyang nag-iisip tungkol sa lalaking iyon, pero ngayon ay nakakapag-focus na siya sa sariling career. Napaisip tuloy siya kung bakit niya sinayang ang oras at lakas sa lalaking iyon.Kahit medyo mababaw ang tulog ni Karylle, maganda ang pahinga niya, pero sa kabilang banda...may isang tao na hindi mapakali.Paglabas ni Harold sa bahay ng mga Bo, dumiretso siya sa kompanya. Nagtrabaho siya nang kaunti at nagpahinga, pero nang humiga siya, napuno ng imahe ni Karylle at ng pilya nitong ngiti ang isip niya.Biglang bumukas ang matalim niyang mga mata, at puno ng lamig ang mukha niya!Tumayo siya at inutusan ang assistant na tawagin ang mga tao para mag-video conference nang gabing iyon para ayusin ang trabaho.Hindi siya nakatulog buong gabi, at halata sa mukha niya ang inis at pagod.Tahimik na tahimik ang lahat sa video, at walang nagla
Bahagyang ngumiti si Karylle at itinama siya, "Ex-wife."Kahit gaano pa ka-kalmado si Mr. Handel, medyo nagulat siya, "Ex-wife?"Itinaas ni Karylle ang kanyang kamay, "Mr. Handel, ako si Iris. Ito ang unang beses na nagkita tayo. Sana magkaintindihan tayo."Bilang Mrs. Sanbuelgo, ilang beses na silang nagkita.Pero bilang si Iris, ngayon pa lang sila nagkita.Nakipagkamay si Mr. Handel at may ngiti sa kanyang mga labi, "Bakit kaya nag-divorce si Miss Iris?"Medyo nagalit si Layrin, "Habang kumakain sa isang plato, iniisip naman ni MR. Sanbuelgo ang nasa ibang plato, Ms. Iris...""Layrin..." Pinigilan siya ni Karylle at binigyan ng senyas na huwag nang magsalita tungkol sa mga personal na bagay.Pagharap kay Mr. Handel, sinabi niya, "Mr. Handel, alam namin ang kahalagahan ng kasong ito para sa Alexander's, kaya hindi ito magiging biro. Puwede mong hindi paniwalaan si Karylle bilang ex-wife ni MR. Sanbuelgo, pero hindi mo puwedeng kwestiyunin si Iris, at wala akong dahilan para sirain an
Narating na ng lahat ang kanilang destinasyon. Samantala, ramdam na ramdam ng mga basagulero at siga ang matinding sakit sa kanilang katawan. Ang ilan sa kanila ay halos hindi na makalakad, lalo na ang kanilang pinuno na si Manon. Kinailangan nitong sandalan ang dalawa niyang tauhan para lang makagalaw, at sa bawat hakbang ay tila nalalapit siya sa pagkawala ng ulirat.Habang naglalakad patungo sa presinto, nais sanang sabihin ni Manon sa mga pulis na may iniinda siyang karamdaman at kailangang dalhin sa ospital. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Karylle at makita niya ang malamig nitong tingin, napalunok siya at piniling manahimik.Pagdating sa presinto, agad na pinatugtog ni Karylle ang nairekord niyang usapan mula kanina. Sa isang iglap, lumabas ang lahat ng kabastusang sinabi ng mga siga, dahilan upang mas lalo silang kabahan. Samantala, ang dalawang pulis na nakikinig ay unti-unting sumimangot, tila lumalala ang inis habang pinakikinggan ang ebidensyang inilatag ni Kar
Sabay na tumingin sina Adeliya at Andrea sa cellphone, dahil pareho nilang alam na maaaring galing na naman ito sa misteryosong tumatawag.Tiningnan ni Adeliya ang screen at napansin niyang isang virtual call ito—walang lumabas na regular na numero ng cellphone.Saglit siyang nagdalawang-isip bago sinagot ang tawag, ngunit hindi siya nagsalita.Agad namang sumunod ang boses ng kausap—ang pamilyar na tinig na parang isang batang babae dahil sa voice changer."Nakita mo na ba sa internet?"Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Adeliya. Sandali siyang nag-isip bago marahang sumagot, "Oo, nakita ko."Tatlong salita lang ang kanyang binitiwan—hindi dahil wala siyang gus
Madiing nakakunot ang noo ni Adeliya, hindi nagsasalita.Lalong nakaramdam ng kaba si Andrea—"Nagsisinungaling ka ba sa akin?"Mariing ngumiti si Adeliya at sumagot, "Hindi ako ang gumawa. Sigurado akong hindi ako, pero... alam ko ang nangyari."Lalong napuno ng pagtataka si Andrea. "Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba pwedeng sabihin nang diretso? Pinapakaba mo lang ako!"Mariing pinagdikit ni Adeliya ang kanyang mga labi, halatang nag-aalangan magsalita.Pero hindi basta-basta palalampasin ni Andrea ang bagay na ito. Kilalang-kilala niya ang anak kaya mas lalong lumalim ang boses niya."Ako ang ina mo! Ano pa bang hindi mo pwedeng sabihin sa akin? May nangyari ba? May nakausap ka ba? Sabihin mo na, dahil kung hindi, baka ito mismo ang patibong ni Karylle laban sa’yo!"Napakurap si Adeliya, halatang tinamaan. Nag-alinlangan pa siya ng ilang sandali, pero sa huli, unti-unting ikinuwento niya ang nangyari noong araw na iyon.Noong araw na iyon, may inaasikasong bagay si Andrea kaya naiwa
Tumango lang ang dalawa at hindi na nagsalita pa, saka inihatid ang mga gangster papunta sa sasakyan.Dahil sa ingay ng sasakyan ng pulis…Bukod pa roon, dahil isang grupo ng mga tao ang sumakay sa police car—at isa sa kanila ay isang babaeng talagang kapansin-pansin—maraming nakakita at kumuha ng litrato.Sa loob lang ng ilang minuto, muli na namang naging usap-usapan ito sa internet.Maraming celebrity ang napansin na ang trending topic na binili nila ay hindi lang basta hindi umakyat, kundi naitulak pa sa gilid dahil dito. Dahil doon, hindi nila mapigilang mainis.Nang makita nilang si Karylle ang nasa tuktok ng trending list, pati na rin ang muling pag-usbong ng kasikatan nina Alexander at Harold na dati nang nawala sa hot search, lalo pang naging masigla ang usapan sa internet.Lahat ay nag-uusap nang walang tigil, tila ba tuwang-tuwa sila sa nangyayari. [Nakita niyo ba? Nakita niyo ba?! Si Karylle mismo ang dinala ng pulis! Sino kaya ang unang dumating—si Ginoong Sanbuelgo ba o
Ang mga nakahilata lang sa lupa at hindi gumalaw ay hindi na masyadong pinahirapan. Sa totoo lang, halos wala silang natamong matinding pinsala.Samantalang ang mga paulit-ulit na tinamaan at nakararanas ng matinding sakit sa katawan ay lihim na nainggit sa mga hindi lumaban.Ngayon lang nila naintindihan ang ibig sabihin ng "humiga na lang para manalo.""A-Anong balak mong gawin?!!"Habang palapit nang palapit si Karylle, halos mamatay sa takot ang kanilang boss. Nanginginig ang boses niya, halatang puno ng kaba.Bagama't gusto siyang ipagtanggol ng mga tauhan niya, wala ni isa ang gustong masaktan pa lalo. Wala ni isang tumayo para tumulong.Nakangising lumingon si Karylle sa ka
Napahalakhak ang iba, hindi mapigilan ang kanilang kasabikan."Boss, saan tayo pupunta mamaya?" tanong ng isa. "Dito ba sa eskinita? Hindi yata maganda ang tanawin dito, tapos ang dilim pa. Paano natin masisiyahan nang maayos? Hindi naman tayo puwedeng gumamit ng stun baton, di ba?""Oo nga, masyadong madilim dito. Nakakatuwa nga naman, pero paano kung masyadong malakas ang sigaw niya? Nasa downtown tayo, baka may makarinig at mapahamak pa tayo."Punong-puno sila ng sigla at pananabik, lalo na dahil ang babaeng nasa harapan nila ay isang alamat. Hindi lang siya maganda at may magandang katawan, pero siya rin ang dating babae ni Harold. Bukod pa roon, may misteryo sa pagkatao niya—na siyang lalong nagpapaakit sa kanila.Matagal na nilang pinagnanasaan si Karylle, pero hindi nila inisip na magkakaroon sila ng ganitong pagkakataon.Pero ngayon, iba na ang sitwasyon.Napakalaki ng ibinayad sa kanila ng nag-utos nito, at sinabi pang may kasunod pang gantimpala kung magpapatuloy sila sa pag
Noon, maraming babae ang nagtangkang lumapit kay Logan.Pero lahat sila ay tinanggihan niya nang malamig. Ang iba pa nga ay diretsong pinagsabihan at hindi na muling lumapit.Kaya nang dumating si Karylle noong nakaraan at mismong si Logan pa ang nag-anyaya sa kanya na maupo sa harapan nito, nag-usap pa silang dalawa nang matagal at tila maayos ang kanilang pag-uusap—maraming babae ang hindi mapigilang mainggit.Simula noon, ang mga babaeng may gusto kay Logan ay nananatili na lang sa bar at pinagmamasdan siya mula sa malayo.Hindi nila inaasahan na may koneksyon pala talaga sina Karylle at Logan. At ngayon, magkasama na naman sila!Ang daming babaeng namamatay sa inggit!Hindi nagtagal, nagsimula nang magbulungan ang iba."Hindi ba si Karylle Ann ‘yon?! Siguradong may namamagitan sa kanilang dalawa!"Isang babaeng kulay ginto ang buhok ang naglabas ng sigarilyo, sinindihan ito, at marahang bumuga ng usok bago nagsalita, "Nakakahiya kayong mag-react. Hindi niyo ba alam kung anong klas
Umiling si Roxanne, pilit na kinokontrol ang kanyang emosyon."Hindi, hindi kita sinisisi."Nagsalita siya nang may bahagyang paghikbi.Ngayong araw…Nasabi niya na ang lahat ng itinago niya sa loob ng sampung taon. Hindi niya inasahan na ang kanyang pag-amin ay mangyayari sa ganitong paraan—hindi direkta, ngunit sapat na upang maunawaan ito ni Christian.Hindi man nila ito tahasang binanggit, ngunit malinaw na ang lahat.Huminga nang malalim si Roxanne. "Pasensya na, hindi ko dapat ginawa ito."Agad na umiling si Christian. "Hindi, ako ang may kasalanan. Ako ang nagdala ng ganitong klase ng emosyon sa'yo ngayon."Muling umiling si Roxanne at bahagyang napabuntong-hininga. "Hindi mo kasalanan. Minsan kasi, ang damdamin ay mahirap kontrolin. Alam kong si Karylle ang mahal mo, pero hindi ko pa rin napigilang maramdaman ang nararamdaman ko."Sa pagkakataong ito, mas direkta na ang kanyang mga salita.Kanina, hindi ito tahasang sinabi ni Roxanne dahil may pag-aalinlangan pa siya.Pero nga
Bahagyang gumalaw ang malalim na mga mata ni Christian, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ni Roxanne ay may kakaiba sa tingin nito.Bahagyang pinagdikit ni Christian ang kanyang mga labi, hindi nagsalita, at tinitigan lamang siya na may halong pagkalito.Napabuntong-hininga si Roxanne at muling nagsalita. “May isang tao akong gusto, hindi kasing tagal kung paano mo minahal si Karylle… mas matagal pa nga.”Nabigla si Christian. “Ikaw?...”Gano’n katagal?May isang lalaking matagal na niyang gusto? Pero bakit hindi niya ito kailanman napansin?Kung matagal na niya itong gusto, siguradong isa ito sa mga taong matagal na nilang kilala.Ngunit kahit anong isipin niya, hindi niya maalala kung may lalaking madalas kasama si Roxanne o kahit sinong lalaking masyadong malapit sa kanya.Habang iniisip niya ito, muling nagsalita si Roxanne.“At higit pa riyan, araw-araw kong nakikita kung paano niya ipakita ang nararamdaman niya para sa isang babae… kung paano niya ito mahalin nang