"Alright, kung itutuloy pa rin ni Ryle ang panliligaw niya ay bakit ako aatras? sampung libong dolyar na ang nai-donate ng pamilya ko sa pamilya Alanis. I don't care kung hindi man ako manalo, ang importante ay susubok ako." pasigaw na sambit ng isang bisita. Makalipas ng ilang saglit ay ganoon din ang naging desisyon ng iba pa. Hindi nila hahayaan na magtagumpay nalang basta si Ryle. Lahat sila ay nakapagbigay na sa pamilya Alanis at hindi nila gugustuhing mapunta nalang iyon sa wala nang wala man lang silang napapala. Napabuntong hininga si Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukhang pinagmamasdan ang mga ito. Sila ang halimbawa ng mga isdang kumagat sa pain nina Dominica kaya ngayon ay nagkakagulo sila sa iisang buslo. Kahit gusto pa nilang kumawala ay mas pipiliin nalang nilang makipagsapalaran at hayaan ang kapalaran ang maghatid sa kanila pabalik ulit sa karagatan. Tiningnan niya sina Dominica. Gumaan-gaan na ang loob nito nang marinig ang desisyon ng mga bisita. Maki
Nanigas na lang sila sa kanilang mga kinatatayuan habang pinapanood ang pagsuntok na atake ni Ryle kay Daniel. Wala silang magawa kung hindi ang sigawan at kumbinsihin silang huminto.Umpisa palang ay mababatid na kaagad na nasasaktan si Daniel sa bawat suntok na natatamo nito kay Ryle kahit pa sinasalag nito iyon. Sadyang napakalakas ng binibitawang suntok ni Ryle."S-security! Bakit nagsisitayuan lang kayo? Do something!" bulyaw ni Dominica sa mga guwardyang hindi magawang makalapit kina Ryle. Tumawag ang isa sa mga ito ng back-up upang tulungan sila sa pag-awat sa dalawa.Sinubukan ni Ryle magkontra-atake ng sipa pero nanlaki nalang ang mata nito nang hindi man lang niyon nagawang maapektuhan si Ryle kahit pa hindi nito iyon sinalag. Nginisian lamang siya nito."I told you na hindi uubra sa'kin ang karate mo,"Muling sumugod si Ryle. Puro pag-atake lang ang ginawa nito kaya panay atras lang ang ginawa ni Daniel. Sinusubukan nitong ilagan ang mga atakeng iyon ni Ryle pero sadyang na
Nagulat ang lahat nang magawa ni Luke pahintuin ang suntok ni Ryle. Nagtataka pa ang ilan sa kanila kung paano niya nagawa iyon.Kahit na naiinis sina Dominica kay Luke ay hindi maiwasan ng mga ito na makaramdam ng pagkaginhawa dahil sa kanyang ginawa."T-thank God. I thought mamamatay sa bugbog si Mr. Ruiz ngayong gabi." saad ni Caroline.May gulat ding reaksyon si Daniel nang muli nitong idilat ang mga mata nito. Una nitong tiningnan si Ryle at nakita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa itsura nito. Napatingin siya kay Luke.'Siya ba ang nagpahinto ng suntok ni Ryle?' tanong nito sa isip."Kung ano man ang problema n'yo sa isa't-isa ay hindi magandang ideya na dito kayo magpatayan sa harap mismo ng mansyon ng pamilya Alanis. Hindi ko sinasabing gawin n'yo ito sa ibang lugar. Ang ibig kong sabihin ay ayokong ipinapakita n'yo ang karahasan n'yo sa harapan mismo ni Kina." seryosong wika lang ni Luke.Mariing tinitigan ni Ryle si Luke. Sa lahat ng naroon ngayon ay siya ang may pinaka
"W-why are you staring at us like that?"Hindi maintindihan ni Caroline nang bigla itong makaramdam ng panlalamig sa batok dahil lang sa pagtitig sa kanila ni Luke. Parang dumaloy pa iyon sa kanyang dibdib papuntang balakang hanggang tuhod. Ngayon ay gusto na niyong manginig."Thank you for stoping them. Ngayon makakaalis ka na." sambit ni Dominica. Hindi ito nagpatinag sa titig ni Luke. Parang wala lang ditong nakapang-insulto ito.Napabuntong hininga nalang si Luke. Hindi niya lubos maisip na ganito ang pag-uugali ng dalawa. Mabuti nalang at kahit kaunti ay hindi iyon namana ni Kina."No, he can't leave yet. Hangga't hindi ko pa nababali ang alinman sa mga daliri ng lalaking ito." Lumapit si Ryle sa kinatatayuan mismo ni Luke at nakipagsabayan ng titig. "Hindi ba't gusto mong sumali sa kompetisyon? Ngayon mo na umpisahan sa'kin."Namayani ang saglit na katahimikan bago nagsimula ang bulungan ng mga bisita."Nahihibang na ba siya? Talagang papatulan niya 'yang lalaking 'yan?""Pero n
"Hindi ako kontento sa sinabi mo," wika ni Luke kay Ryle bago balingan ng malamig na tingin si Dominica. "Gusto kong magmula mismo sa bibig ni Lady Dominica na papayagan niya akong sumali sa kompetisyon kapag natalo kita.""Hah! Sa tingin mo ba ay magagawa mo 'yon?"Gustong matawa ni Ryle sa sinabi ni Luke. Ang kanyang kundisyon ay kahit na magawa man lang nitong saktan siya ay papayag na siyang sumali ito sa kompetisyon. Sinong niyayabangan nito?"Fine. I will allow you to join the competition kapag nagawa mong talunin si Mr. Lucero." walang pagdadalawang-isip na wika ni Dominica. Sigurado naman ito sa magiging resulta ng laban.'You're just digging your own grave, stupid trash!' sambit pa nito sa isip pagkatapos ay napangisi."So that's it! Narinig mo namang payag si Lady Dominica," sambit ni Ryle. "Siguro naman ay kontento ka na ro'n. Gusto mo bang magsuot pa ako ng gloves para hindi ka masyadong masaktan?" pang-uuyam nito.Binalingan ito ni Luke ng tingin, nanatiling magkasalikop
Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ryle. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito. Gayunpaman ay wala itong magawa. Langgam lang ang pamilya niya kumpara kay Natalia."Ms. McCollin,"Mabilis na lumapit si Dominica sa kanila habang may pag-aalala sa mukha. Sinundan naman agad ito ni Caroline, Kina at Ferdinand."Anong ginagawa n'yo rito? Si Kina ba ang nagpapunta sa inyo?" dagdag na usisa ni Dominica, nagtatakang napatingin pa kay Kina.Tumaas ang dalawang kilay ni Kina sabay bahagyang nailing. Wala rin itong ideya kung bakit naroon si Natalia."Good evening, Lady Dominica. Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko rito,"Sa likod ng magalang na pagbating iyon ni Natalia ay napansin ni Luke ang pagkamuhing nakakubli sa tipid nitong ngiti. Mukhang para kay Dominica iyon."Oh it's actually fine. Kahit araw-araw ka pang pumunta rito sa'min ay welcome na welcome ka sa aming munting mansyon." malugod na saad ni Dominica."Actually kaya ako pumunta rito ay dahil gusto kong sunduin ang kaibiga
Naging mas mapusok at determinado pa ang bawat pag-atake ngayon ni Ryle kumpara kanina. Kahit na mismo ang mga nanonood ay ramdam nila kung gaano kalakas ang bawat pagsuntok nito.Oras na tumama ang kahit isa mang suntok nito kay Luke ay tiyak na malaking pinsala iyon. Lalo pa't mukhang ang kanyang ulo ang pinupuntirya nito.Nagsindi naman ng sigarilyo si Natalia habang inip na nakatingin sa ibang direksyon. Nakasandal ito sa mismong Ferrari na panregalo ni Ryle. Tumingin ito sa dalawang naglalaban pagkatapos ay nailing-iling."I can smell the stench of bad news miles away," usal nito sa sarili habang nakasunod ang tingin kay Ryle. "Unfortunately ay hindi 'yan uubra kay Luke. You're just going to kill yourself." dagdag pa nito.Nagpatuloy sa pag-ilag si Luke. Kasabay ng pag-iinit ni Ryle ay parang mas nakikita niya pa ang kakaiba sa pangangatawan nito. Parang unti-unting nagiging maputla ang balat nito pero hindi iyon mahahalata kapag may distansyang tiningnan dahil sa maputi si Ryle.
Kung anong ekspresyon ng mukha ng mga nanonood kanina nang itapon ni Luke si Ryle ay nasa ganoon pa rin silang estado ngayon. Pinulsuhan ni Luke ang leeg ni Ryle upang makasigurado. Nang maramdamang pumipintig naman iyon ay nakahinga siya nang maluwag. Tumayo siya at nagtungo sa kinaroroonan ni Natalia. "Mukhang nag-enjoy ka pa sa laban n'yo ah. You could've done it earlier with that strike." saad ni Natalia na saktong kakaubos lang ng hinihithit nitong sigarilyo. Itinapon nito ang upos sa patyo pagkatapos ay nagsimulang maglakad paalis. Tumingin muna si Luke sa kinatatayuan ni Kina na parang hinihintay ring tingnan niya ito bago siya umalis. Iniwanan niya ito ng matamis na ngiti saka marahang nagbaba-taas ang ulo bilang paalam. Ilang saglit pa bago tuluyang makakilos ang mga naiwan doon na gulat na gulat sa nangyaring laban. Dali-daling nagsilapitan ang mga bisita sa walang malay na si Ryle upang tulungan ito nang makabawi ng diwa ang mga ito. Parehas namang may gulat lang na rea
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg